"Bon! Gising na! Male late ka na!"
Panggigising sakin ni mama galing sa baba. Ugh… anong oras na ba ako nakatulog kagabi? Inaantok pa ako, eh.
"Bon! Maga alas nuwebe na! Alas onse pasok mo ngayon diba?!"
Panggigising pa sakin ni mama. Anong araw ba ngayon? Ang aga naman kase ng pasok ko ngayon. Sobrang inaantok pa ako, eh. Babangon na ba ako o hihintayin ko pa ung pangatlong tawag sakin ni mama?
Naupo na ako sa kama habang pinipilit ko nang imulat ang pareho kong mga mata na pumipikit-pikit pa. Pilitin mo nang bumangon Ibon, baka may dala nang pamalo un pag-akyat dito.
Nang tuluyan na akong magising ay inayos ko na ung kama ko, bumangon na sa kama at naglakad papunta sa study table ko para kunin na ung phone ko.
"Bon! Hindi ka pa gigising, ha!?"
Inis na sigaw sakin ni mama galing sa baba, dahilan para magulat ako ng kaunti at agad nang lumabas ng kwarto namin ng kapatid ko.
"Gising na po ako!"
Sagot ko kay mama habang hawak ko na ung phone ko at ung bote ng tubig na dinadala ko sa kwarto gabi-gabi para hindi na bumaba pag nauuhaw. Nang bumababa na ako sa hagdan ay nagulat nanaman ako dahil papaakyat na si mama sa hagdan habang may hawak na siyang pamalo.
Buti na lang talaga bumangon na ako! Masakit pa namang ipampalo ung kawayan na pangkamot! Good choice Ibon, good choice. Nang makita na ako ni mama ay hindi na siya dumiretso paakyat at bumaba na lang siya. Kinabahan ako dun, ah.
"Kumain ka na dyan ng almusal, mag-aalas nuwebe na. Malelate ka nanaman niyan."
Sabi sakin ni mama habang naglalakad na siya papunta sa storage room namin para ibalik dun ung pangkamot na kawayan.
"Opo."
Yan na lang ang nasabi ko kay mama nang makababa na ako sa hagdan. Agad ko nang nilapag ung phone ko at ung bote ng tubig na bitbit ko sa coffee table namin sa sala at mabilis na naglakad papunta sa dining table para kunin na ung tasa kung saan nakalagay ang instant spaghetti na almusal ko.
Ay! Oo nga pala! Maga-arcade pala kami mamaya ni Jervien! OMG! Excited na ako! Mamaya na pala un! Ba't ko nakalimutan un?! Tagal ko na 'to iniintay, eh! Pero ano kaya itsura nung Alaya Mall sa Lucky leaf? Oo nga pala! Hindi ko alam kung pano pumunta dun! Waaahhhh! Bahala na nga!
Okay! Skip na natin dito! Fast forward na natin sa part na kung saan ay nalate ako. First subject, di ako gaano nakikinig sa subject teacher namin. Wala, eh. Okupado ung utak ko, eh. Di na ko mapakali. Kinakabahan ako na excited na ewan! Sana kasya ung pera na dinala ko ngayon para mamaya.
Anong oras na? Matagal pa bago matapos ung subject na 'to. 2 hours ba naman. Wala pa si Jervien. Late ba siya ngayon? Tuloy pa kaya kami mamaya? Kinakabahan ako. Sana tuloy pa kami mamaya. Pero seryoso. Kinakabahan ako ngayon, ewan ko kung bakit.
~AUG 20 AT 11:47 AM~
: Morning ahahaha
Patagong chat ko kay Jervien habang nagdidiscuss ung first subject teacher namin. Hayy… wala ako makausap ngayon. Ang lalayo naman kasi nila Violado, Juliana at Christina, eh. Si Chin sana malapit kaso nakikinig… mas mabuti na lang na wag ko na siya guluhin.
"Tagum, peram ako ng correction."
Sabi sakin ni Micah, dahilan para mapalingon ako sakaniya. Agad ko nang kinuha ung correction tape ko sa pencil case sa loob ng bag ko at saka inabot ko na un kay Micah.
Di na ko mapakali. Sana hindi ako atakihin ng kalampahan ko mamaya. Sana smooth lang ung gala namin ni Jervien mamaya. Kinakabahan talaga ako.
"Tagum, oh. Maraming salamat~"
Pagpapasalamat sakin ni Micah habang ibinabalik na niya sakin ung correction tape ko. Agad ko ulit nilingon si Micah at saka kinuha ko na ung correction tape ko sakaniya.
"Welcome~"
Sagot ko kay Micah habang nginingitian ko na siya at hawak ko pa rin ung correction tape ko. Binalik ko na ung correction tape ko sa pencil case sa loob ng bag ko at saka sinubukan ko nang makinig sa subject teacher namin.
Sa tuwing may mga late kaming mga kaklase na pumapasok ay hindi ko mapigilang hindi mapalingon at hanapin sakanila si Jervien. Tuloy pa ba o hindi na? Inayos ko pa naman ung buhok ko para mamaya. Sana tuloy pa. Nahirapan akong matulog kagabi dahil dito, eh. Sobrang excited po kasi.
