Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 22 - Group Activity. Again!

Chapter 22 - Group Activity. Again!

Thursday na po ngayon at kanina, ilang minutes after mag start ung klase namin sa Philo, nagulat ako nung tinanong ako ng subject teacher namin kung may boyfriend daw ba ako. Ano naman kaya pumasok sa utak nung subject teacher namin? Sinagot ko naman siya ng wala tapos ung katabi ko, si Madera, sabi boyfriend ko raw siya at dine-deny ko raw siya. I'm like, excuse me? By the way, kung naaalala niyo pa po ung kaklase naming bumati sa adviser namin nung first day… si Madera po un. Late ata ulit ngayon si Jervien, ah. Aish! Yvonne ano ba!? Tuloy na natin, alam niyo ba ung sinabi ng subject teacher namin kay Madera… ahahahahahaha! Kadeny-deny naman daw siya! Wuahahahhaahha! Sorry, Madera.

So, after ng maikling discussion ng subject teacher namin ay may group activity nanaman po kami sa Philo. Okay na rin un. Hindi ako masyadong confident sa mga pinaggagagawa ko sa mga school works ko individually, eh. Naka hati po kami ngayon into nine groups at five members each. Hulaan niyo kung sino-sino ung mga kagrupo ko… si Apo! Kagrupo ko ulit si Apo! Kagrupo ko rin sila Paul, Fuerte at… at si Jervien! Kagrupo ko siya! Si Jervien! Na crush ko! Kagrupo ko! Kung sineswerte nga naman!

Lahat ng groups ay paikot ang puwesto sa loob ng classroom namin at ang katabi ko? Walang iba kundi si Jervien. Si Jervien! Katabi ko si Jervien! Aaahhhh! Ung isang katabi ko pa pala si ano, si Fuerte tapos katabi ni Jervien si Paul at napapagitnaan nilang dalawa ni Fuerte si Apo. Hindi ako mapakali! Ano ba Yvonne! Focus! Kay Jervien? Ahahahahaha! Tumigil ka nang babaita ka. Please lang.

"Nabasa niyo na ung case natin?"

Tanong samin ni Apo nang matapos na niyang basahin ung case na inassign samin ng teacher namin sa philo sa phone niya. Nagsitanguan na lang kaming apat nila Jervien, Paul at Fuerte bilang sagot sa tanong samin ni Apo habang nakatingin na kami sakaniya.

"Ano ung mga opinion ninyo? Dapat bang pairalin ung utak sa sitwasyon na 'to or dapat ba emosyon?"

Tanong samin ni Apo habang pabalik-balik ang tingin niya sakaniyang phone at saming mga kagrupo niya.

"Utak."

"Oo, dapat utak."

Sagot nila Jervien at Paul sa tanong samin ni Apo habang nakatingin pa rin sila sakaniya at hawak rin ang kanilang mga phone. Tumango na lang si Apo kila Jervien at Paul at saka tinignan naman niya kaming dalawa ni Fuerte na hindi pa sumasagot.

"Kayo Tagum, Fuerte?"

Tanong ni Apo saming dalawa ni Fuerte, dahilan para mapatingin ulit ako sa phone ko bago ibalik ang tingin ko sakaniya.

"Sa tingin ko ano, emosyon."

Sagot ko sa tanong samin ni Apo habang nakatingin pa rin ako sakaniya at hawak ko pa rin ang phone ko. Tumango na lang si Apo sakin at saka tinignan na si Fuerte, dahilan para mapatingin na rin kami sakaniya.

"Emosyon na lang din."

Sagot ni Fuerte sa tanong ni Apo sabay sandal na sa upuan at takip na ng kaniyang bibig gamit ng panyo niya.

"Parang napilitan ka na lang Fuerte, ah."

Natatawang sabi ni Apo kay Fuerte habang tinitignan pa rin namin ito. Natawa na lang din si Fuerte habang tinatakpan pa rin ang bibig niya.

"Paul, Jervs, pwedeng paki explain bakit sa tingin niyo utak ang dapat na pairalin sa sitwasyon na un?"

