Habang lulan ng taxi ay nakahilig ang ulo ni Mady sa balikat ni Benjie. Payapang- payapa ang loob nitong nakapikit at tila kumukuha ng sandaling pag- idlip sa loob ng sasakyan. Buo ang pagtitiwala sa lalaking kasama. Panatag ang loob na ligtas at nasa mabuting kamay. Lingid sa kaalaman nito ang nakaambang panganib na naghihintay sa kaniya. Sa isang nilalang na muli na namang sinibulan ng sungay. Uhaw ang mga kamay na muling mabahiran ng dugo at ang kaluluwa'y sabik na muling magdiwang sa hatid na kasiyahan sa tuwing pumapaslang. Sa kanyang pagmumuni-muni ay muli na naman siyang dinalaw ng alaala ng nakaraan.
"Single file, mga bata, sa gilid lang ng corridor ha, 'wag kayong gumitna." paalala ng kanilang adviser habang sila'y naglalakad sa ikatlong palapag ng gusali ng paaralan.
Nasa ika- anim na baitang na siya noon. Isang hapon, nagkaroon ng folk dance competition sa kanilang paaralan at ang kanilang klase ay kalahok sa nasabing kompetisyon. Inter- grade contest ito ng iba't- ibang kilalang sayaw sa Pilipinas. Ang sayaw na Cariñosa ang nakatoka sa kanilang baitang. Naka-custome ang bawat isa sa kanila.
"Madeleine, huwag ka ng makipagharutan kay Benjie, " saway ng kanilang gurong nasa dulong bahagi ng pila ngunit natatanaw ang ginagawa nila. "Benjie, tigilan mo ng pangungulit diyan sa ka-partner mo."
Nagtatawa ang kaklase niyang nasa kaniyang likuran ng masaway ng guro. Panay kasi ang kalabit nito sa ulo niya kaya panay ang lingon niya dahilan upang matigil sa pag-usad ang paglalakad ng mga nasa hulihan nilang kaklase patungo sa quadrangle. Kinukulit siyang maigi nito kayat hindi na rin niya napigilang pagsalitaan ito.
"Tigilan mo na nga ang pangangalabit mo, naiinis na ko sa'yo." sabi niya.
Lalo naman itong nagtatawa sa naging reaksyon niya na tila napipikon na sa ginagawa nito. "Ito naman hindi na mabiro,..." sabi nito saka malakas siyang itinulak habang humahalakhak.
Kasalukuyan na silang bumababa ng hagdan noon kayat ng siya'y itulak nito ay hindi sinasadyang napabangga siya sa kaklaseng nasa unahan niya noon. Nabigla ito sa pagtama ng katawan niya sa likod nito dahilan upang matalisod ito sa isang baitang sa hagdan. Napadapa ito saka tumama ang ulo sa semento. Kitang- kita niya ang pagdausdos nito pababa sa hagdan hanggang sapitin ang pinakahuling baitang. Dinig na dinig niya ang dagundong ng tila isang mabigat na bagay ang bumagsak. Matapos gumulong ng nahulog niyang kaklase ay ininda nito ang natamong pinsala. Halos hindi nito maibangon ang sarili habang tila napapangiwi habang sapo nito ang ulong napatama. Nagulat siya sa bilis ng pangyayari at sa naging resulta ng ginawang pagtulak sa kaniya ni Madeleine. Nagkaingay ang buong klase at nawala na rin sa ayos ang kanilang pagkakahanay.
"Hala si Noel, nahulog! Mam, si Noel po nahulog!" sumbong ng isa.
"Ha,!" sabi ng kanilang guro na natatarantang agad tinungong pababa ang naaksidenteng estudyante. Nang makita ang sinapit nito ay nagsisimula ng mamuo ang bukol nito sa noo. Kakikitaan ang kanilang adviser ng labis na pag- aalala sa sitwasyon ng bata. " Naku naman, bakit ba, anong nangyari?"
"May tumulak po sa akin kaya nahulog ako..." halos napapaiyak ng bigkas ng napahamak niyang kaklase.
"Sino? Sinong nanulak kay Noel, ha?" galit na tanong nito.
