~AUG 20 AT 10:35 PM~
: Jerviennnn
: Di muna ako makakapagchat sayo ng ilang gabiii
: AHAHAHAHAHA kinukuha na ni mama phone ko pag matutulog na, eh
Jervien: Ahh sige sige hahhaha
: Papalamigin ko muna ulo nun ahahahaha
: May malaking kasalanan kapatid ko, eh
: Pati tuloy ako nadamay ahahahaha
Jervien: Hahahaha
: Sige tutulog na kami ahahahaha
: Sana maulit ulit ung kanina
: Nytnytttt
Dyan na natapos ang chat namin ni Jervien at kinuha na ni mama ung phone namin ng kapatid ko. Wala pa ngang isang buwan nahuli na agad ako ni mama na nagpupuyat.
Nakakainis naman! Tch! Kung kelan nakakapagpuyat na ako tas kapuyatan ko pa ung crush ko tsaka pa ako nahuli ni mama! Ano ba naman yan! Kasi naman, eh! Makatulog na nga lang!
Kaso nasasayangan ako, eh… Matagal ko na gusto magpuyat tapos may kapuyatan na ako… Argh! Ba't naman kasi ganun? Ayoko na! Matutulog na talaga ako! Kakairita, eh!
Kinabukasan, paggising na paggising ko ay bumangon na kaagad ako sa kama at saka kinuha ko na ung phone ko sa master's bedroom. Ano oras na ba? Ang init nang tignan sa labas tapos di pa rin ako ginigising ni mama.
Pag bukas ko ng phone ko, nakita kong 8:30 na ng umaga. H-ha?! 8:30 na ng umaga!? Ba't di man lang ako ginising ni mama!? Malelate ako neto! Ano ba naman yan! Nilapag ko na ung phone ko sa study table, dali-daling inipitan ung buhok ko, kinuha na ulit ung phone pati na rin ung bote ng tubig at saka mabilis nang bumaba para kumain na ng almusal.
"Ma!"
Tawag ko kay mama pagka babang pagkababa ko sa hagdan habang iniikot ko na ung paningin ko sa sala at sa kusina para hanapin siya.
"Oh!?"
Sabi ni mama nang sumilip na siya sa pinto na papunta sa dirty kitchen at garahe namin.
"Ba't di mo po ako ginising? Malelate po ako!"
Sabi ko kay mama habang tinitignan ko na siya at nakatayo na ako sa tabi ng coffee table namin.
"Ay, oo nga pala! Suspended klase niyo ngayong araw!"
Sagot naman sakin ni mama habang tinitignan niya pa rin ako at nakatayo pa rin siya sa labas. Suspended? Bakit kaya?
"Huh? Bakit po?"
Tanong ko na kay mama habang nakatayo pa rin ako sa tabi ng coffee table at hawak ko pa rin ung bote ng tubig at phone ko.
"Nakalimutan ko na, eh. Basta nakita ko un sa fb kanina."
Sagot ni mama sa tanong ko sakaniya sabay alis na dun sa pinto. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or ano dahil suspended ung klase.
"Ahh… okay po."
Yan na lang ang nasabi ko kay mama habang nakatayo pa rin ako sa sala sa tabi ng coffee table namin.
"Kumain ka na dyan ng almusal!"
Sabi sakin ni mama habang nasa labas pa rin siya.
"Opo!"
Sagot ko kay mama sabay lapag na ng bote ng tubig ko sa coffee table sa sala at saka naglakad na papunta sa dinning table. Ba't kaya suspended ngayong araw? Makakain na nga lang ng almusal.
Okay! Skip na nating 'tong araw na 'to kasi wala naman ako masyadong ginawa at wala ring ganap kaya ituloy na natin ang istoryang ito kinabukasan!
"Ibon! Bilisan mo! Halika rito!"
"May picture kayong dalawa, Ibon?"
"Kwento mo na Ibon, dali!"
