Chereads / Bintang (Accused) / Chapter 14 - An In-depth Investigation

Chapter 14 - An In-depth Investigation

Halos maubos na ang pangalawang tasa ng kape ni Francis habang seryosong nakaharap sa laptop nito. Mag- aalas otso na ng gabi. Kung tutuusin oras na ng pag-uwi niya ngunit ipinasya niyang manatili sa istasyon ng pulisya upang mas mapag-aralan ang kasong patuloy pa rin niyang iniimbestigahan. Katunayan, katatapos niya lang mag-search sa facebook ng mga taong nagngangalang Benjie dela Cruz ngunit tila wala sa mga ito ang taong nais niyang matukoy. Dahan- dahan niyang hinilot ang batok. Nangalay na lang ang kaniyang leeg sa pagiisa- isa ng mga profile ng mga taong gayun ang pangalan pero hindi napapabilang ang lalaki sa mga ito. Napakarami palang tao sa mundo ang nagtataglay ng kaparehong pangalan pero hindi ang mga ito ang nais niyang makita. Ang nais niyang masumpungan ay ang lalaking nakilala niya mag-dadalawang linggo na ang nakakaraan ngunit bigo niya itong mahanap. Marahil ay hindi nga ito nagtataglay ng account sa nasabing social media. O maaari rin namang hindi nito ginagamit ang tunay na pangalan. Nanghihinayang siya sapagkat malaki sana ang maaaring maitulong ng mga ganitong pagsisiyasat sa pagresolba ng krimen. Ngunit ang isang ito'y tila may ideya na masusukol ng batas kung susunod sa mga makabagong trend na ito.

"Sino ka nga bang talaga Benjie dela Cruz…?"mahina niyang naitanong sa sarili.

Binuklat naman niya ang hard copy ng personal data sheet ni Benjie na galing sa gym na pinapasukan. Nagrequest siya through email kay Mr. Jimenez, ang may- ari ng gym, na bigyan siya ng kopya nito. Hindi naman nagtagal at pinadalhan nga siya nito. Base nga sa impormasyong nakasaad dito, twenty seven- years old na ito. Ang permanent address nito ay matatagpuan sa isang condominium sa Mandaluyong City. Walang provincial address na nakalagay. Single, college undergraduate at isang katoliko. Sa employment record nito ay mababasang nakapagtrabaho ito bilang isang service crew, part- time ramp model at personal trainer nga sa ngayon sa pinapasukang gym na kung saan ay limang taon na ito doon. For five years wherein the two crimes have been committed in that span of time. Kaya nga, hindi maalis- alis sa isip niya ang koneksyon nito sa dalawang krimen. Papaanong nangyaring ang dalawang krimen ay kinasangkutan ng dalawang kliyente nito? It seems hard not to include him in the picture. In the whole story of the crime. But definitely he needs to prove strong evidence which until now is not available.

He already has coordinated with NTC to trace back calls and text messages receive by both clients before the crime happened. Still, he has no evidence on hand to ascertain the guilt of his primary suspect. Walang text o tawag na nagmula sa lalaki on the day of the incident. Kung meron man, ay mga text messages few days ago bago nangyari ang krimen na wala namang koneksyon na maaaring makapagdiin dito sa naganap na mga pagpatay. Minsan tuloy ay napapaisip na rin siya. Baka nga naman he's barking at the wrong tree.

"No,it can't be, I know you got somethin' to do with this…" muli niyang bulong.

Inalala niya ang naging pakikipag-usap muli sa mga kaanak ng mga biktima mag-iisang linggo na ang nakalilipas. Sinikap niyang makausap sa telepono ang mga taong malalapit sa mga ito upang makapiga ng anumang impormasyon tungkol sa lalaki.

"May nasabi po ba o nabanggit ang anak ninyo tungkol sa trainer niya?" tanong niya sa ina ng unang biktima.