Agad na sumagot ang nasa likod niyang si Madeleine. "S-si Benjie po, hindi po ako." mabilis na sagot nito. Hindi nito inamin ang ginawa.
Agad niyang itinanggi ang ibinibintang sa kaniya ng babae. "Mam, hindi po ako, itinulak niya po ako kaya napabangga ako kay Noel..." paliwanag niya sa guro habang itinuturo ang kaklase.
Parang nanlisik ang mga mata ng kaniyang guro sa kaniya. Muli itong humakbang ng ilang baitang paitaas upang magtungo sa kinaroroonan niya. Kinabahan siya sa biglang pagsugod nito sa kaniya. Awtomatikong kinurot siya nito sa tagiliran. Napaigkas siya sa ginawa nito.
"Salbahe kang masyado." gigil na sabi nito. "Hala, Dan at Antonio, samahan ninyo sa school clinic si Noel. At ikaw, Benjie, sumama ka sa akin ngayon sa Guidance Councillor. Papuntahin mo din ang magulang mo dito bukas. Hindi kita tatanggapin sa klase hanggat hindi mo dinadala dito ang magulang mo."
Mas lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. Papaano niya sasabihin iyon sa mabagsik na ina. Hindi niya kayang ipaalam ang nangyari dito sapagkat kahit pa alam niya sa kaniyang sarili na hindi naman talaga siya ang dahilan kung kayat naaksidente ang kaniyang kamag- aral ay pihadong hindi rin siya paniniwalaan nito katulad ng kaniyang guro. Nilingon niya si Madeleine, ang puno't dulo ng naganap na pangyayari. Halatang may kaba itong itinatago kayat hindi nito sinasalubong ang kaniyang tingin.
Nang siya ay makauwi at makaharap ang ina sa bahay, nauutal niyang ipinaalam sa ina ang bilin ng kaniyang guro. Nakayuko at tila bulong lamang ang kaniyang pagsasabi sa harap nito. Hindi niya idenetalye ang tunay na dahilan kung bakit ito ipinatatawag basta't ang sinabi niya'y hindi niya alam kung bakit. Kinabukasan, kasama niyang pumasok ang ina. Kinausap ito ng kaniyang guro at matapos ang pag- uusap ay agad din siyang niyaya nitong umuwi na kahit hindi pa tapos ang klase. Sa pagkakataong iyon alam na niya ang nakatakdang maganap.
Habang sila ay nasa biyahe, dinadalangin niyang gumawa sana ng paraan ang Maykapal upang hindi na nila sapitin ang kanilang tahanan. Na sana'y lamunin na lamang ng lupa ang kanilang sinasakyan o di kaya'y lumindol ng malakas upang malimutan na ng ina ang ipinabatid ng kaniyang guro dito. Ngunit hindi ito nangyari kayat ng sapitin nila ang bahay at maitrangka ng kaniyang ina ang pinto, hindi na siya nagtaka sa kasunod na inimik nito.
"Benjie, dapa..."
Bunga ng pangyayaring iyon, nagtamo na naman siya ng katakut- takot na parusa mula sa kaniyang ina. Bukod sa makailang ulit na hagupit ng sinturon sa kaniyang pigi ay dalawang linggo siyang hindi nito binigyan ng baon . Napabuntong hininga siya ng maalaala ang nakaraan. Napatingin siya kay Mady na nakahilig na ngayon sa kaniyang dibdib.
" Why are you girls so mean?" bulong niya .
Tila naalimpungatan naman ito sa inimik niya kaya napamulat ito at tumingala sa kaniya. "What, are you asking me something?"
"No, I mean, nandito na tayo. Kailangan na nating bumaba." sagot niya.
Sa muling pagsariwa niya ng mga kalupitang dinanas ay mas lalong nabubuhay ang galit sa kaniyang puso. Tila mas lalo niyang nakikita ang kawalan ng hustisya. Na nagiging daan upang tumindi ang kaniyang pagnanasang maiganti ang sarili sa kahit na anong paraan. Sa kahit na sinong nilalang.
