Chereads / Bintang (Accused) / Chapter 26 - Kumagat sa Pain

Chapter 26 - Kumagat sa Pain

Insomia- formerly Exklusiv. Isang night club sa Malate. Dito napili ni Benjie na magdiwang ng kaniyang kaarawan ngayong gabi. Minabuti ni Joyce na huwag ng magpasundo sa lalaki sapagkat malapit lang naman ito sa kanila. Para ngang hindi siya komportable habang nakatingin sa building ng nasabing lugar. Dinig na dinig nito ang dagundong ng tugtog sa loob mula sa pagkakatayo nito sa labas ng nasabing establisimento. Sa totoo lang first time nitong makapunta sa ganitong uri ng lugar kayat medyo naiilang ito. Hindi siya nagka- experience na makipag-girls night out sa ganitong lugar even during her college days. She does not consider herself a party animal. But because she already told the guy that she is coming, there is no turning back. Besides when she invited the guy on her birthday he did not refuse to come. Higit sa lahat, gusto niya talagang makasama ang lalaki. May nararamdaman na siyang espesyal dito kaya nga naiisip niya na once na ligawan na siya nito ay walang alinlangang sasagutin niya agad ito. So without any hesitation, she called Benjie to inform him that she has been arrived.

Hindi nga nagtagal at lumabas na si Benjie upang salubungin si Joyce. Namataan niya agad ito ng kumaway sa kaniya. Simpleng t-shirt na pinatungan ng denim jacket at denim pants naman ang pantalon nito. Nilapitan niya ito ng nakangiti saka hinalikan ang babae sa pisngi.

"Happy birthday!" bati nito sa kaniya.

"Glad you came. Let's go inside." yaya niya habang hawak ang isang kamay nito. Ramdam niya ang panlalamig ng kamay nito. Tanda na maaaring kinakabahan ito sa ganoong lugar. Tumigil muna sila mula sa entrada ng club. "Hey, are you alright? Your hands seems cold..."

Tumingin sa kaniya ito. "First time ko kasi sa ganitong lugar, pasensya na..."

"Gan'un ba." sagot niya. "We can find another place if you want..."

"No, its okay." nakangiting sabi nito. "Medyo naninibago lang siguro ako."

Saka niya hinawakan ang dalawang kamay nito upang bigyan ito ng assurance para mawala ang kaba nito. "Kasama mo ko, I'll keep you safe and happy, okay? Promise, mag- eenjoy ka tonight..."

Napangiti ito sa sinabi niya. Siyempre pa, aral na aral na siya sa panloloko ng mga babae kaya binigkas niya iyon. Alam niyang nakuha na niyang lubos ang tiwala nito kaya hindi na ito tumanggi pa ng hawak- kamay silang pumasok sa loob. Lalong lumakas ang mga techno music na maririnig sa loob. Nakabibinging ingay na hanggang sa dibdib ay tila bumabayo. Sinabayan pa ng nakasisilaw na kislap ng iba't- ibang ilaw. Giniya niya si Joyce sa kanang bahagi kung saan naroon ang table for two na kaniyang pina-reserve.

"Would you like to drink?" bulong niya rito ng sila'y ganap ng makaupo.

"What?" wika nito na tila hindi siya naulinigan. Halatang hindi ito sanay sa maiingay na lugar.

Muli niyang inilapit ang bibig malapit sa tenga nito na halos dumampi na sa pisngi. "I said can I buy you a drink..."

"Pwede bang softdrinks na lang? Or juice?" bulong din nito sa kaniya.

"You mean a cocktail drink?"

"O-okay." bagaman ay medyo alanganin ay sumang-ayon na lamang ito sa kaniya.

Agad siyang sumenyas sa isang waiter upang mag-order ng kanilang iinumin at pagkain na rin. Napansin niyang maya't- maya ang pagtingin ni Joyce sa cellphone. Halatang wala ito sa tinatawag na comfort zone nito kung saan sila naroroon ngayon. Kailangan niyang alisin ang pagkaasiwa nito at iparamdam ang kaniyang pagiging concern upang maging panatag ang loob nitong kasama siya. Alam niyang ito ang magiging daan upang ganap niya itong mapapayag sa anumang gustuhin niya.

"Hey, are you expecting someone to call you?" muling bulong niya ng mapansing busy ito sa pagkutingting ng cellphone.

