Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 9 - Getting to know him

Chapter 9 - Getting to know him

Andito na kami sa labasan at pasukan ng Reshif Mall and what a blessing! Sila Morris, Juliana at Violado ay sabay-sabay na uuwi dahil pare-pareho sila ng way. So that means…

"Ibon, alam mo naman na ung sasakyan niyo ni Jervien pauwi diba?"

Tanong sakin ni Violado habang nakatingin na siya saming dalawa ni Jervien dahil magkatabi na kaming nakatayo. Tinignan na rin ako nila Juliana at Morris, dahilan para tumango na ako kay Violado.

"Para namang hindi ako nakapunta sa bahay niyo ni Juliana dati, ah."

Natatawang sabi ko kay Violado habang tinitignan ko na silang tatlo nila Juliana at Morris. Nung nasa hagdan na kami pababa ay agad na napatigil kaming lima dahil…

"Hala! Umaambon!"

Sabi ni Juliana habang nakatingin na sa makulimlim na langit. Tinignan na rin naming apat nila Jervien, Morris at Violado ang langit at agad na kinuha ang sarili naming mga payong sa mga bag namin.

"May mga payong kayo?"

Tanong samin ni Violado matapos niyang buksan ung payong niya na nawala at na ibalik naman na niya kanina. Binuksan na ni Juliana ung payong niya at ganun din sila Morris at Jervien. At shempre nahuli akong buksan ung akin dahil mabigat ung bag ko at ang hirap saraduhin ng zipper. Nakakainis naman 'tong zipper na 'to!

"Meron~!"

Sagot ko sa tanong ni Violado nang mabuksan ko na rin ung payong ko. Ilang saglit pa ay tinignan na ako ni Juliana at saka tinuro na ung sakayan ng jeep na malapit sa kinatatayuan naming lima.

"Dun ung sakayan ng jeep Ibon, ha."

Sabi ni Juliana sakin sabay baba na ng kamay niya na nagturo sa sakayan ng jeep sa harap ng mall. Tumango na lang ako, nginitian na silang tatlo nila Violado at Morris at saka kinawayan na sila.

"Ingat kayo sa pag-uwi~!"

Paalam ko kila Juliana, Morris at Violado habang kumakaway pa rin ako sakanila nang may ngiti saking mga labi. Kinawayan na rin nila ako pabalik nang may ngiti sakanilang mga labi.

"Ingat din kayo~!"

Sabay-sabay na paalam nila Juliana, Morris at Violado saming dalawa ni Jervien habang nakatingin na sila saming dalawa at may ngiti pa rin sakanilang mga labi.

"Ingat."

Paalam naman ni Jervien sakanilang tatlo, dahilan para agad akong mapatingin sakaniya at nakitang nakatingin siya kila Morris, Juliana at Violado. Nung nagsimula nang maglakad papalayo ung tatlo ay naglakad na rin kami ni Jervien at bumaba na sa hagdan saka agad na sumakay sa jeep nung may tumigil sa tapat ng Reshif Mall.

Nung nakasakay na kami sa jeep ay nakaupo ako sa likuran ng driver at katabi ko siya. Help me. Sa tingin ko onti na lang sasabog na ung puso ko. Siksikan sa jeep and ghad! Nararamdaman ko ung denim jacket ni Jervien! Ba't ako nagkakaron ng goose bumps kahit na nagdikit lang ung skin ko at ung denim jacket niya?

May problema na talaga sayo, Yvonne. Ba't ba natataranta ka sa tuwing malapit sayo si Jervien? Ganito ba talaga pag may gusto ka sa isang tao? Hindi mo alam kung anong gagawin mo pag kasama mo sila? Hindi naman ako ganto sa mga nagustuhan ko dati, eh. In fact, kalmado lang ako nun kahit na maka tabi ko pa sila or whatever.

Nung nagsi babaan na ung ibang pasahero ay nagkaron na kami ni Jervien ng space sa pagitan naming dalawa. Habang nasa byahe pa kami ay tinignan ko na siya at…

"Jervien, first time mo lang ba makapunta sa Reshif Mall?"