"Parang wala na akong maalala…"sagot naman nito.

"Kahit ano po, halimbawa ay kung paano ang naging pakikitungo nito sa kaniya, kung naging magkaibigan po ba sila…"

"Ang naaalala ko lang na sinabi niya sa akin, may nag-tratain nga sa kaniya. Na binabayaran niya ng limang libo kada buwan…"

"Ano pa po kaya?"

" Uhmm… iyon lang ang naaalala ko. Wala naman na siyang naikuwento pa sa akin."

"Mawalang- galang na po, pero hindi po ba niya nabanggit kung nagkaroon sila ng relasyon?"

He knows it is not appropriate to ask such question but he needs to do it outfront. Ayaw na niyang magpaligoy- ligoy pa hangga't maaari.

Hindi agad ito nakasagot sa tanong niya.

"Kasalukuyang may boyfriend ang anak ko noon. Si MJ, na nagtratrabaho noon sa Dubai bilang Heavy Equipment Operator." sagot nito. "Kahit malayo sila sa isa't isa, madalas kong nakikita ang anak ko na nagvivideo call silang dalawa."

Hinayaan lamang niya itong magpatuloy sa paglalahad ng istorya.

"Sa palagay ko, maganda naman ang relasyon nilang dalawa kahit pa malayo sa isa't- isa. Kaya hindi ko masasabing bukod kay MJ ay may iba pang naging nobyo ang anak ko noon."

Yeah but, we're not really sure, right? Nais niya sanang sabihin sa kausap ngunit pinigil niya ang sarili. Alam niyang hindi angkop na sabihin pa ito sa isang naulilang ina. Iyon lang ang naging pakikipag-usap niya dito. Halos wala siyang nakuhang mahalagang impormasyon kayat minabuti niya ring tawagan ang dating kaibigan nito. Mabuti na lang at hindi ito nagpalit ng numero simula ng magbigay ito ng statement sa pulisya. Nagbakasakali siyang baka may makuha siyang mga detalye ukol sa lalaki. Ilang araw na rin ang nakalilipas nang makausap niya ang matalik na kaibigan ng namatay na biktima.

"Oo,…may mga naikuwento siya sa akin noon tungkol sa trainer niya." sabi nito.

Tila nabuhayan siya ng loob. Ang magkaroon ng karagdagang impormasyon hinggil sa kaso ay malaking bagay na para sa kaniya. Kaya talagang pinaguukulan niya ng panahon ang mga ganitong pagkakataon.

"Sabi niya, may hitsura daw ang trainer niya saka macho,…" pagpapatuloy nito. "Nung una…, parang naiilang nga daw siya magpaturo dito kasi gwapo pero mukha naman daw mabait…"

"Okay. So how did they get along with? I mean, naging madali ba para sa kaniya na maging trainer si Benjie?"

"Yeah, I think so. She never complained about the way he trained her. Sabi pa nga niya napaka-pasensyoso daw 'nun, saka… napakabango daw kahit pawis-pawisan na,…" bahagya itong napatawa. "sorry, but that's really the way she described him."

Tila nagkaroon siya ng hint para susugan ang una niyang tanong. "Maganda naman pala ang naging pakikitungo nila sa isa't- isa. Ibig ba sabihin, naging magkaibigan sila?"

"Yeah, I guess. She got his number and sometimes he calls her. One time magkasama kami ng tumawag iyon sa kaniya…"

"And what exactly did they talk about? Forgive me for I may sound nosy."

"Well, nothing unusual. Parang tumawag 'yung guy just to inform her na hindi muna makakapagtrain sa kaniya the next day which supposed to be schedule niya sa gym kasi parang aatend ng graduation ng kapatid 'yung trainer niya… parang gan'un."

"What was her reaction? tanong niya. That's not really what he had in mind. He wants to ask, how did they sound like while talking? Did they sound sweet?

