"Seryoso?! Crush mo si Antipuesto?!"
Hindi makapaniwalang tanong ni Harold kay Violado habang nakaupo na kaming tatlo sa foam sa sahig at si Christina naman ay nakaupo sa kama nang may yakap-yakap na unan.
Yes po. Sinabi po ni Christina kay Harold na crush po ni Violado si Jervien, habang wala naman pong nakakaalam na crush ko si Jervien except po kay Ashley. Bakit? Kasi ayoko nang malaman pa ng buong klase namin, pati na rin ng klase nila Harold na crush ko si Jervien dahil may mga naranasan akong hindi maganda.
"Uy! Wag kang maingay! Hinaan mo lang boses mo Harold!"
Saway ni Violado kay Harold habang nakahawak na siya sa kamay nito. Agad na natawa si Harold sabay takip na ng bibig gamit ang kaniyang kamay na hindi hawak ni Violado.
"Seryoso ba? Si Antipuesto?"
Mahina nang tanong ni Harold kay Violado sabay alis na niya ng kamay niya sakaniyang bibig, habang kami naman ni Christina ay pinapanuod lang silang dalawa nang may ngiti saming mga labi. Tumango na lang si Violado bilang sagot sa tanong sakaniya ni Harold habang hawak pa rin niya ang kamay nito.
"Nakachat ko un nung bakasyon, eh, kasi akala ko magiging kaklase ko un ngayong taon kaso hindi pala."
Sabi ni Harold saming tatlo sabay alis na niya ng pagkakahawak ng kamay ni Violado sa kamay niya, kinuha na ung phone niya sa shoulder bag niya at saka nagpipipindot na dun.
"Di nga? Wag mo akong niloloko dyan, Harold, ah!"
Sabi ni Violado kay Harold habang pinapanuod lang niya ito. Kung totoo man ung sinasabi ni Harold… sana all na lang.
"May tama ata 'to, eh. Ba't naman kita lolokohin dyan?"
Tanong ni Harold kay Violado sabay pakita na sakanya ng convo nilang dalawa ni Jervien. Agad naman kaming lumapit ni Christina kay Violado para tignan na rin ung convo nila Jervien at Harold. Okay. Sana all na lang talaga. Aaaaahhhhh! Nakakainggit!
"Ga6*, totoo nga!"
Sabi ni Christina habang binabasa na naming tatlo nila Violado ung convo nila Jervien at Harold. Seryoso, nakakainggit talaga.
"Ta6!#@#6 yan. Madaling araw na kayo madalas magchat, ah."
Sabi ni Violado habang patuloy pa rin kami sa pagbabasa ng convo nila Jervien at Harold. Ang titibay namang magpuyat ng mga 'to. Ni hindi ko nga alam kung hanggang anong oras ung kakayanin ko pag magpupuyat ako, eh.
"Peram ako cellphone mo Violado."
Sabi ni Harold sabay kuha na niya ng phone ni Violado sa pagitan ng hita nito.
"Ah! Put@#6!#@ mo Harold!"
Sigaw ni Violado kay Harold habang hawak pa rin niya ang phone nito.
"Ang OA mo naman!"
Natatawang sabi ni Harold kay Violado sabay try na nito sa pag-unlock ng phone nito, habang kaming tatlo naman nila Christina at tuloy pa rin sa pagbabasa ng convo nila Jervien at Harold.
So, hindi na po ako sure sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na po alam kung selos na ba 'to or inggit pa rin. 'Di na bale, hahayaan ko na lang 'to. Ayoko nang magselos.
"Gagi Violado! Nag reply siya sayo!"
Sabi ni Harold kay Violado sabay pakita na nito ng convo nila ni Jervien sa phone nito. Agad kaming napatingin na tatlo nila Christina at Violado sa phone nito at nanlaki na lang ang mga mata ko. Sana all.
"Harold! Anong ginawa mo?!"
Natatarantang tanong ni Violado kay Harold sabay bitaw na nito sa phone ni Harold at akma na sanang kukunin ang phone niya sakaniya nang biglang inilayo nito ang phone niya.
"Buti na lang Violado sinabi ko kay Harold! Ahahahaha! Makaka diskarte ka pa kay Jervien!"
Sabi ni Christina kay Violado habang pinapanuod na nito sila Harold na maghabulan sa maliit lang na kwarto namin ng kapatid ko. Nakakainis naman! Nagdadalawang isip na tuloy ako. Sasabihin ko ba sakanila or hindi? Bahala na nga!
"Akin na yan! Harold!"
Sigaw ni Violado kay Harold habang tuloy-tuloy pa rin sila sakanilang paghahabulan. Tahimik ko na lang silang pinanuod habang nakangiti lang ako sakanila. Ilang saglit pa ay binalik na ni Harold ung phone ni Violado at lumipas ang ilang minuto na nagwawala kaming apat dahil sa kilig. Yeah. Sana all na lang talaga.
Nung hindi na alam ni Violado kung ano ung irereply niya kay Jervien ay ibinigay na niya ung phone niya kay Harold. Nang mapansin na ni Violado na nagta type na si Harold sa phone niya ay agad na inagaw nito ang phone niya rito, dahilan para aksidente niyang mapindot ang voice call. Opo, universe. Nakaka tulong ka po. Sobra. Bago pa man maisip ni Violado ang gagawin niya ay sinagot na ni Jervien ung voice call nito.
"Hello?"
