Healthy Shabu-Shabu na ang isang branch ay matatagpuan sa Ortigas City. Dito ipinasya ni Benjie na makipagkita kay Joyce. Eight in the evening ang usapan nila pero hindi pa dumarating ang babae kalahating oras na ang nakalilipas. Mabuti na lamang at hindi na naging mausisa pa si Mady sa kaniya ng sabihin niyang dadalaw lamang siya sa may sakit na ina ngayong araw. Sinabi niya rito na baka mahirapan itong ma- contact siya sapagkat medyo liblib ang lugar nila sa Rizal kaya intermittent ang signal. Pero sa totoo lang, pansamantalang naka- block ang babae sa cellphone niya upang hindi makaabala sa kaniya habang kasama ang dating kaibigan.
Hindi nagtagal at bumulwag na sa entrada ng restaurant ang hinihintay niya. Tumayo siya upang mapansin siya nito kung saan siya nakapuwesto. Kinawan niya ito habang nakangiti. Habang papalapit ang babae ay mas napagmamasdan niya ang kasuotan nito. Nakablouse at skirt ito. Isang canary yellow crop top na binagayan naman ng A-line zebra stripe skirt. Samantalang nude color naman ang suot nitong flat shoes. Simple lang pero hindi niya maitatangging every inch a lady na ang kababata. Nang sila ay magkaharap na ay saka niya napansin ang pagiging payak din ng pag-aayos nito sa sarili. Nababahiran ng manipis na lipstick ang labi nito at tila kaunti rin lang na loose powder. Ni walang eye shadow o blush-on bagaman naglagay ito ng mascara at eyeliner. Simpleng ponytail lang din ang ayos ng buhok nito. But less is beautiful and he could not deny it.
"You are a site for a sore eyes…" puna niya sa kasimplehan ng ayos nito.
Tila naasiwa naman ito sa naging komento niya. Halata sa reaksiyon nito ang biglang pamumula ng pisngi.
"Salamat…" maikling tugon nito.
Bahagya niyang pinihit ang uupuan nitong bangko upang bigyang daan ito sa pag-upo. Gusto niyang ipakitang espesyal ang pagtrato rito upang makuha niya agad ang loob nito.
"Thank you…" sabi nito sa kaniyang gentlemanly manner.
"My pleasure…" sagot naman niya.
Nang kapwa na sila nakaupo ay siya na rin ang nagpasimula ng kanilang usapan.
"Nakakatuwa lang na after so many years heto magkakasalo na naman tayong kumain. Ano nga ba iyong dating kinakain natin kapag nagbabahay- bahayan tayo noon? Tinuhog na mga dahon, dinikdik na bulaklak…"
Napangiti ito sa biro niya. "Naaalala mo pa talaga 'yun, ha?! Hindi nga rin ako makapaniwala after sixteen years, 'eto nagkita pa rin tayo..."
"Time flies. Ganoon na pala katagal."
"Oo. Kaya nga 'yung iba nating mga kalaro noon, may mga asawa't anak na ngayon."
"Ooops, wait, I know what you'll gonna say next…"
Natigilan ito sa sinabi niya saka nagkibit- balikat na para bang walang ideya sa kaniyang sasabihin.
"Why am I still single?" sabi niya. "What's supposed to be my issue? Am I…gay?"
Napatawa ito sa sinabi niya. "No, I am not gonna ask you that questions. Grabe ka naman. So ibig sabihin, ako kaya single pa din ako may issue sa akin. Siyempre hindi naman ganoon."
"Tama ka, pero honestly Joyce, I wanna ask you that question, why are you still single?" tanong niya saka nakapangalumbabang tila naghihintay sa isasagot ng kaharap na babae.
Muli itong napatawa sa hitsura niya na para bang interesadong- interesado niyang malaman ang sagot nito. Mahina nitong hinampas ang kamay niyang nakasalo sa kaniyang baba.
"Okay, once and for all," tugon nito. "hindi ako tomboy 'no saka hindi ba pwedeng I choose to live a single life because its fun, it makes me happy…"
"Hmmp! Commitment-phobe…" aniya.
"Oy, hindi ah!" agad nitong sagot. "Eh ikaw, ba't ba single ka pa rin hanggang ngayon, ha?"
"Uhmm… bago natin iyan pag-usapan kumain muna tayo." wika niya.
Sakto namang dumating na ang kanilang order. Nag-order na ang lalaki bago pa man siya dumating. Bitbit ng dalawang waiter ang broth at assorted vegetables, seafoods at meat na component ng kanilang shabu- shabu package. Joyce could not believe that they got the same food preference. Her choices of the ingredients are the same with him. It's just surprising for her that their taste are almost the same.