Umiling ito saka ngumiti sa kaniya. "No, sorry Benjie pero hindi lang talaga ako sanay sa mga ganitong lugar,..."

Ngumiti siya at naisip na ayain itong sumayawa upang mabawasan ang intimidation na bumabalot dito. "Tara, sumayaw tayo." yaya niya rito.

"Ha, sorry pero hindi ako marunong sumayaw." tila napapahiya nitong sabi.

"Come on, you don't have to be a pro in dancing here. Besides, walang pakialamanan dito."

Hindi na siya nagdalawang-isip na hilain ito papunta sa dance floor kahit pa parang ayaw nitong tumayo at magsayaw. Bagaman tila gusto nitong tumanggi ay nagpadala na rin ito sa alok niya. Siya ang unang nagpamalas ng pag- indak sa isang mix na nagmumula sa DJ's booth. Tila lalo itong nahiyang sumayaw kasama niya ngunit unti- unti ay sumabay na rin ito sa beat ng tugtog ng mapansing nagpupuntahan na rin ang ibang tao sa bulwagan. Halos magdikit dikit ang mga taong nagsasayaw sa mabilis na indayog ng musika.

Bumulong siyang muli dito. "Let's own this night, Joyce..."

Napangiti naman ito sa tinuran niya. Tila bahagyang nawala ang pagiging uneasy nito. Bagaman freestyle kapwa ang kanilang pagsasayaw ay batid niyang nasisiyahan naman ito sa ginagawa nila. Mga ilang tugtog din ang kanilang sinabayan ng pagyugyog at ng mapagod na ay saka muling bumalik sa kanilang mesa. Kapwa sila may pagtatawa ng maupo sa silya.

"Don't ask, don't tell..." sabi niya rito.

"Yeah, I know. That was the worse moves I've done in my whole life!" pag-amin nito sa ginawang pagsasayaw.

"No you're not Joyce. In fact mas magaling ka pa nga sa aking sumayaw.."

"Naku, Benjie ha, alam ko, lakasan lang naman talaga ng loob ang pagsayaw sa gitna ng maraming tao. Hahaha!"

Pansin na niya na medyo nagiging komportable na ito sa lugar kayat ng dumating na ang kanilang inorder ay alam na niya ang susunod na gagawin. Cosmopolitan cocktail ang inorder niya dito samantalang ice cold beer naman ang sa kaniya. May steak salad din at grilled kebabs to match their drinks.

She grab the glass and took a sip on the cocktail. "Wow, para lang palang juice 'to..."

" Oo, ayoko naman kasing malasing ka, we are here to party and not to get drunk..."

Bigla namang nag-vibrate ang cellphone ni Joyce na nakapatong sa mesa. Charmaine ang nakarehistrong tumatawag rito.

"Ow, wait, lalabas muna ako sandali. Sasagutin ko lang itong tawag ha, Benjie..."

"Alright, take your time..."

Pag-alis na pag- alis ng babae ay agad niyang inilabas ang kapsulang nasa kaniyang bulsa saka ibinudbod amg laman nito sa inumin ni Joyce. Ngayon na niya nakatakdang isakatuparan ang plano sa babae. Para namang umaayon ang kapalaran sa kaniya at madali niyang nagawa ang paglalagay ng pampatulog sa cocktail nito. Kanina'y iniisip pa lamang niya kung papaano lilibangin ito upang hindi nito mapansin ang gagawin niya. Iyon pala'y walang kahirap- hirap niya itong maihahalo sa inumin nito. Kakaibang galak ang muli na namang umuusbong sa kaniyang puso. Galak na hindi matatawaran ng anumang halaga. Sapagkat sa tuwing nararamdaman niya ito ay alam niyang malapit na, halos abot- kamay na ang hinahangad na tagumpay. Tagumpay na naibibigay lamang ng isang madugong paghihiganti.

"Hello, Charmaine, napatawag ka.." wika ni Joyce habang nakatakip ang isang tenga upang marinig ang kausap sa cellphone.

"Hello, Joyce, ba't ang ingay d'yan? Nasaan ka ba?" magkasunod na tanong nito na tila naririnig ang maingay na background.

"Nandito ako sa Insomia sa Malate, bakit?"

"Ha, anong ginagawa mo d'yan? Sinong kasama mo?"