-oOo-
"Hahaha, are you serious? Sige, sige lets give it a shot."nakangiting sabi ni Mady sa kaniya habang nagsasalin ng red wine sa bordeaux glass. Kasalukuyan silang magkatabi ni Benjje sa isang large-size bed. Kapwa sila mga naka- underwear na lang. Benjie requested a good quality wine in the front desk of the motel.
He then told Mady about his wildest sex fantasy that he wanted to do with her and it seems that she is more excited than him. Halos hindi nga siya makapaniwala na hindi ito tatanggi sa kaniyang pag- aalok rito na mag-role play sila. Kitang- kita niya ang pagkabigla na may kasamang pananabik sa mga mata nito ng kaniyang imungkahing pansamanta muna silang maging parang mga artista. As always, it is the kidnapping scenario.
Iniabot sa kanya nito ang half- filled glass ng alak." But first, promise me, next time it would be a diffrent scenario, okay? The one that I already had in mind."
"Alright. What do you wanna play next?"
"I wanted to try the doctor/patient scenario. I'll be the sexy doctor and you'll play the part as the stubborn patient."
"Now, that sounds interesting."
"I know right." sagot nito habang inaagaw sa kaniya ang basong ubos na ang laman saka ipinatong ito sa night stand. "Kaya Benjie, better treat me right so the next time you f--k with a doctor, she will not give you a very painful medical procedure."
Ngumiti siya sa sinabi nito. Ahhh, sayang naman your wildest fantasy will remain a fantasy, sa loob- loob niya.
"Sige na, magsimula na tayo. Anong bang dapat kong gawin or should I say, ano bang gagawin mo sa'kin?" tanong nito na sinundan ng pilyang pagtawa." Hahaha, wait, wait am I suppose to be acting by now? Like I'm a bit nervous and asking for your mercy to release me?"
"That would make this very realistic, Mady." turan niya. Parang game na game ito sa nais niyang gawin. Walang- wala sa isip nito na ang kunwaring palabas ay totohanan na. Kayat wala na siyang inaksayang panahon. Inilabas na niya mula sa backpack ang dalang duck tape, zip tie at straight razor. Matamang nakatingin lamang ito. Hindi mababakasan ng anumang takot o pangamba. Akmang kakabitan na niya ang kamay nito ng zip tie ng magsimula na itong gumanap na animo'y isa nga talaga biktima ng pagdukot.
"No please, parang awa mo na, pakawalan mo 'ko. Magkano ba ang ransom na kailangan mo?" kunwaring tanong nito. "Tell me, I'm sure my dad will pay you whatever amount you ask."
Tinugon naman niya ito. " Gaga ka ba?! I'm sorry, but this is not about money, this is about revenge. Naniningil lang ako ng pautang na kahit buhay mo, hindi pa sapat para pagbayaran ang lahat ng kasalanan 'nyo sa akin."
They'ved been doing their part well. No script and no rehearsals.
"Huh!" sarkastikong singhal nito. " Oh come on, I know you are all after the money! Or maybe, you just wanna have sex with me!"
Hindi makapaniwala si Benjie sa nangyayari. Ni hindi pumasok sa kaniyang isip na sasakyan lang Mady ang kaniyang ideya sa pagrorole play. Na hindi na niya kailangang pilitin o kumbinsihin pa ito upang pumayag lang sa gusto niya. Bagaman ay may pagkapossesive ito sa pagmamahal sa kaniya ay submissive pa rin ito sa mga gusto niya. Kayat hindi na siya nag-alinlangang pa at ganap na ginapos ang kamay nito.
"Huwag mo akong talian, pakiusap. Kung gusto mong makipagtalik sa akin, sige payag na ko, palayain mo lang ako..."
Magaling bumitaw ng linya ang babae. Parang totoong- totoo talaga ang acting nito. Kaso lang walang direktor na magsasabi ng action at cut. Tuloy- tuloy ang bawat eksena rito. Nakasalalay kay Benjie kung pahahabain pa niya ang papel na ginagampanan nito o madali niyang aalisin ito sa istorya. Hindi niya pinagbigyan ang pakiusap nito kayat muli na naman itong nagbitaw ng linya.
"You are the most ruthless and cruel pervert I'ved ever seen! Napakasama mo, mananagot ka sa lahat ng naging biktima mo. Sisiguraduhin ko yan!"
