Uwian na namin sa wakas at nag decide si Ashley na sabay sana kaming uuwi ngayon kaso magkikita kami mamaya ni Jervien sa Lucky Leaf Mall, kaya… sabay na lang kami ngayon naglalakad papalabas ng school.
"First time 'to Yvonne, ah~ Buti pinayagan ka nila mama mo."
Sabi sakin ni Ashley habang naglalakad na kami sa tabi ng field. Natawa na lang ako sakaniya at saka tinignan na siya.
"Ung pinaalam ko kila mama ano, eh… gagawa ng research."
Sabi ko naman kay Ashley nang may ngisi saking mga labi, dahilan para agad niya akong lingunin at saka tumawa na.
"Sira ulo ka! Ginamit mo pang palusot ung research para lang sa date niyo ni Jervien!"
Natatawang sabi sakin ni Ashley habang tinitignan niya pa rin ako. Para namang di ako kilala neto. Dati ko pa kaya ginagawang palusot ung mga school activities namin. Ahahahhaahha! Teka… 'Date'?
"H-hoy! Hindi date un, noh!"
Pagtatama ko kay Ashley habang tinitigan ko pa rin siya. Bakit ba date agad ung pumapasok sa isip ng mga sinabihan ko about sa pagkikita namin mamaya ni Jervien?
"Edi ano pala?"
Tanong sakin ni Ashley habang tinitignan niya pa rin ako at patuloy pa rin kami sa paglalakad.
"Ano… friendly… date?"
Sagot ko sa tanong ni Ashley sakin. Okay! I should've thought a different word in the end. Nakakainis!
"Oh, diba! Date nga!"
Natatawang sabi sakin ni Ashley sabay hampas niya sakin sa braso ko.
"Aray! Hindi nga kasi date un!"
Pagde depensa ko sa sarili ko kay Ashley habang hawak ko na ung braso kong hinampas niya.
"Ikaw na nagsabi na date un!"
Sabi sakin ni Ashley habang tumatawa pa rin siya. Sinabi nang…!
"Kaya nga may 'friendly', eh! Kasi as friends lang!"
Pagde depensa ko ulit sa sarili ko kay Ashley sabay alis ko na ng pagkakahawak ko sa braso kong hinampas niya kanina.
"Friends daw pero may crush kay Jervien."
Pang-aasar na ni Ashley sakin habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. Buti na lang nakarating na rin kami sa wakas sa gate!
"Nuba! Mag date na nga lang kayo ni Yohan!"
"Ayaw mo lang aminin na date un, eh."
Natatawang pangangasar pa sakin ni Ashley habang nakatayo na kami pareho sa likod ng ibang mga estudyante na naghihintay tumawid ng kalsada.
"Kasi nga hindi date un."
"Kung hindi date un, ano tawag dun?"
Nakangising tanong sakin ni Ashley habang naghihintay pa rin kaming patawirin nung enforcer na nasa gitna ng kalsada.
"Basta!"
Yan na lang ang nasabi ko kay Ashley at saktong pinatawid na kami ni kuyang enforcer. Nang nakatawid na kami ni Ashley ay agad kaming nakakita ng jeep na maluwag at mabilis na sumakay roon.
"San ka nyan bababa?"
Tanong sakin ni Ashley nang makuha na niya ung pamasahe sa wallet niya, habang ako naman ay kumukuha pa lang ng pamasahe sa wallet ko.
"Nagka kasabay kayo minsan ni Paul sa jeep diba?"
"Oo."
"Bababa ako dun sa binababaan ni Paul."
Sagot ko sa tanong ni Ashley sakin sabay bigay na sakaniya ng pamasahe ko.
"Alam mo kung pano pumunta roon? Bayad po!"
Tanong sakin ni Ashley sabay abot na ng bayad namin pareho at tingin na sakin.
"Hindi."
Natatawang sagot ko sa tanong sakin ni Ashley habang umiiling na ako, dahilan para matawa na rin siya.
"Pano ka pupunta dun?"
Natatawang tanong na sakin ni Ashley habang tinitignan niya pa rin ako. Tumawa na lang ako at saka nagkibit balikat.
Nagdaan ang ilang minuto ay nakarating na rin ang jeep sa bababaan ko. Nagpaalam na ako kay Ashley at saka bumaba na ng jeep. Pagkababa ko ay wala na akong makitang jeep na papunta sa Bali****ak ilalim na maluwag kaya napilitan ako sa jeep na pinipilit pa ng barker na may isa pang bakante. Nang maka akyat na ako sa jeep ay nakita ko sila Paul at Pal na magkatabi.
"Oh, Tagum! Dito rin daan mo pauwi?"
Tanong agad sakin ni Pal nang makaupo na ang katiting na parte ng puwetan ko sa upuan ng jeep. Pisting barker yan.
"Ah, hindi… may pupuntahan lang."
Sagot ko sa tanong sakin ni Pal habang tinitignan ko na siya sabay ngiti ko sakaniya. Uhm… awkward…
"Saan?"
Tanong ulit sakin ni Pal habang tinitignan niya pa rin ako. Akma na sana akong magsasalita ulit nang…
"May date sila ni Jervien sa Alaya Mall."
Nakangising sagot ni Paul sa tanong sakin, dahilan para mapatingin kami pareho ni Pal sakaniya.
"Talaga?"
Tanong ulit sakin ni Pal sabay tingin na niya ulit sakin habang nakangisi ng pagka laki-laki. Paul? Ba't ka ganyan? Dahan-dahan na lang akong tumango kay Pal bilang sagot ko sa tanong niya.
Lumipas ang ilang minuto ay may mga nagsi babaan na ring mga pasahero at sa wakas ay nakaupo na rin ako ng maayos! Agad ko nang kinuha ung phone ko sa bag ko, binuksan un, pinindot ung mssngr at saka pinindot na ung convo namin ni Jervien.
~AUG 20 AT 3:42 PM~
: Otw na ko
Jervien: sige hintayin kita
~AUG 20 AT 3:46 PM~
Jervien: cno kasama mo??
: Kasabay ko sa jeep sila paul tsaka pal
Jervien: ahh
: Nandyan ka na ba???
Jervien: oo
: Kanina ka pa dyan???
Jervien: tatlo lang kayo?
: Oo, baket???
Jervien: ahh
: Ahahaha baket???
Jervien: na san na kayo?
: Lagpas na sa W**
Jervien: ahh okay
: San tayo kita???
Jervien: alam mo na ba ?
: Yahh??? Ahahahhaa
Jervien: pasok kana lang sa alaya
: Sigeeee
And after nun ay sinara ko na ung phone ko at saka tinago na ulit un sa bag ko. Ilang saglit pa ay nagulat na lang ako nang biglang lumipat sa tabi ko si Pal.
"Saan pala kayo Pal bababa ni Paul?"
Tanong ko kay Pal habang tinitignan ko na siya, dahilan para tignan nanaman niya ulit ako.
"Sa Bali****ak ilalim."
Sagot ni Pal sa tanong ko sakaniya, tumango na lang ako ng dahan-dahan as a response sakaniya.
"Di mo alam kung san un, noh?"
Natatawang tanong sakin ni Paul, dahilan para mapatingin na ako sakaniya at nakitang nakatingin siya sakin. Natawa ako ng kaunti at saka umiling.
"Hindi."
Simpleng sagot ko sa tanong sakin ni Paul habang tinitignan ko pa rin siya.
"Hindi ka pa ba nakaka punta sa Alaya Mall, Tagum?"
Tanong naman sakin ni Pal, dahilan para mapatingin naman ako sakaniya at saka tumango bilang sagot ko sa tanong niya.