Chereads / Bintang (Accused) / Chapter 15 - From Submissive to being Possessive

Chapter 15 - From Submissive to being Possessive

Hindi maitatanggi after five months of training, napakalaki na ng naging improvement ni Mady. Titig na titig si Benjie habang nag-iistretch ang babae para sa pag-cocooling down. Hapit na hapit sa kurbada nitong katawan ang gym outfit na suot. Isang tanktop na orange at fuchia pink na leggings. Sa pagpayat ng babae ay hindi naman halos nabawasan ang nagmamalaki nitong pigi. Firm and proud pa rin itong lalong nagpapaganda sa hubog ng katawan nito. Siyempre naman, hindi niya hinayaang matapyasan ang tawag- pansin nitong butt kung kayat kasama sa workout nito ang pagpapanatiling stiff ng mga umbok na iyon. Hindi siya halos makapaniwala sa naging resulta ng pag-cocoach dito. Ito na marahil ang maituturing niyang greatest achievement as a trainer. Noong una niya itong makita ay hindi niya akalaing mag-tratrasform ito ng ganito. Now he can't help but wonder how she looks like when naked.

"Baka matunaw, bro?" biglang pukaw ni Mel sa kaniyang pagkakatitig kay Mady.

Para bang napahiya siya sa tinuran nito. "Hahaha. Hindi lang kasi ako makapaniwala na magiging effective ang workout program na binigay ko sa kaniya. In just a few months, lumabas agad ang resulta…"

"Siyempre naman, hindi lang naman kasi sa pisikal na paraan mo siya inalagaan eh, parang maging ang damdamin niya, tinuruan mo na rin,…" sabi nito sabay kindat sa kaniya.

"What?" biglang tanong niya. "Bro, walang gan'on. We're good friends, actually…" sagot niya.

"Come on, Benjie, hindi mo na pwedeng itanggi yan," wika nito. "Kami pa ba? Everybody knows there is something between you and your client…"

"Ha? Paano n'yo naman nasabi?" takang tanong niya.

"Bro, hindi ka ba talaga aamin? Halatang- halata naman, Sobrang lambing niya sa iyo dito sa gym, 'yung mga pagpunas ng towel sa pawis mo, iyong pagbeso- beso niya sa iyo kapag dumarating siya saka kapag aalis na siya, iyong pagdadala niya ng snack para sa iyo every time na may sched siya dito, bro, obvious na obvious naman…"

Iyon na nga marahil ang hindi niya kayang itanggi. Simula kasi ng inihatid niya si Mady sa bahay nito at may nangyaring French kiss sa pagitan nilang dalawa ay nagsimula na itong maging napaka-showy sa pag- display ng affection sa kaniya. Ewan ba pero para sa kaniya hindi pa naman talaga niya masasabing officially on na sila ng babae dahil hindi pa naman talaga nila ito napagusapan though they already said the magic word with each other. Para kasi sa kanya hindi seryoso ang pagsasabi niya rito ng I love you. Isang paraan lang iyon ng flirting. Pero parang ang lumalabas nga ay may relasyon na sila nito dahil na rin sa ipinapakita nitong pagmamalasakit sa kaniya. Ayaw niyang mangyari ito hangga't maaari sapagkat makakasagabal ito sa totoo niyang plano. Kapag naghinala ang mga taong nasa paligid niya na may relasyon sila nito ay siguradong masisira ang balak niya kayat kailangan niyang patunayan sa mga ito na walang anumang namamagitan sa kanila ng kliyente.

"Okay, bro. Once and for all, wala kaming relasyon ni Mady. Masyado lang talaga siyang affectionate pero balatan mo na akong buhay, hindi ko siya girlfriend." seryoso niyang sabi.

"Okay, fine, fine…" sagot ni Mel. "Kung hindi, e di hindi. But really, action speaks louder than voice…"

Napasimangot siya sa kasama. Tila hindi pa talaga niya ito tuluyang nakumbinsi.

" Hey, here she comes bro…" mahinang imik nito sa kaniya saka bahagya siyang tinapik sa kamay. "sa likod mo,… papunta na siya sa'yo, Benjie,.."

