Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 15 - Hi

Chapter 15 - Hi

Last day na ngayon ng July at ilang linggo na rin po kaming merong teacher sa MIL. Ang ganda niya tsaka ang astig! So, last subject na po namin at MIL po iyon, kaso wala po ngayon ang teacher namin dahil may inaasikaso ata? Ewan.

May group activity kami sa MIL last Monday kaso hindi pa namin tapos ng groupmates ko ung samin kaya medyo busy ako ngayon. Kung nacucurious po kayo kung nireplayan ako ni Jervien nung chinat ko siya... hindi pa rin po niya ako nirereplayan. Opo. Kahit po sineen na niya ung message ko.

"Tagum! Mangheram ka nga ng pangkulay kay Morris."

Sabi sakin ni Ceejay habang binubura na niya ung lapis dun sa oslo paper. Hinanap ko na si Morris sa loob ng classroom namin at nakita ko siya na kausap si Jervien habang nakaupo sila sa third row. Oh. My. God.

Yvonne Tagum! Hindi ka pa nga lumalapit sakanila natataranta ka na agad?! Bakit nga pala ako natataranta? Wala naman akong ginawang masama kay Jervien or kay Morris, ah. May saltik na ata ako. Okay! Hingang malalim… and go! Naglakad na ako papalapit kila Morris at Jervien at hindi ko po talaga alam kung anong gagawin ko sa harapan niya. Help me…

"Morris, pwede peram ng pangkulay mo?"

Tanong ko kay Morris nang hindi tinitignan si Jervien. Am I doing it right or did I already messed up pretty bad? Habang kinukuha na ni Morris ung pangkulay niya sa bag niya ay pinipilit ko ung sarili ko na wag tignan si Jervien.

Yvonne… tingin ka lang kay Morris, ha. Alam kong kinakabahan ka dahil nakatayo ka sa harap ni Jervien pero try to act cool, ha. Kung hindi… hindi ko na rin alam ang gagawin ko sayo.

"Tagum, oh."

Sabi sakin ni Morris sabay tingin na niya sakin at abot na nung pangkulay niya sakin. Nginitian ko na si Morris at saka kinuha na ung pangkulay sakaniya habang pilit ko pa ring nilalabanan na mamagnet ni Jervien ang mga mata ko. Oh my goodness. Ang weird at ang corny! Pisting Yvonne 'to!

"Salamat~!"

Pasasalamat ko kay Morris habang nakangiti pa rin ako sakaniya at hawak ko na ung pangkulay niya. Nung akma na sana akong maglalakad pabalik sa puwesto namin ni Ceejay sa first row ay biglang…

"Hi."

Nang marinig ko ang boses niya ay automatic na akong napatingin sakaniya. Oh. My. God. What have you done to me?

"H-huh?"

Opo. Yan na lang po ang tanging nasabi ko kay Jervien because he caught me off guard. Wow. I… well… uhm… I am… speechless. Kumalma ka lang heart! Hindi naman ako tumakbo para bilisan mo ung tibok mo! Kalma heart! Kalma!

"Diba nag chat ka sakaniya?"

Tanong ni Morris sakin habang nakaturo na siya kay Jervien at pareho silang dalawa nakatingin sakin. Wag mong sabihin… no… baka hindi lang ako ung kinwento ni Jervien kay Morris? Baka kinuwento ni Jervien lahat ng nangyari nung nag voice call silang dalawa ni Violado? Okay. Yvonne. Stop. Tigil. Tumigil ka.

"A-ah… o-oo."

Pautal-utal na sagot ko sa tanong sakin ni Morris sabay tango ko sakanilang dalawa ni Jervien. Sana naman hindi ako namumula ngayon! Universe! Thankful po ako sa moment na ito. Maraming salamat po, pero… my goodness! Masyado na po akong natataranta at kinikilig dito!

"Hi."

Sabi ulit sakin ni Jervien habang nakatingin pa rin siya sakin at nginingitian na niya ako. Ayan nanaman siya! Chill ka lang heart! Ung simpleng 'hi' mo lang sakin Jervien grabe na agad ung epekto sakin. And that smile! Oh my goodness! His smile is so adorable! Sobrang saya ko dahil ngumiti siya sakin! Thank you so much universe!

"H-hi."

Nauutal na sabi ko kay Jervien habang nginingitian ko na rin siya. Nauutal nanaman ako! Hindi naman ako ganito sa mga dati kong naging crush, ah! Hindi ko na alam gagawin ko!

"Uhm… b-balik na ako dun kay Ceejay."

Nauutal kong sabi kila Jervien at Morris habang tinuturo ko na si Ceejay at nakatingin pa rin ako sakanilang dalawa.

"Sige."

Sabi ni Morris habang si Jervien naman ay hindi na ako sinagot. Dali-dali na akong bumalik kay Ceejay habang dala-dala ung pangkulay ni Morris at saka kinulayan na ung drawing ko para maipasa na namin.

So… yeah. Tapos na po namin nila Ceejay ung group activity na dapat maipasa na ngayon at nagsecellphone na lang ako ngayon sa puwesto ko. Kahit po na dini distract ko ung sarili ko… hindi pa rin po talaga maalis sa isip ko si Jervien. Ung boses niya, ung ngiti, mata, tawa… teka… kung ikukumpara ko sa dati kong mga crush si Jervien… pili lang ung mga features na nagustuhan ko sa mga dati kong crush, pero pagdating kay Jervien… lahat ng physical features niya gusto ko at gusto ko pa siyang makilala. Gusto kong malaman ung iba't ibang sides niya.