"Si Benjie, birthday niya kasi ngayon eh, ininvite n'ya ko, nahiya naman akong tumanggi."

Napataas ang kilay ng kaibigan nito sa kausap. "By the way, tumawag kasi ang mama mo sa akin. Nag- aalala sa'yo kasi tinatawagan ka daw nila, hindi mo daw sinasagot.. "

"Ah, baka kanina iyon, niyaya kasi ako ni Benjie na sumayaw. Baka tumawag sila habang nasa dance floor kami."

"Naku Joyce ha, kung maka- dance floor ka ha, wagas. Enjoy na enjoy ka siguro sa kasama mo 'no. O sige na, tawagan mo ang mama mo para hindi mag- alala sa'yo. Akala kasi nila magkasama tayo kaya tumawag din sa akin." paliwanag ng kaibigan nito. "Ano ba kasing paalam mo sa mama mo?"

"Uhhm, pasensya na Charmaine. Basta ang sabi ko lalabas ako kasama ang kaibigan ko."

"Sus, ba't kasi hindi pa sinabing si Benjie ang kasama, eh..."

"Eh,... parang hindi kasi gusto ni Mama si Benjie eh,.."

"Pa'no mo naman nasabi?"

Hahaba ang usapan nila kapag ikinuwento pa niya dito ang pangyayari noon sa kanila ni Benjie kaya minabuti niyang tapusin na ang usapan. "Basta, basta, mahabang istorya. Saka ko na ikukuwento sa'yo sige na, bye..."

"Mag-ingat ka d'yan ha, sige, bye." sagot naman ng kaibigan niya.

Hindi na nito tinangkang tumawag pa sa kanila. Iniisip kasi nitong mga ilang oras na lang naman ang ilalagi kasama ang lalaki. Mamaya lamang ay magpapa-alam na siya dito upang uuwi sapagkat may trabaho pa siya bukas. Muli ay pumasok siya sa loob ng night club. Habang papalapit kay Benjie ay napansin niyang pangalawang beer na ang iniinom. Medyo natagalan yata siya ng pakikipag-usap sa kaibigan.

"Hey, sorry it took so long." paumanhin niya kay Benjie.

"Okay lang," sagot nito. "I worry 'bout your drink baka hindi na malamig. Lagyan natin ng ice."

Hinawakan nito ang sinisidlang baso. "No. Its okay malamig pa naman." sabi niya sabay humigop muli sa straw nito.

"Uhmm, Benjie 'wag mo sana mamasamain ha, mga 11:00 PM uuwi na ko ha. May pasok pa kasi ako bukas. Okay lang ba?"

'Kung makakauwi ka pa' sa loob- loob niya. "Sure no problem, sapat na sa 'kin na nakasama kita ngayon kahit konting oras lang."

Pinong ngiti ang sumilay dito sa sinabi niya. Alam niyang kinilig na naman ito sa mga ganoong banat. Nang mapansin niyang halos mauubos na nito ang cocktail na iniinom ay muli na namang nagdiwang ang kaniyang damdamin. Alam niyang minuto lang ang bibilangin at eepekto na ito sa katawan ng babae. Samantalang isang awiting R & B naman ang maririnig sa background. Ang pinatutugtog ng DJ ay ang awiting Don't Call Me Baby by Ed Sheeran. Couples started to fill the dance floor to dance with the tune.

"Joyce can I ask you to dance?" bulong niya rito.

Hindi agad nakasagot ito sa kaniya. Tumingin ito sa kaniya saka tumango. "Sure..."

Inalalayan niya ito patungo sa dance flloor at ng makarating doon ay ay kaniyang ipinuwesto ang mga kamay sa baywang nito samantalang nakapatong naman ang mga kamay nito sa kaniyang balikat. Ramdam niyang tila nahihiya ito. Kaniyang hinawakan ang mga nanlalamig na kamay nito saka pinagdaop sa kaniyang batok. Habang tumutugtog ang mabagal musika ay dahan-dahan din ang kanilang bawat pagkibo.

"Joyce, I thank God that we meet each other again..." bulong niya rito. "Thank you for coming into my life..."

Saka niya matamang tinitigan ito. Nakatitig rin naman ito sa kaniya na parang naghihintay sa iba pa niyang sasabihin.

"Thank you Joyce for making me happy tonight..." muli niyang bulong dito. "I think I'm beginning to fall for you..."

