Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 10 - Story Time

Chapter 10 - Story Time

"Ashley!"

Sigaw ko sa pangalan ni Ashley habang tumatakbo na ako papunta sa classroom nila nang matapos na ang lahat ng mga klase namin.

"Ashley, Ashley, Ashley!"

Excited at paulit-ulit na sambit ko sa pangalan ni Ashley nang magkita na kami sa labas ng classroom nila habang nakangiti na ako sakaniya at tinitignan ko na siya.

"Oh? Anong problema mo, Ibon? Ba't parang nakakain ka ata ng dalawang dosenang chocolate?"

Natatawang tanong sakin ni Ashley nang makatingin na siya sakin habang nagtatatalon na ako sa harapan niya.

"Marami akong ikekwento sayo~! May date kayo mamaya ni Yohan diba? Sabay na tayo umuwi!"

Masayang sabi ko kay Ashley habang nagtatatalon pa rin ako sa harapan niya at nilampasan na kami ng mga kaklase niya. Ilang saglit pa ay hinawakan na ni Ashley ung pulso ko at saka hinatak na ako papunta sa hagdan para bumaba na.

"Oo, kaya bilisan natin dahil rush hour na at may date kami ni Yohan sa CFK mamayang alas otso."

Sabi sakin ni Ashley habang nagmamadali na kaming bumaba sa hagdan at hawak niya pa rin ang pulso ko.

"Sige, sige."

"Ano na ung ikekwento mo sakin? Ba't excited na excited ka?"

Tanong na sakin ni Ashley habang nagmamadali pa rin kaming bumaba sa hagdan. Napangiti na lang ako at saka sinabayan ko na ung pace ni Ashley dahil medyo nahuhuli pa ako sakaniya kanina.

"Kahapon… diba alastres ung uwian natin nun? Inaya ako nila Violado at Juliana na kumain sa Aling Lasani sa Reshif Mall. Nung una, nagdadalawang isip pa ako kase gusto ko na agad umuwi. Pero nung sinabi na nila na kasama raw si Jervien, um-oo na ako kase crush ko un. Well… nung una dine-deny ko pa sa sarili ko na crush ko si Jervien kasi ayoko nang maulit ung nangyari last school year."

"Sino si Jervien?"

Tanong sakin ni Ashley nang makarating na kami sa first floor at hawak pa rin niya ang pulso ko. Oo na, oo na. Para akong batang binabantayan ni Ashley. Ano ngayon? At least pinapa kita niya na may concern siya sakin.

"Jervien Antipuesto. Kaklase namin. Ang pogi niya teh! Kaso lang crush din siya ni Violado. Kainis."

Sagot ko sa tanong ni Ashley sakin habang nagmamadali na kaming maglakad papunta sa gate ng school namin.

"Ahh. Ano sumunod na nangyare?"

"Nung um-oo na ako kay Violado, tsaka lang pala nila aayain ni Juliana si Jervien. Naka ilang attempts din sila… kami pala kase dinamay na nila ako sa pag-aaya kay Jervien para lang mapa sama siya, eh. Tapos dinamay pa nila si Morris na nananahimik lang sa kabilang parte ng classroom namin ahahaha! Tapos ayun, napa sama na namin sila at kumain na kami sa Aling Lasani. Tas alam mo ba! Nakarami ng extra rice si Jervien!"

Pagtutuloy ko sa kwento ko kay Ashley habang tumatawid na kami ngayon sa kalsada. Agad na akong tinignan ni Ashley habang hawak pa rin niya ung pulso ko at tinatakpan na rin ung bibig niya dahil sa gulat.

"Naka ilang extra rice siya nun?!"

Gulat na tanong ni Ashley sakin habang nakatingin pa rin siya sakin, nakahawak pa rin sa pulso ko at tinatakpan pa rin ung bibig niya gamit ang isa niya pang kamay.

"Hindi ko na rin alam! Basta Nakarami siya ng kanin nun! Hindi halata sa katawan niya na malakas siyang kumain!"

Nakangiting sagot ko sa tanong ni Ashley sakin habang naghahanap na ako ng jeep na masasakyan namin.

