~AUG 14 AT 5:44 PM~
: Hi ahahahahaa
~AUG 14 AT 6:40 PM~
: Jerviennnn
: Mukha kang blooming kanina ahahahaha
Jervien: bakit naman?
: Glowing ung face mo
: Naalis ung seriousness sa pagmumukha mo ganern
Jervien: ahh
: Yeahh ahahahahaa
: Ahahahahaha ansaya nung photoshoot namen kanina
Jervien: saan ?
: Dun lang sa field ahhahahaha
: May nilalayong bubuyog si stephen ahhahhaahaha
: *You forwarded an image*
Jervien: si stephen hahaha
: Dami ngang epic na pic, eh ahahahahaha
: Pero un talaga ung nagpapasaya ahahhaahhahaha
Jervien: hahahaha
: Rereview ka ule mamaya???
~AUG 14 AT 7:25 PM~
Jervien: Hinde ko alam eh
~AUG 14 AT 8:15 PM~
: Sorry late replyyyy
: Kumain kasi kami tsaka naghugas pa ko pinggan ahahahaha
Jervien: Hinde okay lang
Jervien: Kakauwi ko nga lang eh
: Weehh??? Ahahahhaha
Jervien: Galit ako sa alaya mall
Jervien: Galing*
Jervien: Hahahaha
Jervien: Tumabay lang
: Ahahahahhaaha
: Ahh
: Gagawa nga uli ako reviewer ngayon, eh
: Na hindi ko naman mababasa bukas
Jervien: Ahh
: Ahahahahahaa
Jervien: Sige tapusin mo na yan
: Wala pa nga ako naumpisahan, eh ahahahhaahha
: Panay lang ako phone kaninang pag uwi ahahhahaha
Jervien: Ahh okay hahaha
: Ang sweet ni harold ahahahaha
Jervien: Bakit?
: May achocolate at letter pa para samin
: *You sent a photo*
Jervien: Oo nga sweet nga hehehehe
: Ahahahaha lapit ko na matapos ung movie ehehehehe
Jervien: Tapusin mo na yun kagabi pa yun eh
Jervien: Hahahaha
: Mamaya ahahahahhaa
: Pag tulog na sila mama
Jervien: Hahahaha
: Tinatamad ako gumawa ng reviewer ahahahahah
Jervien: Bakit naman?
: Di ko kasi hilig mag review
: Kadalasan umaasa na lang talaga ako sa stuck knowledge ko
Jervien: Ako wala akong knowledge eh
Jervien: Ang sad
Jervien: Haahahah
: Lahat may knowledge ahahahahha
: Sadyang iba iba lang talaga tayo ng learning styles
Jervien: Ewan ako hahahaha
Jervien: Inaantok na
Jervien: Kaso wala pa akong kain
Jervien: Nagluluto palang ako hahahaha
Jervien: Wala pa akong makain*
: Ano niluluto mo???
Jervien: Nag priprito lang
Jervien: Hahahah
: Ahahahaha
: Ano piniprito mo??
Jervien: Baboy
Jervien: Hahahaha
Jervien: Akala ko kakain nalang ako pag uwi ko eh
Jervien: Bahahaha
: Ahh ahahahahaha
: Sige na kumain ka naaaa
: Baka gutom ka na, eh ahahahhaa
Jervien: Kanina pa nga ej
Jervien: Dapat pala kumain nalang ako dun
: Ahahahaha
: Nakalimutan ko nga mag meryenda kaninang pag uwi ko, eh
Jervien: Sa labas
: Nandun na sa lamesa ung turon tas di na ko nakakuha ahahahhaa
: Ahh
: Eatwelllll tsaka sleep well na rin ahahahahhaa
Jervien: Hahahaha
: Uumpisahan ko na reviewer ko ahahahaha baka mapagalitan pa ko, eh
Jervien: Oo hahahaha
Jervien: Ano ba exam natin bukas?
: Polgov tsaka MIL
: Kamuntikan na ko mahuli ni mama ahahahahahha
Jervien: Hahahaha
: Ahahahaha sige na baka antok ka na
: Intayin na lang kita mamaya hehehe
~AUG 14 AT 10:56 PM~
: Naka tulog ka na????