Natatawang sabi ni Jervien sa kabilang linya. Oh, god. Ayan nanaman ung tawa niya. Hindi nanaman mapakali 'tong puso ko.
"Anong gagawin ko?!"
Pabulong na tanong ni Violado kay Harold habang hawak na niya ung phone niya at tinitignan na ito.
"Bahala ka dyan. Ikaw naka pindot nyan, eh."
Natatawang sabi ni Harold kay Violado habang tinitignan niya na rin ito.
"Hello?"
Ang tanging nasabi ni Violado kay Jervien nang inilapit na nito ang phone sa tenga niya.
"Ba't ka napatawag?"
Tanong ni Jervien kay Violado sa kabilang linya. I need some help. My goodness, Yvonne! Kumalma ka lang! Hindi naman ikaw ung kausap ni Jervien, eh, ba't ang bilis ng tibok ng puso mo?! May saltik ka ba!?
"Na pindot ko lang kasi ano… si Harold, kinuha niya ung phone ko."
Sagot ni Violado sa tanong sakaniya ni Jervien sabay layo na ng phone niya sa tenga niya.
"Ang kapal naman ng mukha mo Violado! Ikaw nga dyan ung nagbigay ng phone mo sakin!"
Pagbubuking ni Harold kay Violado habang nakatingin na 'to sa phone nito.
"Harold!"
"Ahh… hahahaha."
Tanging nasabi na lang ni Jervien sa kabilang linya, dahilan para mapatigil kaming apat at mapatingin na lang sa phone ni Violado. Pag itong si Jervien tawa ng tawa sa buong pag-uusap nila ni Violado, baka hindi ko na mapigilan pa ung sarili ko.
Okay lang ba na hayaan ko ung sarili ko na mahulog ulit sa isang lalaki? Kaso baka katulad lang siya nung mga nagustuhan kong lalaki dati? Bakit ba kasi ang malas ko pagdating sa love life?
"Naistorbo ba kita?"
Tanong ni Violado kay Jervien sabay tapat na nito ng phone niya sa harapan niya at kami naman ni Harold ay lumapit na sakaniya, habang si Christina naman ay nakaupo lang sa kama at may yakap-yakap na itong unan.
"Hindi naman. Sino-sino mga kasama mo?"
"Sila Harold, Ibon at Christina. Andito kami ngayon sa bahay nila Ibon kasi house blessing, eh."
Sagot ni Violado sa tanong sakaniya ni Jervien habang tinitignan na niya kaming dalawa ni Harold.
"Ahh… marami bang handa dyan?"
"Oo. Kung gusto mo dalhan ka pa namin ng ulam dyan sainyo."
Sabi ni Violado kay Jervien, dahilan para matawa ulit siya sa kabilang linya. Ayan nanaman ung tawa niya. Pag eto talaga hindi tumigil sa pagtawa niya, talo na ako.
"Sayang hindi kita inimbitahan."
Sabi ko kay Jervien habang nakatingin na ako sa phone ni Violado. Natawa na lang si Jervien at ang puso ko naman ay mas lalu pang bumilis ang tibok. Uh-oh...
"Anong ginagawa mo?"
Tanong ni Violado kay Jervien habang nakatingin na siya sa phone niya at kaming tatlo nila Christina at Harold ay nakikinig lang sa usapan nilang dalawa.
"Wala. Nakahiga lang."
Okay. Hindi ko na po kaya. Ayoko nang ikwento sainyo ng detailed ung usapan nila. Hindi ako sure sa kung ano nararamdaman ko ngayon pero sure ako na ayaw ko sa nangyayari ngayon.
Ayokong ipahalata sakanila Violado, Christina at Harold kung ano ung nararamdaman ko ngayon kaya nakiki sakay na lang ako sa mga reaksyon nila. Tatawa, kikiligin, ngingiti. Nakakainis. Sana all na lang talaga. Nakiki sabay pa 'tong si Jervien dahil tawa rin siya ng tawa. I seriously need some help right now.
Wait… parang nangyari na 'to sakin dati, ah. Pareho kami ng crush ng kaibigan ko. Kelan nga un… ah… nung grade 8. Ung masakit? Naging sila. Opo. Ang malas ko po talaga pagdating sa love life. Lahat ng mga lalaking nagugustuhan ko ay either may gf na or lalayuan ako once na malaman nila na crush ko sila. And that sucks.
Makalipas ng maraming minuto ay natapos na rin sa pag-uusap sila Jervien at Violado, dahilan para buksan na ni Harold ung phone niya at nagsimula nang magpipipindot dun. Kinuha ko na rin ung phone ko sa lamesa, binuksan un at saka nag send ng hi kay Jervien. Rereplayan kaya ako neto?
"Kachat ko ngayon si Jervien."
Sabi samin ni Harold sabay pakita nanaman ulit ng convo nilang dalawa ni Jervien. Agad kaming nagsi lapitan ni Violado sa phone ni Harold para basahin ung pinag uusapan nilang dalawa ngayon ni Jervien nang bigla nitong hinarap sakaniya ang phone niya.
"Harold naman, eh! Baka kung ano nang pinagsasasabi mo dyan sakaniya!"
Sabi ni Violado kay Harold habang tinitignan na niya ito, habang si Christina ay tahimik nang nagsecellphone sa kama at ako naman ay tinignan na ulit ung phone ko. No reply. Mas mabuti nang wag ka na umasa Yvonne. Masasaktan ka nanaman sa lagay na 'to, eh.