"Mamaya na natin ituloy yang kwento mo. Sakay muna tayo ng jeep, baka kanina pa nag-aantay un si Yohan sa CFK."

Sabi sakin ni Ashley sabay alis na niya ng tingin sakin, binitawan na ung pulso ko at saka naghanap na rin ng jeep na masasakyan namin papunta sa sakayan ng bus. Ilang minuto ang nakalipas ay nakahanap na kami ng jeep na masasakyan at nung pagka sakay namin ay nakita namin si Paul na naging kaklase namin ni Ashley nung junior high na naging kaklase naman ni Jervien nitong grade 11 at kaklase namin ngayong grade 12. Iba kasi strand ni Ashley samin, eh. HUMSS.

"Uy, Paul! Kamusta na?"

Pangangamusta ni Ashley kay Paul habang nakaupo na kaming dalawa ni Ashley sa may bandang gitna ng jeep at si Paul naman ay nakaupo sa dulo ng jeep at yakap-yakap ung bag niya.

"Uy, Ashley! Ayos lang naman. Kamusta naman kayo ni Yohan? May date ba kayo ngayon?"

Pangangamusta rin ni Paul kay Ashley habang nakatingin na silang dalawa sa isa't isa at ako naman ay kumukuha na ng pamasahe sa wallet ko. Close silang dalawa kasi kaclose ni Paul si Yohan na boyfriend ni Ashley. Three years ago nung naging sila Ashley at Yohan and hanggang ngayon ay sila pa rin. Staying strong ang dalawa. Sana all may boyfriend.

"Meron. Deretso uwi ka na?"

Sagot at tanong ni Ashley kay Paul habang kumukuha na rin siya ng pamasahe sa wallet niya.

"Oo. Maglalaro pa kami ng LM ng gf ko, eh."

Sagot ni Paul sa tanong ni Ashley sakaniya habang niyayakap pa rin niya ung bag niya. What?! May gf na siya?! So, ako na lang pala ung hindi pa in a relationship saming tatlo?! Nalulungkot na ako para sayo Yvonne.

"Gano na kayo katagal ng girlfriend mo?"

Tanong ulit ni Ashley kay Paul habang nakatingin pa rin siya sakaniya at saka binigay na niya sakin ung pamasahe niya sa jeep.

"Bayad po!"

Sabi ko habang inaabot ko na ung bayad naming dalawa ni Ashley sa ibang pasahero. Hindi ko na pinansin ung usapan nila Ashley at Paul dahil alam kong maa-out of place lang ako.

"Tuloy mo na kwento mo, Ibon."

Sabi sakin ni Ashley sabay kalabit na niya sakin, dahilan para mapatingin na ako sakaniya at nakitang nakatingin na siya sakin.

"Saan nga ako tumigil nun?"

Tanong ko pabalik kay Ashley habang tinitignan ko pa rin siya at natatawa na ako ng kaunti. Agad na napa isip si Ashley hanggang sa nakarating na kami sa bababaan namin dahil ang bilis ng byahe.

"Ano ba naman yan, andito na pala tayo ahahahaha!"

Natatawang sabi ni Ashley sakin sabay sunod na sa ibang mga pasahero na bumaba ng jeep. Natatawang sumunod na lang ako kay Ashley at saka nagpaalam na kami kay Paul.

"Ayun! Naalala ko na! Andun ka na sa part na nakarami ng extra rice crush mo!"

Sabi sakin ni Ashley habang naglalakad na kami papunta sa footbridge. Ay, oo nga, noh!

"Ay, oo! Edi ayun! Nakarami siya ng extra rice tas habang kumakain kami nun, sobrang self-conscious ako nun kase kaharap ko si Jervien sa lamesa namin. Hindi ko mapigilang hindi siya tignan nun tapos napansin siguro niya na tumitingin-tingin ako sakaniya kaya tumitingin na rin si Jervien sakin."

Pagtutuloy ko sa kinekwento ko kay Ashley habang naglalakad na kami sa footbridge.

"Seryoso? Naging self-conscious ka nung kumakain ka na sa harapan ni Jervin? Tama ba?"

