Chereads / Boy in Denim Jacket / Chapter 7 - Eating Together

Chapter 7 - Eating Together

So… tapos na po ung klase namin at nandito na kami ngayon sa tapat ng Aling Lasani sa loob ng Reshif Mall dahil pumipili pa kami ng pagkain na kakainin namin doon.

"Anong gusto niyong dalawa?"

Tanong ni Violado habang binibilang na niya ung pera niya sa wallet niya. ­­Agad kaming nagtinginan ni Juliana sa isa't isa at saka ngumiti.

"Pritong bangus sakin~!"

Sagot ko sa tanong ni Violado habang tinitignan at nginingitian ko na siya.

"Ung hita at paa naman sakin~!"

Sagot naman ni Juliana sa tanong ni Violado habang tinitignan at nginingitian niya na rin ito. Napatikom na lang ako ng bibig para pigilan ung tawa ko dahil alam namin pareho ni Juliana na hindi kami ang tinatanong ni Violado.

"Tanga! Hindi kayo ung tinatanong ko! Sila Herrera at Jervien ung tinatanong ko!"

Sabi ni Violado saming dalawa ni Juliana habang tinitignan na niya kaming dalawa. Napatingin na lang sila Jervien at Morris saming tatlo habang tumatawa na kami ni Juliana.

"Sorry po, ah! Wala ka kasing binanggit na pangalan, eh!"

Natatawang sabi ko kay Violado habang tinitignan ko pa rin siya. Ilang saglit pa ay hinampas na niya ako sa braso habang si Juliana naman ay tuloy pa rin sakaniyang pagtawa.

"Kahit wag mo na akong ilibre. May pera naman ako, eh."

Sabi ni Jervien kay Violado sabay kuha na ng wallet niya sa bulsa ng kaniyang pantalon at kumuha na ng pera. Kinuha na rin ni Morris ung wallet niya sa bag niya at kumuha na rin ng pera.

"Sila na lang ilibre mo, Violado. Nagbibiro lang naman ako kanina, eh."

Sabi naman ni Morris kay Violado sabay tago na ng wallet niya sa bag niya matapos kumuha ng pera. Such gentlemen. Buti may ganito pang nabubuhay na mga lalaki sa mundo. Karamihan sa mga nakilala kong mga lalaki hindi ganito, eh.

"Sila na may sabi Violado, ha~ Libre mo na lang daw kami ni Yvonne."

Sabi ni Juliana kay Violado sabay hawak na nito sa braso niya nang may ngiti sa labi nito. Napahawak na rin ako sa braso ni Violado at saka tinignan ko na ulit siya.

"Oo nga~ kami na lang ni Juliana ung ilibre mo Violado~! Please~!"

Dagdag ko pa sa sinabi ni Juliana kay Violado habang nakahawak pa rin kaming dalawa sa braso nito. Agad na inalis ni Violado ang pagkakahawak namin ni Juliana sakaniya at saka hinarap na kaming dalawa.

"Ang kakapal naman ng mga mukha niyo! Alam kong may mga pera kayo dyan!"

Reklamo ni Violado samin sabay lagay na ng wallet niya sa bulsa ng blouse niya. Nagkatinginan na lang kami ni Juliana sa isa't isa at saka tumawa na lang. Nauna nang pumunta sa counter si Violado para umorder na ng kakainin niya, sumunod na rin sila Jervien at Morris kay Violado habang pumipili na sila ng kakainin nila, habang kaming dalawa naman ni Juliana ay kinuha na lang namin ung wallet namin at saka kumuha na ng pera pambayad.

"Ano oorderin mo Yvonne?"

Tanong sakin ni Juliana matapos niyang matago ung wallet niya sa bag niya. Tinago ko na rin ung wallet ko sa bag ko at saka pumila na sa likuran nila Morris at Jervien habang nakatingin na sa pagpipilian sa taas ng counter.

"Ung hita at paa na walang extra rice."

Sagot ko sa tanong sakin ni Juliana habang nakatingin pa rin ako sa mga pagpipilian sa taas ng counter.

"Akala ko ba gusto mo nung pritong bangus?"

