Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 19 - Fear of the Dark

Chapter 19 - Fear of the Dark

~AUG 10 AT 12:59 AM~

: Nakucurious ako

: Ano first impression mo sakin???

Jervien: Hahahaha

Jervien: Wait lang ha

: Ahahaha sige

~AUG 10 AT 4:56 AM~

Jervien: hello

Jervien: sorry ngayon lang

~AUG 10 AT 9:46 AM~

: Okay lang ahahaha nakatulog na rin ako kaninang 2, eh

Jervien: Ahh okay hahahaha

Jervien: sorry ha pinaghintay pa kita

~AUG 10 AT 7:04 PM~

: Okay lang ahahahha sanay na ako maghintay, eh

: Sorry nalate reply ko kanina, kumain na kasi kami agahan, eh

~AUG 10 AT 9:28 PM~

: May naisip ka ng first impression mo sakin???

~AUG 10 AT 9:39 PM~

Jervien: hagahaha

: Kasi naman iihhh AHHAHAHAHA nakaka curious

Jervien: hinde ko alam eh hahahaaha

: Ano na lang ung impression mo sakin ngayon ahahahahha

Jervien: wala akong ma maisip talaga

: Bakit naman???

Jervien: Ewan ko eh hahahaha

: Ahahahaha Nakukulitan ka na sakin noh???

Jervien: Hinde naman hahaha

: Ung totoo??? Ahahahaha okay lang naman maging straightforward ka sakin, eh open minded naman ako

Jervien: Ibang tanong na lang

Jervien: Wala talaga ako ma isip hahajaha

: Ahahahahaha

: Sabi pala sakin nung friend namin ni paul, sinabi mo raw sakanila na umamin ako sayo na crush kita

: Hihiya tuloy akooo

: AHAHAHAHAHHA

Jervien: Ayy sorry hahahaha

: De okay lang ahahahaha sila paul naman un, eh

Jervien: Inaasar kaba nila??

: Oo, eh

: Si paul nung thursday tas ngayon naman ung friend namin sa hums ahahahahha

Jervien: Hala hahahaha

Jervien: Yung maputi ba ?

: Ung maputi na maliit???

: Oo ahahahahha

Jervien: Yup hahahaha

: Oo ahahahaha kanina pa niya ako Inaasar

: Pero sanay naman na ako sa pangangasar nila ahahahhaha

Jervien: Paank ka Inaasar nun?

: "Ikaw kasi may jervien ka, eh"

: Ung ganyan AHAHAHHAAHHA

: sinasabi niya yan sakin kahit di ka naman sakin AHAHAHAHHA

Jervien: HAHAHAHAHAHAHA

: Basta yon AHAHHAHAHAHA

: Tas si paul naman sinasabi "nice one yvonne"

: Parang ewan lang AHAHAHAHHA

Jervien: Hinde kanaman nagagalit??

: Hindi naman ahahahaha

: Bat mo natanong???

Jervien: Paano kaba kagalit?? Hahahaha

: Hindi namamansin ahahahahhaa

: Silent treatment lang

Jervien: Ano pa?

Jervien: Hahahaha

: Anooo

: Pag napuno na talaga ako

: Sasapakin ko ung pader

Jervien: Hahahahaha

: Ikaw ba??? Nagalit ka na???

Jervien: Oo lagi akong galit pag sa bahay

Jervien: Hahahahaha

: Oh???

: Baket???

Jervien: Magulo kase dto eh

Jervien: Ang ingay dto eh

Jervien: Naiistorbo ako hahahaha

Jervien: Pagmakalat sa bahay nagagalit ako

Jervien: Ayaw ko kase magulo eh

: Palit tayo bahay ahahahaha

: Gusto ko magulo, eh pero minsan ayoko

Jervien: Bakit naman ?? Hahahaha

: Lagi kasi tahimik dito tsaka maayos

: Ayaw ni papa ng magulo

Jervien: Dami kasing bata dto eh

Jervien: Yung anak ng pinsan ko

Jervien: Tapos yung dalawang kapatid ko na elem pa lang

Jervien: Hahahaha

: Ahahahahaha mukhang magulo nga ahh

: Ayaw mo ba sa mga batang makukulit???

Jervien: Ayaw ko talaga

Jervien: Sakit sa ulo eh

: Ahahahahaha

: Pano pag isip bata???

Jervien: Ewan ko

Jervien: Sa bata lang ako nagagalit eh

: Ahh

: Ilan ba ung mga batang nandyan sainyo???

Jervien: Basta hahahaha

Jervien: Minsan nagpapasok sila eh pag walang bantay

Jervien: Hahahahaah

Jervien: Pag sila sila lang

: Ahahahahaha

: Magulo na talaga yan

: Umuulan ba dyan sainyo??

