(Recommended song while reading this chapter- Binalewala by Michael Libranda)
"I need to clear my mind, I really need to clear my mind…" nausal ni Francis na kasalukuyang naliligo sa banyo.
Nakatingala siya mismo sa shower kaya ang patak ng malamig na tubig ay direktang tumatama sa kaniyang mukha. Gusto niyang alisin ang lahat ng stress na nararamdaman. Hanggat maaari gusto na muna niyang iwaksi sa isipan ang mga pag-iimbestigang ginagawa sa mga hinahawakan niyang kaso. Lalo na ang kasong pagpatay kina Cathrize at Samantha. Anim na buwan na ang nakalilipas simula ng mangyari ang huling krimen na kinasangkutan ng huling biktima. Anim na buwan na rin masakit ang ulo niya sa pag-iisip kung anong susunod na hakbang upang maresolba ang kaso. Gusto muna niyang pansamantala itong iisantabi at baka makatulong ito upang magkaroon siya ng mas magandang solusyon sa kaso.
Pagkatapos mag-shower ay nakatapis siyang lumabas ng banyo. Hindi sinasadyang napabaling siya sa life size mirror na nasa kaniyang kuwarto. Tiningnan niya ang sariling repleksyon. Tila naibahan siya sa kaniyang hitsura. Parang medyo tumanda siya na marahil ay bunga ng madalas na pag-iisip hinggil sa mga kaso. Gusto na niya tuloy maniwala sa sinasabi sa kaniya ni Joyce na mukha na siyang matandang tingnan sa kaniyang edad. Nang maalaala ang nililigawan ay tila may ideyang pumasok sa kaniyang isipan. Agad niyang hinagilap ang cellphone kahit hindi pa nakakapagbihis. Yayayain niya ang babaeng lumabas ulit sila. Bakit nga ba hindi. Tatlong buwan na ang nakakalipas ng huli silang magkasama dahil nga sa pagiging sobra niyang abala sa pag-iimbestiga. Sigurado siyang hindi siya tatanggihan nito sapagkat matagal- tagal na rin ng huli silang magkita.
"Hi, good morning. Kumusta ang baby ko?" bungad niya ng sagutin nito ang tawag niya.
"Hoy, Francis, wrong number ka po, hindi Baby ang pangalan ko."
"Ito naman, namiss lang kita. Wala ka bang masyadong gagawin? Yayayain sana kitang lumabas on Saturday. Uhmm, manood tayo ng sine tapos kumain tayo."
Hindi agad ito nakasagot sa sinabi niya. Naisip niyang marahil iniisip nito na action flick na naman ang panonoorin nila kaya agad niya itong kinlaro. Alam niyang ayaw ni Joyce ng mga ganoong tema ng pelikula.
"It's your choice.. I mean kahit ano, romcom, sci-fi, animated…"
"Well, that's nice… but I think I can't join you this time…"
Hindi niya inakalang tatanggihan ni Joyce ang kaniyang imbitasyon kahit pa araw sana ng sabado sila nakatakdang lumabas upang wala itong pasok kinabukasan. Dinedecline nito ang kaniyang imbitasyon kapag nagtext lamang siya rito pero kapag dinaan niya sa tawag never pa itong nakatanggi sa pagyayaya niyang lumabas. Ngayon pa lang ito nangyari. Marahil ay napakahalaga ng gagawin nito sa araw na iyon kaya hindi siya mapagbibigyan.
"Okay, I know you're busy. Maybe this is not the right time. Some other time perhaps…"
Tumighim muna ito bago sumagot. "Uhmm, Francis I can't go out with you anymore…"
"Ha, bakit naman?" takang tugon niya.
"Its just that I, I wanted some space.I mean it has nothing to do with you but- "
"Wait, wait, wait. Tell me Joyce, may ginawa ba akong hindi mo nagustuhan? O may nasabi ba akong ikinasama ng loob mo?"
