Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 41 - Milk Tea

Chapter 41 - Milk Tea

~AUG 22 AT 5:31 PM~

: Jerviennn

: Ung XX ko ahahahaha

Jervien: hinde okay lang wag mo na bayaran hahahaha

: Sira kinuha mo nga ung XXX kanina, eh ahahahaha

Jervien: binabalik ko sayo sabi mo wag na ehh hahahaha

: Ahahaha kasi nakakahiya

: Ako nag aya tas ikaw gumastos ahahahaha

Jervien: kamusta naman nung nakasama mo ako ?

: Masaya hehehe

Jervien: ahh hHahAha

: Ikaw ba???

Jervien: ewan ko hagahaha

: Ayy ahahahaha

: Next time ulet???

Jervien: ewan ko jahahaha

: Ahahahaha

: Tuesday ulet ahahahaha

: Arcadeee

Jervien: wala na akong pera

Jervien: para sa cine na yung natira hahaha

: Ako naman taya ahahahaha

Jervien: ano yun?

: Ako naman ung gagastos pang arcade

Jervien: nahilo ako sa ano yung walking dead hahahaha

: Ahahahaha

Jervien: sige subukan ko pag may time

: Pwede ka sa valen****a???

: Sigeee

Jervien: hahahaha

: Mas marami kasi arcade sa ms valen****a, eh ahahahahha

Jervien: ahh hahahaha

: Oo ahahaha

: Kasama ko ngayon best friend ko, eh

And… nag offline na siya…

"Sino kachat mo?"

Tanong sakin ni Lyka nang ilapag ko na ung phone ko sa maliit na lamesa sa harapan naming dalawa. Tinignan ko na siya at saka nginitian.

"Si ano… si Jervien. Classmate ko na crush ko rin."

Nakangiting sagot ko sa tanong sakin ni Lyka habang tinitignan ko pa rin siya. Bigla nang tinaas ni Lyka ung hintuturo niya habang nginingitian niya na rin ako. Lagot…

"Ayiiiiieeee!"

Sabi ni Lyka habang nakangiti pa rin at sinimulan na akong kilitiin sa tagiliran ko gamit ng dalawa niyang kamay.

"Ano ba… Ahahahha!"

Yan na lang ang nasabi ko habang tumatawa na ako at dinedepensahan ko na ung sarili ko sa pangingiliti sakin ni Lyka na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin.

"Teka! Iinom ako nung milk tea!"

Natatawang sabi ko kay Lyka habang patuloy ko pa ring dinedepensahan ung sarili ko sa attempt niya ng pagkiliti sakin. Ilang segundo pa ang lumipas ay tumigil na si Lyka at saka kinuha na ung milk tea niya sa lamesa, dahilan para kunin ko na rin ung milk tea ko sa lamesa at nung sumipsip na ako…

"Oh? Ubos na?"

Yan na lang ang nasabi ko sa sarili ko sabay tingin ko na sa milk tea ko habang nakataas na ang pareho kong kilay.

"Gusto mo pa ba?"

Tanong sakin ni Lyka nang mailapag na niya ung milk tea niya na kalahati pa lang ang bawas. Ba't ang bilis kong inumin ung milk tea ko?

"Oo. Sarap, eh~"

Sagot ko sa tanong sakin ni Lyka habang nginingitian ko na siya ng malaki at hawak pa rin ung ubos ko nang milk tea.

"Bili ulit tayo sa baba?"

Tanong ulit sakin ni Lyka habang tinitignan niya pa rin ako at ngumiti na siya sakin, dahilan para tumango ako sakaniya at mas lalu pang lumawak ung ngiti sa labi ko.

"Sige~!"

Masayang sagot ko sa tanong sakin ni Lyka sabay kuha na ng wallet ko na naka patong sa lamesa sa harapan namin saka tumayo na. Tumayo na rin si Lyka at sabay na kaming lumakad pababa ng hagdan.

"San punta niyo Lyka?"