~Aug 14 AT 11:22 PM~
Jervien: Hinde eh
: Baket???
Jervien: Wala lang hahaha
: Ahh ahahahaha
: Tutuloy ko na panunuod ko ahahahaha
Jervien: Sige sige
Jervien: Maganda yan eh
At dito na natapos ang pagchachat namin ni Jervien sa gabing 'to.
*Kinabukasan*
Maaga na ako naka pasok ngayon sa school at sama-sama na kaming nagrereview ngayon nila Violado, Juliana at Christina sa loob ng classroom namin habang hinihintay nang mag-umpisa ung test namin.
"Ibon! Tignan mo 'to!"
Sabi sakin ni Violado habang may pinipindot na siya sa phone niya. Pinanuod ko na lang siya habang hawak na ung libro niya sa MIL.
"Eto."
Sabi sakin ni Violado sabay pakita na sakin ng phone niya nang may malaking ngiti sakaniyang mga labi.
"Magka text na kami ni Jervien. Aaaaahhhhh!"
Masayang sabi sakin ni Violado habang pinapa kita pa rin niya sakin ung text nila ni Jervien sa isa't isa. T-talaga?
"Yabang mo naman Violado!"
"Makipag landian ka na lang kaya kesa mag review, noh!"
Sabi nila Juliana at Christina kay Violado habang hawak nila ang kani-kanyang mga libro sa MIL at Polgov. Sana all.
"Waahh! Sana all, Violado!"
Yan na lang ang tangi kong nasabi kay Violado habang tinitignan ko pa rin ang phone niya nang may pilit na ngiti sa labi ko.
"Sino una nang hingi ng number?"
Tanong ni Juliana kay Violado habang tinitignan na niya ito.
"Shempre si Violado na yan! Tinatanong pa ba yan?"
Sabi naman ni Christina habang tinitignan na rin nito si Violado. Tinignan ko na si Violado at iniintay na ang isasagot niya sa tanong sakaniya ni Juliana.
So, sinagot na po ni Violado ung tanong ni Juliana. Ayoko nang alalahanin pa ung sagot niya. Wala akong laban sakaniya, eh. May lakas siya ng loob na lapitan at kausapin si Jervien sa personal, samantalang ako wala. Ahahahaha. Try ko kaya mamayang uwian? Sabihin ko sakaniya na tapos ko na ung I want to eat your pancreas? Oo. Un na lang gagawin ko.
*3 hours and 25 minutes later*
May 15 minutes pa bago mag-uwian! Sana makahanap ako ng tyempo! Hindi pa kami pinapalabas ng adviser namin kasi raw baka pagalitan siya pag nahuli na maaga nagsi labasan mga estudyante niya.
Nasan na kaya si Jervien? Inikot ko na ung paningin ko sa loob ng classroom namin kaso nahirapan akong hanapin siya dahil sa mga matatangkad kong mga kaklase na lakad ng lakad. Ba't ba ang tatangkad niyo? Nahihirapan tuloy akong hanapin si Jervien dahil sa liit kong 'to.
Ilang saglit pa ay nakita ko na rin sa wakas si Jervien! Now's my chance! Pasimple akong naglakad papalapit kay Jervien na nakatayo na malapit sa may pintuan sa bandang likuran ng classroom namin.
"Jervien."
Mahinang tawag ko kay Jervien nang makatayo na ako sa harapan niya. Kaya mo 'to Yvonne! Fighting!
"Uyy."
Yan na lang ang nasabi sakin ni Jervien habang tinitignan na niya ako. Kayanin mo ung kilig self! Huwag ka munang kiligin masyado! Hindi pa kayo nagkakausap! Kalma lang!
"Natapos ko na kagabi ung I want to eat your pancreas."
Sabi ko kay Jervien habang tinitignan ko na siya at pinaglalaruan ko na ung kuko ng daliri ko sa kamay.
"Ano?"
Tanong sakin ni Jervien sabay tapat na niya ng tenga niya sa gilid ng mukha ko. Oh. My. God. Aaaaahhhhh! Kalma self! Kalma! Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko!
"N-natapos ko na kagabi ung I want to eat your pancreas."
Pag-ulit ko sa sinabi ko kay Jervien kanina. Okay! Alam ko na kung bakit hindi ko kayang makipag-usap kay Jervien ng personal! Masyado ako kinikilig na para bang sasabog na ung puso ko sa bilis ng tibok! Waaahhhh!
Umayos na ulit ng tayo si Jervien at saka tinignan na ako.
"Ahh."
Nakangiting sabi ni Jervien habang tinitignan niya pa rin ako at saka tumatango-tango na. Ngumiti na ako habang tinitignan na siya.
"Para ngang ikaw ung bidang lalaki dun, eh."
Sabi ko kay Jervien habang tinitignan ko pa rin siya. Nagulat na lang ako nang bigla ulit niyang tinapat tenga niya sa gilid ng mukha ko. Self… kalma lang, ha~ kumalma ka lang. May last day pa kayo ng exam bukas. Tsaka ka na magwala pag tapos na pre-finals niyo.
"Ano?"
"Para ngang ikaw ung ano… bidang lalaki dun."
Pag-uulit ko sa sinagot ko kay Jervien kanina. Heart, tama na ung pag tibok mo ng mabilis! Baka marinig ka ni Jervien! Please maki-cooperate ka kahit ngayon lang! Umayos na ulit ng tayo si Jervien at tinignan na ulit ako.
"Pano?"
Takang tanong sakin ni Jervien habang tinitignan niya pa rin ako. Hala, pano nga ulit naging parang siya ung bidang lalaki dun?! Aaahh! Nakakainis kang babaita ka! Hindi ko na alam isasagot ko kaya inikot ko ung paningin ko habang nakayuko at bigla kong nakita si Pengson na nakaupo sa may basurahan na malapit saming dalawa ni Jervien saka tinitignan lang niya kaming dalawa nang may ngiti sa labi niya. Ano kaya tumatakbo sa isip ngayon ni Pengson?
"A-ano…"
Sabi ko kay Jervien habang nakayuko pa rin ako, dahilan para itapat ulit ang tenga niya sa tabi ng mukha ko. Ganun ba talaga kahina boses ko ngayon? Kung oo, thank you!
"Hindi kayo masyado nakiki sama sa iba."
Sagot ko sa tanong sakin ni Jervien habang nakatapat pa rin ung tenga niya sa tabi ng mukha ko. Umayos na siya ng tayo at saka tumango na lang. Turn off ba ung sinabi ko sakaniya? Hindi ba maganda sinabi ko sakaniya? Aaahh! Ano na gagawin ko!?
"Ma'am! 3:28 na, oh!"
"Baka naman, ma'am!"
Sigaw ng mga kaklase naming mga lalaki na kanina pa lakad ng lakad sa loob ng classroom namin, dahilan para mapatingin na ako sakanila. Mga hindi mapakali.
"Oo na! Pwede na kayo magsi uwian!"
Sabi ng adviser namin sa mga makukulit naming kaklaseng lalaki na kanina pa nangungulit sakaniya. Naghiyawan na ung mga kaklase naming lalaki sa tuwa at ako naman ay binalik na ang tingin kay Jervien.
"Balik na ko dun kela Violado."
Sabi ko kay Jervien habang tinuturo ko na sila Violado gamit ng hinlalaki ko. Tumango na lang ulit si Jervien sakin.
"Ingat."
Mahinang sabi ko sakaniya nang maglakad na siya papunta sa pinto. Hindi na ata niya narinig. Hindi lumingon, eh. Hays. Ba't ganto ako?
"Ibon! Ano pinag-usapan niyo ni Jervien?"
Tanong kaagad sakin ni Violado nang makalapit na siya sakin. Agad akong napatingin sakaniya at saka ngumiti.
"Ahh, wala lang un. May sinabi lang ako sakaniya."
Sagot ko sa tanong sakin ni Violado habang nginingitian ko pa rin siya.
"Ano sinabi mo sakaniya?"
Tanong pa sakin ni Violado habang magkasabay na kaming naglalakad papalabas ng classroom.
"Basta. Wala un. Samin na lang un."