Huling linggo na ng July at… House blessing na! Well, hindi po talaga ako excited sa house blessing dahil simula nung napag-aralan namin nung grade 11 ung world religion ay nag-iba na ung tingin ko sa mga religions. Kabilang na po ung religion na kinabibilangan ng pamilya namin. Yep. Ba't ko pa nga ba ineexplain un sainyo? So, excited ako ngayon dahil may sarili na kaming kwarto ng kapatid ko at dun kami tatambay ngayon ng mga kaibigan ko! Dami kasing bisita sa sala at sa labas ng bahay namin ngayon, eh.
"Bon! Andito na sila Violado!"
Sabi sakin ni mama habang pumapapak na ako ng lumpiang shanghai at ng fried chicken sa mini counter or mini bar namin sa kusina. Agad akong lumingon sa pintuan at nakita ko na sila Violado, Christina at Harold na hinuhubad na ung sapatos at sandals nila. Napangiti na ako at saka nilapitan ko na sila habang may hawak pa akong lumpiang shanghai.
"Pisti ka Ibon! Lumagpas pa kami kasi sabi mo magbilang ng walong bahay!"
Reklamo agad sakin ni Violado pagka lapit ko sakanila, dahilan para panlakihan ko na sila ng mga mata at lunukin ko na ung lumpia sa bibig ko.
"Ang sabi ko kasama ung bakanteng lote sa pagbibilang! San na kayo nakarating?"
Gulat na tanong ko sakanila habang pinanlalakihan ko pa rin sila ng mga mata.
"Dun sa bahay na ginagawa pa lang!"
Sagot ni Harold sa tanong ko sakanilang tatlo habang tinitignan na niya ako. Agad akong natawa at saka inaya na sila dun sa puwesto ko kanina sa mini bar.
"Taray! May mini bar na kayo!"
Sabi ni Christina nang makaupo na silang dalawa ni Harold dun habang kaming dalawa naman ni Violado ay nakatayo sa harapan nila.
"Bigatin na 'tong si Tagum!"
Sabi ni Harold sakin habang tinitignan na nila Christina at Violado ung mini bar.
"May mini bar lang bigatin na agad?"
Natatawang tanong ko kay Harold sabay kagat na sa lumpiang shanghai ko na kanina ko pa hawak.
"Kain na kayo."
Aya ni mama kila Violado, Christina at Harold nang magpunta siya sa ref para kumuha ng yelo.
"Sige po tita~"
Sabay-sabay na sagot nila Christina, Violado at Harold kay mama habang tinitignan na nila ito nang may ngiti sakanilang mga labi. Nang makaalis na si mama sa kusina ay agad nilang nilipat ang kanilang tingin sakin.
"Si Ibon kasi, eh."
"Parang ayaw mo pa kami pakainin Ibon, ah."
"Gusto niya lang ata sarilihin ung handa nila, eh."
Natatawang sabi nila Christina, Violado at Harold habang nakatingin pa rin sila sakin.
"Self-service dito, noh. Kumuha na lang kayo ng pagkain."
Sabi ko sakanila sabay lakad na papunta sa lamesa sa tabi ng sofa namin para kunin ung china charge kong phone. Pagka kuha ko ng phone ay inubos ko na ung kalahati ng lumpiang shanghai ko na kanina ko pa hawak at kumuha na ulit ng fried chicken.
Pagka balik ko sa mini bar namin ay bumalik na rin sila Christina, Violado at Harold na may bitbit nang paper plate at may laman nang mga pagkain. Habang kumakain na sila ay nagkekwentuhan na kaming apat at ilang saglit pa…
"Ibon, may ginawang graham cake mama mo?"
Tanong ni Violado sakin habang tinitignan na niya ako, habang sila Christina at Harold naman ay tinignan na rin ako para abangan ung isasagot ko kay Violado. Tumango na lang ako bilang sagot sakaniya habang nginunguya ko pa ung fried chicken ko.
"Nasaan?"
Tanong ni Christina habang tinitignan pa rin niya ako.
"Nasa ref."
Sagot ko habang tinitignan ko na si Christina.
"Tanong mo nga sa mama mo kung pwede nang kainin."
Sabi naman sakin ni Harold habang tinitignan niya pa rin ako. Yep. Masyado po silang nasarapan sa graham cake na ginawa ni mama nung nagpunta sila sa birthday ko last year. Un po talaga ung unang-unang hinahanap po nila sa tuwing pumupunta sila sa bahay namin dati.
"Pwede na yan~ Ilalabas rin naman un maya-maya, eh."
Sabi ko kay Harold habang naglalakad na ako papalapit sa ref namin para kunin na ung graham cake.
"Maya-maya pa pala ilalabas, eh. Maya-maya na lang din kami kukuha."
Sabi naman sakin ni Violado nang makuha ko na ung graham cake sa ref.
"Mas maganda nang kayo mauna para hindi kayo maubusan, mahilig pa naman sa graham cake mga kamag-anak namin."
Sabi ko naman sakanila nang mailapag ko na sa mini bar ung isang malaking tray ng graham cake na ginawa ni mama.
"Mas mabuti na ngang tayo mauna. Hahahahaha!"
Natatawang sabi ni Harold sabay kuha na ng dalawang slice ng graham cake sa tray. Nagsi kuhaan na rin sila Violado at Christina sa tray at saktong nagpunta ulit si mama sa kusina.
"Oh! Kinuha niyo na pala ung graham cake! Kukunin ko na sana yan para ilagay sa lamesa, eh!"
