"Tara na."
Nakangiting sabi ko kay Jervien habang tinitignan ko na siya. Tumango lang sakin si Jervien habang nakatingin pa rin siya sakin at ako naman ay naglakad na papasok ng arcade at saka inikot na ung paningin ko roon. Maliit lang ung space niya pero maraming laro.
Dumiretso na ako sa counter kung saan maraming prizes at saka…
"Ate, saan po dito bibili ng tokens?"
Tanong ko dun sa ate girl na naka bantay dun sa mga prizes habang tinitignan ko na siya.
"Ay, hindi po tokens gamit dito."
Sagot ni ate girl na tinanungan ko habang tinitignan na niya ako. Napataas ako ng dalawang kilay at medyo nanlaki ang mga mata ko habang tinitignan ko pa rin si ate girl.
"Ano po?"
Tanong ko ulit kay ate girl habang nakataas pa rin ang pareho kong kilay. Nginitian na ako ni ate girl, lumingon sa kanan niya at saka tinuro ung isang machine sa dulo ng counter na binabantayan niya.
"Card po ung gamit dito at dun po kukunin."
Sagot ni ate girl sa tanong ko sabay balik na ulit ng tingin niya sakin habang nakangiti pa rin siya. Nilingon ko na ung machine na tinuturo ni ate girl at nakita ko sa peripheral view ko na nakatayo sa likuran ko si Jervien.
"Ah, sige po. Salamat po."
Pasasalamat ko kay ate girl nang binalik ko na ulit ang tingin ko sakaniya habang nginingitian ko na rin siya. Tinanguan na lang ako ni ate girl habang nakangiti pa rin siya sakin at saka hinarap ko na si Jervien na nakatayo pa rin sa likod ko.
"Dun daw."
Sabi ko kay Jervien sabay turo ko na dun sa machine na tinuro ni ate girl sakin kanina. Tinignan na ni Jervien ung tinuturo ko at ako naman ay naglakad na papunta dun. Sana kasya lang sa pera ko ung presyo nung card.
"Uhh…"
Yan na lang ang nasabi ko nang makita ang presyo ng isang card sabay tingin na sa wallet kong 150 lang ang laman. Opo. Hindi po kasya sa pera ko.
"Eto, oh."
Sabi sakin ni Jervien sabay abot ng pera niya sakin, dahilan para mapalingon ako sakaniya at panlakihan siya ng mata.
"Ah."
Sabi ko sabay kuha na ng perang binibigay niya sakin at saka binigay ko na sa machine ung pera, dahilan para maglabas na ito ng isang card. Kinuha ko na ung card galing sa machine, hinarap na si Jervien at saka binigay ko na ung card sakaniya.
Ano ba naman yan Ibon! Nakakahiya! Ikaw nag-aya kay Jervien na magpunta sa arcade tapos siya tuloy 'tong nagbayad kasi kulang ung dala mong pera! Dapat ikaw ung magbabayad kasi pinilit mo lang si Jervien, eh!
"Ano gusto mong unahin?"
Tanong sakin ni Jervien habang hawak na niya ung card at tinitignan na niya ako, dahilan para ikutin ko nanaman ulit ung paningin ko sa loob ng arcade.
"Hmm… un kaya."
Sagot ko sa tanong sakin ni Jervien habang nakatingin na ako sa isang laro na may upuan na pang bata talaga tapos malaking screen at may dalawang water gun. Dahan-dahan ko nang tinignan si Jervien at nakita ko na nakatingin na rin siya dun sa tinitignan ko kanina.
"Sige."
Sabi ni Jervien sabay balik na ng tingin niya sakin. Nginitian ko na siya at saka naglakad na ako papunta sa larong nakakuha ng atensyon ko. Nang makarating na ako dun ay agad akong tumingin sa likuran ko para tignan si Jervien.
"Upo ka na."
Sabi sakin ni Jervien habang nakatingin na siya sakin, dahilan para sumunod naman ako at naupo na sa pambatang upuan sa pambatang laro na 'to. Naupo na rin siya sa tabi ko at saka sinwipe na niya ung card sa swipe card at nagstart na ung laro.
Focus lang kaming dalawa sa paglalaro nang biglang nahirapan akong kontrolin ung water gun na gamit ko at nung napa hatak ako ng sobra sa water gun ay may napatalsik akong tubig na lagpas sa screen ng laro.
Hala! Napatalsik ko sa kabila ung tubig! Sana walang natalsikan nun! Kinakabahan ako baka may biglang sumugod samin, eh. Bahala na! Sana walang sumugod! Tutuloy ko na lang ung paglalaro ko kasama si Jervien.
Nang matapos na kaming maglaro ni Jervien sa water blaster zombie keme na laro na un ay umikot-ikot muna kami saglit dito sa loob ng arcade. Tingin-tingin sa mga claw machines na may mga cute na stuff toys sa loob, tapos naglaro na ng basketball si Jervien habang pinapanuod ko lang siya.
Wow… ba't ang lakas ng datingan nitong lalaking 'to? Like wtf? Sa mga stories ko lang nae-encounter ung mga ganitong klaseng lalaki, eh. O di kaya nakikita ko lang sa mga kpop idols. Hindi lang po ako makapaniwala na ung type kong lalaki ay nakatayo na sa harapan ko at naglalaro ng basketball dito sa arcade.
Gusto ko siyang maging sakin at gusto ko rin na maging kanya ako. Pero siya na rin may sabi sakin sa chat na wala akong aasahan sakaniya. Hayy… di bale. Kaklase ko naman siya, eh.
"San sunod mong gusto?"
Tanong sakin ni Jervien nang matapos na siyang maglaro ng basketball, dahilan para bumalik na ulit ako sa realidad at saka nginitian ko na siya.
"Ikaw, kung san mo gusto."
Sagot ko sa tanong sakin ni Jervien habang nginingitian ko pa rin siya.
"Tingin tayo sa labas."
Sabi sakin ni Jervien sabay lakad na papalayo, at eto naman ako… sunod kaagad sakaniya. Oo nga pala, di pa pala namin tinitignan ung mga ano sa labas. Nung makalabas na kami ni Jervien sa arcade ay may isang laro ang nakakuha sa atensyon naming dalawa.
"Gusto mo maglaro dito?"
Tanong sakin ni Jervien nang makatayo na kami sa tapat ng laro na un habang tinitignan na niya ako. Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong sakin ni Jervien habang tinitignan ko na siya nang may ngiti saking mga labi.
Hulaan niyo kung anong laro ung nakakuha ng atensyon naming dalawa ni Jervien. Walking Dead. Hehehe. Nauna na siyang naupo at ako naman ay sumunod na rin. Tagal ko na gustong gumamit ng crossbow kahit sa laro lang.
Sinwipe na ni Jervien ung card and sadly… for one player lang pala ung isang swipe ng card. Siya na lang naglaro, habang ako ay nanunuod lang at hawak-hawak ung crossbow.