Chereads / Bintang (Accused) / Chapter 22 - Suspect: Identified

Chapter 22 - Suspect: Identified

" Sir, Ive'd been trying to get in touch with the family but they are not answering my calls. " sabi ni Francis sa kaniyang hepe ng makarating siya sa istasyon ng pulisya matapos ang pag-iintindi sa isa na namang kaso na kaniyang hinahawakan.

Night duty siya kagabi at para namang sinasadya na siya naman ang naatasang humawak sa krimeng naganap sa isa na namang motel sa Maynila. Mabilis pa sa alas- kuwatro na tinungo niya ang lugar ng makatanggap sila ng tawag mula sa pinangyarihan nito. Halos siyam na buwan na rin naman ang nakakaraan ng may maganap ring kaso sa lugar na tulad nito. Na hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nareresolba. Katulad nga ng dapat niyang asahan, isa na naman itong heinous crime.

Pagdating sa crime scene, hindi nga siya nagkamali ng hinala, na ang mararatnan niyang tagpo sa ayos ng biktima ay hindi na bago. Kakikitaan pa rin ito ng trademark ng suspect gaya ng sa mga nauna ng biktima. Nakatali ang kamay ng zip tie, may duct tape na naka-X mark ang tumatakip sa bibig nito at ang sanhi ng pagkamatay ay ang malaki at malalim na gilit nito sa leeg.

"Well, gumawa ka ng paraan. Papa'no pa natin mahuhuli ang suspect n'yan kung hindi sila makikipagtulungan. Oras ang kalaban natin dito Police Corporal Manansala." paalala nito sa kaniya. "Ayokong maitara na naman 'to sa dumarami na nating unsolved cases."

Hindi siya sumagot sa kausap. Kapag ka kasi lumampas ng bente- kuwatro oras mula ng maganap ang krimen na hindi nila nahuhuli ang suspect ay hindi na nila maaaring dakipin pa ito. Maghihintay pa sila na lumabas ang warrant of arrest pagkatapos maisampa ang kaso sa korte bago pa nila maaaring hulihin ang may gawa ng krimen. By that time, baka nakapangbiktima na naman ito ng isa. At hindi na niya mapapahintulutan na mangyari pa iyon.

Gustuhin man niyang sabihin na may maganda ng development sa mga nakaraang kaso ay hindi na niya itinuloy sapagkat baka hanapan siya ng kanilang hepe ng matibay na ebidensya. At ngayong ngang nadagdagan pa ito ng isa ay alam niyang natumbok na niya ang may kagagawan nito. Hindi na niya tatanggapin ang dahilang coincidental lamang na ang tatlong biktima na pare- parehong may kaugnayan sa iisang tao. Si Benjie dela Cruz. He only have to present a tangible evidence and a credible witness to prove it.

"You hear me, Officer Manansala?"

"Yes sir, tatawagan ko po kayo agad once na makausap ko na ang family ng victim."

"Good. I'm counting on you, Francis and I need an immediate progress in this case, okay?"

"Yes sir."

Agad siyang umalis ng istasyon ng makapagusap na sila ng kaniyang immediate superior. Sakay ng kaniyang motorsiklo ay agad niya itong pinatakbo. Ang destinasyon naman niya ay ang Genesis Fitness Center sa Makati. Bagaman wala pang tulog ay kailangan niyang magtrabaho. Kasama ito sa sinumpaang tungkulin ng isang pulis na tulad niya. Ang magsilbi anumang oras. In addition, he doesn't want his Officer In- Charge to be disappointed with the way he handle this case.

Pagdating doon ay hindi na siya naghintay pa ng matagal. Namataan na niya ang paglabas ni Mr. Jimenez habang nakaupo siya sa lobby ng gym. Halos magtatanghali na ng marating niya ang gym. Nang ma- identify kasi nila ang victim habang nagproproseso ang SOCO sa crime scene kaninang madaling araw ay tinangka na niyang agad tawagan ito pagsapit ng umaga at inalam kung isa rin bang kliyente ng gym na pagmamay-ari nito ang namatay na biktima. Dahil sa kaparehong paraan ng pagpatay sa bagong biktima, ipinagpalagay na niyang isa rin itong member sa naturang gym. And shoot! Positive. She also hired the same trainer that both previous victims did. Agad ring nagtungo ang tropa ng kapulisan sa condominium na tinutuluyan ni Benjie pagkatapos niyang makakita ng probable cause na may kinalaman ito sa naganap na pagpatay . Ngunit wala na ito sa unit kung saan ito umuupa. Kayat dumiretso na siya sa gym na pinapasukan nito upang mangalap pa ng ibang impormasyon.

