Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 37 - Photo

Chapter 37 - Photo

Sinwipe na ni Jervien ung card and sadly… for one player lang pala ung isang swipe ng card. Siya na lang naglaro habang ako naman ay nanunuod lang at hawak-hawak ung crossbow.

"Gag-"

Sabi ni Jervien nang malapit na sakaniya ung mga zombies sa laro. Hindi na niya tinapos ung word. Cute. Napangiti na lang ako ng patago dahil kay Jervien habang pinapanuod ko pa rin siya maglaro.

Hindi ko napansin na medyo matagal na palang naglalaro si Jervien kasi masyado akong focus sa panunuod ng pag patay niya sa mga zombies. Sa tuwing may pagsabog na sound effect sa paligid namin dahil sa laro, medyo napapatalon na lang ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat.

Medyo awkward pa rin ung atmosphere na namamagitan saming dalawa ni Jervien kasi hindi pa rin ako nakakapag-adjust. Eto mahirap sakin, eh. Medyo matagal bago makapag-adjust. Naalala ko tuloy nung unang dalawang linggo ng grade 11 ko. Sobrang tahimik ko nun kasi sobra talaga akong naninibago.

Pagdating ata ng third or fourth week tsaka lang ako naging maingay, eh. Buti na lang dun sa loob ng 2-3 weeks na un kinakausap ako ni Mhenard na katabi ko, ni Pascual na nakaupo sa harapan ko, at ni Violado na nakaupo sa likuran ko. Meron din namang kumakausap sakin na katabi ni Violado sa likuran kaso malakas ung feeling ko na hindi kami magka kasundo. Ayoko na lang magname drop.

"Game over. Tara na?"

Tanong sakin ni Jervien sabay tingin na niya sakin at bitaw na nung crossbow. Tumango na lang ako sakaniya at saka lumabas na dun sa maliit na booth ng laro na un para makalabas na rin si Jervien.

Nagdadalawang isip ako ngayon kung magpipicture pa ba kami ni Jervien or hindi. Kasi naman si Violado, eh! Nung naglalakad na kami ay napalingon ulit ako sa loob ng arcade at nakita ko ung picture booth. Tara na nga lang! Tumigil na ako sa paglalakad at…

"Ah, Jervien. Pwede picture muna tayo?"

Tanong ko kay Jervien habang nakatingin na ako sakaniya, dahilan para mapatigil siya sa paglalakad at saka tinignan na niya rin ako.

"Saan?"

Tanong sakin ni Jervien habang nakatingin pa rin siya sakin. Agad ko nang nilingon ung photobooth so loob ng arcade dahil baka imbis na sagutin ko ung tanong sakin ni Jervien ay titigan ko na lang siya.

"Dun sa photobooth."

Sagot ko sa tanong sakin ni Jervien sabay balik ko na ng tingin ko sakaniya. Tinignan na rin ni Jervien ung photobooth na tinignan ko sa loob ng arcade at saka tumango na.

"Sige."

Sabi ni Jervien sabay lakad na papunta sa photobooth na tinignan ko sa loob ng arcade, dahilan para sundan ko na rin siya. Nang makarating na kami sa tapat ng photobooth ay tumayo na si Jervien sa tapat ng entrance ng photobooth at saka tinignan na ako.

"Ikaw mauna."

Sabi sakin ni Jervien nang makatayo na ako sa harapan niya habang tinitignan na niya ako. Pumasok na ako sa photobooth at saka naupo na, sumunod na rin si Jervien at naupo na rin sa tabi ko.

"Naka gamit ka na nito?"

Tanong sakin ni Jervien nang mai swipe na niya ung card para gumana ung photobooth. Tinignan ko na siya at saka nginitian awkwardly dahil first time ko lang maka gamit ng photobooth.

"Hindi pa, eh."

Nahihiyang sagot ko sa tanong sakin ni Jervien habang nginingitian ko pa rin siya awkwardly, dahilan para matawa na siya ng kaunti. Ilang saglit pa ay gumana na ung photobooth and may mga pagpipilian.

Hindi ko alam kung ano ang mga pinagpipindot ko dun but after a few minutes ay nagka countdown na ung machine para magtake ng picture namin ni Jervien.

In 3… 2… 1… smile! Pareho kaming nakangiti ni Jervien sa first photo namin and in three seconds ay magtetake ulit ng picture ung booth so agad akong nag peace sign and itinapat ko un sa bibig ko habang nakangiti pa rin ako at si Jervien ay nag peace sign na rin habang nakangiti rin siya, and in 3… 2… 1… done!

"Anong stickers gusto mo?"

Tanong ko kay Jervien sabay tingin ko na sakaniya habang naka ready na ung kamay ko na pumindot sa malaking screen nang tignan na rin ako pabalik ni Jervien at…

"Ikaw, kung anong gusto mo."

Sagot ni Jervien sa tanong ko sakaniya habang nakatingin pa rin siya sakin. Tinignan ko na ung malaking screen sa photobooth at saka nagsimula nang magpipipindot ulit doon.

After a few seconds na pagpipipindot ko dun sa screen ay pinrint na ung photo nung machine and… done! Lumabas na kami sa photobooth and kinuha ko na ung picture naming dalawa ni Jervien.

"Gusto mo?"

Tanong ko kay Jervien nang makuha ko na ung picture habang tinitignan ko na rin siya. Tinignan lang ni Jervien ung picture at saka tumingin na sakin.

"Sayo na lang yan."

Sagot ni Jervien sa tanong ko sabay lakad na papalabas ng arcade. More for me then hehehe. Agad ko nang sinundan si Jervien habang tinatago ko na sa loob ng bag ko ung picture naming dalawa.

"Saan mo gusto kumain?"

Tanong sakin ni Jervien nang maka sabay ko na siya sa paglalakad, dahilan para mapatingin na ako sakaniya.

"Kahit saan."

Sagot ko sa tanong niya sakin habang nakangiti na ako. Kahit saan basta kasama ka hehehe. So umikot ulit kami ni Jervien sa mall at nung nasa food court na kami ay nakakita ako ng Takoyaki! Kaso ang mahal… hindi kasya sa budget ko.

"Ang mamahal naman ng mga pagkain dito."

Yan na lang ang nasabi ko habang tinitignan na ung presyo ng mga pagkain dito sa food court. Saan kaya kami kakain ni Jervien? Not sure if narinig ni Jervien ung sinabi ko about sa presyo ng mga pagkain dito sa food court pero sana hindi niya narinig un.

After ng ilang beses naming pagsakay sa escalator ay nakasakay na kami sa last escalator bago mag ground floor and damn! May nakikita akong isang stall na punong-puno ng mga stylish denims! From the original color of denims to darker and lighter shades!

"Jervien, pwede tingin muna tayo ng mga damit?"

Tanong ko kay Jervien habang tinitignan ko na siya ng may malaking ngiti saking mga labi.

"Sige."

Sagot ni Jervien sa tanong ko habang tinitignan na niya ako. I'm getting excited~!