Tanong ni tita kay Lyka nang makita niya kaming dalawa na bumaba sa hagdan, dahilan para mapatingin kaming dalawa ni Lyka sa puwestong pinanggalingan ni tita.

"Bibili lang po ulit ng milk tea si Yvonne."

Sagot ni Lyka sa tanong sakaniya ni tita sabay turo na niya sakin gamit ng hinlalaki niya habang nakatingin pa rin kaming pareho kay tita.

"Ahh, ganun ba?"

Yan na lang ang nasabi ni tita kay Lyka sabay tango na niya.

"Ah. Opo."

Sagot ko naman kay tita sabay ngiti ko sakaniya awkwardly. Opo. Awkward po talaga akong nilalang. Sinalo ko na rin po siguro un nung nagpa ulan ung universe ng awkwardness.

"Sige, dyan lang kayo sa gilid ng kalsada, ha~!"

Sabi ni tita saming dalawa ni Lyka habang nakatingin pa rin siya saming dalawa.

"Opo~"

Sabay na sagot namin kay tita sabay bukas na ni Lyka ng gate at lumabas na kami pareho sa compound nila.

"Anong flavor bibilhin mo ngayon?"

Tanong sakin ni Lyka habang naglalakad na kami papunta dun sa bilihan ng milk tea na pinag bilhan na namin kanina.

"Un ulet. Ang sarap, eh~"

Sagot ko sa tanong sakin ni Lyka habang kinukuha ko na ung ipapambayad ko sa wallet ko. Kaunting lakad pa ay nakarating na agad kami ni Lyka sa tindahan ng milk tea at buti andun lang ung tindera.

"Pabili po~"

Sabi ko habang tinitignan ko na ung tindera na nagsecellphone lang habang naghihintay ng customer niya.

"Ano un?"

Tanong ng tindera nang mailapag na niya ung phone niya sa lamesa sa loob ng tindahan at saka tinignan na kami ni Lyka.

"Isa pong cookies and cream, medium po, tsaka po wag na pong lagyan ng pearls."

Sagot ko sa tanong sakin ng tindera habang hawak ko ung pambayad at ung wallet ko.

"Kelan mo pa naging crush ung crush mo?"

Tanong sakin ni Lyka, dahilan para mapatingin ako sakaniya at nakitang nakatingin na rin siya sakin at nakangiti pa.

"Nung June ata or July. Hindi ko sure, eh. Pero nung Tuesday, nagpunta kami sa arcade."

Sagot at kwento ko kay Lyka habang nginingitian ko na siya pabalik. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon, eh. First time kase mangyari un sa buong buhay ko kaya paniguradong mahihirapan akong kalimutan ung araw na un.

"May kasama kayong iba?"

Tanong pa sakin ni Lyka habang tinitignan niya pa rin ako at ung ngiti niya ay lumaki na ng onti, dahilan para mas lalu ring lumaki ung ngiti ko.

"Wala. Kaming dalawa lang."

Sagot ko sa tanong sakin ni Lyka habang nakatingin pa rin ako sakaniya at malaki na ang ngiti ko.

"Ayiiee!"

Yan na lang ang nasabi ni Lyka habang hinahampas na niya ung braso ko dahil sa kilig.

"Aray!"

Natatawang sabi ko habang pinapalo pa rin ako ni Lyka sa braso, dahilan para tumigil na siya.

"Ay. Hahahahaha! Sowy~"

Sabi ni Lyka sakin habang hawak na niya ung braso ko na pinagpapapalo niya kani-kanina lang. Ahahahaha! Namiss ko talaga 'to.

"Isang cookies and cream na walang pearls, medium."

Sabi nung tindera nang mailapag na niya ung cookies and cream flavored na walang pearls at medium size na inorder kong milk tea sa counter.

"Thank you po~!"

Pasasalamat ko sa tindera nang maibigay ko na sakaniya ung bayad ko at saka kinuha ko na ung milk tea ko.