Lumipas ang buong subject na ganun ang ginawa ko. Sinusubukang makinig sa dini discuss ng subject teacher namin tapos pag may late kaming kaklaseng papasok, mapa patingin ako sakaniya o sakanila at saka hahanapin si Jervien. Pag wala siya sa mga late susubukan ko nanaman ulit makinig sa subject teacher namin.
Nagdadalawang isip na ako kung tuloy pa ba ung pag punta namin ni Jervien sa arcade mamaya or hindi na. Kung hindi tuloy, edi deretso uwi na lang ako o kaya magsosolo date na lang ako sa mall na mas malapit samin.
"Violado, okay lang ba ung ayos ko?"
Tanong ko kay Violado habang nakatayo na silang tatlo nila Juliana at Christina sa harapan ko at ako naman ay nakaupo pa rin sa upuan ko. Maaga kasing lumabas ung subject teacher namin kaya maaga rin break time namin.
"Ayan, ayos na. Baket?"
Sagot at tanong sakin pabalik ni Violado matapos niyang ayusin ung buhok ko. Nginitian ko lang siya at saka umiling na bilang sagot sa tanong niya sakin.
"May date ka mamaya, noh?"
Nakangising tanong sakin ni Christina habang nakatingin na siya sakin at saka tinuturo na niya ako gamit ng hintuturo niya.
"Sino kadate mo mamaya, Ibon?"
Dagdag na tanong naman ni Juliana habang tinitignan na rin niya ako. Pinanlakihan ko na sila ng mata at saka umiling ulit.
"Wala akong kadate mamaya, noh. Ni wala nga akong boyfriend para maka date."
Sagot ko sa tanong nila Juliana at Christina sakin habang pinanlalakihan ko pa rin sila ng mga mata. Tumango na lang si Juliana habang sila Christina at Violado ay hindi kumbinsido sa sinabi ko.
"Sige. Sabi mo, eh."
Medyo natatawang sabi ni Christina sakin. Tanungin ko ba sila kung pano pumunta sa Lucky leaf Mall? Ewan. Bahala na.
"Christina, alam mo ba kung pano pumunta sa Lucky leaf Mall?"
Ayan na. Tinanong ko na. Ano kaya sasabihin nitong mga 'to?
"Sakay ka lang ng jeep papuntang bali****ak tapos lakad ka lang ng kaunti tapos andun ka na."
Sagot ni Christina sa tanong ko sakaniya habang tinitignan niya pa rin ako. Tumango na lang ako sakaniya. Bahala na kung mawala ako mamaya.
"Baket, Ibon? Sino kikitain mo dun?"
Tanong sakin ni Violado sabay upo na sa tabi ko kasi wala naman na dun si Madera.
"Ahh. Wala. Kaibigan ko lang."
Sagot ko sa tanong sakin ni Violado habang palipat lipat na ang tingin ko sakaniya at sa bintana sa likuran niya.
"Sinong kaibigan?"
Tanong naman sakin ni Juliana sabay upo na sa sahig habang tinitignan niya pa rin ako.
"Feeling ko may tinatago 'tong si Ibon satin, eh."
Sabi naman ni Christina sabay upo naman nito sa tabi ko since hindi naman dun nakaupo sa mga oras na 'to si Arvin. Pressure. I hate it.
"De~ kaibigan ko lang talaga un. Galing dun sa dati kong school."
Sagot ko sa tanong sakin ni Juliana. At dahil sa sinagot ko sa tanong sakin ni Juliana ay napataas ng mga kilay silang tatlo. Wow. Just… wow.
"Diba sa Val****ela lang din ung dati mong school?"
"Bat lumayo pa ung tagpuan ng kaibigan mong un?"
"Sigurado ka bang kaibigan mo un sa dati mong school?"
Sunod-sunod po na tanong nila Juliana, Christina at Violado. Fine. Sasabihin ko na lang sakanila.
"Oo na, hindi na. Hindi ko siya kaibigan galing sa dati kong school."
Sabi ko sakanila habang isa-isa ko na silang tinitignan. Napapalibutan na nila ako, eh. May magagawa pa ba ako? Ang tanga mo naman kasi mag-isip ng palusot Ibon!
"Sabi na nga ba, eh!"
Sabi ni Christina.
"Edi sino kikitain mo dun, Ibon?"
Tanong naman ni Juliana.
"Si ano…"
Pabitin na sabi ko sakanila.
"Sino?"
Tanong naman sakin ni Violado.
"Si ano… si… Jervien."
"Hoy! Pu+@#&!#@ ka! May d---"
Sabi ni Christina pero bago pa niya tapusin ung sinasabi niya ay agad ko nang tinakpan ung bibig niya.
"Hindi un date, okay? Friendly ano lang… friendly date."
Sabi ko sakanila habang tinatakpan ko pa rin ung bibig ni Christina.
"Date pa rin un!"
Sabi naman ni Juliana. Ano nang gagawin ko neto?
"Kung si Jervien nga ung kikitain mo mamaya dun sa Lucky leaf Mall, mag picture kayong dalawa, ha~ para may proof."
What the---