"Hindi ka ulit sasabay samin, Ibon?"
Tanong sakin ni Violado habang naglalakad na kami papalabas ng classroom dahil tapos na ung klase. Tinignan ko na siya at saka nginitian ko.
"May kikitain kami ni Ashley, eh. Ingat kayo sa pag-uwi~!"
Paalam ko sakanila Violado, Juliana, Chin at Christina habang kumakaway na ako sakanila nang may ngiti pa rin saking mga labi.
"Ingat din kayo~!"
Paalam din nilang apat sakin habang kumakaway na. Ilang saglit pa ay nahagip na ng mga mata ko si Jervien na kasabay maglakad papalabas ng classroom namin si Paul. Bago pa man magtama ang tingin naming dalawa ni Jervien ay tumakbo na ako papalabas at dumiretso na sa classroom nila Ashley.
Habang hinihintay ko na si Ashley na lumabas sa classroom nila ay napatingin ako sa classroom namin na katabi lang ng hagdan at nakita ko sa pintuan si Jervien na tumingin sakin habang naglalakad na sila nila Paul papunta sa hagdan. Teka… seryoso ba? Tumingin talaga sakin si Jervien?
"Ano tinitignan mo dyan?"
"H-ha? W-wala. Tara na?"
Sabi ko kay Ashley habang tinitignan ko na siya gamit ang mga nanlalaki ko nang mga mata. Ilang segundo pa ang lumipas ay nginitian ko na siya at naglakad na kami papunta sa elevator.
"Buti pinayagan ka ng magulang mo."
Natatawang sabi ni Ashley sakin habang naghihintay na kami sa elevator. Tinignan ko na siya at saka tumawa na rin.
"Pumayag kase dun din ung punta nila mamaya kasama kapatid ko, eh."
Natatawang sabi ko naman kay Ashley habang tinitignan ko pa rin siya. Natawa pa siya lalo dahil sa sinabi ko sakaniya at saka hinawakan na niya ung braso ko habang tinatakpan na ang bibig niya.
"Kaya naman pala, eh. Nakakapagtaka kung ba't ka nila pinayagan, eh. Ahahahaha!"
Sabi sakin ni Ashley habang tumatawa pa rin siya at nakahawak pa rin sa braso ko. Ilang segundo pa ang lumipas ay bumukas na rin ang elevator at sumakay na kami dun.
"Ay, Ibon. Crush pa rin ba nung Violado si Jervin ba un o Jervien?"
"Jervien. Oo, crush pa rin ni Violado si Jervien."
Sagot ko sa tanong ni Ashley habang nakatingin na ako sa number ng floor sa elevator nang walang ekspresyon sa mukha ko.
"Selos ka?"
"Hindi. Oo? Ewan. Lagi ako kinekwentuhan ni Violado tungkol sa mga pinag uusapan nilang dalawa ni Jervien, eh."
"Anong ginagawa mo pag kinekwentuhan ka ni Violado about sakanilang dalawa ni Jervien?"
"Sinasakyan na lang siya. Smiley, smiley. Ganun. Kahit na may nararamdaman akong pagka inggit."
"Ampo^%. 'Smiley, smiley'? Ta&*!%@ mo umayos ka nga."
Natatawang sabi sakin ni Ashley nang makarating na kami sa first floor. Natawa na lang din ako at saka nag-thank you na kaming pareho sa nagpi pindot ng mga buttons sa elevator.
"Sinubukan mo na bang kausapin un si Jervien?"
Tanong sakin ni Ashley habang naglalakad na kami papalabas ng building.
"One on one or hindi?"
"Pu+@%^$@$% yan! Anong 'one on one'?! Makikipag-away ka ba sakaniya?!"
Natatawang tanong sakin ni Ashley nang makarating na kami sa field. Nang marealize ko na ung tinanong ko sakaniya kanina ay natawa na lang din ako at saka tinignan na si Ashley.