Nakangiting sabi ni mama saming apat nila Violado, Christina at Harold, dahilan para mapatigil sila sa pagkain nila at mapatingin kaming apat kay mama.
"Opo. Hinahanap po kasi nila, eh."
Nakangiting sabi ko naman kay mama habang tinitignan ko pa rin siya.
"Ilagay mo na lang Bon ung tray sa lamesa, ha."
"Opo."
Sagot ko kay mama.
"Ay, ma. Pwede po ba sa kwarto po muna kami pagka tapos nilang kumain?"
Tanong ko kay mama habang tinitignan ko pa rin siya at kumukuha naman siya ng malamig na tubig sa ref.
"Sige."
"Okay po~"
Sagot ko kay mama sabay lakad na niya papalabas ng bahay. Mabilis ko nang tinignan sila Christina, Violado at Harold nang may malaking ngiti sa mga labi ko.
"Bilisan na natin!"
Sabi ni Violado kila Christina at Harold sabay subo na ng malaking portion ng graham cake sa bibig niya.
"Ikaw Violado! Baka mabulunan ka pa kakamadali mo nyan!"
Natatawang sabi ni Harold kay Violado habang si Christina naman ay tuloy-tuloy lang sa pagkain niya.
"Malamig!"
Sabi ni Violado habang nasa loob pa rin ng bibig niya ung malaking portion ng graham cake na sinubo niya.
"Ayan! Ahahahaha!"
Sabi ni Christina kay Violado habang tinitignan na namin siya.
"Masyado ka kasing excited Violado, eh!"
Sabi ko naman kay Violado sabay abot ko na sakaniya ng isang baso ng tubig. Agad na ininom ni Violado ung tubig na binigay ko sakaniya, habang sila Christina at Harold naman ay tinatawanan lang siya.
"San na 'to ilalagay Ibon?"
Tanong sakin ni Christina sabay tayo na sa pagkakaupo niya at saka bitbit na nung paper plate niya habang nakatingin na siya sakin.
"Lagay mo na lang dun sa tabi ng lababo."
Sagot ko sa tanong sakin ni Christina sabay turo na dun sa lababo na malapit sa likuran namin ni Violado habang nakatingin na ako dun. Akma na sanang maglalakad papunta dun si Christina nang bigla siyang hawakan ni Harold.
"Ano ba yan Harold! Matatapon pa 'tong juice sakin, eh!"
Reklamo ni Christina kay Harold, dahilan para bitawan na siya nito at tawanan na lang siya.
"Ipapa sabay ko lang 'tong paper plate ko."
Natatawang sabi ni Harold kay Christina habang inaabot na niya ung paper plate niya sakaniya.
"Ano ako? Utusan mo? Bahala ka dyan!"
Sabi ni Christina kay Harold sabay lakad na papunta sa lababo para ilagay na dun ung paper plate niya. Nang maubos na ni Violado ung pagkain niya sa paper plate ay agad na ipinatong ni Harold ung paper plate niya roon, dahilan para mabilis na mapatingin sakaniya si Violado.
"Pasabay."
Natatawang sabi ni Harold kay Violado habang nakatingin na siya sakaniya.
"May paa ka naman!"
Sabi ni Violado kay Harold pero binitbit na rin naman niya ung paper plate nito at inilagay na rin sa tabi ng lababo.
"Tara na?"
Tanong ko sakanila habang nakangiti pa rin.
"Teka! Ubusin ko lang 'tong juice ko!"
Sabi ni Christina sakin sabay inom na ng juice niya.
"Sure ka pwede kami dun, Ibon?"
Nagdadalawang isip na tanong ni Violado sakin habang tinitignan na niya ako.
"Kakasabi pa nga lang ng mama niya na pwede tayo dun kanina diba."
Sagot ni Harold sa tanong sakin ni Violado habang tinitignan na niya ito.
"Baka kasi hindi pwede, eh."
Pagdadahilan ni Violado sabay tingin na niya kay Harold nang may pag dadalawang isip sa mukha niya.
"Tara na!"
Sabi ni Christina sabay lakad na niya papunta sa lababo at saka inilagay na rin dun ung plastic cup na iniinuman niya kanina.
"Tara."
Sabi ko sakanila sabay lakad na papunta sa hagdan at umakyat na. Agad naman na nagsisunuran sakin sila Christina, Violado at Harold saka pumasok na kami sa kwarto namin ng kapatid ko.
"Taray! Puro BTS andito, oh!"
Sabi ni Violado habang sina sarado ko na ung pintuan ng kwarto namin ng kapatid ko.
"Tapos dito naman sa kabila puro anime!"
Sabi naman ni Christina habang tinitignan na niya ung pader na sakop ng puwesto ng kapatid ko.
"Hindi naman halatang magka iba kayo ng gusto ng kapatid mo Ibon! Hahahahahaha!"
Natatawang sabi ni Harold sakin habang nakaupo na siya sa double deck bed namin ng kapatid ko at nakatingin na siya sakin. Natawa na lang ako sa sinabi ni Harold saka tinignan na lang sila Christina at Violado.
"Christina, Violado. Gilid muna kayong dalawa, lalabas ko lang ung foam sa ilalim ng kama."
Sabi ko sakanilang dalawa habang nakaupo na ako na parang palaka sa sahig at saka nakahawak na sa foam sa ilalim ng kama. Agad na naglakad sila Violado at Christina papunta sa likod ko saka hinatak ko na ung foam.
"Taray naman talaga! May foam pa sa baba, oh!"