Naka tulog naman ako ng maayos kaninang madaling araw. Ang kaso lang… ginising ako nila mama't papa ng seven kaya hindi lalagpas sa limang oras ung tulog ko. Who cares? Narecharge naman ung energy ko kagabi, eh. Hehehe.
Nasa byahe na ako papunta sa school namin at nasa max nanaman ung volume ng earphones ko. Feels like home every time. Dapat pala nag bus na lang ako. Ang init dito sa jeep, eh. Habang nagpapaypay ung ibang pasahero sa loob ng jeep ay tinignan ko na ung wrist watch ko and… shoot. 30 minutes na lang at malapit na mag ala una. Bakit ba kasi trapik sa highway na 'to tuwing tanghali?
"Para po!"
Sabi ko sa driver ng jeep nung nakikita ko na na malapit na ako sa bababaan ko. Ilang saglit pa ay tinigil na ng driver ung jeep at bumaba na ako. Bili kaya ako ng pagkain sa Beejolly? Wag na. Mas lalu pa akong malate neto. Kaso natutukso ako… Bibili o hindi? Okay. Pag wala pang dumating na bus after five minutes papasok na ako sa Beejolly at bibili na ako ng pagkain.
Bago pa man lumipas ang limang minuto ay may dumating nang bus papunta sa school namin. Buti na lang. Mababawasan pa ung pera ko nang wala sa oras, eh. Kaso nagke-crave rin talaga ako ngayon ng mallow-choco pie ng Beejolly! Nakakainis naman, oh!
"Tagum. Ayusin natin bukas ung sa research, ha. After class."
Bulong sakin ni Micah nang makaupo na ako sa puwesto ko habang nagdidiscuss na ung first subject teacher namin. Opo. Late po ako ng twenty minutes.
"Saan?"
Tanong ko kay Micah habang tinitignan ko na siya. Oh? Late din ba si Jervien? Wala pa siya sa upuan niya… Aaahhhh! Oo nga pala! Pano ko siya haharapin ngayon!? Sinabi ko na pala sakaniya na crush ko siya!
"Sa fifth floor. Sa library."
Sagot ni Micah sa tanong ko sakaniya, tumango na lang ako bilang tugon sakaniya at nakinig na sa teacher namin sa philo. Focus, Yvonne! Focus! May quiz pa kayo mamaya! Studies muna! Focus! Ah, pisting utak 'to.
Lumipas ang tatlong klase namin nang hindi ako makapag focus dahil sa ginawa ko kagabi. Bakit mo ba kasi sinabi Yvonne na crush mo si Jervien? Kaka chat niyo pa lang kagabi tapos sinabi mo na agad na crush mo siya? Wow… ang galing mo ring babaita ka, eh, noh? Ang lakas ng loob mo pag sa chat pero pagdating na ng harapan wala na. Takot na.
Ay, oo nga pala. Dahil sa nangyari sakin last year 'di na ako masyadong naglalalapit sa mga lalaki. Pili na lang. Mga kalokohan mo kasi last year Yvonne, eh! Napa hamak ka tuloy! Tama na nga un! So… breaktime na namin at kanina pa pala pumasok si Jervien. Siguro mga 30 minutes after magsimula ung klase?
"Ibon, gusto mong sumama samin nila Christina at Juliana bukas sa Reshif Mall?"
Tanong sakin ni Violado habang nakapila na kami nila Chin, Christina at Juliana sa elevator. Agad kong tinignan si Violado at saka umiling bilang sagot ko sa tanong niya sakin.
"Aayusin na namin bukas nila Micah at Lara ung research namin, eh."
Dagdag ko sa sagot ko sa tanong sakin ni Violado habang tinitignan ko pa rin siya. Ano naman kaya gagawin nila dun bukas?
"Ahh… anong chapter na pala kayo dun?"
Tanong sakin ni Violado habang naglalakad na kami papasok ng elevator. Akma na sana akong sasagot nang makita ko si Jervien na pumasok na rin sa elevator kasama sila Morris at Stephen. Oh, god… anong gagawin ko!?
"Huy, Ibon!"
Tawag sakin ni Violado, dahilan para mabilis akong mapalingon sakaniya at saka tinaasan ko na siya ng pareho kong kilay. Agad na napatingin si Violado sa tinitignan ko kanina at nakita si Jervien, dahilan para mapangiti siya saka binalik na ung tingin niya sakin. No… now don't you dare…
"Kaya pala, eh. Christina, andito pala crush ni Ibon, eh."
Sabi ni Violado kay Christina habang tinignan niya pa rin ako. What?! Para namang hindi mo crush si Jervien, ah!
"Para namang hindi mo crush ung crush ni Ibon! Ahahahahhaha!"
Natatawang sabi naman ni Christina kay Violado habang tinitignan na niya ito. Naaalala niyo pa po ba nung house blessing namin na nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sakanila Christina, Violado at Harold na crush ko si Jervien? Sa huli po, sinabi ko rin po sakanila. Why? Dahil po siguro sa jealousy or kung ano man po ung naramdaman ko nung araw na un.
"Manahimik na lang kayo…"
Mahinang sabi ko kila Christina at Violado habang yumuyuko na ako at sinusubukan ko nang itago ung mukha ko. Sana hindi lumingon sila Jervien, sana hindi lumingon sila Jervien…
"Ground floor."
Sabi nung babaeng nago-operate ng elevator. Finally! Mabilis ko nang iniangat ung ulo ko at nakita nang lumabas sila Jervien, Morris at Stephen sa elevator.