Tanong ni Apo habang tinitignan na niya sila Jervien at Paul, dahilan para iexplain na nila ang reason nila kung bakit dapat daw na pairalin ang utak sa sitwasyon na naassign samin. Habang nag-eexplain na si Jervien ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapatitig sakaniya. God… what a beautiful view. Nang natapos na silang mag explain ay nakatitig pa rin ako kay Jervien at…

"Tagum? Okay ka lang ba Tagum?"

Tanong sakin ni Apo, dahilan para mapatingin na ako sakaniya habang nakataas na ang pareho kong kilay.

"H-huh? O-okay lang ako. B-baket?"

Pautal-utal sa sagot at tanong ko kay Apo habang tinitignan ko pa rin siya. Napangiti na lang sakin si Apo, mabilis na tinignan si Jervien at saka binalik na ulit sakin ung tingin niya.

"Parang grabe ung tingin mo kanina kay Jervien, Tagum, ah~"

Sabi sakin ni Apo habang tinitignan pa rin niya ako nang may ngiti na sakaniyang mga labi. Tinignan na rin ako nila Paul at Fuerte, dahilan para hindi na ako maka galaw sa kinauupuan ko, manahimik at pinaglaruan na lang ung sleeve ng jacket ko.

"Sakto! Pareho pa kayo ni Jervien na naka maong!"

Sabi naman ni Paul habang palipat-lipat na ang tingin niya saming dalawa ni Jervien. Agad ko nang tinignan ung jacket na suot ko ngayon at nakita na maong nga un, kaso ung sleeves at hood ng jacket ko ay tela. Sunod ko namang tinignan ung suot na jacket ni Jervien at nakitang maong nga ung jacket niya. Wow…

"Sige na. Tama na. Ano na ung explanation mo Tagum?"

Nakangiting sabi ni Apo habang tinitignan na niya ako. Mabilis ko nang tinignan pabalik si Apo at saka inumpisahan nang iexplain kung bakit dapat na pairalin ung emosyon sa sitwasyon na un. Nang matapos na ako ay inilipat na ni Apo ung tingin niya kay Fuerte, dahilan para mapatingin na rin ako sakaniya.

"Ikaw, Fuerte? Bakit emosyon ung sa tingin mong dapat pairalin sa sitwasyon na un?"

Tanong na ni Apo kay Fuerte habang tinitignan na namin siya. Mabilis na napatakip ulit ng bibig si Fuerte gamit ng panyo niya at saka nagkibit balikat.

"Ano un? Hindi mo alam?"

Natatawang tanong ni Apo kay Fuerte habang tinitignan pa rin namin siya. Natawa na lang din kaming dalawa ni Paul sakaniya.

"Ginaya ko lang ung sinagot ni Tagum, eh."

Sagot na ni Fuerte sa tanong sakaniya ni Apo sabay turo niya sakin gamit ng hinlalaki niya habang tinatakpan pa rin ang bibig niya gamit ng panyo. Agad na nanlaki ung mga mata ko nang marinig ung sinagot ni Fuerte sa tanong sakaniya ni Apo.

"Ba't mo ginaya sagot ko?"

Gulat na tanong ko kay Fuerte habang pinanlalakihan ko pa rin siya ng tingin. Tinignan na ako ni Fuerte habang tinatakpan pa rin ung bibig niya gamit ng panyo sabay kibit-balikat, dahilan para mas lalu pang matawa sila Apo at Paul. Si Jervien naman ay mahina nang natawa. His laugh…

"Tinatamad ka lang ata mag-isip Fuerte, eh."

Sabi ni Apo kay Fuerte habang tinitignan pa rin niya ito nang may ngiti sa mga labi niya.

"Oo."

"Ta#6!#@#6 yan!"

Natatawang sabi ni Paul nang sinagot na ni Fuerte ang tanong sakaniya ni Apo. Natawa na lang din ako pati si Jervien habang tinitignan ko pa rin si Fuerte.

"Nakakainis! Hahahahha!"

Natatawang sabi ni Apo habang tinatakpan na niya rin ang bibig niya gamit ang kaniyang kamay. Tumawa na rin si Fuerte dahil sa sinabi niya kay Apo habang tinatakpan pa rin ang bibig niya gamit ng panyo.

