~AUG 22 AT 8:43 PM~
Jervien: san kayo galing ?? hahahah
~AUG 23 AT 11:54 AM~
: Tambay lang sa bahay nila ahahaha
Jervien: ahh okay
: May sinalihan kang club??
Jervien: oo Kaila kc sumama ako sakanila
Jervien: hinde ko ma alala name ng club
: Ahhh ahahahaha
Jervien: anong oras pasok sa eca ??
: 1
: Sa room muna tas break
Jervien: ahh sige sige
: Nasa gc ung sched, eh
: Tignan mo na langgg
Jervien: sige sige
: Okiee
At dyan na natapos ang pagchachat namin ni Jervien sa oras na 'to. Papasok pa lang ako sa school pero isang sakay na lang ng bus… which means malapit na ako~
ECA day ngayon at excited na ako~! Nakasuot kasi ako ngayon ng PE uniform namin tapos ung club kase na sinalihan namin nila Christina, Juliana, Chin at Violado ay badminton. Nakakamiss lang maglaro ng badminton. Huli kong laro nun nung grade 10 ako, eh.
Okay. Bored na ako. Skip na natin sa part na kung san nasa classroom na kami nila Chin, Christina, Juliana at Violado. Pati na rin pala si Angelica kasi hinihintay niya si Harold bumalik galing sa meeting ng student government.
"Ung phone mo Ibon?"
Tanong agad sakin ni Violado pagka pasok na pagka pasok ko pa lang sa classroom namin habang tinitignan na niya ako. Nakaupo siya sa third row sa tabi ni Chin na roon talaga nakaupo.
"Ibon! May pagkain ka dyan?"
Tanong naman sakin ni Angelica habang naglalakad na siya papalapit sakin nang may malaking ngiti sakaniyang mga labi. Tumango na lang ako sakaniya, dahilan para agad siyang pumunta sa likuran ko at buksan na ung zipper ng bag ko.
"Bakit?"
Tanong ko kay Violado habang tinitignan ko na siya at naglalakad na ako papalapit sakaniya at si Angelica naman ay pumipili na ng biscuit sa bag ko.
"May ipapanuod ako sayo sa yt."
Sagot ni Violado sa tanong ko sakaniya habang nakatingin pa rin siya sakin.
"Kunin ko na 'to Ibon, ha~"
Nakangiting sabi sakin ni Angelica sabay pakita na nung biscuit na kinuha niya sa bag ko. Tumango na lang ako bilang sagot kay Angelica, dahilan para isarado na niya ung zipper ng bag ko.
"Ano?"
Tanong ko kay Violado nang mailapag ko na ung bag ko sa upuan na nasa harapan ni Chin habang tinitignan ko pa rin siya. Konti pa lang naman ung mga kaklase namin kaya pwedeng-pwede pang sakupin ang ibang mga upuan. Hehehe.
"Basta."
Sagot niya sa tanong ko habang tinitignan niya pa rin ako.
"Penge ako Angelica."
Sabi ni Chin kay Angelica na kinakain na ung biscuit na hiningi niya sakin kanina, dahilan para lapitan na niya ito at saka binigyan na ng biscuit.
"Ba't di sa phone mo?"
Tanong ko ulit kay Violado sabay kuha ko na ng phone ko sa bulsa ng jogging pants ko at upo na sa upuan na nasa harapan niya habang hindi ko pa rin inaalis ung tingin ko sakaniya.
"Tinitipid ko kasi ung data ko para maka gamit pa ako mamaya sa bahay, eh. Hindi naman kasi kami katulad niyo na may wifi sa bahay."
Sagot ni Violado sa tanong ko sakaniya habang patuloy pa rin niya akong tinitignan. Makes sense.
"Oh."
Sabi ko kay Violado sabay abot ko na sakaniya nung phone ko na kinuha naman agad niya habang si Angelica naman ay inabutan ako ng biscuit na hiningi niya sakin.
Let's skip this part. Ahahahahhahaha! Jump na tayo dun sa part na may ginagawa na kaming activities. Wala naman kasi kami masyadong ginawa habang nag-aantay sa sasabihin ng adviser namin, eh.
"Okay! Paki bigay na lang ang mga activity slips ninyo sakaniya and magpalit na kayo ng damit after bago tayo mag start!"
Sabi nung teacher na in charge sa badminton club sabay lakad na niya papunta sa iba pang teachers na in charge sa iba pang athletic clubs dito sa gym.
"Kanino raw?"
Tanong ni Christina samin sabay lingon na niya para tignan na kaming apat nila Chin, Juliana at Violado.
"Sakaniya."