Napalingon siya sa pagkakasabi ng kasama at nakita nga niya ang si Mady na may dalang hand towel at akmang pupunasan na naman siya ng pawis nito. Bagaman ilang hakbang na lamang ang layo nito sa kaniya ay dumistansiya siya palayo rito.

"Wait, I just have to get a drink, I'm so thirsty…" sabi niya sa babae. "Babalik ako, sandali lang."

Agad niyang tinungo ang locker room habang tila natigilan ang babae sa kaniyang reaksyon. Kunot ang noo nito na parang lito sa kaniyang inakto. Pakiramdaman nito ay sadyang iniwasan siya ng lalaki sa kadahilanang wala siyang ideya. May ngitngit itong naramdaman sa dibdib sa ikinilos niya . Bakit ganoon na lamang ang inasal niya rito? Bakit tila ayaw niyang lapitan ito? Dala ng naghihimutok na damdamin ay bakas ang yamot sa mukha nitong nanatiling nakatayo at naghihintay.

Habang nag- iisa naman si Benjie sa pinuntahang silid ay tila nabuhusan siya ng malamig natubig. Pakiramdam niya ay nakawala sa isang bitag ng hindi magawa ng babaeng magpakita ng anuman sa harap ng maraming tao. Ngayon niya napagtanto na kapansin-pansin na nga ang ikinikilos nito. Na talagang marami na ang nakapapansin. Hindi na ito dapat pang magpatuloy. Ito ang sisira sa kaniyang plano kapag nagkataon.

Sa kaniyang pagmumuni- muni ay siya namang pagtunog ng kaniyang cellphone. Kinuha niya ito sa loob ng kaniyang gym bag. May message request siya.

'Good Mrng. Finally nakita ko rin ang account mo. Sorry if it took me so long. Busy kasi lagi. Accept mo request ko. Thanks and have a great day!"

Si Joyce ang nag-rerequest sa kaniya. Agad niyang tinugon ang request nito.

"Finally, finally maglalaro ulit tayo…" mahina niyang imik sa sarili habang napapangiti.

"And why are you smiling alone?" sabi ni Mady. "What are you looking at your cellphone?"

Nagulat siya sa biglang dating ng babae. Sinundan na pala siya nito at hindi niya agad napansin ang pagpasok nito. He immediately turned off his cellphone.

"Ano yan, Benjie? May katext ka ba?" naka-arko ang kilay nito sa pagtatanong. "Bakit parang natataranta ka sa pag- off ng phone mo? Sino ba 'yan? "

Kitang- kita ni Benjie ang reaksyon ng babae sa kaniyang ginawa. Galit ang hitsura ng mukha nito. Walang anu-ano'y lumapit ito sa kaniya at pilit inaagaw ang tangan niyang cellphone. Tinangka niyang ilayo ang kamay na may hawak ng cellphone habang bahagya niyang winawahi ng isa pang kamay ang babae upang hindi nito maabot ang nais makuha.

"Hey, hey Mady stop,.." saway niya rito. "Ano ba? Pwede ba tumigil ka muna…"

Hinarap siya nito bago nagsalita. "Why Benjie? Iniwan mo ko doon kanina kasi sabi mo iinom ka lang, kaya pala ang tagal-tagal mo bumalik kasi nakikipag-landian ka na sa kung sino d'yan!"

Namumula na ang mata nito na maaring dulot ng galit o sobrang hinanakit. He haven't seen her mad like this before. Ibang- iba ang Mady na kaharap niya ngayon. Hindi ito ang babaeng nakilala niya na isang submissive at soft- spoken na kliyente. Ang dating maamo nitong hitsura ay napalitan ng nagpupuyos sa galit na wangis. Bakit ganito na lang ang reaksyon nito? Ano ba talaga ang ipinagpuputok ng butse nito?

"Now give me that God damn phone?!" halos pasigaw ng sabi nito.

"Mady, could you please calm down, ano ba nangyayari sa'yo?" pagpapahinahon niya dito. "Mag-aaway ba tayo dito? For God sake Mady, you are being childish! Mag-aaway ba talaga tayo dahil lang sa cellphone?"

"Because you don't gimme that f--king phone!" mangiyak –ngiyak ng sabi nito. "Bakit hindi mo kayang ibigay sa akin 'yang cellphone mo, Benjie, dahil alam mong may makikita akong hindi tama, di ba? Dahil may ibang babae, Benjie, bukod sa akin, di ba?"

