Genesis Fitness Center. Tandang- tanda pa ni Francis ang panaflex sign na kagabi ay naabutan niyang nakasindi na sapagkat madilim na nga ng sapitin niya ang lugar. At ngayon ngang umaga ay ipinasya niyang balikan ang nasabing gym. Maganda ang lokasyon nito. Nasa kanto ng Don Ramon St., Bel Air, Makati City. Hindi siya nahirapang matagpuan ito. Eksakto alas- 8 ng umaga ng sapitin niya ngayon ang establisimyento kung kayat business as usual na ulit ito. Isinantabi na muna niya ang iba pang gawain sa istasyon ng pulisya upang personal na makausap ang may ari ng gym at humingi ng kinakailangan niyang impormasyon. Malakas talaga ang kutob niya. May makukuha siyang magandang lead sa kaso sa pagtungo rito. Walang alinlangang pumasok siya sa loob ng gym.
"Good Morning, Sir. Welcome to Genesis Fitness Center. May I help you?" bungad ng babaeng receptionist sa kanya.
"Good Morning." balik na bati niya. "I am Police Corporal Francis Manansala. I just want to talk with the owner of this gym regarding, important matters."
Bagaman obvious naman na pulis siya dahil sa suot na uniporme ay minabuti pa rin niyang ipakilala ang sarili bilang alagad ng batas.
"Sir, may I know if you have an appointment with Mr. Jimenez?"
"Uhmm, no but, I need to talk with him…besides, it would not take long so I don't think I have to set an appointment with him." paliwanag niya. " May I know if he's in here? Because really, I just have to ask him few questions…"
Tinapunan siya ng tingin ng kausap. Tila ba nag-iisip ito kung anong gagawing aksyon sa kaniyang request.
"Please, baka pwede mo naman akong isingit sa schedule niya, Ms. Rhia." paki-usap niya rito.
Nabasa lamang niya ang pangalan nito sa suot na nametag. Alam niyang it make sense whenever you call someone by their name and so he did it.
Tila nakumbinsi naman niya ang babaeng kausap.
"Okay sir, could you please take a seat first on the couch there. Tatawagan ko muna si Mr. Jimenez."
"Thank you. "
Mabuti na lang, aniya sa sarili. Masidhi ang pagnanais niyang magkaroon ng magandang development ang kasong hinahawakan. At nakahanda siyang gawin ang anumang hakbang na maaaring maging daan upang maganap ito. Sa kaniyang pagkakaupo ay iginala niya ang paningin sa kabuuan ng lobby. Mayroong isang nagsisilbing BulletinBoard sa parteng kanan. Tumayo siya at lumapit upang mas maaninaw ang mga nakalagay rito. May iba't- ibang memo na nakadikit dito. Nakasulat rito ang iba't- ibang activities at promos ng gym tulad ng announcement ng isang 'fun run for a cause' at discounted membership. Napansin niyang may space rin na nakalaan para sa mga birthday celebrant of the month. Gayundin ang paskil para sa trainer of the month. Na kung saan ay naigawad sa isang nagngangalang Benjie dela Cruz. Sa ibabaw ng pangalan nito ay ang litrato ng nasabing tao.
"Excuse me. You are Police Officer…?"
Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Isang lalaking nakangiti ang nasa harap niya ngayon. Marahil ito na ang may ari ng gym na nais niyang makausap. Maaliwalas ang mukha nito. Tila ba very welcoming ang personality nito.
"Francis Manansala, sir. Good Morning." sagot niya.
"Please have a seat."
Muli ay gumanti ito ng ngiti saka iminuwestra na sila'y maupo sa kalapit na couch.
"Anong maipaglilingkod ko?" tanong nito.
Hindi na siya nagpaligoy- ligoy pa. "Sir, may hinahawakan kasi akong kaso. A murder case actually and the victim used to be a client of this gym."
Matamang nakikinig lamang sa kaniya ang kausap. Hinahayaan siya nitong maglahad ng kaniyang mga sasabihin.
"She's Samantha Enriquez. She died just recently…" patuloy niya.