"Uhmm, okay lang naman. She agreed to reschedule their training session…"

This is not what he wants to hear. Gusto niyang mas malaman pa kung hanggang saan umabot ang pagkakaibigan ng dalawa. Kung nauwi ba ito sa mas malalim pang relasyon.

"Though medyo na-upset si Cathrize na hindi sila magkikita kinabukasan…" dugsong pa nito.

"How do you say so?" naiintrigang tanong niya. Tila nasabik siya na may karugtong pa pala ang salaysay nito.

"Kasi parang nalungkot siya after tapos sabi niya, 'ahh, three days pa ulit bago kami magkikita'…"

So she's yearning to see him. Is that what it means? Maybe she's already attracted to him? Maybe they already had a secreted relationship? He asks himself. But he thought he rather asks it to the victim's best friend.

"Sa tingin mo, may nabuo bang relasyon sa pagitan nilang dalawa?" tanong niya. "I mean sa opinion mo lang?"

Ilang segundo ang lumipas bago ito tuluyang nakasagot. " I don't know. She does not talk about him a lot. Mas madalas pa naming pagkuwentuhan iyong boyfriend niyang OFW si MJ."

Hindi siya sumagot. Napapaisip siya sa mga sinabi nito sa kaniya ngayon.

"Saka knowing Cathrize for years, sa tingin ko, hindi niya magagawang makipagrelasyon sa iba although she's in a long- distance relationship." dagdag nito. "She's a religious person, she go to church every Sunday, I just don't think she can do something unfaithful behind her boyfriend's back."

Hindi ka rin sure, sa loob- loob niya. Sometimes being spiritually devoted is a way to conceal your dishonest actions. It can be just a show- off. Maaaring hindi naipaalam ni Cathrize ang 'real score' sa kaniya ng trainer nito sa ina at sa kaibigan sapagkat alam niyang alam ng mga ito na may present boyfriend siya. Batid nitong hindi magiging katanggap-tanggap sa mga ito na magkaroon siya ng ibang karelasyon habang may nobyong nasa malayong lugar. Kung kayat posibleng inilihim na lamang nito ang namamagitan sa kanila ng kaniyang trainer kung meron man. At iyon ang dapat niyang mapatunayan.

MInasa- masahe ni Francis ang talukap ng mga mata. He felt so tired but he could not rest well. Kahit pa nga sa gitna ng kaniyang pagtulog ay tila ginigising siya ng mga isipin hinggil sa kaso. Para kasing hindi niya matanggap na ang taong gumawa ng karumal- dumal na krimen ay isa pa ring malayang nilalang. Na sa kabila ng ginawa nito ay wala ito sa piitan. Na maaaring nililibak nito ngayon ang kakayahan ng mga alagad ng batas na tulad niya sapagkat hindi nila natutukoy ang may sala. Na siya bilang imbestigador ng kaso ay tinatawanan lang nito sapagkat wala siyang mahagilap na matibay na ebidensya o saksi sa krimen laban dito. It makes him feel so infuriated.

"I guess they became friends…" wika ng asawa ni Mrs. Enriquez sa kaniya.

Kahapon lang sila nakapag-usap sa telepono. At katulad ng kaniyang mga katanungan sa kaanak at kaibigan ng unang biktima ay gayundin ang naging tema ng kanilang pag-uusap.

"Napagkukuwentuhan namin paminsan- minsan 'yung trainer niya, though hindi naman gan'un ka frequent…" patuloy nito. "nasabi niya lang na halos kasing edad na ng anak naming panganay iyong trainer niya."

"Uhhu, and does it made much harder to have a younger trainer? I mean, nakakasabay ba siya sa paraan ng isang mas batang fitness coach?"

"In the beginning, yeah, medyo nahirapan siya,.." sagot nito. "There are times na parang she wanted to give up kasi parang medyo strict daw 'yung trainer niya when it comes to workout."

