Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 8 - Reshif Mall

Chapter 8 - Reshif Mall

Tapos na kaming kumain at andito na kami sa arcade ng Reshif Mall para maglaro. Wow… namiss ko na mag-arcade! Kaso ung pera ko ngayon sa wallet pamasahe ko na un pauwi, eh. Wuahahahhaahha! Nakakainis naman!

"Seryoso na 'to. Libre ko na talaga ngayon."

Sabi samin ni Violado habang binibilang na niya ung pera niya sakaniyang wallet. Agad na nagtinginan sila Morris at Jervien sa isa't isa habang kaming dalawa naman ni Juliana ay natawa na lang kay Violado.

"Ano ba naman yan Violado! Manlilibre ka kung kelan mura lang ung babayaran mo!"

Natatawang reklamo ni Juliana kay Violado sabay lapit na sakin tapos hawak na sa braso ko. Natawa na lang din ako habang tinitignan ko na lang din si Violado.

"Masama na bang magtipid ngayon, Juliana?!"

Inis na tanong ni Violado kay Juliana sabay tingin na nito saming dalawa at tago na ng kaniyang wallet sa bulsa ng blouse niya. Agad kong pinigilan ung tawa ko habang si Juliana naman ay mabilis na inalis ung pagkakahawak niya sa braso ko, nilapitan na si Violado at saka hinawakan na ang braso nito.

"Sige na! Sige na! Bumili ka na ng tokens!"

Natatawang sabi ni Juliana kay Violado habang dahan-dahan na niya itong tinutulak papalapit sa bilihan ng mga tokens. Nung inalis na ni Juliana ang kaniyang pagkakahawak kay Violado ay naglakad na ito papunta sa nagmamanage ng arcade na un para tanungin kung saan makakabili ng tokens, habang si Juliana naman ay mabilis na bumalik sakin at saka hinarap na sila Jervien at Morris na nakatayo sa likuran namin.

"Nabusog naman kayo kanina sa Aling Lasani?"

Tanong ni Juliana kila Jervien at Morris habang tinitignan na nito ung dalawa. Tinignan ko na rin sila Jervien at Morris saka inabangan na ang isasagot nila sa tanong ni Juliana.

"Gusto ko na ngang matulog ngayon kase busog na ako, eh."

Natatawang sagot ni Morris sa tanong sakanila ni Juliana habang nakatingin na siya saming dalawa. Ilang segundo pa ang lumipas ay nilingon na ni Morris si Jervien, dahilan para mapatingin na rin kami ni Juliana sakaniya.

"Ikaw, Jervien? Nabusog ka na ba?"

Natatawang tanong ni Morris kay Jervien habang tinitignan niya pa rin ito. Natawa na lang bigla si Jervien habang iniikot na niya ung tingin niya saming tatlo at saka tumango.

"Oo. Nabusog na ako."

Natatawang sagot ni Jervien sa tanong sakaniya ni Morris. Natawa na lang ako ng kaunti habang nakatingin sakaniya.

Maya-maya pa ay bumalik na sa kinatatayuan naming apat si Violado, dahilan para mapalingon na sila Jervien, Juliana at Morris sakaniya, habang ako naman ay nakatingin pa rin kay Jervien at nawitness ko ung duality ng lalaking ito dahil mabilis nawala ung ngiti niya within 0.5 seconds!

Ghad! Ung cutie patootie na nakangiti lang kanina naging cold-blooded prince na kung makatingin ay parang matutunaw ka na within 0.5 seconds! Inuulit ko! Within 0.5 seconds! Ung mga kilala ko lang na kayang gawin un ay mga kpop idols! My goodness!

"Ano Ibon? Ayaw mo? Akin na lang 'to."