"Yeah.Yeah. Samantha, I remember." wika nito. " It's very tragic. I can't imagine she will suffer that,… that brutal way of killing…"
Tumango- tango siya sa sinabi ng kausap saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Ayon sa asawa ng biktima, umaga ng magpunta pa rito sa gym ang biktima. At ng gabi ng araw ding iyon ay pinatay ito…"
Tila walang ideya ang reaksyon ng lalaking kaharap niya sa nais niyang tukuyin. Wala itong imik na naghihintay sa iba pa niyang sasabihin.
"Mayroon ding kahalintulad na kasong naganap isang taon na ang nakalilipas." patuloy niya. "Na kung saan, isa ring customer ng gym na ito rin ang pinatay sa parehong paraan."
Kumunot ang noo ng kausap niya. Wari bang hindi na nito matandaan ang tinutukoy niyang insidente.
"Si Cathrize Guzman ang biktima." dagdag niya. "Which coincidentaly, nakapunta pa dito sa gym bago siya pinatay…"
Sa pagkakabanggit niya ng pangalan ng isa pang biktima ay tila naalaala na nito ang nasabing pangyayari.
"Yes, yes Cathrize, how can I forget. Oo,naaalala ko na…" wika nito.
Bahagyang katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Ang lalaki na rin ang bumasag ng pansamantalang katahimikang ito.
"I mean what does the gym have to do with the killings? Forgive me officer but I cannot see the connection, I mean, if there's any?"
"Mr. Jimenez, I just want to see your record of those clients. Kung may naitatabi kayong logbook sa kung anong eksaktong araw, oras o kung mag- isa ba o may kasama silang pumunta rito."
"I am not exactly sure but we don't usually do the signing in and out of clients in a logbook here."
"How 'bout CCTV footages on the date both victims have been killed?"
"Yeah. I guess we have it here…" sabi nito. "sumama ka sa akin. I will take you to the CCTV Control Room."
Maigi na lamang at very cooperative ang may- ari ng gym, sa loob- loob ni Francis. Ang iba kasi, base na rin sa kaniyang karanasan bilang imbestigador, ay hindi basta- basta nakikipagtulungan sa mga ganitong uri ng pagsisiyasat. Marami pang hinihinging kung anu-anong awtorisasyon o protocols. Mabuti't madaling kausap ang may- ari ng establisamento. Pagdating na pagdating sa nasabing kuwarto ay nireview nila ang nasabing CCTV footage sa mga petsang naganap ang mga pagpaslang. Kitang- kita niyang parehong mag- isa lamang pumasok at lumabas ang kapwa biktima.
Napaisip siya, baka nga naman sadyang nagkataon lang na naging bahagi ang pagpunta ng dalawang biktima sa gym? Ngunit wala naman talaga itong kinalaman sa krimen?
"Officer, is that all you wanted to know? " tanong sa kaniya ng may- ari habang naglalakad na sila palabas sa nasabing silid.
"Regular ba silang nagpupunta rito Mr.Jimenez o kung kelan lang nila maisipan?" tanong niya. "Kasi I notice sa inyong bulletin board kanina merong mga activities para sa nga members ng fitness center? Did they sign-up for membership?"
After seeing no clue at all with the footages, nais niyang malaman kung madalas ang mga biktima sa pagpunta rito sa gym sapagkat kung magkagayon, nais niyang tingnan ang bawat CCTV footages sa mga panahong pumupunta ang mga biktima rito. At baka sa ibang footages siya makakitang anumang magbibigay- linaw sa kaso kung meron man. This seems so hard but there's no hard in trying.
"Yes. As far as I can remember they are both members of this gym." sabi ng may- ari. "In fact they both request for a personal trainer to coach them."
"And, is the trainer still working here?"
"Yes. Iisang trainer lang ang nag-handle kay Ms. Guzman at Mrs. Enriquez, si Mr. Benjie dela Cruz."
Napatigil siya ng paglakad pagdating nila sa lobby. Mr.Benjie dela Cruz? Iyon ang nabasa niyang pangalan sa bulletin board kanina. Ang trainer of the month na nakapaskil doon. Sa tantiya niya ay nasa 20's pa lamang ang lalaki at hindi maitatanging may hitsura ito. Kung gayon, lumalabas na posibleng ito ang nakasama ng parehong biktima noong mga araw na nagpunta ang mga ito dito sa gym. Iisang tao ang nag-tratrain sa parehong biktima… hindi kaya?