Hinayaan niyang magsalaysay ang lalaki. Gusto niyang malaman ang buong detalye ng naging pagsasama ng biktima at suspek simula sa umpisa hanggang sa katapusan.

"Nung una talagang akala niya hindi niya kakayanin ang mga tinuturo nito sa kaniya pero eventually, kinaya naman niya."

"Siguro talagang pursigido rin naman siyang matututo…" komento niya. " Mr. Enriquez, did you personally meet the trainer, Mr. Benjie dela Cruz?"

"Yeah, iyon 'yung time na hinatid ko siya sa gym once. She introduce me to him and that was it." sabi nito. "I'm in a hurry that time so I wasn't able to talk with him long enough."

"Okay. So how long did Samantha hire him as a trainer?"

"I think more than a year…"

"So, I guess they get pretty well with each other to stay that long…"

"Yes. Most probably."

" Mr. Enriquez, maitanong ko lang, gaano kadalas kayong umaalis ng bansa?"

Hindi agad ito nakasagot na tila nag-iisip. "Hindi pare-pareho but most of the time at least once a month? Why?"

"Uhmm, I just wanna ask if during those time that you are on a trip, madalas n'yo bang inaalam kung nasaan ang asawa ninyo? Ibig kong sabihin, bukod sa pangungumusta, tinatanong n'yo ba kung saan siya nagpupunta or sinong mga kasama niya?"

"Oo. Ganoon naman talaga lagi. I tell her where am I supposed to go, what am I supposed be doin' and she do the same also…"

"Nung gabing nangyari ang krimen, sinabi ba niya sa inyo kung saan siya pupunta?"

Panandaliang katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. "N-no…"

"Why?"

"Perhaps, she's in a hurry… or maybe she had forgotten, you know, minsan hindi natin maiwasan nakakalimot but that rarely happens, ofcourse…"

"I agree with you, Mr. Enriquez, kahit ako minsan marami na ring nakakalimutan…" kaswal niyang tugon rito.

Sinabi niya lang ito upang hindi mapahiya ang lalaki sa sinabi nitong laging nagsasabi ang asawa sa kaniya kung saan ito nagpupunta dahil obviously, hindi ito totoo. Naisip niya iyon sapagkat kung talagang nagsasabi itong palagi kung nasaan ito ay bakit sa pagkakataong iyon, kung kailan naganap ang krimen ay hindi nito iyon ipinaalam? Kung sa bagay, sino nga ba namang tanga ang magbubuking sa sarili na pinipendeho ang asawa.

"So, kanino n'yo po nalaman na may hindi magandang nangyari sa asawa ninyo? Sino po ang nagsabi sa inyo?" magkasunod niyang tanong. " I'm sorry for asking…"

"Our eldest son…" mahinang sagot nito. "My son Miguel told me…he was crying very hard on the phone, h-he was so shocked that time. Hindi siya makapaniwala na iyon na pala ang huling pagkakataong makikita niyang buhay ang mommy niya bago ito umalis ng bahay."

"Wait, ibig ba sabihin nakita pa ng anak ninyo na umalis ng gabing iyon ang asawa ninyo?" tanong niya. "Nasabi kaya ng asawa ninyo sa anak ninyo kung saan siya pupunta at kung sinong kasama niya?"

Hindi sumagot ang kausap niya sa kaniyang tanong. Ilang segundong katahimikan. Inakala niyang nag-hang up na ito kayat muli siyang nagsalita.

"Hello, Mr. Enriquez?"