Tanong ko kay Jervien habang tinitignan ko na siya na nakasilip sa bintana ng jeep, dahilan para mapatingin na siya sakin. Damn, that cold look! Sa buong buhay ko ngayon pa lang ako nakawitness ng real-life cold look! Oh my ghad! Nanggaling ka ba sa comics? O kaya sa stories? My ghad! I am so blessed right now!

"Oo, ikaw?"

Sagot at tanong pabalik sakin ni Jervien habang tinitignan pa rin niya ako. Oh my god, Yvonne! Umayos-ayos ka sa harapan ng crush mo! Kaya hanggang ngayon wala pa ring nagkakagusto sayo, eh! Kaya hanggang ngayon wala ka pa ring boyfriend, eh!

"O-oo, pero matagal ko nang alam un kasi ano… palaging kinekwento samin ni Violado ung mall na un."

Sagot ko kay Jervien habang pinipilit ko ung sarili ko na hindi tumitig sa tired beautiful eyes niya. Bakit? Kasi mapupunta lang sa mga mata niya ang lahat ng attention ko at hindi na ako makakapag salita pa pag nagka taon.

"Ahh."

Yan na lang ang nasabi ni Jervien sakin habang tinatanguan na niya ako at sabay tingin na ulit sa bintana ng jeep. I'm saved for now… pero gusto ko pa siyang kausapin!

"May mga kapatid ka?"

Tanong ko pa ulit kay Jervien habang nakatingin pa rin ako sakaniya. Tinignan na niya ulit ako and damn. Ilang tingin pa namin sa isa't isa magwawala na ako dito nang wala sa oras. Heart, kumalma ka lang please? I need you to cooperate and help me out here!

"Meron."

"Ilan kayong magkakapatid?"

"Lima."

"Pang-ilan ka?"

"Pangatlo."

"Ba't pala ang tahimik mo sa classroom?"

"Wala lang."

"Ayaw mo ba nang may kausap?"

"Hindi naman."

"Ano lang?"

"Pag interesado silang kausapin ako."

"Ahh."

Yan na lang ang tangi kong nasabi kay Jervien habang tumatango-tango na ako matapos naming mag-usap dahil nasa babaan na kami. Nung makababa na kami ay naglakad pa kami papunta sa sakayan namin pauwi.

"Ang daming tao, noh?"

Tanong ko kay Jervien habang nakatingin kami sa paligid at hawak namin pareho ang payong namin.

"Oo. Ang traffic nga din, eh."

Sagot ni Jervien sa tanong ko, dahilan para mapatingin ako sakaniya at nakita ko na nakatingin na pala siya sa kalsada. Ilang saglit pa ay binuksan na niya ung payong niya dahil umaambon nanaman ulit. Nung titingala na sana ako para tignan kung abot ba sa nilalakaran namin ung bubong ng mall ay nakita ko ung payong niya na nakatapat din sakin at hindi lang sakaniya.

My… eto… eto ung first time na may nakilala akong gentleman sa buong buhay ko… no one has ever done this to me before… maski mga kaibigan kong lalaki. Kailangan ko pa silang sabihan na share kami ng payong bago nila ako payungan. At ang mga sira ulo ay nangtitrip pa. Papayungan ako tas biglang hindi tas papayungan tas hindi. Kainis.

OA na kung OA pero eto ung first time na may nakilala akong gentleman na saakin gentle. Ung mga gentleman kasi na kilala ko hindi gentle sakin, eh. Alam kong maliit na bagay lang ung ginawa ni Jervien, pero mahalaga na un sakin, okay. Bakit? Kase lumaki ako na g@&o ang karamihan sa mga lalaking nakapaligid sakin. Ghad… Anong ginawa ko para makatanggap ng ganitong blessing?

"Oo nga, eh."

Yan na lang ang nasabi ko kay Jervien habang tinitignan ko pa rin siya at ilang segundo pa ay tinignan ko na rin ung kalsada.