Napangiti ito sa sinabi niya saka tinangka ring bumulong sa kanya. "A-ako rin Benjie,...nakakahiya mang aminin pero sa palagay ko, unti- unti na rin akong nahuhulog sa'yo..."

"No, there's nothing you should be ashamed of," aniya. "Joyce hayaan mong mahalin kita..."

Titig na titig siya rito ng kaniyang bigkasing ang mga katagang iyon. Gayundin naman ito sa kaniya. Walang kakurap- kurap ang mga mata nitong tila inaarok ang katotohanang namumutawi sa kaniyang bibig.

"I love you, Joyce..."

Nang mabanggit niya ang tatlong salitang ito ay wala ng naging hadlang pa upang ganap na magtagpo ang kanilang mga labi. Isang matamis na halik ang iginawad niya rito. Sa mga sandaling naglapat ang kanilang mga labi ay naramdaman niya agad na hindi marunong humalik ang babae. Parang namatanda ito na walang kagalaw- galaw. Ganap lang itong nagpaubaya sa kaniyang paglalaro sa mga labi nito. Napagtanto niyang wala pa itong karanasan. Marahil siya pa lamang ang kauna- unahang lalaking nakahalik dito. Nang magbitiw ang kanilang mga labi ay tila napahiya ito kayat bahagyang yumuko. Iniangat niya ng kaniyang mga daliri ang baba nito.

"First kiss?" anas niya.

"Y-yeah,..." mahinang tugon nito.

"Magtiwala ka sa akin, Joyce. Mamahalin kita ng buong puso, .." tila makatang wika niya rito.

Magsasalita sana ito ng tila ba napakunot ang noo saka awtomatikong sinapo ng kamay ang ulo nito. Batid ni Benjie na tumatalab na marahil ang inilagay niyang gamot sa ininom nito kanina. Agad niyang inalalayan ito.

"Joyce, nahihilo ka ba?" tila inosenteng tanong niya.

"Uhhm, parang medyo umikot lang iyong paningin ko..." sagot nito.

"Baka dahil sa ininom mong cocktail, hindi ka kasi sanay uminom." sabi naman niya. "Dapat pala fruit juice na lang ang inorder ko para sa'yo kanina."

"No, okay lang ako. Siguro,... bumalik na muna tayo sa table natin..."

"Sure, kumapit ka sa 'kin." tila nagmamalasakit na wika niya. "Watch your step and be careful."

Nang kapwa na sila nakaupo ay hindi pa rin inaalis ni Joyce ang paghawak sa noo nito. Habang inoobserbahan ni Benjie ang kasama ay natutuwa siya sa naging resulta ng kaniyang ginawa. Alam niyang hindi na magtatagal ay ganap na itong aantukin at pagkatapos ay makakatulog.

"How do you feel right now?"

"Parang medyo drowsy. Ewan ko ba tinamaan agad yata ako ng alak na naka-mix sa cocktail" pinipilit nitong ngumiti sa pabirong salitang iyon.

'Tanga, sleeping pill ang nakahalo sa cocktail.' gusto niya sanang sabihin. "I think I better take you home. Ihahatid na kita." suhestiyon niya rito. "Kaya mo bang maglakad? "

" I guess..."

"Sige aalalayan na lang kita, okay lang ba?"

Tumango ito sa kaniya saka tumayo. Sa bigla nitong pagtindig ay tila mabubuwal ito sa hilo. Agad naman niyang nahawakan ang katawan nito kayat hindi ito tuluyang natumba. Kaniyang inilagay ang isang kamay nito sa kaniyang balikat samantalang nakahapit naman sa baywang nito ang isa niyang kamay.

"Dahan- dahan lang Joyce ang hakbang, okay..."

" This is so embarrasing..." sabi nito. "Im so sorry Benjie..."

"No its alright, really 'everythings gonna be alright now..'."

Nang marating nila ang sasakyan at ganap na niya itong maisakay, doon na ganap na nagbunyi ang kaniyang damdamin. Muli na namang nagdiriwang ang kaniyang buong pagkatao. Sa wakas, ang panahong pinakahihintay at pinakaaasam niya ay naganap na. Kumagat si Joyce sa kaniyang pain. Yes, asking her out is just a bait. Because people who go fishing aren't the only ones who use bait. But also those who seek vengeance.