Takang tanong sakin ni Juliana, dahilan para mapatingin na ako sakaniya nang may ngiti sa mga labi ko.

"Ang mahal, eh. Isang daan lang budget ko."

Natatawang sagot ko kay Juliana habang tinitignan ko pa rin siya. Natawa na lang din siya sa sinagot ko at saka tumingin na rin sa mga pagpipilian sa taas ng counter.

"Ikaw? Anong oorderin mo?"

Tanong ko kay Juliana habang tinitignan ko pa rin siya at inaabangan na ung isasagot niya sa tanong ko.

"Katulad nung sayo pero may extra rice."

Sagot ni Juliana sa tanong ko sakaniya habang nakatingin pa rin siya sa mga pagpipilian sa taas ng counter. Napatango na lang ako sakaniya habang tinitignan ko na ulit ung mga pagpipilian sa taas ng counter. Mage-extra rice pa kaya ako or hindi na talaga? Wag na lang. Ilang saglit pa ay tapos nang umorder si Violado kaya lumapit na siya saming dalawa ni Juliana habang may hawak na siyang… waiting number ba tawag dun? Basta ung stick na may number.

"Ano oorderin niyo?"

Tanong ni Violado saming dalawa ni Juliana habang tinitignan na niya kaming pareho, dahilan para mapatingin na rin kaming dalawa sakaniya.

"Hita at paa na may extra rice sakin tapos ung kay Yvonne naman katulad din sakin kaso walang extra rice."

Sagot ni Juliana sa tanong samin ni Violado habang tinitignan na naming tatlo ung isa't isa.

"Diet ka Ibon? Ba't ayaw mo mag-extra rice?"

Natatawang tanong sakin ni Violado habang tinitignan na niya ako.

"Isang daan lang budget ko, eh. Need talaga mag diet."

Natatawang sagot ko naman sa tanong sakin ni Violado habang nakahawak na sa braso ko si Juliana. Maya-maya pa ay natapos na rin kaming lima na umorder ng pagkain, kaso puno ung Aling Lasani ngayon kaya need pa naming maghintay na may matapos nang kumain para makaupo na kami.

Ilang saglit pa ay nakahanap na kami ng lamesa, kaso pang-apatan lang un. Kaming apat nila Jervien, Juliana at Morris ang unang pinaupo ni Violado habang siya naman ay naghahanap na ng extrang upuan para idagdag dun sa lamesa namin.

Habang naghahanap pa si Violado ng upuan ay… pano ko ba 'to ide describe ung nararamdaman ko ngayon… kinakabahan? Self-conscious? Awkwardness? Pagka mahiyain? Bakit nakaka ramdam ako ng ganto? Well, dahil katapat ko si Jervien sa lamesa. Katapat ko si Jervien sa lamesa! Ung crush ko! Si Jervien! Katapat ko sa lamesa!

Hindi ko na alam ung gagawin ko! Somebody, please help me! Turuan niyo po ako kung papaano maging hindi awkward! Pero mabuti na lang ay nag-ayos ako ngayong araw, dahil kung hindi… I would be such a mess in front of him. Ilang saglit pa ay nakahanap na ng extrang upuan si Violado at naupo na sa gitna namin ni Jervien. Bale ganito po ung puwesto naming lima:

Pader| Morris Jervien

Pader| Lamesa Violado

Pader| Juliana Ako

Habang nagkekwentuhan na kaming lima ay hindi pa rin duma dating ung mga inorder namin. Okay? Hindi naman ganto katagal ung service sa Aling Lasani, ah. Kaya nagtaka na kaming lima at nagturuan kaming tatlo nila Juliana at Violado kung sino ung magpa follow-up nung inorder namin habang sila Jervien at Morris ay pinapanuod lang kaming tatlo. At sa huli ay si Violado ang nag follow-up sa mga order namin.