Nabigla siya sa sinabi nito. Tila nag-adlib ito. Medyo nagpanting ang kaniyang tenga sa narinig. Bagaman alam niyang wala namang ibig sabihin ito sa mga nabigkas na kataga ay hindi naging maganda ang dating nito sa kaniya. Para bang hindi ito sumusunod sa daloy ng kuwento kayat minarapat niyang takpan na ang bibig nito ng duck tape. Muli ay hindi ito pumalag.
"Marami kang sinasabi! Kailangan na kitang patahimikin. Hala, tuwad!" may awtoridad niyang sigaw rito.
Kunwari'y tila napapaiyak at alinlangang sinunod ito ni Mady. Ngunit wala pa ring bakas ng takot ang mababanaag sa hitsura nito. Sobra ang paniniwala nito kay Benjie na isang palabas lamang ang kanilang ginagawa. Ngunit ng hablutin na ng lalaki ang kaniyang buhok habang nakadagan sa kaniyang nakatuping mga binti ay napakunot ang noo nito sa sakit ng pagkakasabunot.
"Mady, you play your part very well. I really appreciate that but I play the lead role and you know where the fun part is, its in the ending..." bigkas niya sa puno ng tenga nito.
Ngayo'y mababakas na tila nagugulumihanan na ito sa sinasabi niya. Nais man sana nitong magtanong ay hindi na nito magawa sapagkat nakatakip na ang bibig nito. Tanging mga ungol ang maririnig na kumakawala sa labi nito.
"Quiet,! Quiet!" saway niya sa paglikha nito ng ungol. Saka niya dinampot ang labahang nasa gilid ng kama at hinilis ang suot nitong bra at panty upang ganap na itong mahubaran. Pagkatapos ay itinutok niya ang patalim sa leeg nito.
Dito na nagpakita ng pagtutol si Mady. Nagkakawag na ito habang hindi naman siya inaalpasan ni Benjie. Naging sunod- sunod na rin ang pag- ungol nito. Tila ngayon lang ito nagising sa kahibangan. Na ang akala nitong isang pantasya ay katotohanan na. Na ang totoong papel niya ay isang biktima habang ang papatay naman sa kanya ay si Benjie. It is indeed a serial killing scenario.
'No! This can't be happening! I thought we had a great sex! I thought you love what I did the last time we had sex!' sa loob- loob ni Mady ngunit tanging mahihinang tunog lang ang maririnig sa nakukublihan niyang bibig.
"Shhh, shhh, bakit ba napaka- ingay mo! Bakit ba napakadadada ninyong mga babae.?!" aniya. "Don't get me wrong, Mady. Yeah, the sex I had with you was amazing but I find it too hard core..."
Habol ang hininga nitong walang ibang magawa kundi ang makinig sa lalaking nagpapahirap sa kaniya ngayon.
"Do you believe in the saying, you are only as good as your last performance..."
Impit na iyak na ang maririnig sa babae. Tila ganap nitong nararamdaman ang panganib na nakaambang maganap sa kaniya ngayon. Panay na ang tulo ng mga luha nitong bumabagtas sa pisnging natatakpan din ng tila naka-X mark na duck tape sa kaniyang bibig. Ngayo'y pilit na rin itong naglalayong makawala mula sa pagkakadagan ni Benjie sa kaniyang mga binti ngunit daig siya ng lakas nito.
"Sorry but there's no room for improvement. Kumbaga sa artista, extra lang ang ganap mo..." pagkasabi nito ay ganap niya ring ginilitan ang babae sa leeg.
Dumaloy ang masagang dugo mula sa nalaslas nitong leeg. Pilit man itong nakipaglaban upang masagip ang buhay ay hindi nito nagawang tumbasan ang puwersa niya. Hanggang unti- unti ay nanghina ito at kusang tumumbang nakataob sa kama ng ganap na maalpasan. Her eyes turn glassy and tearing while her eyelids are partially shut. Her naked body is now lifeless and abandoned like a dead animal. Wala ng buhay na iniwan ni Benjie ang babae ng walang anumang nararamdamang panghihinayang, awa at pagsisisi.