"There he goes!" biglang sabi ni Mr. Jimenez. "Benjie come here!"
Napako ang kaniyang tingin sa lalaking tila nagmamadali sa paglalakad patungo sa kanilang direksyon. Nakasuot ito ng uniporme na may logo ng gym. Nakasunglasses rin ito at may labit na isang katamtamang laki ng gym bag. Nakangiti itong lumapit sa kanila.
"Good morning sir. Late ako, sobrang traffic kasi sa may bandang Boni, may nagbanggaan kasing jeep at kotse…" pagbibigay katwiran nito sa pagpasok ng atrasado.
"Come on Benjie. Ang traffic kasama na natin sa buhay yan." sabi ng amo nito. Meaning, it's not a valid excuse. "By the way, I want to introduce you to Officer,… I'm sorry,I forgot…"
"Police Corporal Francis Manansala." pagpapakilala niya saka inilahad ang kamay sa kadarating na lalaki.
"Benjie dela Cruz." sabi naman nito habang tinaggap ang pakikipagkamay niya.
"Siya ang imbestigador ng kaso ni Ms. Samantha Enriquez and nabanggit ko na ikaw ang trainer niya. " dagdag ng amo nito. "… perhaps, may mga nabanggit siya sa iyo or naikuwento before you know, before she passed away…"
Hindi sumagot ang lalaki bagkus ay umupo ito at saka inilapag ang dalang bag sa tabi. Awtomatikong rin namang naupo siya na nakaharap rito.
"Maiwan ko na kayo, ha. Officer Manansala, it's a pleasure to meet you. " pagpapaalam ng may-ari sabay tapik sa balikat ni Benjie.
Ngiti ang kaniyang iginanti rito.
"Oh,and by the way, here's my calling card." pahabol pa nito at saka iniabot sa kaniya ang kapirasong card. "If you have something to ask, feel free to do so."
Ilang sandali pa'y ganap na silang naiwang dalawa. Though he hasn't asked even a single question yet with the man he had this suspicion that he is a probable suspect. Papaano ba namang hindi ay ito ang tumayong trainer ng dalawang biktimang napaslang. And likewise, lumalabas na nakasama siya ng mga ito sa parehong araw bago namatay ang mga nasabing biktima. It can be a coincidence but the probability is running through his mind. Ngunit sa batas alam niyang ang mga nasasakdal ay nananatiling inosente hangga't hindi napatutunayang nagkasala.
"Have you talk to Mrs. Enriquez husband?" biglang naitanong nito sa kaniya.
"Yes. Actually he's the one who told me that on the day his wife was killed, she actually went here in the morning before the incident." sagot niya.
"Yeah," agad na sagot nito. "Iyon ang schedule niya ng pagpunta rito sa gym. Four times a week ko siyang tine-train and yeah, nag- workout siya that day with my supervision as her trainer."
Hindi kababanaagan ng anumang kabalisaan ang kaniyang kausap. Kaswal itong sumagot at maayos na kausap. Para lamang silang nagkukuwentuhan. Kung sa bagay, hindi naman talaga ito isang uri ng interogasyon since wala pa namang matibay na ebidensiyang makapagdidiin rito. Let's just say, this is a normal investigation procedure.
"Nung araw na huli siyang nagpunta rito, may nasabi ba siya sa iyo o may napansin ka ba sa kaniya na kakaiba sa kilos niya, o maaaring sa pananalita niya,..?"
Ilang segundong katahimikan. Nag- iisip ito na tila ba binabalikan ang mga alaala noong araw na iyon. Pinagdaop ang mga palad bago nagsalita.
"Wala naman, there's nothing unusual." sagot nito. "She just did what she normally do. You know, doing exercise, and then when the workout is over, she leaves…"
"We're you able to talk?" dagdag niyang tanong. "I mean, anything. May naikuwento ba siya sa iyo?"
Muli itong pansamantalang tumahimik. Hinawakan ng kanang kamay nito ang baba habang tila nag-iisip ng malalim. Nananatili itong kalmado at walang mababakas na takot o pangamba.
"Well, hindi kasi siya pala-kwentong tao eh. She's the type of person na kapag hindi mo tinanong ay hindi naman magkukusang magsalita. Alam mo 'yun, she's very timid and private."