Sabi ni Ashley sakin sabay tingin niya sakin saglit at balik na ng tingin niya sa nilalakaran naming dalawa.

"Jervien. San naman nanggaling ung Jervin?"

Natatawang sabi ko naman kay Ashley habang bumababa na kaming dalawa sa hagdan. Natawa na rin siya nung tinama ko siya sa pag banggit sa pangalan ni Jervien at nung andun na kami sa pinakababa ng hagdan ay tumakbo na siya papunta sa bus na nagpapa sakay na ng mga pasahero. At shempre ako, mabilis ko rin siyang sinundan para hindi ako maiwan.

Nung nakasakay na kaming dalawa sa bus ay nakatayo kaming dalawa sa dulo. Binuksan na niya ung bag niya, kumuha ng pamasahe at saka binigay na sakin. Pagka bigay nung pamasahe niya sakin ay kinuha naman niya ung blush-on at salamin niya.

"Bilib na talaga ako sayo, Ashley. Napa pantay mo pa ung paglalagay ng blush sa pisngi mo kahit nakatayo tayo sa umandar na bus."

Sabi ko kay Ashley habang pinapanuod na siyang maglagay ng blush-on with admiration in my eyes. Natawa na lang si Ashley sakin habang kinakalat na niya ung blush-on sa pisngi niya.

"Hindi nga ako sigurado kung pantay talaga ung pagkaka lagay ko neto, eh."

Natatawang sabi naman sakin ni Ashley habang patuloy pa rin niyang kinakalat ung blush-on niya. Natawa na rin ako kay Ashley habang pinapanuod ko pa rin siya.

"Tama na tawa! Tuloy mo na ung kwento mo!"

Natatawang sabi naman sakin ni Ashley sakin sabay tago na ng blush-on sa bag niya at saka kinuha naman ung lip tint niya.

"Edi ayun. Nung tapos na kaming kumain, nagpunta at naglaro na kami dun sa arcade. Libre ni Violado ung tokens. Tas alam mo ba… my ghad! Ung duality ni Jervien! Grabe! Hindi ako makapaniwala! Under 0.5 seconds, napalitan agad ung cutie patootie niyang itsura to ice prince!"

Pagtutuloy ko sa kwento ko kay Ashley habang pinapanuod ko pa rin siya at ako naman ay hinihintay ung kundoktor ng bus para magbayad.

"Cutie patootie?! Ahahahaha! Sa dinami-raming pwedeng ipang describe sakaniya, ba't cutie patootie pa ung napili mo?!"

Natatawang tanong ni Ashley sakin sabay tago na ng lip tint at salamin sa bag niya at saka tinignan na ako. Natawa na lang din ako nung narealize ko ung sinabi ni Ashely sakin.

"Oo nga, noh."

Natatawang pag sang-ayon ko kay Ashley habang inaabangan ko pa rin ung kundoktor.

"Oh, tapos?"

"Edi ayun, nung uuwi na kami. Kaming dalawa ni Jervien ung magka sabay kasi pareho kami ng sasakyan pauwi. Pagkababa namin ni Jervien sa jeep, naglakad na kami papunta sa sakayan namin pauwi. Habang naglalakad kami ni Jervien, edi nag-uusap kami. Tapos nung napansin niya na umaambon na, nagpayong na siya. Nung titingala na sana ako para tignan kung abot ba sa nilalakaran namin ung bubong ng mall, nakita ko na pinapayungan din pala ako ni Jervien."

Pagtutuloy ko sa kwento ko kay Ashley nang may malaking ngiti sa mga labi ko. Dahan-dahan nang napatakip ng bibig si Ashley habang nakatingin na siya sakin.

"Ngayon na lang ulit kita nakitang magkwento ng ganito, ah."

Natatawang sabi sakin ni Ashley habang tinatakpan pa rin niya ung bibig niya at nakatingin pa rin sakin. Napangiti na lang ako kay Ashley at saka iniwas na ung tingin ko.

"Basta eto tandaan mo Ibon, ha. Wag mong madaliin ung love. Darating din ung lalaking para sayo. Intay-intay lang."