Pinanuod lang namin nila Juliana at Morris si Violado habang si Jervien naman ay kinuha na ung phone niya sa bulsa ng polo niya at nag cellphone na. Ilang saglit pa ay nakatayo na sa tapat counter si Violado para i-follow-up ung order namin, tapos nung naka usap na niya nung cashier, tinuro na siya dun sa likuran ng counter na kung saan nakalagay ung mga sabaw, tasa, baso, pitsel ng tubig, extra rice pati na rin ung bintana na pinagpapatungan ng mga order na pagkain. Pumunta na si Violado sa tinuro ng cashier sakaniya tsaka nilapitan na ung nagserserving na nakasuot ng kulay puti na polo shirt.

"Luh! Hindi pinapansin nung nagserserve si Violado!"

Sabi ni Juliana habang pinapanuod pa rin namin nila Morris si Violado. Si Jervien naman ay napatingin na rin kay Violado at saka ibinalik na lang ung tingin niya sa phone niya.

"In training pa lang ata un, eh, kaya siguro kulay puti ung polo shirt nun."

Sabi ni Morris habang pinapanuod pa rin naming tatlo nila Juliana si Violado na parang natataranta na dun. Ilang saglit pa ay may bumalik nang nagserserve ng pagkain at kinalabit na un ni Violado para mapansin na siya nito. Tumango na lang ung nagserserve ng pagkain kay Violado at siya naman ay naglakad na pabalik sa puwesto namin.

"Ayaw mamansin nung nagserserving."

Reklamo ni Violado nung makabalik na siya sa puwesto at makaupo na sa upuan niya. Ibinalik na ni Jervien ung phone niya sa bulsa ng polo niya at agad kaming napatingin kay Violado at saka tumingin na sa maliit na bintana na pinagpapatungan ng mga order na pagkain.

"Pero nafollow-up mo na ung mga order natin?"

Tanong ni Juliana kay Violado habang tinitignan na niya ulit ito. Inabangan na namin nila Morris at Jervien ung isasagot ni Violado sa tanong sakaniya ni Juliana habang nakatingin pa rin kaming apat sakaniya.

"Oo! Kung hindi pa ako nangalabit, hindi pa ako papansinin!"

Sagot ni Violado kay Juliana habang tinitignan na niya ito at nakasimangot na. Habang hinihintay na namin ang mga order namin ay nagkwentuhan na ulit kaming lima at nagtatawanan.

Makalipas ng ilang minuto ay dumating na ung mga inorder namin, binigyan na kami ng sabaw at kumuha na ako ng kutsara't tinidor. Nang maka kuha na ako ay bumalik na ako sa puwesto namin at binigay ko na sakanila ung kutsara't tinidor.

At alam niyo ba, nung kukunin na ni Jervien ung kutsara't tinidor niya sakin, nahawakan niya kamay ko. Nahawakan niya kamay ko! Si Jervien! Nahawakan niya kamay ko! Sana hindi ako namumula ngayon! Oh! May! Ghad! Sobrang kinikilig na po ako sa loob-looban ko!

So tahimik na kaming kumakain ngayon. Well… kesa lang sa isa. Opo. Si Violado po ang tinutukoy ko. But everything's good, kasi masaya naman kami. Habang patuloy pa rin kaming kumakain, hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Jervien at maging conscious sa kung papaano ako sumubo ng pagkain.

Ghad! Nahalata ata niya na tingin ako ng tingin sakaniya habang kumakain kami dahil tumitingin din siya sakin! Ilang saglit na lang mabubulunan na ako rito! Send help! At alam niyo ba! Hindi kami makapaniwalang apat nila Juliana, Violado at Morris dahil naka ilang extra rice na si Jervien kahit na ang hinhin niyang kumain! Kahit ung tito ko at ung pinsan kong malalakas kumain hindi kayang tapatan 'tong crush ko! Wow!

"Nakaka ilang extra rice ka na, Jervien? Parang pinaghandaan mo 'to, ah. Hindi ka ba kumain ng ilang araw?"

Tanong ni Violado habang tinitignan na naming apat si Jervien. Hindi halata sa katawan niya na malakas siyang kumain, ha~! Sana all maganda pa rin physique ng katawan kahit malakas kumain! Ba't kasi hindi ganun katawan ko!? Ang chubby ko tuloy. Natawa na lang si Jervien at tahimik na nagpatuloy sakaniyang pagkain. Oh, how I love his laugh.