"Yeah, I'm still here…" agad na sagot nito. "You know officer, upon seeing his mom leave, my son called me right away to say that her mom went out, I tried to call her that time but she never answer, so I thought maybe she'll just hang out with some friends and had a some drink…"

Wala ito sa unang salaysay na ibinigay ng lalaki sa sworn statement nito. Hindi nito sinabing tinawagan siya ng anak upang ipaalam na umalis ang asawa nito noong gabing iyon. Marahil ay nais lamang nitong maprotektahan ang anak. Na hindi na ito madamay pa sa kung anumang imbestigasyong isasagawa. Ang emotional stress ng pangyayari ay maaaring hindi naging maganda ang epekto sa bata kung kayat ayaw na nitong dagdagan pa ang bigat sa dibdib ng anak kung kayat mas pinili nito na ilihim na lamang ang bagay na iyon. Ngunit bakit ngayon ay isinisiwalat na nito ang tunay na pangyayari? Maaaring tapos na ito sa grieving stage o baka nakukulitan na rin ito sa kanya.

"Na baka nakalimot lang talaga niyang magsabi sa akin…" dagdag nito. "pero hindi ko maisip na sa lugar na iyon pala ang punta niya… and after knowing what happened, it felt very miserable…"

Hinayaan niya itong maglabas ng hinanakit. Alam niyang naging napakahirap dito na tanggapin ang nangyari sa asawa pero hinaharap pa rin nito ang pagkabigo.

"I, I n-never thought she could do something like that because we had a very strong relationship…" anito. "T-that's what I believe which…, as it turns out, is just a lie…"

Nakaramdam siya ng kaunting habag sa lalaki. Lubhang napakasakit sa isang asawa ang malamang hindi na tapat ang taong pinag-uukulan ng pagtitiwala at pagmamahal. Kung siya man ang nasa sitwasyon nito ay ganoong pighati rin ang mararamdaman niya sa kaniyang palagay.

"So, Mr. Enriquez, now you're telling me that you have no idea that this might happen with your wife…"

"Yes, ofcourse. Dahil wala naman talaga akong napansin sa kaniyang ano pa man na magbibigay sa akin ng ideyang niloloko niya ako,… wala talaga…"

Magaling pa lang umarte ang sumakabilang- buhay nitong kabiyak. Ni hindi man lamang ito naghinala na may ginagawa ng kataksilan ang babae sa likod niya. Ang malaking tanong ngayon sino ang lalaking kasama nito ng gabing iyon?

"Mr. Enriquez, forgive me for asking this pero may ideya ba kayo kung sino ang kasama ng asawa n'yo noong gabing maganap ang krimen?"

"Honestly, Officer Manansala, hindi ko rin alam…"

Napabuntong- hininga siya. Paano nga naman malalaman ito ng lalaki kung sa buong pag-aakala niya ay walang ginagawang katarantaduhan ang kaniyang asawa sa kaniya. Na sa kaniyang likuran ay iniiputan na pala siya nito sa ulo. Maaaring bulag ang pag-ibig pero ang maging tanga sa labis na pagmamahal ay isa nga talagang kahangalan. Siguro'y mas pinili na lamang ng lalaking magbulag- bulagan kaysa ganap siyang iwan ng babae o maaari rin namang napakagaling talagang gumanap ng asawa nito bilang isang tapat na maybahay.

"Even her friends don't really know who's with her that night, she never told them anything…" huli nitong pahayag sa kaniya bago matapos ang kanilang pag-uusap.

Kung sa bagay, sino ba namang may asawang tao ang ipangangalandakang siya'y nagtataksil sa asawa. Napakapalad naman nito na wala man lamang nakahalata sa kataksilang ginagawa. Wala ring iniwan ang kuwento nito sa unang biktima kung saan ay wala ring naghinalang niloloko na nito ang nobyong nasa abroad. Samakatuwid, wala pa rin siyang mapanghahawakang matibay na salaysay na makapagdidiin sa tinuturing niyang suspek ng krimen.

Tumingala siya sa kisame. Tila humihiling ng isang milagro o himala sa itaas. Wala na siyang iba pang maisip na paraan para masolusyonan ang kaso. Pero hindi siya susuko. Naipangako na niya sa sariling hinding- hindi siya susuko. Mananagot ang dapat managot.