"Anong oras kayo magkikita ni Yohan mamaya?"
Tanong ko kay Ashley habang tinitignan ko pa rin siya. Tinignan na ni Ashley ung orasan niya at saka nagsimula nang tumakbo sa field, agad ko naman siyang sinundan at saka inintay na ung isasagot niya sa tanong ko.
"Mga 5:30. Bilisan mo baka traffic ngayon sa highway! May sunog daw sa tabi ng highway na dinaraanan natin, eh!"
Sabi sakin ni Ashley habang tuloy pa rin ang pagtakbo nito sa field. Nanlaki na lang ang mga mata ko at mas binilisan ko nang tumakbo para sundan si Ashley na nasa kalagitnaan na ng field.
"Ashley! Hintayin mo ako!"
"Bilisan mo kasi!"
"Eto na!"
Sigaw ko pabalik kay Ashley habang binibilisan ko na ung pagtakbo ko papalapit sakaniya.
"Ashley!"
"Ang bagal mo!"
Sigaw sakin ni Ashley sakin habang tumatakbo pa rin kami sa field. Ilang saglit pa ay nakarating na rin kaming dalawa sa wakas sa building na malapit sa front gate ng school namin at saktong nakasalubong namin sila Jervien at Paul. What?! Seryoso ba!?
"Uy, Ashley."
Bati ni Paul kay Ashley habang nakatayo na silang dalawa ni Jervien sa harap namin ni Ashley at tinitignan na nila kami.
"Paul."
Bati ni Ashley kay Paul habang hinahabol na niya ung hininga niya.
"Sabay kayong uuwi ngayon ni Yvonne?"
Tanong ni Paul kay Ashley habang tinitignan na niya ako at saka binalik ulit kay Ashley ung tingin niya. Tumango na lang si Ashley kay Paul sabay lakad na papunta sa water fountain malapit sa kinatatayuan naming apat. Sumunod na rin ako kay Ashley para uminom na rin ng tubig.
"Sabay na kami sainyo, Paul. Sino pala 'tong kasama mo?"
Sabi ni Ashley kay Paul habang nagpupunas na siya ng bibig niya at nakaharap na kila Jervien at Paul, samantalang ako naman ay umiinom na sa water fountain.
"Si Jervien. Kaklase namin ni Yvonne."
Sagot ni Paul sa tanong ni Ashley sakaniya. Napatigil na ako sa pag inom ng tubig sa water fountain, pinunasan ko na ung bibig ko at saka hinarap na silang tatlo.
"Tara na?"
Aya ko sakanila Ashley, Jervien at Paul habang tinitignan ko na sila. Tinignan na ako ni Ashley at saka tinuro na niya ng patago si Jervien.
"Siya ba ung crush mo?"
Bulong na tanong sakin ni Ashley habang nakaharap pa rin siya sakin.
"Tara na."
Sabi ni Paul sabay lakad na silang dalawa ni Jervien papalayo. Mabilis akong tumango kay Ashley bilang sagot ko sa tanong niya saka hinabol na namin sila Jervien at Paul.
"Pareho lang ba ung way niyo ni Jervien pauwi?"
Tanong ni Ashley kay Paul habang sabay-sabay na kaming naglalakad na apat papunta sa gate.
"Oo. San ka nga ulit nakatira Jervs?"
Sagot at tanong ni Paul kila Ashley habang tinitignan na niya si Jervien, dahilan para mapatingin na rin kami ni Ashley sakaniya.
"Sa B***** ******."
Sagot ni Jervien sa tanong sakaniya ni Paul habang tinitignan na niya kami. Napatango na lang si Ashley habang ako naman ay inuulit-ulit ko na ung pangalan ng lugar sa utak ko. Okay? Wtf? Ba't mo kinakabisado, Yvonne? As if naman makakapunta ka sa bahay ni Jervien or whatever. Maya-maya pa ay nakalabas na rin kami sa school at agad nang tumawid ng kalsada para mag-abang na ng masasakyang jeep.