"Lalu na bukas kasi biyernes na."

Dagdag pa ni Jervien sa sinabi niya sabay balik na ulit ng tingin niya sa nilalakaran naming dalawa. Mabilis ko na ring ibinalik ang tingin ko sa nilalakaran naming dalawa dahil ayokong may mabanggang tao or matalisod, lalu na't kasama ko pa naman siya.

Uhm… okay… bakit napapakalma ako ng boses niya? Oh may ghad! Parang ang bilis naman neto kung siya na agad-agad ung trigger at tranquilizer ko kahit hindi pa namin masyadong kilala ung isa't isa! Yvonne Tagum! Bakit ang bilis mong mafall?! Nakakairita ka namang babaita ka! Ba't ang rupok mo?! Nakakainis ka na, ha! Hindi ka pa talaga natututo sa mga heartaches na naramdaman mo dati! Pisti ka!

"Mahirap nanamang sumakay pauwi."

Sabi ko kay Jervien habang naglalakad pa rin kami at pinapayungan niya pa rin ako. My heart can't take it. Feeling ko sasabog nanaman 'tong puso ko. Where have you been all my life?

Tahimik na lang kaming naglalakad ngayon papunta sa tawiran sa tapat ng A Mall. Nung makarating na kami sa tapat ng tawiran ay naghintay na kami dahil hindi pa nagpapatawid ung officer at pinapayungan niya pa rin ako hanggang ngayon.

I've received such a blessing today. Thank you so much for existing, Jervien. Makalipas ng ilang minuto ay nagpatawid na ung officer at habang tumatawid na kaming dalawa ay…

"Dito na ako sasakay pauwi. Ingat~! Bye~!"

Paalam ko kay Jervien habang nakatingin na ako sakaniya at kinakawayan ko na siya. Mabilis na napatingin sakin si Jervien at saka kumaway na rin siya sakin pabalik.

"Ingat."

Sabi sakin ni Jervien habang nakatingin pa rin siya sakin at naka payong pa rin siya. Nginitian ko na lang siya at saka naglakad na papalayo sakaniya para maghanap ng jeep na masasakyan pauwi. Pagkalingon ko sakaniya ay naglalakad na rin siya papalayo sakin at napabuntong hininga na lang ako.

Swerte ng magiging girlfriend ni Jervien. Sana matino ung magiging girlfriend nito in the future, ung hindi siya sasaktan… tama na nga! Maghanap ka na lang ng jeep na masasakyan Yvonne! Baka nagsisisigaw na lang sayo ung mama mo sa phone, hindi ka pa rin nakaka uwi. Ahahahahhahaha! Seryoso. Tumigil ka na self.

So lumipas ang kalahating oras ay hindi pa rin po ako nakaka sakay ng jeep pauwi at nagsisisi na ako bakit hindi ko pa sinabayan si Jervien sa paglalakad niya hanggang sa makarating na kami sa sakayan niya pauwi! Ang tanga mo naman Yvonne! Bakit pinalampas mo pa ung opportunity mo na maka sama pa si Jervien nang mas matagal!?

Nakakapagsisi naman! Gusto ko na lang umuwi! Feeling hopeless, naglakad na lang ako pabalik dun sa tawiran na tinawiran namin ni Jervien at saka naglakad na dun sa shortcut na ang labas nun ay ung sakayan na ni Jervien pauwi.

Nung nakarating na ako sa dulo ng shortcut ay umakyat na ako ng footbridge at nung makababa na ako dun ay nakasakay na agad ako ng bus pauwi… wow… nagsayang ako ng kalahating oras para maghanap ng jeep na masasakyan pauwi tapos malalaman ko ngayon na maluwag pala ng mga bus na dumaraan dito sa ganitong oras! Wow! Pero pake ko? Ahahahhahahahaha! Wala pang text si mama… At! Naka sama ko pa ng mas matagal si Jervien! Teka kinikilig nanaman ako!