"Huy! Ibon! Ayaw mo pang umuwi?"

Tawag sakin ni Violado habang nag-aayos na ako ng mga gamit ko. Wag mong sabihin na kanina ko pa iniisip si Jervien? Kanina pa ba nag bell!?

"Teka lang!"

Sabi ko kay Violado habang binibilisan ko na ung pag-aayos ng mga gamit ko, sinara na ung zipper ng bag ko at saka isinuot na un sa likod ko.

"Hindi kayo sabay uuwi ngayon ni Ashley?"

Tanong sakin ni Chin habang nakatingin na siya sakin at nakatayo na siya sa likuran ng upuan ko. Agad kong tinignan si Chin at saka nginitian.

"Hindi, eh."

Sagot ko sa tanong sakin ni Chin sabay lakad na. Tumango na lang si Chin sakin at saka inakbayan na ako nang matapat na ako sa second row. Inaamin ko pong maliit ako at paminsan-minsan ay nanliliit ako dahil sa height ko, pero madalas, okay lang naman. At least I feel like I've been taken care of dahil sa height ko na pambata. Habang naglalakad na kami papunta sa gate ay ang ingay naming lima nila Chin, Christina, Juliana at Violado dahil naghaharutan kami.

Nang malapit na kami sa gate ay naghiwa-hiwalay na kaming lima. Si Chin ay sumakay na sa sasakyan ng magulang niya na naka park na doon sa loob ng school namin, habang sila Juliana, Christina at Violado ay naglakad na papunta sa kanan dahil doon ang daan nila pauwi. At ako naman… mag-isa. Nung akma na sana akong tatawid ay bigla kong nakita sila Chavez at Jervien sa hindi kalayuan kaya agad ko silang nilapitan.

"Chavez~! Sabay na tayo pauwi~"

Sabi ko kay Chavez nang makalapit na ako sakanilang dalawa ni Jervien nang akma na rin sana silang tatawid. Mabilis na napalingon sakin sila Jervien at Chavez kaya nginitian ko na lang sila.

"Uy, Tagum! Sige lang."

Sagot ni Chavez sa tanong ko sakaniya habang nakangiti na rin siya sakin. OMG! He's so cute! Ang chubby pa ng pisngi niya! Sarap sigurong pisilin ng pisngi neto ni Chavez!

"Wala ka bang kasabay ngayon, Tagum?"

Tanong sakin ni Chavez habang tumatawid na kami nila Jervien sa kalsada. Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Wala, eh."

Sagot ko sa tanong sakin ni Chavez habang naglalakad na kaming tatlo nila Jervien sa sidewalk para mag-abang ng jeep na masasakyan pauwi.

"Ang liit-liit mo pala talaga pag sa malapitan!"

Sabi sakin ni Chavez sabay tawa na nito habang naglalakad pa rin kaming tatlo nila Jervien sa sidewalk. Ay grabe 'to, ah! Ahahahaha!

"Grabe naman ung 'liit-liit'! Liit lang!"

Sagot ko kay Chavez habang nakangiti pa rin ako. Ang tahimik naman ni Jervien sa likod ko. Naa-out of place kaya siya dahil sumabay ako ngayon sakanila ni Chavez?

"Ahahahahhahaha! Edi liit lang! Pag nakahiga ka sa kama mo, gano kalaki ung pagitan mo dun sa dulo?"

Tanong sakin ni Chavez habang tinitignan na niya ako.

"Mga ganito ata."

Sagot ko sa tanong ni Chavez habang sinusubukan kong ipakita ung sukat sa kamay ko. Natawa na lang ulit si Chavez habang tinitignan na niya ung kamay ko.

"Seryoso ka ba dyan, Tagum?"

Natatawang tanong sakin ni Chavez habang naghahanap pa rin kami ng jeep na masasakyan pauwi.

"Oo."

"Tagum."

Mahinang banggit ni Jervien sa apelyido ko. Oh god. His voice… his whispering voice… Anong gagawin ko?! Lilingunin ko ba si Jervien o hindi?! Kakausapin ko ba si Jervien o hindi?! Aaaaahhhhh! Kalma lang Yvonne… kalma lang. Waaaaaahhhhhhh!

Sa bandang huli… hindi ko po siya pinansin. Bakit? Dahil masyado po akong nataranta nung time na un. Why am I like this? Bakit ngayon pa ako naging ganito? First time kong magka ganto at kung kelan kailangan ko ng tulong or advice ay wala akong mahingan!

"Bayad po!"

Sabi ni Chavez habang inaabot na niya ung bayad niya sa driver ng jeep. Yes po. Nakasakay na po kami ng jeep at siksikan pa. Okay na un. Basta maka uwi. Inabot na rin namin ni Jervien ung bayad namin at tinanong na ako ni Chavez hanggang sa nagkwentuhan na kami. Nung nagtatawanan na kaming tatlo nila Chavez ay napatingin ako kay Jervien and damn… he looks so good when smiling.

"Ang pogi mo pag nakangiti ka."

Oh my god. Did I just say that out loud!? Am I doomed? Sinabi ko ba ung mga salitang un habang nakatingin sakaniya? Yvonne Tagum! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayo!