~AUG 16 AT 5:58 PM~
: Sa Tuesday, haaa AHAHAHAHAHA
: Oiii
: Jervsss
~AUG 16 AT 6:56 PM~
Jervien: subukan ko hahahaha
: Ahahahaha 50/50 yannn
: Dali na ahahahahhaa
: Para maranasan mo rin gumala ng may kasama
: Hindi ung nagiisa ka lang palagiiii
Jervien: pauwi palang ako eh hahahaha
: Ayy ahahahaha
: Ingat kaaaa
: Kakauwi ko nga lang, eh ahahahaha
~AUG 16 AT 7:56 PM~
Jervien: bakit san kayo galing ?
: Kumain kami nila harold at violado ng shawarma rice, eh ahahahaha
: Sa tapat lang ng school
: Tas nahirapan pa kami ni harold sumakay ng bus pauwi
~AUG 16 AT 8:47 PM~
:Hellooooo
: Lagyan kaya kita nickname???
~AUG 16 AT 10:04 PM~
Jervien: Bakit naman ?
~AUG 16 AT 11:37 PM~
Jervien: Hahahaha
~AUG 17 AT 4:48 AM~
: Halaaa
: Jervien sorryyyy
: Inantol na kasi talaga ako kagabi, eh
: Ahahahahaa paggising ko pa lang ikaw na agad pumasok sa isip ko
~AUG 17 AT 5:05 AM~
Jervien: hahahaha
: Sorry talagaaaa
: Sorry jerviennn
: Ano ba gusto mong nickname??? Ahahahaha
Jervien: Bakit kanaman nag sosorry?
: Kasi natulugan kitaa
Jervien: Ahh yun ba liit nabagay eh
: Hinintay mo ba ako magreply???
: Ahahahaha kapal ng mukha ko
Jervien: Tinatapos ko yung pinapanood ko
Jervien: Heheheh
Jervien: Nagandahan ako ehh
: Ano pinapanuod mo???
: Recommend mo namam ahahahahaha
Jervien: Basta hahahaha
: Ahahahaha
: Di ka pa matutulog???
~AUG 17 AT 5:40 AM~
Jervien: Sige matutulog na ako
Jervien: Inaantok na ako
Jervien: Hahahaha
: Sweetdreamssss
: Tutulog ulit ako ahahaha
Jervien: Sige sige
At dun na natapos ung chat namin ni Jervien ngayong madaling araw at natulog na ulit ako.
"Beh! Bon! Gising na! Mag-aalas nuwebe na! Tanghali na!"
Panggigising samin ni mama galing sa baba. Alarm clock talaga ung boses ni mama. Naupo na agad ako sa double deck bed namin ng kapatid ko at saka inayos ko na ung kumot ko.
"Beh! Bon!"
Tawag ulit samin ni mama galing dun sa baba. Madalas talagang hindi makapag-antay ung mga tao dito sa bahay na 'to. Anong oras na ba?
"Opo!"
Sagot ko sa tawag ni mama sabay bangon ko na sa kama, suot na ng salamin, naglakad na papunta sa study table ko para kunin ung phone ko at saka bumaba na ng hagdan.
"Ung kapatid mo, gising na?"
Tanong sakin ni mama habang may hinihiwa siya sa kusina.
"Hindi pa po."
Sagot ko sa tanong sakin ni mama habang naglalakad na ako papunta sa cr para linisin sarili ko.
"Ginising mo na sana ung kapatid mo bago ka bumaba."
Sabi sakin ni mama habang naghihiwa pa rin siya. Hindi ko na lang siya pinansin at nagdirediretso na lang ako sa cr. Matapos kong gawin ung business ko sa cr ay bumalik na ulit ako sa taas para gisingin na ung kapatid ko.
"Hoy! Gising na! May dala nang pamalo si mama!"
Panggigising ko sa kapatid ko habang hinahampas-hampas ko na ung binti niya kase un lang ung abot ko. Hindi pa rin nagigising ang hinayupak! Dahil sa inis ko pinalo ko na siya ng malakas sa binti.
"Aray!"
Sigaw ng kapatid ko nang napalo ko na siya, dahilan para dali-dali na akong tumakbo pababa ng hagdan at saka pumasok na ulit sa cr.
"Ano un?!"
Nag-aalalang tanong sakin ni mama, pero bago ko pa masagot ung tanong niya ay…
"Mama! Si ate pinalo ako!"
Sumbong ng bunso kong kapatid kay mama habang naririnig ko na ung yapak ng mga paa niya na pababa na ng hagdan.
"Ay anu man niyo! Ang sabi ko gisingin mo lang hindi paluin!"
Sabi sakin ni mama habang nagtatago pa rin ako sa loob ng cr. Bicolana po mama namin kaya may sinabi po siyang ganung expression. Hinayaan ko na lang ung kapatid ko at ang mama namin na mag-usap habang nasa loob pa rin ako ng cr nagtatago.
"Ibon, lumabas ka na dyan. Kumain na kayo almusal."
Sabi sakin ni mama habang tinuloy na ulit niya ung paghihiwa niya. Dahan-dahan ko nang binuksan ung pintuan ng cr at saka sinilip ko na ung kapatid ko na ang sama na ng tingin sakin. Kasalanan ko ba na ang hirap niyang gisingin!?
Hindi ko na papahabain pa kaya… lumipas ang araw na naglinis lang kami ng bahay at pagka tapos nun ay umalis ako para pumunta sa bahay ng kaklase ko dahil magpapractice kami ng cheering eme na group activity namin sa PE.
Dumating na ang gabi at…
~AUG 17 AT 8:17 PM~
: Jerviennnnn
~AUG 17 AT 8:33 PM~
Jervien: Ano yun??
~AUG 17 AT 10:27 PM~
: Kung sakaling matuloy gala natin sa Tuesday, san mo gusto pumunta???
~AUG 17 AT 10:56 PM~
: Jerviennnnn
: Antipuestooo
Jervien: Ewan ko hahahaha
: Ano ngaaa ahahahbaha
Jervien: May pasok tayo sa lunes?
: Meron
: *C lang ung wala
Jervien: Ahh
Jervien: Magte take kaba ng U***T?
: Nopeee
: Tsaka tapos na rin ata deadline nun, eh
: Ewan ko
Jervien: Hinde paa
Jervien: Pinapatake kase ako ehh
Jervien: Hahahaaa
: Weehh???
: Nino???
: Sino nagpapatake sayo sa U***T????
~AUG 17 AT 11:19 PM~
Jervien: Pinsan ko hahahaha
: Ahh ahahahaha
: Sila christina nagtry un, eh
: Kaso ung ilan sakanila nag back out ahahahaha
Jervien: Bakit?
Jervien: Ng bckout?
: Hindi ko rin alam dun, eh
: Nung una marami sila gustong magtry sa **
: Gumawa pa nga sila ng gc, eh
: Tas nung nagtagal
: Backout na
Jervien: Hahahah
: Ask ko langggg
Jervien: Wag maa
Jervien: Na
Jervien: *
Jervien: Hahahaha
: Ahahahahaa
: Nag reac ka ba sa profile picture ko kanina???
Jervien: Oo
: Weehh???
: Ahahahaha nagulat akooo
Jervien: Bakit?
: Di ko kasi ineexpect un, eh
: Tas pag tingin ko dun sa mga nag react, wala ka don
: Ahahahaha
Jervien: Ahh hahahaha
: Oo ahahahaha
: Hala nakita ko naaa AHAHHAHAHAHA
: Gusto mo ba magaral sa **???
Jervien: Pinipilit lang ako mag take ng u***t hahahaha
Jervien: Hinde ko alam ehh
: Ahh ahahahaha
: Eh, san mo ba gusto mag college???
Jervien: Hinde ko alam
: Wala kang dream school???
Jervien: Hinde ko rin alam eh
Jervien: Hahahah
: Ayy ahahahaha
: Nagpunta kami kanina kela raymond, eh
Jervien: Ginawa nyo?
: Nagpractice nung para sa pe
: Dami ngang chocolates, eh ahahahaha
Jervien: Kay raymond?
: Yeppp
Jervien: Baka padala ng mama nya hahahaha
Jervien: Saan galin?
: Siguro ahahahaha
: Ewan ko, eh
: Kami na nga ni violado naka ubos nung isang bar ahahahaha
Jervien: Hahahaha
Jervien: Ang takas hahahaa
: Mahilig kasi kami sa chocolates ahahahaha
: Bakit baaa
Jervien: Wala naman hahahaha
: Ahahahaha
: Ano oras ka na nagising kanina???
Jervien: 4 ata
Jervien: Hehehehe
: Wehh??? Ahahahaha
: Sarap ata ng tulog mo nun, ahhh
Jervien: Hinde ko alam hahahaha
Jervien: Ang init nga kanina
: Oo nga, eh
: Init na init nga rin kami kanina sa bahay nila raymond
Jervien: Oo hahahaha
: Ahahahaha
: Ask ko mga ako hehehe
At matapos kong isend un ay hindi na niya ako nireplayan.