"Come on, let's dig in." yaya niya rito.
Unti- unti niyang inilagay ang mga gulay sa dashi broth. Carrots, young corn, shitaki mushrooms, radish, asparagus and cauliflower. Hindi niya muna inilagay ang mga seafoods at meat upang magkaroon ng natural na tamis mula sa mga gulay ang sabaw. Napansin niyang tila inoobserbahan siya ng babae sa ginagawa.
"Joyce, kain na." muli niyang yaya rito. "Gusto mo ba ng kanin?"
"No, hindi na." sagot nito. "Natutuwa lang akong tingnan ka kasi sabi nila malalaman daw ang qualities ng isang tao base sa mga unang inilalagay niyang ingredients sa broth ng shabu- shabu…"
"Sus, naniwala ka naman sa mga sabi- sabi ng matatatanda…" biro niya.
"Totoo 'yun 'no." wika nito. "And as I can see it, parang napaka-modest mo, siguro wala kang bisyo, healthy lifestyle, clean living kung baga, tama ba ko?"
Sumagot siya habang hinahalo- halo ng chopstick ang mga gulay sa broth. "Oo tama ka, malinis ako magtrabaho…"
Tila hindi nito masyado naintindihan ang sinabi niya. "Ano?"
"Wala. Kumain na tayo. Sige, sumandok ka na, the vegetables are getting wilted."
"Naalala ko lang, saan ka nga pala nagtratrabaho sa Makati?"
"Sa isang fitness center. Fitness coach ako. Baka gusto mong i-hire ako as your personal trainer, bibigyan kita ng discount."
"Hahaha. Hindi ba pwedeng libre na lang?"
"Pwede rin naman pero may kondisyon, instead na barbel, ako ang ililift mo!"
Napangiti ito sa sinabi niya. " Naku ha, hindi kita kayang iangat."
"Eh 'di baligtad na lang, ako na lang bubuhat sa'yo…"
Hindi agad ito nakasagot sa sinabi niya. Sumulyap lamang ito at saka agad nagbaba ng tingin. Para bang medyo nahiya ito sa sinabi niya. Biro lang naman ang sinabi niya ngunit kakaiba ang dating nito sa babae. Para bang medyo kinilig ito sa sinabi niya.
"Biro lang iyon, Joyce ha, baka seryosohin mo naman. Siyempre hindi ko naman gagawin iyon. Ikaw ba anong work mo?"
"Audit Specialist ako." sabi niya. Naisip nitong huwag na masyadong i-elaborate kung ano talaga ang duties and responsibilities sapagkat medyo kumplikado kaya sinimplehan na lamang nito. "Uhmm… taga-check lang ako ng mga pawned items kung tama ang description base sa records."
"Lang? Come on. Mahirap kaya iyon. Siyempre nakakalito ang pagiisa- isa nun' di ba?"
"Hindi naman, kapag nasanay ka na, magagamayan mo na din iyong ginagawa mo." paliwanag nito. "Ikaw yata ang mahirap ang trabaho. You know, you gotta need a lot of agility…"
"Well, hindi rin naman. In fact, feeling ko parang naglalaro lang ako eh. Like when we use to play a lot. Parang gan'un lang. Wala akong kapaguran. Di ba sobrang likot ko noon kaya siguro ito ang nadala ko pa rin hanggang ngayon."
Biglang lumarawan sa isip ni Joyce ang mga paglalarong kanilang ginagawa noon. Mga larong tila wala ng bukas na kahit dapit-hapon na ay patuloy pa rin sila sa takbuhan. Napakasaya ng mga alaalang iyon ngunit natapos ng dahil sa ginawa niya kay Benjie. Bigla itong napatigil sa pagnguya ng maalaala ang bagay na iyon.
"Hey, is there something wrong with the food?"
"N-no. I-It's just that I, I…" hindi nito maituloy ang sasabihin. Tila ba may nakaharang sa lalamunan nito na hindi nito mailabas ang mga salitang bibigkasin.
Nakatingin lamang siya rito. Nais niyang masilayan ang bawat reaksyon sa mga salitang bibitawan nito. Kung nagbubuga nga lamang ng apoy ang kaniyang pagtitig ay kanina pa nagningas ang kaharap niya ngayon. She's stuttering obviously. Sigurado siyang abot- abot ang nararamdaman nitong hiya sa kaniya ngayon. Matapos ang labing anim na taon ay malalaman na rin niya kung ano talaga ang totoong nangyari. Sa bibig mismo ng taong nagpahamak sa kaniya. Nang taong minsan niyang itinuring na kaibigan na sinuklian naman nito ng isang malaking pagbibintang. 'Come on, spit it out…'
"Benjie napakalaki ng naging kasalanan ko sa iyo…" pasimula nito.