"Crush mo rin Ibon si Jervien?"
Tanong sakin ni Juliana nang makalabas na rin kami ng elevator at naglakad na papunta sa canteen. Oo nga pala, wala sila Juliana at Chin nun.
"Ipag sigawan mo pa Juliana."
Sabi ko kay Juliana nang makapasok na kami sa canteen.
"Crush rin ni Ibon si Je-----!"
Sigaw ni Violado pero agad kong tinakpan ung bibig niya gamit ng kamay ko at saka nilibot na ung paningin ko. Buti na lang walang pumansin samin. Inalis na ni Violado ung pagkaka takip ko sa bibig niya habang sila Christina at Juliana ay tinatawanan na kami at si Chin naman ay pumipili na ng bibilhin niyang pagkain. Nagsi lapitan na rin kaming apat nila Christina, Juliana at Violado sa kinatatayuan ni Chin at saka pumili na rin ng pagkain na bibilhin.
"Ano score niyo sa quiz kanina?"
Tanong ni Violado samin habang nakaupo na kami sa isang lamesa dun sa canteen at kumakain na. Sumubo ulit ako ng instant noodles na binili ko para iwasan ung tanong ni Violado. Mababa lang ako dun, eh. 'Di kasi ako nag review.
"Baket? Ilan score mo?"
Tanong pabalik ni Christina kay Violado nang mailunok na niya ung nginunguya niya kanina. Ayokong marinig mga scores nila… bakit hindi ko dinala ung earphones ko? Ayoko talaga ng mga numbers…
"Eight. Sayang nga, eh, kasi dalawa na lang perfect na score ko dun sa quiz."
Sagot ni Violado sa tanong sakaniya ni Christina sabay subo na ng instant noodles niya. Sana all.
"Naka eight ka naman pala dun, eh! Tatanungin mo pa kung ano mga score namin!"
Reklamo ni Christina kay Violado habang nakatingin na siya sakaniya. Well said Christina… well said.
"Naka ilan ka ba dun?"
Tanong ni Violado kay Christina nang mailunok na ung nginunguya niya.
"Wala ka na dun! Pinagmamalaki mo lang na nakakuha ka ng eight sa quiz, eh!"
Sagot ni Christina kay Violado sabay subo na ng biscuit niya. Wag po kayong mag-alala. Lagi po talagang nagkaka sagutan yan sila Christina at Violado. Sanay na po kaming tatlo nila Chin at Juliana sakanilang dalawa.
Lumipas ang buong araw na pinipilit kong hindi tignan si Jervien dahil sa sinabi ko sakaniya kagabi. Nakauwi na rin ako at tapos na rin kaming kumain na pamilya, tapos na rin akong maghugas ng mga pinggan kaya nasa taas na kami at tulog na silang tatlo. Ako na lang po ulit ung gising saaming apat. Hirap akong maka tulog, eh. Hindi ko alam kung bakit.
Kaka scroll down ko sa isang social media account ko ay paulit-ulit na lang ung iba kong nakikitang posts kaya nirefresh ko ung newsfeed ko at nakita ung icon ni Jervien sa mga online. Machat nga ulit siya hehehe.
~AUG 5 AT 11:41 PM~
: Uyy ask ko lang
: Ang kulet ko ba???
Jervien: Wait lang ha hehehehe
Jervien: Diba may assignment sa philo
Jervien: Ano yun?
: Weh?? May assignment sa philo???
: Naalala ko na ahahaha
: Ung balita raw un, eh sabi ni Violado
Jervien: Paano gagawin dun?
: Maglilista ka lang ng mga balita about sa mga nangyayari dito sa pinas
: Kasi bukas magkakaroon ng activity about dun, eh
: Pero maglista ka na rin ng pang international na news kung sakali ahahahaha
Jervien: Ah sige sige salamt
: Uyy sagutin mo tanong ko ahahahha
Jervien: Sige ano ba tanong?
: Makulet ba ako???
: Nakukulitan ka ba sakin???
Jervien: Hinde naman hehehhe
: Ung totoo kasi feeling ko ang kulit ko, eh ahahahaha
Jervien: Sakto lang naman
: I knew it ahahahaha
: May twitter ka or ig???
Jervien: Wala eh hahahaha
: Baket??? Ahahaha
Jervien: Hinde kaya ng cellphone ko
Jervien: Hahaaaha
: Ayy ahahahaha kaya pala
: PhoneJ ung phone mo diba???
Jervien: Yup
Jervien: Luma na kase cellphone ko eh
Jervien: Hahahaa
: Ahh ahahahaha
: May gawa na ba kayo sa research???
Jervien: Ewan ko
: Di ka ba tumutulong???
Jervien: Hinde eh
Jervien: Hahahahaha
: Ahahahaaha lakas mo, ah
Jervien: Hinde nman
: Ano ginagawa mo ngayon???
Jervien: Yng balita hhahaha
: Ahh ahahaha tinatamad ako maghanap nun, eh ahahahhaa
At hindi na nag reply. Ahahhaha. Busy siguro un kaya hindi na nag reply. Argh! Bakit hindi pa rin ako inaantok!? Tapos sumasabay pa 'tong kokote kong ang sipag-sipag magimbento ng mga senaryong imposible namang mangyari! Nakakairita naman ung ganito! Magi-scroll down na lang ako sa mga social media accounts ko hanggang sa antukin na ako! Kainis!