Sabi sakin ni Violado habang inaabot na niya saking ung token na pinaghati-hatian na pala nila kanina. Bumalik na ako sa reality at narealize ko na nakatingin na lang pala ako sa hangin dahil umalis na sa harapan namin sila Jervien at Morris nang maibigay na ni Violado ung tokens nila. Mabilis kong tinignan si Violado at saka kinuha na ung tokens na inaabot niya sakin.

"Try natin un, oh! Bagay un sayo Yvonne!"

Sabi sakin ni Juliana habang hinahatak na niya ako papalapit dun sa basketball na pambata. Are you kidding me!? Meron talagang ganito kalaking basketball?! Oh my ghad! Why is this so adorable!?

Nang makalapit na kami nila Juliana at Violado sa maliit na basketball na un ay lumapit na rin samin sila Jervien at Morris at saka pinanuod na nila ako maglaro. Lumipas ang kalahating oras ay naubos na rin naming lima ung mga tokens namin at naisipan nang umuwi dahil mag-aalas sais na.

"Anong first choice niyo sa work immersion?"

Tanong ni Violado saaming apat habang naglalakad na kami pabalik sa pinanggalingan namin kanina dito sa Reshif Mall.

"Baka GCCSO na lang kunin ko para paper works lang."

Sagot ni Morris sa tanong ni Violado habang nakangiti siya at saka tinitignan na kami.

"Ikaw?"

Tanong ni Morris pabalik kay Violado habang tinitignan na niya ito at patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"Practice Teaching."

Sagot ni Violado sa tanong sakaniya ni Morris habang nakatingin pa rin siya sakaniya.

"Practice Teaching din sakin."

Sagot naman ni Juliana habang patuloy pa rin kaming lima sa paglalakad. Ilang saglit pa ay tinignan na ako nila Morris, Juliana at Violado, dahilan para mapatingin na ako sakanilang tatlo.

"General Psychology."

Mabilis na sagot ko sakanila at saka isa-isa ko na silang tinignan na tatlo. Ilang segundo pa ang lumipas ay nilipat na nila ang kanilang tingin kay Jervien, dahilan para mapatingin na rin ako sakaniya.

"Ikaw Jervien? Ano first choice mo sa work immersion?"

Tanong ni Violado kay Jervien habang tuloy-tuloy pa rin kami sa paglalakad at nakatingin na kaming apat kay Jervien. Napatingin na saming apat si Jervien, nagkibit balikat at mabilis na inalis ang kaniyang tingin samin nila Juliana, Morris at Violado.

"Ano un? 'Di mo alam?"

Gulat na tanong ni Violado kay Jervien habang tinitignan pa rin namin siya at naglalakad pa rin kami.

"Kala ko ba DRMT ung kukunin mo Jervien?"

Tanong naman ni Morris habang tinitignan pa rin naming apat si Jervien. Tinignan na ni Jervien si Morris, tumango at saka tinignan na kaming tatlo nila Juliana at Violado.

"Oo. DRMT kukunin ko."

Sagot ni Jervien sa tanong sakaniya ni Morris habang tinitignan niya pa rin kaming tatlo. Ilang saglit pa ay iniwas na ulit ni Jervien ang kaniyang tingin habang kami namang apat nila Juliana, Morris at Violado ay nagpatuloy na sa pagkekwentuhan namin. Kaso nung nasa kalagitnaan na kami ng pagbaba sa escalator sa loob ng Reshif Mall…

"Hala! Ung payong ko!"

Agad kaming napatigil na apat nang marinig namin si Violado. Mabilis kaming napalingon kay Violado at nakitang natataranta na ito.

"San mo huling nakita un?"

Tanong ko kay Violado habang tinitignan ko pa rin siya. Hindi niya kaagad sinagot ung tanong ko sakaniya dahil hinanap niya muna sa bag niya ang kaniyang payong.

"Hindi ko alam! Hawak-hawak ko lang un kanina pagka tapos nating kumain sa Aling Lasani, eh!"