Halatang hindi ito komportable sa sitwasyong kinakaharap ngayon. Habang direkta siyang nakatingin dito ay hindi naman nito maipirme ang tingin sa kaniya. May pagyuko at paminsan- minsang pagsulyap ito sa kaniya. Tila alumpihit rin ito sa pagkakaupo. Marahil kung walang aircon sa kinaroroonan nila ngayon ay pinagpapawisan na ito sa sobrang tense ng mga oras na iyon.
"I'm sorry pero ako talaga ang gumawa ng ibinibintang sa iyo ni mama noon…" patuloy nito.
Walang mababakas na reaksyon sa mukha niya. Inaral na niya kung ano ang dapat na reaksyon sa harap ng babae sa pagkakataong umamin na ito ng pagkakamali sa kaniya. Hindi siya dapat kakitaan ng galit bagaman gustong- gusto na niyang ilapat ang palad sa pisngi nito. Mananatili siyang kalmado at pagkatapos nitong mangumpisal ay patatawarin niya ito ng may simpatiya. He's tranquil like a summer cloud but his heart is filled with rage.
"Ako talaga ang sumira ng planggana, ginawa ko iyong parang swimming pool. Sa sobrang tuwa ko habang palangoy- langoy ay nasipa ko kaya nabiyak. Pero dahil natatakot ako na mapagalitan ni mama ay nagsinungaling ako. I'm sorry, I'm really sorry Benjie.Hindi ko dapat ginawa iyon. Hindi ko inisip na, na mangyayari sa iyo 'yun…"
Patuloy siyang nakinig rito. Hindi siya umimik ng kahit anong kataga o nagtanong. Ngunit kung nababasa lamang nito ang kaniyang isipan, kanina pa niya ito pinaliliguan ng mura at isinusumpa. Physically he's trying to be sympathetic but inside of him is a monster thirsty of revenge.
"Alam mo, habang nakikita kita noon na sinasaktan ng mama mo, ang sama- sama ng pakiramdam ko, ang bigat- bigat ng dibdib ko, pinagsisisihan ko talaga na ginawa ko iyon…"
"Shhhh, shhhh…" awat niya sa pagsasalita nito. Ayaw na niyang muli pang sariwain ang pangyayari noong araw na iyon sapagkat mas lalo lamang siyang napopoot sa babae.
Sa pagkakataong iyon ay ginagap niya ang mga kamay nito. Tiningnan niya ito sa mata saka inangat ang nakayuko nitong mukha.
"Joyce, let's forget about it, okay?" kumbinsi niya rito. "Matagal na iyon. Let bygones be bygones. Ang mahalaga nagkita tayo ulit tapos heto magkasama tayo. Pwede bang 'yung masasayang alaala na lang ang balikan natin, can we do that?"
Tumango- tango ito ngunit batid niyang tila naasiwa ito sa sitwasyon. Parang napaka-awkward na sa isang date ay may nagaganap na pag-amin ng pagkakasala. Tumayo siya sa kaniyang upuan saka lumapit dito at saka marahan itong niyakap. Gusto niyang maramdaman nito na lubos na niyang iginagawad ang kapatawaran rito. Sa sandaling pagdadait naman ng kanilang katawan ay muli na namang nakadama ng kakaibang elektrisidad na biglang dumaloy sa katawan nito si Joyce. She had butterflies in her stomach as he gave him a warm hug. Alam nitong hindi angkop na makaramdam ng ganito para sa isang kaibigan ngunit hindi nito maitatangging nahuhulog na ang loob nito sa lalaki.
Gayunpaman alam ni Benjie sa kaniyang sarili na pagpapakitang tao lamang ito. Besides, what helps a predator in catching its prey? Its through camouflage. Kailangan niyang magkunwari upang ganap na maisakatuparan ang plano rito. Gusto niyang lubusang makuha ang tiwala nito. Mapaniwalang muli nilang mabubuo ang nagkalamat ng pagkakaibigan. higit pa roon ang layunin niya ngayon. Masidhi ang pagnanais niyang mapaibig ito at pagkatapos ay wawakasan din ang taglay nitong buhay. Sa kaniyang palagay ito na marahil ang magiging pinakamakasaysayan niyang pagtatagumpay. Ang makaganti sa taong mismong nagbintang sa kaniya.