Jervien: Hinde eh

Jervien: Kanina ps hinde umuulan

: Pero gusto mo umuulan???

Jervien: Oo

Jervien: Para walang tao sa labas

Jervien: Daming tambay eh

Jervien: Hahahaha

: Ahahahahaha

: Gusto mo ba sa tahimik lang???

Jervien: Sakto lang hahahaha

: Ahahahaha

: Nung thursday pala, nung philo

: Nagulat ako nung sinabi ni mam p---- na mukha raw akong luge sa mga katabi ko AHAHAHAHAHA

Jervien: Oh bakkt ano yun?

: Kase anooo

: Inaantok ako nun

: Eh, di ako makakuha ng tyempo para matulog ahahahahaha

: Kaya ayown, nakayakap ako sa bag ko habang nakasimangot

Jervien: Hahahahaa

: Nagugulat na nga lang ako, eh

: Kasi kahit antok na antok na ko nakukuha ko pa rin magrecite

Jervien: Ahh hahahaha

: Yeahh ahahahaha

: Mag tanong ka nga ahahahahhaa

: Kahit ano

: Wag lang about sa acads di ako ganun katalino, eh AHAHHAHAHA

Jervien: Paano ka magsawa sa favorite person mo?

Jervien: Hahahaha

: Never pa ako nagsasawa dun sa fav person ko ahahahahaha

: Nasawa lang ako sa pangtatalksht niya

Jervien: Anong pangtatalksh*t??

: Di sumusunod sa usapan

: Kunware pupunta dapat siya ngayon pero di siya pumunta kesyo raw ganto ganyan

Jervien: Ahh okay hahahaha

Jervien: So ano gagawin mo pag ganun?

: Ung ginawa ko sakaniya nun ano

: Di ko na siya pinansin

: Ginawa ko siyang non existent sa paningin ko

Jervien: Hahahaha

: 9 months na nga kami di nagkakausap at nagkakachat, eh AHAHAHAHAHA

Jervien: Bakit sino ba yan?? Hahahahaha

: First love ko AHAHAHAHHA

: Siya ung favorite person ko dati kasi lagi niya ako napapasaya pag nalulungkot ako, kahit sa chat lang

: Tsaka masyado na rin ako naging dependent sakanya, eh

Jervien: Ahh

Jervien: San mo ba sya nakilala ?

: Sa school

: Klasmeyt namin ni paul

Jervien: Ayan ba yung sa grade9?

: Yeppp

Jervien: Ahh okay okay hahahaua

: Okay lang ba sayo na maghintay muna???

: Tatakas ko kasi phone ko mamaya, eh

: Tutulog na kasi kami AHAHAHHAHA

Jervien: Ahh sige sige

Jervien: Maya na lang ulit?

: Yepp

: Maya na lang uliii

Jervien: Sige sige kain na muna ako

Jervien: Hinde pa ako kumakain kagigising ko lang kasi eh

Jervien: Hahahahaha

: Eatwelll

: Ayy ahahahahha kumain ka naaa

Nilock ko na ung phone ko at saka nilapag na un sa study table ko.

"Beh, Bon. Umayos na kayo, matutulog na."

Sabi ni papa saming dalawa ng kapatid ko habang unti-unti na niyang binubuksan ung pintuan ng kwarto namin.

"Opo."

Sabay na sagot namin ng kapatid ko, dahilan para isara na ni papa ng kaunti ung pintuan at saka umalis na. Naglakad na ako papalapit sa pintuan ng kwarto namin at saka naglakad na papunta sa cr para maghilamos. Nang makabalik na ako sa kwarto ay agad na lumapit sakin ung kapatid ko at may pinakita sa phone niya.

"'Te, 'te. Tignan mo 'to."

Natatawang sabi sakin ng kapatid ko sabay play na ng video sa phone niya. Habang pinapanuod na naming dalawa ung video ay tawa na kami ng tawa dahil dun hanggang sa matapos na ung video.

"Nakakainis ka. Matulog ka na ng lang!"

Natatawang sabi ko sa kapatid ko sabay kuha na ng skin care chuba-chuba na parang wala namang epekto sa mukha ko dahil di naman nababawasan pimples ko.

At lumipas ang ilang minuto ay nakahiga na kaming pareho sa double-deck bed namin at nakasarado na ung ilaw. Kaso hindi rin matahimik 'tong kapatid ko at patawa pa ng patawa, hanggang sa maka tulog na ito. Nang maka tulog na siya ay dahan-dahan ko nang kinuha ung phone ko sa study table ko, binuksan na un at chinat na ulit si Jervien.