"Sir, pasensya po sa abala. Pinuntahan na po namin ang tinutuluyan ni Benjie pero wala na siya doon. Nagbakasakali lang ako na pumunta rito pero wala rin pala s'ya dito sabi ng staff n'yo sa front desk."

Hindi na nga siya pumasok ngayon. Hindi ko na rin s'ya ma- contact sa gamit niyang number..."

"For sure nagtatago na 'yun at this moment." sagot niya. "Bukod sa tinitirhan niya, may alam ba kayo na mga malalapit niyang kamag- anak na maaari niyang tuluyan?"

"Sorry officer pero wala akong alam tungkol sa bagay na iyan. Base sa binigay kong information sa'yo noon about his personal data, yun lang din ang available naming info sa kaniya dito."

"I know. Meron ba siyang kaibigan na trainer din dito? Baka may alam siya tungkol sa pamilya ni Benjie."

"I'm not quite sure, pero may isa akong staff rito na nakikita kong madalas niyang kasama. Si Mel, sige, tatawagin ko s'ya para makapag- usap kayo."

"Thank you sir for being so accomodating and cooperative."

"No, sa iyo ako dapat magpasalamat officer. You know I want to protect the reputation of this gym. Mabuti na lang at naipaalam mo agad sa akin ang nangyari. It served as a warning to me. Now I would be more careful about hiring staff."

Tumango siya sa sinabi nito.

"Sige officer, palalabasin ko dito sa lobby si Mel para makapagusap kayo."

"Salamat po ulit."

Hindi nga nagtagal at lumabas na ang lalaki. Nakasuot ito ng uniporme ng nasabing gym kayat agad niya itong nakilala. Kapansin- pansin din ang tikas nito kayat masasabing isang trainer. Tumayo siya upang ipakilala ang sarili.

"Magandang araw. Ako si Police Corporal Francis Manansala. You must be Mel."

"Magandang araw din." sabi nito saka sumenyas sa kaniyang maupo sila.

"Pasensya na sa abala. May naganap kasing insidente ng pagpatay kagabi. Isang kliyente ninyo dito sa gym ang biktima, siguro kilala mo s'ya." paliwanag ni Mel.

Hindi ito nakasagot pero bakas sa mukha ang pagkabigla.

"Si Ms. Madison Cortes."

"What?!" gulat na tanong nito. "I just saw her here yesterday. Anong nangyari?"

"She was murdered in a motel in Manila. Kung paanong pinatay sina Cathrize at Samantha ay gan'un din ang klase ng pagpatay sa kaniya."

Tila natigilan ito sa kaniyang sinabi. Wala mang namutawing salita sa mga bibig nito ay tila napaisip ito. Bahagyang napabuka ang bibig nito saka biglang ding itinikom na tila may gustong imikin ngunit hindi nito itinuloy.

"I know Mel. We both have the same person in mind." sabi niya. "Now I want you to tell me, anong nalalaman mo sa biktima at sa trainer nito?"

Tumingin ito sa kaniya."Sa palagay ko ay may relasyon sila. Hindi man umamin sa akin si Benjie the last time we talked . I know there is something between them. Hindi isang pangkaraniwang trainer ang trato sa kaniya ni Mady. She treated him so special." Saka nito ipinaliwanag kung bakit niya nasabi ang bagay na iyon.

Dahil sa pahayag ng kaibigan nito ay tila mas lalo pa siyang nakumbinsi na ito talaga ang primary suspect sa krimen. Or should he say, ang serial killer na matagal na niyang wina-wanted. Subalit paano na kaya niya ito mapananagot sa mga kasamaang ginawa. Kung ngayon ay hindi na niya matagpuan ito.

"May alam ka ba na malapit niyang kamag- anak na maaari niyang pagtaguan?" tanong niya rito.

Umiling ito. "Wala kasi siyang nabanggit sa akin tungkol dyan. Basta ang alam ko, mag-isa lang siyang nakatira sa unit niya. Nasa ibang lugar 'yung nanay niyang may sakit kasama ng dalawa pa niyang kapatid. Minsan niyang naikuwento sa akin 'yun na sinusuportahan pa rin niya ang mga ito hanggang ngayon. Pero hindi niya nabanggit kung saan sila nakatira. "

Naisip niyang kailangang matukoy niya agad ang kinaroroonan ng mga iyon upang mahuli na ang salarin bago pa man ito tuluyang makalayo.

"Mel, salamat sa impormasyong binigay mo. Gagawin kitang isa mga witness sa kasong ito. Mamayang hapon, babalik ako dito para imbitahan ka sa istasyon para makuhaan kita ng sworn statement, okay lang ba?"

*Oo naman. Kung anumang maitutulong ko sa paglutas ng kaso, I am very much willing to do so."

