Malapit na katapusan ng July at papalapit na rin ung house blessing namin dahil naka lipat na rin kami sa wakas sa bahay na pinagawa nila mama't papa! Pagka gising sakin ni papa ay inayos ko na ung kama ko at mabilis nang bumaba ng hagdan para sabayan siyang kumain ng almusal.
"Ano oras pasok mo ngayon, Bone?"
Tanong sakin ni papa pagka tapos naming magdasal. Yes po. Bone po ung tawag sakin ni papa. As in, bo-ne. Hindi ung English ng buto na bone, ha. Two syllables po ung nickname sakin ni papa. Hindi ko po alam kung ba't yan ang naisipang itawag niya sakin kaya wag niyo na lang po akong tanungin tungkol dun.
"Ala-una po."
Sagot ko sa tanong sakin ni papa bago ko isubo ung pagkain ko.
"Ahh… kaya pala hindi ka nagmamadali ngayon."
"Opo."
Sabi ko kay papa at saka tinuloy ko na ung pagkain ko. Minsan hindi ko na rin alam kung nagiging sarcastic ba si papa o kung ano na, eh. Maya-maya pa, habang kumakain pa rin kami ni papa ng almusal ay may biglang pumasok sa utak ko.
"Pa, pwede ko po bang ayain sila Violado pati na rin po sila Ashley sa house blessing po natin?"
Tanong ko kay papa habang tinitignan ko na siya at inaabangan na ung isasagot niya sa tanong ko.
"Naaya mo na ba sila?"
"Aayain pa lang po."
"Ano sweety?"
Tanong ni papa kay mama na nagluluto sa kusina sabay tingin na niya sakaniya.
"Kayo, kung ano gusto niyo."
Sagot ni mama kay papa habang nakatingin na silang dalawa sa isa't isa. Tumango na lang si papa at saka tinignan na ako, habang si mama naman ay tinuloy na ung ginagawa niya sa kusina.
"Sige."
"Yes! Ayain ko na po sila mamaya."
Sabi ko kay papa sabay subo na ng pagkain ko hanggang sa maubos ko na un. Tumayo na ako sa upuan, dinala na ung pinagkainan ko at ung mug sa kusina saka nilagay na un sa lababo. Pagka lagay ko dun ay dali-dali na akong umakyat sa second floor namin para makaligo at makapag-ayos na.
Makalipas ng mahigit isang oras ay nasa classroom na rin ako ngayon kasama sila Violado, Chin, Christina at Juliana.
"Oi, Violado! Punta tayo mamaya sa Reshif Mall, may bibilhin ako dun."
Sabi ni Christina kay Violado habang nagsecellphone lang ako sa tabi ni Chin at silang tatlo naman nila Juliana ay magka katabi sa likuran naming dalawa.
"Maaga ako uuwi mamaya! Ba't 'di na lang 'tong si Juliana ayain mo? Daming inuutos sakin ngayon mama ko, eh!"
Sabi ni Violado kay Christina.
"Gusto mo?"
Tanong sakin Chin habang inaabot na niya sakin ung tumbler niya na pinag lalagyan ng kape. Tumango ako sakaniya, nilapag na ung phone ko sa arm chair, kinuha na ung tumbler at saka uminom na ng kape na timpla niya. Sarap talaga ng timplang kape ni Chin~!
"Salamat~!"
Pasasalamat ko kay Chin sabay balik ko na sakaniya nung tumbler niya.
"May gagawin pa ako mamaya sa bahay, eh."
"Pati ba naman ikaw Juliana!"
"Bahala ka dyan! Ikaw na lang mag-isang bumili dun sa Reshif Mall! Mapapagastos at mapapagalitan pa ako ni mama dahil sayo, eh!"
"Saglit lang naman, eh!"
"Andyan naman sila Chin at Ibon, ah!"
"Ano un?"
Tanong ni Chin kay Violado sabay tingin na naming dalawa sakaniya at nakitang tinignan na rin pala kami nila Violado, Christina at Juliana.
"Samahan niyo nga si Christina sa Reshif Mall! May bibilhin daw siya, eh!"
"Saglit lang naman! Samahan niyo na ako!"
Sabi ni Christina saming dalawa ni Chin habang palipat-lipat na ung tingin niya saming dalawa.
"Sabay kaming uuwi ngayon ng ate ko, eh. Sorry."
Sabi ni Chin kay Christina habang tinitignan niya pa rin siya.
"Sisimulan na namin nila Micah ung sa research namin, eh."
Sabi ko naman kay Christina habang tinitignan ko pa rin siya. Napatayo na si Christina sa pagkakaupo niya sa tabi ni Violado at saka tinignan na kaming tatlo nila Chin at Violado.
"Anong klase kayong mga kaibigan! Juliana! Samahan mo na nga ako mamaya!"
Inis na sabi samin ni Christina habang nakatayo pa rin siya at tinitignan na si Juliana. Hinatak na ni Violado ung braso ni Christina para paupuin na ulit ito sa kinauupuan niya.
"Kanina pa kasi sinasabi ni Violado na ako na lang ayaw mo naman!"
Natatawang sabi ni Juliana kay Christina habang tinitignan na niya ito. Akma na sanang magsasalita ulit si Christina nang biglang inunahan na siya ni Violado.
"Oo na! Sasama na ako! Pisti kayo!"
Inis na sabi ni Violado habang tinitignan na ulit nito si Christina at hawak pa rin ang braso nito.
"Sasama ka rin naman pala, eh!"