Natatarantang sagot ni Violado sa tanong ko sakaniya sabay pahawak na nito saming dalawa ni Juliana ng kaniyang bag habang patuloy pa rin siyang naghahanap dun.

"Baka naiwan mo sa kung saan Violado."

Sabi ni Juliana habang hawak pa rin naming dalawa ung bag ni Violado at tuloy pa rin siya sa paghahanap ng payong niya dun.

"Baka naiwan mo dun sa arcade."

Sabi naman ni Morris habang tinitignan lang nila kaming tatlo. Napatigil na sa paghahalungkat si Violado sa bag niya, sinarado na un at saka kinuha na saming dalawa ni Juliana para isuot na ulit.

"Dito lang kayo, babalik ako dun sa arcade. Tignan ko kung naiwan ko talaga dun."

Sabi ni Violado saming apat sabay lakad na papunta dun sa escalator na paakyat. Pinanuod ko lang si Violado na umakyat hanggang sa hindi ko na siya makita pa.

"Nag text na sayo mama mo, Yvonne?"

Tanong ni Juliana sakin, dahilan para mapatingin na ako sakaniya at nakitang nakatingin na siya sakin. Agad kong kinuha ung phone ko sa bulsa ng blouse ko at saka chineck kung may text na ba ako galing kay mama. Thank goodness wala pa.

"Wala pa naman, pero sure ako maya-maya meron na un. Mag-aala sais na, eh."

Sagot ko sa tanong sakin ni Juliana habang tinitignan ko pa rin siya. Napatango na lang sakin si Juliana at mabilis ko nang hinarap sila Jervien at Morris na mahinang nag-uusap sa likuran namin.

"Lagi ba kayong gumagalang magkakaibigan?"

Tanong ko kila Jervien at Morris habang tinitignan ko na silang dalawa habang si Juliana naman ay humarap na rin sakanilang dalawa at inabangan na ang isasagot nila sa tanong ko.

"Eto ung first time kong gumala kasama si Jervien pagka tapos ng klase, eh."

Nakangiting sagot ni Morris sa tanong ko sakanila habang tinitignan na niya kaming dalawa ni Juliana. Ako lang ba o talagang maliit lang ako? Kase ngayong kaharap ko na sila Jervien at Morris habang nakatayo kami ay nanliliit ako! Pero pake ko? Kaharap ko naman crush ko, eh hehehe~ Kahit saan atang angulo tignan 'tong si Jervien ang pogi pa rin niyang tignan.

"Di nga?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Juliana kila Jervien at Morris habang pinanlalakihan na niya sila ng mata.

"Seryoso? Saan kayo dumidiretso pagka tapos ng klase?"

Tanong ko ulit kila Jervien at Morris habang tinataasan ko na sila ng parehong kilay.

"Pagka tapos ng klase, deretso na agad sa bahay."

Sagot ni Jervien sa tanong ko sakanilang dalawa ni Morris habang nakatingin na siya sakin. Oh god. This handsome being is looking at me right now... What a view... Aaahhhh! Yvonne! Kailangan mong tigilan ang pagtitig mo kay Jervien! Baka matunaw pa nang wala sa oras si Jervien nang dahil sayo!

"A-ahh."

Yep. Yan na lang po ang tangi kong nasabi kay Jervien. Nang may kasamang pagtango. Opo. Ganun po ako ka speechless ngayon. Save me.

"Lagi ba kayong gumagala dati?"

Tanong ni Morris saming dalawa ni Juliana habang tinitignan na niya kaming dalawa. Napahawak na sa braso ko si Juliana, dahilan para mapatingin na ako kay Morris at saka tumango nanaman ulit.

"Oo. Kasama sila Harold at Angeline. Kung ano-anong kalokohan din ung mga pinaggagagawa namin nun, eh."

Sagot ni Juliana sa tanong samin ni Morris habang tinitignan pa rin namin siya at ako ay tango na lang ng tango. Ghad! Anong problema sayo Yvonne?!