"No, Francis. You are a great person and a good friend. It's just that I've got a lot of things to think about right now…"
Nagugulumihanan siya sa kausap. Ano bang gusto nitong sabihin? Ano bang gusto nitong ipahiwatig sa kaniya? If this is her way of dumping him, well he is not giving up. Hinding- hindi niya susukuan ang babae. Sobra ang pagmamahal niya rito na kahit pa hindi nito nasusuklian ay umaasa pa rin siya na balang- araw ay makakamit rin niya ang inaasam- asam na pag-ibig nito.
"Joyce kung may pinagdadaanan ka man ngayon, okay I understand, huwag muna tayo magkita. Just remember, kaibigan mo ako, no matter what you are facing right now, nandito lang ako…"
"Francis, I'm sorry but I'm seeing somebody now. Sinasabi ko 'to ngayon sa iyo kasi ayokong sa iba mo pa malaman at ayokong patuloy ka pang umasa." sabi nito. Napagisip- isip kasi nitong huwag ng magpaligoy- ligoy pa. Na mas mabuting diretsahin na nito ang lalaki.
It was a big slap on his face that he didn't see coming. He never expects it to happen not in this very moment. Sa buong akala niya ay kaunting panahon na lang ang bubunuin at makukuha na ang damdamin nito. Anyari? Where did he go wrong? Sa loob ng tatlong buwan na hindi sila nagkita o nagkausap man lamang dahil sa kaniyang pagiging sobrang abala sa mga kaso ay tila nasalisihan siya ng iba. Sino naman kaya itong pangahas na tila nag-antabay na makalingat siya at agad sumunggab sa babaeng pinakaaasam. Ano't tila hindi yata siya nakikilala ng kinakabangga. Hindi niya ito mapapayagan.
"Tell me, Joyce kilala ko ba 'sya? O kilala niya ba 'ko?"
"No, it's not important anymore Francis. Basta mula ngayon ayoko ng magkita pa tayong dalawa. You know I tried but I can't. Hindi ko kayang mahalin ka ng higit pa sa isang kaibigan. Pasensya na pero wala ka ng dapat pang asahan Francis."
"I hear you..."
Bumuntong hininga muna ang kausap niya bago muling nagsalita. "We're still friends, right?"
Parang may palasong tumarak sa kaniyang dibdib. Ano't tila kinokordonan na nito ang sarili mula sa kaniya? Hindi niya maiwasang isipin na baka may boyfriend na nga ito sa ngayon. "Bakit Joyce, kayo na ba? Sabihin mo sa akin, my boyfriend ka na ba?"
"It is none of your business Francis, really, I'm sorry and I know you got it. Let's just talk some other time, okay?"
Hindi siya sumagot. Naging napakabigat ng pakiramdam niya sa mga sinabi ng babaeng minamahal.
"Bye Francis."
Imbis na maibsan ang kaniyang matinding stress na kinakaharap sa ngayon hinggil sa mga hinahawakang kaso ay tila lalo pang nadagdagan matapos ang pakikipagusap kay Joyce. Hindi niya kayang ilarawan ang dalamhating nararamdaman. Sa tono kasi ng babae ay totoong wala na talaga siyang dapat pang asahan dito. Na hanggang pagiging magkaibigan lamang ang relasyong maaaring mamagitan sa kanilang dalawa. Ang hirap lang tanggapin na sa kabila ng labis na pag-ibig na inalay niya rito ay hindi nito nagawang paunlakan. At ngayon nga isang lalaki ang tila nakaagaw ng pansin nito na naging daan upang magdesisyon itong awatin na ang panunuyo niya. Anong saklap na pangyayari ngunit kailangan niyang tanggapin. Ngayon niya napatunayan na totoo pala ang gasgas ng kasabihang if you love someone set them free. If they came back, then they're yours. Sapagkat mahal niya si Joyce sapat na sa kaniyang masaya ito bagaman siya'y bigo at sugatan ang puso. At kung sakaling balikan siya nito, natitiyak niyang para talaga sila sa isa't- isa.