Sagot ni Juliana sa tanong samin ni Christina sabay turo na sa estudyanteng babae na ginawang in charge nung teacher in charge. Habang busy na ung ibang ka club members namin na ibigay ang kani kanilang slips ay mabilis ko nang nilingon si Violado at…
"Violado, kumpleto mo na ba ung info dyan sa slip mo?"
Tanong ko sakaniya habang tinitignan ko pa rin siya at hawak ko na ung slip at ballpen ko.
"Oo."
"Patingin nga."
Sabi ko kay Violado, dahilan para ibigay niya sakin ung slip niya at nagsimula na akong magsulat sa sarili kong activity slip.
"Hoy, Yvonne… ba't ka nangongopya?"
Pangangasar sakin ni Chin nang makita niya akong nagsusulat sa slip ko habang hawak ko naman ung kay Violado.
"Chin naman, eh~"
Yan na lang ang nasabi ko kay Chin habang tuloy-tuloy pa rin ako sa pagsusulat sa slip ko.
"Ahahhaha joke lang. Patingin nga rin ako."
Natatawang sabi sakin ni Chin sabay sulat na rin niya sa sarili niyang activity slip.
"Ikaw rin pala, eh."
Pangangasar ko rin kay Chin nang matapos na akong magsulat sa slip ko, dahilan para ibigay ko na sakaniya ung activity slip ni Violado.
"Hindi ko alam ilalagay, eh."
Sabi sakin ni Chin habang nagsusulat pa rin siya at hawak na niya ung slip ni Violado.
"Ako rin, eh."
Natatawang sabi ko kay Chin habang pinapanuod ko na lang siya na magsulat sa slip niya.
"Iabot niyo na lang sakaniya ung slip ko, ha."
Sabi samin ni Violado habang bitbit na niya ung bag niya at pati na rin sila Christina at Juliana. Tumango na lang ako kay Violado bilang sagot ko sakaniya.
"Okay."
Sagot ni Chin kay Violado habang nagsusulat pa rin siya. Okay! Skip ulet kasi the whole time ay pinagod lang kami nung teacher in charge kaka workout! Saglit lang kami naglaro ng badminton at hindi worth it! Nakakainis! Fast forward na tayo sa breaktime na kung saan nagkita kami ni Ashley sa canteen.
"Hoy, Yvonne!"
Tawag sakin ni Ashley sabay sway na niya nung isang kamay niya pagka pasok na pagka pasok niya sa canteen kasama ung ibang friends niya sa section niya.
"Ashley!"
Nakangiting tawag ko sakaniya sabay lingon ko na sakaniya habang nakatayo ako sa likuran nila Violado, Christina at Juliana na bumibili pa. Si Chin kasi nag reserve na ng lamesa para makaupo kami.
"Anong club sinalihan mo, beh?"
Tanong sakin ni Ashley nang makatayo na siya sa tabi ko sabay hawak na niya sa braso ko habang ung mga kasama niyang kaibigan ay naghanap kaagad ng lamesa na mauupuan.
"Badminton. Ikaw?"
Sagot at tanong ko pabalik kay Ashley habang tinitignan ko pa rin namin ung isa't isa.
"HUMSS club. Naglaro lang kayo ng badminton?"
Sagot at tanong rin pabalik sakin ni Ashley. Alam kong nasa iisang building, iisang floor at iisang university lang kami pero bibihira lang kami magkita. Pwera na lang kung ung isa samin ay aabangan ung isa sa labas ng classroom. Wala lang. Dagdag ko lang ung info kasi namimiss ko rin siya.
"Hindi, teh! Pinagod kami kaka workout tapos saglitan lang kami naka paglaro!"
Reklamo ko kay Ashley habang magkadikit na ung kilay ko at nakanguso na ako dahil sa inis.
"Ay! Ahahahhaha! Ba't naman ganon!"
Natatawang sabi sakin ni Ashley sabay takip ng bibig niya gamit nung isa niyang kamay na pasway-sway lang.
"Kaya nga, eh!"
Pagsang-ayon ko kay Ashley habang nakanguso pa rin ako at tawa pa rin siya ng tawa. Singit ko lang 'to. Ahahahhaha! Fun fact tungkol kay Ashley. habit na niya ung pagsway nung kamay niya, eh! Sway ba tawag dun? Ung habit niya kasi sa kamay niya ano, eh… parang nagsasabi ung kamay niya ng 'halika rito may chika ako' or 'lumapit ka may ikekwento ako sayo'. Hindi ko siya pinopoint out dahil naiinis ako, ha. Nakukyutan lang kase ako~ Parang enchantment na niya ung habit niya sa kamay pag iaapproach ka niya. Un lang~!
"Ung sa club niyo ba? Ano ginawa niyo?"
Tanong ko kay Ashley sabay harap ko na sakaniya.
"Wala. Meeting lang. Discussion about sa activities for HUMSS week."
"Oh? Parang ang boring naman nun."