-oOo-

"H-hello?" tila naalimpungatang wika ni Francis sa tumatawag sa kaniyang cellphone.

Its almost midnight. Sino kaya naman kaya ang nang-iistorbo sa kaniyang mahimbing ng pagkakatulog sa ganitong oras, sa isip niya.

"Sir Francis, pasensya na po, si Sergeant Marlon ito."

"O, bakit 'geant, napatawag ka?"

"May tumawag kasi dito, hinahanap ka. Sabi ko naman off duty ka na."

"Sino?"

"Nanay daw ng kaibigan mo na si Joyce ay hindi pa daw nauwi hanggang ngayon eh, nag- aalala daw sila kasi tinatawagan nila hindi daw nila ma-contact..."

"Ha?!" bulalas niya. Mula sa pagkakahiga ay napaupo siya sa kama.

"Sinubukan nga lang daw nilang tumawag dito sa station, at baka naka duty ka ay baka alam mo daw kung sinong kasama nito. Kasi ang paalam sa kanila ay basta kaibigan daw ang kasama hindi naman sinabi kung sino."

"Okay, okay sige, tatawagan ko rin si Joyce." sabi niya sa kausap. "Salamat."

Nang mapindot niya ang end call ay agad ding niyang tinawagan ang numero ni Joyce. Bagaman hindi naging maganda ang huli nilang naging pag- uusap ay may concern pa rin siya dito. May kaunti man siyang hinanakit dahil sa pagkakabasted ay itinuturing niya pa rin itong isang kaibigan. Nagri-ring ang phone nito ngunit hindi nito sinasagot. Inulit niya ang pagdial pero wala rin itong naging tugon. Tila tinamaan din siya ng masang kutob. Nasaan kaya ito? Ano kayang nangyayari dito?

Naalaala niya ang kaibigan nitong si Charmaine. Friend niya ito sa facebook kayat agad niyang binuksan ang kaniyang messenger. Sakto naman na naka-online pa din ito kayat hindi na siya nag- atubiling tawagan ito. Mabuti na lamang at gising pa rin ito sa mga oras na iyon.

"Hello, Charmaine, good evening, pasensya na sa abala. Itatanong ko lang kung alam mo kung nasaan si Joyce, tumawag kasi iyong mother niya sa station ay nandito naman ako sa bahay..."

"Ganoon ba Francis, tumawag nga din kanina sa akin iyong nanay niya. Tinanong din ako kung alam ko kung saan nagpunta kasi hindi nga daw nila ma-contact. Actually, nagkausap kami kanina ni Joce mga two hours ago, nasa Insomia daw siya. Yung night club sa Malate. Kasama niya si Benjie, iyong dati niyang kaibigan."

Benjie. Ang pangalang kinaaasaran niya. Hindi maganda ang dating sa kaniyang pandinig ng pangalang iyon.

"Sino? Si Benjie, anong, anong apelyido?" tanong niya.

Gusto niyang makasiguro na hindi ang Benjie na nakilala niya ang tinutukoy ng kausap. Ang lalaking pinagsilbihan niya ng warrant kamakailan lang.

"I don't know. Parang iyon 'yung dati nilang kapitbahay na kababata niya,... hindi ko alam ang full name eh, basta Benjie ang pangalan...." ayon dito.

Nag-isip pa ito ng iba pang maaaring impormasyon tungkol sa lalaki. Bukod sa pagiging karibal ng kausap nito sa puso ni Joyce. Bigla itong may naalaala.

"Kuwento ni Joyce sa akin, parang personal trainer daw iyon sa gym ..." dagdag nito.

"Hha!" gulat na bigkas ni Francis.

Kung may iba pang personal trainer na Benjie rin ang pangalan ay masasabi niyang pambihira ito. Isa lang ang Benjie na kilala niyang dating nagtratrabaho sa gym. He felt a rush of adrenaline as he heard what girl just told him.

"Sige salamat, hahanapin ko sila!"

Dali- daling bumalikwas siya sa kama. Nagbihis ng madali saka hinagilap ang kaniyang service firearm. Wala na siyang inaksayang panahon. Agad lumabas ng bahay saka pinaandar ang motorsiklo ng wala ng anumang protective gear.

"Huwag kang magkakamaling saktan si Joyce, Benjie, hindi ako mangingiming tapusin ang buhay mo kapag nagkaharap tayo..."