"May date nanaman ba kayo ngayon ni Yohan?"
Tanong ni Paul kay Ashley habang tinitignan na niya si Ashley na nakatayo sa tabi niya. Nakatayo naman ako sa tabi ni Ashley, at si Jervien naman ay nakatayo sa tabi ni Paul.
"Meron. Kaya sabay kami ngayon ni Yvonne kasi dun din sa MS ung punta niya, eh."
Sagot ni Ashley sa tanong sakaniya ni Paul habang nakatingin na siya sakaniya.
"Anong oras kayo magkikita?"
"5:30."
"Pwede pa ba ng ganung oras si Yvonne? Balita ko kela Yohan, Hendric at Kiyoshi, pagdating daw ng alas singko dapat daw umuwi na si Yvonne, eh."
Natatawang sabi ni Paul kay Ashley habang ramdam ko na na tinitignan na niya ako. Agad kong sinamaan ng tingin si Paul, mabilis na iniwas ang tingin ko sakaniya sabay simangot na habang nag-aabang na ng jeep. Tumawa na rin si Ashley at saka pinalo na ng mahina si Paul sa braso nito.
"Pinayagan lang yan kase pupunta rin daw dun magulang niya pati kapatid."
Natatawang sabi naman ni Ashley kay Paul habang tinatakpan na niya ung bibig niya. Sige, tumawa lang kayo. Bahala kayo dyan.
"May jeep na."
Sabi ni Jervien saming tatlo nila Ashley at Paul habang tinitignan na niya kaming tatlo. Napatigil na sa pagtawa sila Ashley at Paul at nauna nang naglakad si Paul papalapit sa jeep na nakita ni Jervien. Agad kaming nagsunuran nila Ashley at Jervien kay Paul at saka sumakay na sa jeep. Nakaupo kaming apat sa dulo ng jeep at magkaharap kami. Kaharap ni Ashley si Jervien, kaharap naman ni Paul ung ibang estudyante at ako naman ay kaharap din ung ibang estudyante.
"Ay! Oo nga pala! Jervien, tama?"
Tanong ni Ashley kay Jervien habang nakatingin na siya rito. Tinignan na ni Jervien si Ashley at saka tumango lang siya.
"Crush ka neto!"
Nakangiting sabi ni Ashley kay Jervien habang tinuturo na niya ako at tinitignan pa rin niya si Jervien. Nanlaki agad mga mata ko at saka tinignan ko na si Ashley.
"Hindi kaya! Ikaw kaya ung may crush kay Jervien!"
Sabi ko kay Ashley habang tinitignan ko pa rin siya at tinuturo na rin siya. Mabilis na nilipat sakin ni Ashley ung tingin niya at saka binaba na niya ung kamay ko na nakaturo sakaniya.
"Kakasabi mo lang kanina na siya ung crush mo, ah!"
"Ang kapal ng mukha mo! Jervien, si Ashley talaga ung may crush sayo!"
"Sakin mo pa ipapasa! Kwento mo lang nung isang araw na nag skip na ti---"
Sabi ni Ashley pero di na niya natapos dahil mabilis kong tinakpan ung bibig niya at saka tinignan na si Jervien na nakatingin lang samin ni Ashley, habang si Paul naman ay tahimik na kaming tinatawanan at pinapanuod.
"Magbayad muna kayo ng pamasahe bago kayo magturuan dyan!"
Natatawang sabi ni Paul saming dalawa ni Ashley habang tinitignan niya kaming dalawa. Nagtinginan na kami ni Ashley sa isa't isa at saka kumuha na ng pamasahe sa mga wallet namin.
"Nagbayad ka na?"
Tanong ni Jervien kay Paul habang nakatingin na siya sakaniya.
"Wag ka maingay. Magwa-one, two, three ako."