Matapos ang kanilang naging pag-uusap ay sinubukan niya muling tawagan ang pamilya ng biktima. Kaninang madaling-araw kasi, nang maipagbigay- alam na rito ang nangyari sa anak ay napasugod ang mga ito sa crime scene ay nabalot na ng emosyon ang lahat. Hindi na halos makausap ni isa man sa mga ito. Ni ayaw magbigay ng pahayag o ng anumang impormasyon na maaaring makatulong sa kaso. Naisip niyang maaaring ngayon ay medyo nahimasmasan na ang mga ito kayat minabuti niyang tawagan muli ang mga magulang ng biktima. Sa pag-asang sagutin ang tawag niya ay tila himalang sinagot nga ang tawag niya.

"Hello,.."

"Ma'am si Police Officer Manansala po ito, Ang investigator-on-case ng kaso. Paumanhin po sa paggambala sa inyong pagluluksa. Ngunit alam ko po na pareho lang ang hangad natin na mahuli ang gumawa nito sa anak ninyo." pasimula niya.

Nanatiling tahimik sa kabilang linya.

"Ma'am may alam po ba kayo sa relasyong namamagitan sa anak ninyo at sa personal trainer nito sa gym?"

Ilang segundo bago ito nakasagot."No, Mady did not told me anything about him, why?"

"Dahil isa po sa tinitingnan naming anggulo sa pagpatay ay maaaring may kinalaman ang trainer na 'yun dahil dalawa pa nitong kliyente ang namatay sa parehong paraan."

"No, no..." tila naiiyak na imik ng emosyonal na ina. "Why, why would he do such thing, Mady is a good daughter. Hindi ko talaga matanggap na ganito ang sasapitin niya. If only I could, I would, I would,..." at sinundan na ito ng mga hikbi.

Ito ang isa sa mga mahirap i-handle nilang mga imbestigador. Ang makausap ang mga pamilyang naulila ng isang biktima. Alam niyang dumaranas ang mga ito ng sari- saring emosyon sa mga oras na ito. Ang kalungkutan, ang galit, ang pagsisisi, ang panghihinayang at iba pa.

"Mam, madalas po bang lumalabas ang anak ninyo? Ibig ko pong sabihin, simula po ng kumuha siya ng personal trainer, naging madalas na po ba siyang umalis to go out for a date?"

Naisip niyang itanong ito sapagkat nais niyang matantiya kung gaano na katagal na may relasyon si Mady at si Benjie.

Matagal muli bago ito nakasagot. "Not that frequent. Minsan kasi lumalabas siya to see some friends kasi minsan nagsasabi naman siya." May manaka- nalang pagsinghot nito habang nagsasalaysay. Tanda na maaaring napapaiyak ito sa pagbabalik-tanaw sa alaala ng anak.

Maaaring hindi lahat ng pag- alis nito ng bahay ay ipinaaalam sa ina, naisip niya. Kung sa bagay, hindi naman na kasi ito bata para lagi pang magpaalam sa magulang.

"But one time, sabi ng kasambahay namin dito, may naghatid sa kaniya aa pag- uwi dito sa bahay, lalaki daw na may dalang kotse..."

" Nakita po ba ng kasambahay ninyo ang hitsura ng lalaki?". tila nabuhayan ng loob na tanong niya.

Kapag kasi nakita ng harap- harapan ng nasabing kasambahay ang lalaking naghatid sa amo nito ay maaari makilala nito kung si Benjie iyon. Kailangan lang niyang makaluha ng litrato ng lalaki at makumpirmang ito ang nakita nitong minsang nakasama ng babae ay mas madidiin ito sa kaso. Sa ngayon ay dapat niyang makausap ang nasabing kasambahay upang kung sakali mang magkatugma- tugma ang magigng salaysay nito ay isa ito sa maaaring tumayong witness sa kaso.

"Hindi ko alam. Hindi ako sigurado. ."

"Sige po, pupuntahan ko po kayo para magkausap kami."

"Nandito kami sa St. Peter Memorial Chapels sa Lower Bicutan."

Wala ng inaksayang panahon pa si Francis. Mabuti na lamang at hindi pa siya nakakaalis ng gym. Hihingi siya dito ng larawan ni Benjie upang maipakita sa kasambahay ng biktima. At kung positibo nitong makilala ang suspect ay wala ng dudang may relasyon nga ang dalawa. Nabanggit pati ng kausap niya kanina na may dala itong kotse ng magtungo sa bahay nila. Maaaring may kuha ng CCTV ang subsivision at kailangan lang na makipag- coordinate siya sa LTO upang malaman niya kung sinong may ari nito at kung sakaling mapatunayan na pag-aari ito ng lalaki ay wala ng tangging ito na nga ang tinutugis niya ngayon. Alam niya ngayon pa lang, this time the suspect is identified. Kailangan niya na lang itong ganap na mapatunayan.