~AUG 10 AT 11:02 PM~

: Sorry natagalan inantay ko pa kasi makatulog kapatid ko, eh

Jervien: Tapos na ako kumain hahahas

: Ahahahahaha

: Ano kinain mo???

~AUG 10 AT 11:27 PM~

: Jervien????

Jervien: Nag pancit lang hahahaha

Jervien: Napanis na yung ulam kaya nag pancit nalang ako hahahaha

: Ahh ahahahaha

: Tanong ka pa nga ahahahahhaa

: Kung meron ka itatanong

Jervien: Hahahaha

Jervien: May mga kapatid kaba??

: Isa lang

: Babae ahahahaha pero siya palagi napagkakamalang panganay

Jervien: Ahh

Jervien: Ate kapala no

: Yepp

: Pero kung umasta parang ako ung bunso AHAHAHAHHA

Jervien: Hahahaha

Jervien: Ilan taon na ba sya?

: 13 pa lang

: Pero mukha na siyang gr12

Jervien: Bakit naman ?

Jervien: Hahahaha

: Tangkad kasi, eh ahahahahaha

Jervien: Kaya pala hahahaha

: Oo ahahahahaha

: Kaya lagi rin ako Inaasar nila papa na bunso

Jervien: Bakit sya matangkad ikaw hinde?

Jervien: Hahahahaha

: Di ko nga rin alam, eh ahahahahahaha

: Hindi ata ako nabigyan ni papa ng katangkaran

Jervien: Hahahaha

Jervien: Okay naman kayo?

: Away bati ahahahaha

: Parang mga aso't pusa

Jervien: Paano kayo mag away ?

Jervien: Sagutan lang

Jervien: Hahahaha

: Sagutan

: Batukan

: Sipaan

: AHAHAHAHAHAHA

: Kahit nagkakatuwaan kami nagkakasakitan kami, eh AHHAHAHAHAHA

: Violent relationship namin

Jervien: Pinakamalalang away nyong dalawa? Hahahahha

: Hmm… Nung sumobra na siya na akala niya siya na talaga ung ate tas ako ung bunso

: Kasi akala mo kung sino makasagot

Jervien: Ahahahaha

Jervien: Anong ginawa nyo?

: Inuutusan ko lang ata siya nun, eh

: Tas nagalit kasi nagambala ko siya ahahhahaha

: Ayown sinagot sagot niya ako

: Kaya sinagot ko na rin siya

Jervien: Baka importante kase ginagawa nya

Jervien: Ano baginawa nya nun?

: Naglalaro lang siya ng phone, eh

Jervien: Hahahaha

: Tas ako nagwawalis sa loob ng bahay ahahahahah

Jervien: Ahh

Jervien: Hahahaha

: Yeah ahahahahaha

: Mih ghadddd trip ko magsagot ng tanong ngayon AHAHHAHAHAA ewan ko kung baket

Jervien: Bakit naman ? Hahahahaha

: Di ko rin alam, eh ahahhaqhha

: Pero may mga days talaga na trip ko magtanong tas trip ko magsagot ng tanong

: Ahahahahahaha

Jervien: Kahit ako rin eh magagalit ako eh pag inaabala paglalaro ko hahahahaha

: Ahahahahaha pero kasi alangan namang hayaan ko lang siya tas ako gumagawa lahat ng gawaing bahay

: Unfair naman un diba

Jervien: Oo kase ate ka eh hahahahaha

: Ahahahahahaha

: Pwede magtanong ka pa kung okay lang sayo ahahahahah

Jervien: Umiinum ka ? Hahahaha

Jervien: Ng alak

: Nope ahahahahaha

: Kahit pa mag inuman tropa ko kasama ako, di nila ako pinapainom at ayoko rin uminom ahahahahaha

Jervien: Bakit ? Hahahaha

: Baby kasi nila ako, eh

: Ahahahaha jokeee

: Alam kasi nila na strict parents ko

: Kaya mananagot kami pare pareho pag nalamang uminom ako

Jervien: Pero nakatikim kana ? Hahahaha

: Hindi ahahahaha

: Wine lang

Jervien: Ahh

Jervien: Pero gusto mo uminom?

: Ayoko, eh

: Baka kung ano pa magawa ko ahahahahha

Jervien: Hahahahaha

At nagtuloy-tuloy pa ang pagchachat namin. May part na tinakot niya ako nung sinabi ko sakaniya na gumagalaw mag-isa ung pintuan ng kwarto namin ng kapatid ko kase hindi un naka sara, pero after niya naman akong takutin… sinabi niya sakin na hindi raw totoo ang mga multo at wala raw dahilan para matakot sa dilim. At simula nun ay hindi na ako natakot pa sa dilim. Random lang mga pinag-uusapan naming dalawa pero nakaabot kami ng 4:59 ng madaling araw.