Sunod-sunod na sabi nila Christina, Violado at Juliana sakin pagka pasok na pagka pasok ko pa lang sa classroom namin. Excited 'tong mga 'to, ah.
"Paupuin niyo muna ako! Kakarating ko pa lang, eh!"
Sabi ko sakanilang tatlo habang naglalakad na ako papunta sa first row kasi roon ung puwesto ko sa seat plan namin at doon na rin ako inaabangan nila Juliana, Christina at Violado.
"Bilisan mo! Kahapon pa kami nangangating malaman, eh! Di mo kasi kami chinat para ikwento ung nangyari!"
Pagmamadali sakin ni Violado habang nakatingin pa rin siya sakin at nakaupo siya sa puwesto ni Arvin. Nang makarating na ako sa puwesto ko ay inilapag ko na ung bag ko sa sahig at biga na akong hinawakan ni Violado sa braso saka pinaupo na.
"Aray naman!"
Sabi ko nang makaupo na ako sa upuan. Para namang tatakbo ako tapos hindi masakit un, ha! Pisti! Masakit kaya sa pwet un!
"Sorry! Dali! Ano nangyari?"
Sabi ni Violado sakin dahilan para mapatingin na ako sakaniya at saka tignan na rin sila Christina at Juliana.
"Ganto nangyari…"
Pag-uumpisa ko sa kwento ko sakanilang tatlo. Binitin ko na dyan kase alam niyo naman na ung nangyari, eh. Let's skip that part too, shall we?
"Uhm… Jervien."
Tawag ko kay Jervien nang makaupo na ako sa pinakang dulong kaliwa ng row namin na malapit sa bintana kasi nakaupo rin doon si Jervien kaso sa second row naman. Gets niyo ba? Hindi? Then never mind. Char. Bigyan ko na lang kayo ng illustration!
Bintana| | ako | upuan | upuan | upuan | upuan |
Bintana| | Jervien | upuan | upuan | Chin | upuan |
"Jervien."
Tawag ko ulit kay Jervien kasi hindi niya ako narinig. Naka earphones kasi parehong tenga, eh, tapos nagsecellphone pa. Malakas din ata ung volume. I dunno.
Hindi pa rin niya ako naririnig kaya kinalabit ko na lang siya, dahilan para mapatingin na siya sakin at tanggalin na niya ung earphone sa isa niyang tenga. OMG! Kinakabahan ako na kinikilig! Heart kalma ka lang! Kainis ba't bumilis bigla pagtibok mo, ha!?
"Eto nga pala ung bayad ko."
Sabi ko kay Jervien habang inaabot ko na sakaniya ung pera ko at tinitignan ko na siya. Aaahhhh! Heart kumalma ka! Please! Hindi naman tayo tumatakbo ngayon, eh!
"Okay lang."
Sabi sakin ni Jervien habang tinitignan na niya ako at hawak pa rin ang phone niya at ung earphone na tinanggal niya.
"Sige na, kunin mo na."
Sabi ko naman kay Jervien habang inaabot ko pa rin ung pera ko sakaniya at tinitignan ko pa rin siya. Pabilis ng pabilis ung tibok ng puso ko, ah! Ayaw maki cooperate ampotek!
"Kahit wag na."
Sabi sakin ni Jervien habang natatawa na siya at saka umayos ng pagkakaupo niya. Shoot… mas lalu pa talagang bumilis ung tibok ng puso ko. Onti na lang aatakihin na ako dito sa puso.
"Kunin mo na. Ikaw ung nagbayad nung Tuesday imbis na ako, eh."
Pamimilit ko kay Jervien habang nginingitian ko na siya awkwardly but with a hint of kilig. Hindi ko alam kung ano itsura nun pero un ung nararamdaman ko ngayon, eh. Hehehe~
"Sige."
Sabi na ni Jervien sakin sabay kuha na ng pera sakin.