-oOo-
"But why? You can't just dump him. Ang tagal na niya kayang nanliligaw sa'yo." komento ng kaibigan niyang si Charmaine ng muli silang nagkita.
Tila wala sa loob na hinahalo- halo ni Joyce ang straw sa milk tea na nasa harap niya. "Hindi rin naman naging madali sa akin na gawin iyon pero sa tingin ko iyon ang pinakatamang paraan. Ang sabihin sa kaniya na hanggang kaibigan lang talaga. Na wala na siyang dapat asahan pa. I just want to be honest with him as well as to myself."
Tila hindi kumbinsido ang kaibigan sa paliwanag niya. "And how do you feel about it?"
"Honestly, there is a sense of relief but also guilt because I hurt a very good person, a good friend indeed…"
"Yes you do." sang-ayon nito sa kaniya. "Well, is that the only reason why we're here? Calling me in the middle of my Sunday afternoon nap to come in a milk tea store and tell me how to dump a police officer in five minutes?"
Natawa siya sa tinuran ng kaibigan. "No. It's not only that, Charmaine, I think I'm beginning to fall in love with someone…"
Natigilan ito sa pagsipsip sa hawak na milk tea at saka namutawi ang maluwang na ngiti. "Kaya naman pala eh! Kaya pala deadma na si mamang pulis eh! May napupusuan na pala ang best friend ko!"
"Charmaine you wouldn't believe. Yung childhood friend ko, after sixteen years, accidentally, sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkita kami ulit and damn he's so freakin' hot!" excited na kwento nito.
"What?! Parang hindi si 'Manang Joyce' ang naririnig ko ngayon ah! Hot talaga ha?! Pano mo naman nasabi?"
"Ewan ko Charmaine pero 'nung una kaming magkita ulit iba eh, parang biglang- bigla humanga agad ako sa kaniya. He's a personal trainer, by the way. He got a pretty face, a perfect body, tapos ang bango- bango niya. Basta kakaiba siya. Alam mo grabe 'pag nakita mo siya, he is so... irresistible.
"Alam mo grabe ka ha, yung description mo sa kanya parang makalaglag- panty talaga, ha! So ibig sabihin, wala pa sa kalingkingan nito si Francis. Ipagpalagay na physically attracted ka agad sa kaniya, paano naman sa ugali. Baka naman, kung gaano kabait si Francis ay kabaligtaran pala ng isang iyan…"
Napangiti siya bago sumagot sa kaibigan. "We had a date a few days ago and you know what, we have the same food preference. That's a first. I also find him clever, kind and gentle…" Not to mention sympathetic and forgiving
"Now that's the qualities every woman wants in a man. Obviously, you're into him, right? I wanna meet him one of these days. Para naman makilatis ko kung anong hilatsa ng lalaking 'yan…"
"Ano ka ba Charmaine, dati ko na siyang kilala, since when we were young, kaya alam ko mabuti siyang tao…"
"Hindi ka sure. Sa tagal ng panahong wala kayong communication, ano namang malay mo kung hindi na siya katulad noon. I suggest mas kilalanin mo pa iyang fitness coach na 'yan."
Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan habang pansin na pansin naman nito ang kumukutitap niyang mga mata kayat pinuna nito iyon.
"Ang taray, si Joyce lumalandi na! So when is the second date? Sama ako…"
"I don't know. Hindi pa ulit kami nakakapag- usap. But ofcourse I'm looking forward to see him again…"
"Haist, kawawa naman si Francis. Botong- boto pa naman ako sa taong iyon."
Nagkibit- balikat lamang siya sa sinabi nito. Sadya ngang hindi matuturuan ang puso. Tanging hiling niya na makasumpong ang kaibigang pulis ng babaeng magmamahal din rito. Sapagkat alam niyang wagas ang pag-ibig na iniaalay nito. Dangan nga lamang at talagang hindi niya magawang suklian ang pagmamahal nito sapagkat hindi ito ang tipo niya kundi ang lalaking nagpapatibok ng puso niya ngayon. Walang iba kundi si Benjie.