"Seryoso kasi Fuerte!"

Sabi na ni Apo kay Fuerte nang matapos na siyang tumawa habang tinitignan na niya ito. Tuloy pa rin sa pagtawa si Fuerte, dahilan para mapatingin na sakin si Apo.

"Tagum, ganto ba talaga 'to si Fuerte?"

Tanong sakin ni Apo habang nakatingin pa rin siya sakin at saka tinuturo na niya si Fuerte gamit hintuturo niya.

"Ewan ko dyan."

Natatawang sagot ko sa tanong ni Apo sakin sabay kibit balikat at saka tingin na kay Fuerte.

"Eto na, eto na."

Sabi na ni Fuerte sabay alis na niya ng panyong naka takip sa bibig niya at sinimulan nang iexplain ung sagot niya. Nang matapos nang iexplain ni Fuerte ung sagot niya ay napatango na lang si Apo at saka tinignan na kaming apat.

"May point sila Paul at Jervien kung bakit dapat pairalin ang isip sa sitwasyon na un, pero may point din naman sila Tagum at Fuerte kung bakit dapat na emosyon ang pairalin sa sitwasyon na un…"

Sabi ni Apo samin matapos niyang pakinggan lahat ng opinion namin nila Jervien, Paul at Fuerte habang binabasa na niya ulit ung sitwasyon na naassign samin sa phone niya.

"Ang hirap naman neto!"

Reklamo ni Apo sabay lapag na ng phone niya sa arm chair.

"Next group!"

Sabi na ng subject teacher namin nang matapos na ung grupong nagpepresent sa harapan.

"Bilisan ninyo mga dikya! Hindi natin hawak ang oras, ha!"

Sabi ng subject teacher namin habang tinitignan na ung mga members ng susunod na group.

"Sige, ganto na lang. Emosyon ung isasagot natin sa sitwasyon na un. Kung mali, edi mali. Ang hirap naman kasi ng sitwasyon na naassign satin, eh!"

Sabi samin ni Apo sabay sandal na sa upuan niya tsaka tinignan na lang ung phone niya na naka patong sa arm chair.

"Hindi na ba kaya Apo?"

Natatawang tanong ni Paul kay Apo habang tinitignan na niya ito. Tinignan na pabalik ni Apo si Paul at saka tumango na.

"Oo, eh. Ang hirap kasi."

Sagot ni Apo sa tanong sakaniya ni Paul habang nakangiti pa rin siya. Ilang saglit pa ay nakinig na lang kami sa grupong nagpepresent ngayon sa harapan. Hanggang sa lumipas na ang maraming minuto ay naka ilang grupo na ang nag present sa harapan at kami na po ang susunod.

Nakatayo na po kaming lima ngayon nila Jervien, Apo, Paul, at Fuerte sa platform at ung tinginan samin ng subject teacher namin ay ready nang mang gisa. Ma'am, hindi naman po 'to research defense diba? So, nag umpisa nang iexplain ni Apo ung sagot namin na dapat pairalin ung emosyon sa sitwasyon na un, at nung natapos na…

"Seryoso ba? Emosyon pa rin ang papairalin niyo kahit ganun na ung sitwasyon? Sige nga! Emosyon pa rin ba ang papairalin ninyo pag nalaman ninyo o napansin na ninyo na inaabuso na kayo?"

Sunod-sunod na tanong samin ng subject teacher namin habang palipat-lipat na ang tingin niya saming lima nila Jervien, Apo, Paul at Fuerte.

"Hindi po."

Sagot ni Apo sa tanong samin ng subject teacher namin, habang ako naman ay lowkey na umiling.

"Diba! Kaya ang dapat na pairalin dyan sa sitwasyon na naassign sainyo ay isipan! Hindi emosyon! Tandaan ninyo mga anak, ha! Wag na wag na wag ninyong hahayaan ang mga sarili ninyo na maabuso ng ibang tao! Alamin niyo ang halaga niyo! Hindi kayo buffet para maging unlimited sa iba, ha! Okay, next group! Bilisan ninyo malapit na mag time!"