Natatawang sabi ni Christina kay Violado habang tinitignan na niya ito nagtinginan na lang kami ni Chin at saka umayos na ng pagkakaupo sa upuan. Ilang saglit pa ay nag bell na, dahilan para magsi balikan na kami nila Chin sa original na puwesto namin.
Mamayang break ko na lang kaya sila ayain? Oo, mamayang break na lang. Ayain ko rin kaya sila Jervien at Morris? Nah. Nakakahiya, eh. Hindi naman kami ganun kaclose, tsaka baka ma-out of place lang dun sila Jervien at Morris. Okay na sila Violado at sila Ashley lang ung aayain ko.
Lumipas ang tatlong subject nang inaantok ako, patagong kumakain at nainip na, dahilan para magcellphone na lang ako ng patago sa third subject namin hanggang sa magbell na. Finally! Break time! Nang makalabas na ung third subject teacher namin ay agad nang nagsi puntahan sila Violado, Juliana at Christina sa puwesto ko habang dala-dala na nila ung mga wallet at phone nila.
"Ibon, baba tayo. Bili tayo sa canteen."
Pag-aaya sakin ni Violado habang nakatayo na silang tatlo nila Christina at Juliana sa harapan ko.
"Teka lang."
Sabi ko kay Violado habang kinukuha ko na ung wallet ko sa bag ko. Pagka kuha ko ng wallet ay tumayo na ako and I unconsciously looked at Jervien. Why? Bakit? Metal ba ung mata ko para mamagnet niya? Okay. Ang corny at ang cringey. Maglakad ka na lang Yvonne.
"Sama ka Chin?"
Tanong ko kay Chin nang makalapit na kami nila Juliana, Violado at Christina sa puwesto niya. Tumingin na saming apat si Chin habang tinitignan na rin namin siya.
"May gagawin pa akong assignment, eh."
Sagot ni Chin sa tanong ko sakaniya habang nakatingin pa rin siya samin.
"May mga sagot na kayo?"
Tanong ni Christina samin tatlo nila Violado at Juliana, dahilan para mapalingon na kami sakaniya at nakitang nakatingin na siya samin.
"Meron."
"Pakopya ako, Violado!"
"Sasagot pa lang."
Sagot ko sa tanong samin ni Christina habang tinitignan ko na siya.
"Pakopya rin ako Violado!"
Sabi ni Christina kay Violado habang tinitignan na niya ito. Naglakad na si Violado papalayo saming tatlo nila Christina at Juliana, dahilan para mapatingin kaming dalawa ni Juliana sa isa't isa at si Christina naman ay hinabol na si Violado.
"Hoy! Violado!"
Tawag ni Christina kay Violado habang sinusundan na niya ito, dahilan para agad na naming sinundan ni Juliana ung dalawa.
"Oo na! Mamaya pagbalik natin!"
Sagot ni Violado kay Christina sabay lakad na papunta sa pila sa elevator para pumila na. Pumila na rin kaming tatlo nila Juliana at Christina habang nagkekwentuhan na silang dalawa.
"Oi. Punta kayo sa bahay. House Blessing."
Sabi ko sakanilang tatlo nila Christina, Juliana at Violado habang tinitignan ko na sila, dahilan para mapatingin na silang tatlo sakin.
"Kelan?"
"Sa katapusan."
"Anong oras?"
"After lunch."
"Hindi ko sure kung makakapunta ako."
Sabi ni Juliana habang nakatingin na siya samin. Tinanguan ko na lang siya habang sila Violado at Christina ay tinitignan na siya.
"Bakit naman?"
"Hula ko: Marami kang gagawin nun."
"Baka hindi ako payagan nila mommy."
Sagot ni Juliana kila Christina at Violado habang ako naman ay nagsecellphone na ulit para tignan ung social media accounts ko. Ilang segundo pa ang lumipas ay may tumawag na sa pangalan ko galing sa likod, pagkalingon ko…
"Yvonne! Sa canteen din punta niyo?"
Tanong sakin ni Ashley habang nakapila na sila ng kaibigan niya sa likuran namin. Sinarado ko na ung phone ko at saka hinarap na si Ashley.
"Oo. Saang canteen kayo pupunta?"
Tanong ko pabalik kay Ashley habang nginingitian ko na siya, pati na rin ung kaibigan niya.
"Dun sa kabilang building. Mas masarap ung mga pagkain na binebenta dun, eh. Kayo ba?"
Sagot at tanong pabalik ulit sakin ni Ashley habang tinitignan na niya sila Violado, Juliana at Christina na nagkekwentuhan na sa isa't isa.
"Ahh. Dyan lang sa baba. Magsasagot pa kami ng assignment namin, eh."
Sagot ko kay Ashley habang nakaharap pa rin ako sakaniya. Tumango na lang si Ashley sakin at saktong nagbukas na ung pinto ng elevator, dahilan para magsi pasok na kami roon.
"Ay! Ashley!"
Tawag ko kay Ashley na nakatayo sa tabi ko sa loob ng elevator nung magsara na ung pinto nun.
"Ano un?"
"Punta kayo nila Hendric sa bahay namin sa katapusan. House blessing."
Sabi ko kay Ashley habang tinitignan ko na siya.
"Saan na kayo lumipat?"
"Dun sa barangay na mas malapit sa highway kesa sa tinitirhan namin dati."
Sagot ko sa tanong sakin ni Ashley habang nakatingin pa rin kaming dalawa sa isa't isa. Tumango na lang si Ashley at saka nginitian na ako.
"Sige, sabihan ko na lang sila Hendric pag nagkita na kami bukas. Chat mo na rin sila para sigurado."
"Okay~!"