Sino ka ba sa akala mo? Muntik na niyang maibulalas pero nagtimpi na lamang siyang sagutin pa ang napapaiyak ng babae. Hindi maitatangi sa inaasta nito ngayon ay para bang siya ay pag-aari nito. Na para bang dapat ay alam nito ang bawat niyang ginagawa. Na maging ang mga personal na bagay tulad ng isang text message ay dapat nitong malaman.

"Huhuhu,…."

And then suddenly she breaks down. Umiyak ito sa harap niya na para bang matinding pang-aapi ang dinanas. Nagugulumihanan man sa inasal ng babae ay pinili niyang payapain ang damdamin nito sapagkat ayaw niyang may makarinig sa pagngalngal nito. Isa pa'y baka may makaalam na may nagagapan na Lover's Quarrel sa loob ng locker room. LQ na nga ba ang kinasasangkutan niyang sitwasyon sa ngayon? Tila hindi siya komporme sa ganoong kalagayan sapagkat wala naman talaga siyang damdamin para sa babae. Ngunit sa ipinapakita nito ngayon sa kaniya ay tila ba mayroon na silang relasyong dalawa na kung saan ay wala ng maaaring mamagitan na sino pa man sa relasyong iyon. Lumapit siya at niyakap ito bagaman mas gusto niya sanang sampalin ito ng magising sa katotohanan. Mistula itong batang humahagulgol sa kaniyang dibdib.

"Mady, I'm sorry,.." pagsusumamo niya rito kahit pa pakitang tao lamang. "I'm really sorry. I'm just confuse, why are you so mad?"

Tiningnan muna siya nito ng basang- basa sa luhang mga mata. "Because I love you so much, Benjie… ayokong mawala ka sa akin…"

Now that is what you call infatuation. Nasabi niya sa sarili. Paanong sa kaunting panahon ng kanilang pagsasama ay mahuhulog na ng husto ang babae sa kaniya? Na para bang siya na lamang ang mundo nito. Na dahil lamang sa paninibugho sa hindi pa nga natutukoy na babae ay ganito na lamang ang paghikbi nito. Kung sa bagay, ngayon na batid na niya ang tindi ng pagtingin nito sa kaniya ay tila mas magiging madali ang kaniyang magiging pagpapaikot sa babae.

"Akin ka lang Benjie, akin ka lang…" sabi nito habang itinutulak nito ang kaniyang batok papalapit sa mukha nito. Tila nanghihingi ito ng halik mula sa kaniya.

Now you sound possessive. Sa loob- loob niya. Nag-aalangan siyang tugunin ang hinihingi nitong pabor ngunit upang matigil na lamang ito sa kaartehan ay ginawaran na rin niya ito ng halik sa labi. Pakiramdam niya ay haling na haling ito sa kaniya habang kaniyang hinanalikan. Para bang nawawala ito sa sariling ulirat kung saan gumaganti ito ng maririing halik at saka pilit na yumayapos sa kaniya. Ipinaalaala niya rito kung nasaan sila ng mga oras na iyon.

"Mady, I think we should stop, we are not in a private place…"

Tila nangangarap pa ang mga mata nitong naging mapungay sa kaniyang halik. Saka lamang parang natauhan ito at bumalik sa tamang wisyo. "Yeah,…you're right…"

"Come on, let's go outside …" huli niyang turan bago tuluyang tinalikuran ang babae saka lumabas.

He couldn't believe of what just happened. Napakatindi pala ng tama sa kaniya ng babae. Na tila ba gusto nitong angkinin siya na para bang sarili nitong pag-aari. Na pakiramdam niya ay parang gusto siya nitong itali. Nakakasakal pala ito kung magmahal, nasabi niya tuloy sa sarili.

'Wag ako, Mady,…ako ang sasakal sa'yo'

Hinding- hindi niya ito mapapayagan. Walang sinuman ang maaaring kumontrol sa kaniya. Siya ang tumatayong batas sa sarili niyang buhay at patutunayan niya ito sa babae. Na wala siyang sinisino. Para sa kaniya, hindi pa isinisilang ang taong magpapahinuhod sa kaniya.