"So, ibig mong sabihin never kayong nagkuwentuhan ng mga bagay na may kaugnayan sa kaniyang personal na buhay?"
"Yung mga bagay na masyadong personal, no, but ofcourse we talk. We usually talk things that are related to… you know, the workout she does, the way I train her, how is she improving, yeah, those kinds of things…"
Tumango siya. Tila wala siyang masisiyasat sa isang ito sa mga bagay na maaaring makatulong sa kaso. Maaari rin namang nagsisinungaling ito. Maaring magaling lamang itong magpaligoy- ligoy ng istorya. O maaari rin namang nakapagrehearse na ito sa mga bagay na sasabihin bago pa man sila magtagpo. Malamang na inisip nitong aabot sa parteng kasama siya sa mga maiimbistigahan hinggil sa nasabing krimen sapagkat isa siya sa mga huling nakasama ng biktima. Hindi malayong kabulaanan ang mga sinasabi nito ngayon sa kaniya.
"Kung sa bagay, you can say whatever you wanna say cause you are not under oath but,… I will invite you at the police station one day to have your statement. Your sworn statement actually…"
Sa pagkakasabi nito ay tila nag- iba ang reaksyon ng lalaki. Kumunot ang noo nito.
"Ako? Kailangan din ba ang salaysay ko?"
"Oo, I will include you as one of the witnesses since isa ka sa huling nakasama ng victim on the day she was killed."
Tumango-tango ito. " Okay, if that's the way I can help, sure."
Malumanay nitong tugon. Tila ba very willing to cooperate naman ang lalaki kung kayat parang nababawasan ang kaniyang pagdududa. Subalit hindi niya tuluyang isinasaisantabi ang bagay na iyon. Mananatili pa rin itong posibleng suspek sa krimen. Ngunit sa ngayon marami pa siyang nais itanong rito. Lalo na ang kaugnayan nito sa isa pang kahalintulad na krimeng naganap.
"Mr. dela Cruz," pagpapatuloy niya. " your boss told me that you were also the trainer of Ms. Catrize Guzman?"
"Yes." mabilis nitong sagot. " I had trained her for almost a year before she died."
"Uhhu, and I'm pretty sure you know how she died, right?"
"Ow yeah. Naging laman iyon ng mga balita last year…"
"And you know what, it's intriguing to know that both of your client suffered the same way of death,…"
Tila bahagya itong napaatras sa pagkakaupo sa kaniyang sinabi. Pakitingin niya'y tumaas rin ang isa nitong kilay na dala marahil ng pagkabigla sa kaniyang inimik.
"Officer, I don't know what you are trying to imply but I have no idea about those killings…"
Nagkibit- balikat siya. He sounds wary, sa loob- loob niya. " Wala naman akong ibig sabihin sa bagay na iyon parang kakatwa lang na parehong- pareho ang naging paraan ng pagpatay sa dalawang biktima."
Lumungkot ang mukha ng kausap niya. Ngayo'y nakapako ang tingin nito sa sahig na para bang may malalim na iniisip. Maya-maya pa'y iniangat na nito ang paningin.
"Hindi ko lubos maisip na huling na naming pagkikita ni Ms.Guzman n'ung araw na pumanaw siya,…" salaysay nito. "She was very happy that day like everytime she comes in here she's wearing that wide smile in her face, she waves to almost everyone in the room, she's just very friendly…"
"May sinabi ba siya sa'yo nung araw na iyon?"
Muli ay pansamantala itong tumahimik upang mag-isip saka umiling. "Wala, nothing in particular…"
Wari bang wala siyang mapipigang anumang mahalagang impormasyon sa lalaki. Para bang nahihirapan siyang paniwalain ang sarili na wala talaga itong alam. Sa tagal ng pagsisilbi nito sa mga biktima bilang personal trainer, hindi malayong naging malapit din ang ugnayan nito sa mga kliyente. Pero ayon sa paglalarawan nito ay purely professional lang ang naging relasyon nito sa mga babae. Isang tanong ang tila biglang sumagi sa kaniyang isipan.
"Posible ba na magkaroon ng isang mas malalim na relasyon ang isang trainer sa kaniyang kliyente? I mean base on your experience na sigurado ako, marami ka ng naging client, personally meron ka bang client na nakarelasyon mo o in other words naging girlfriend mo?"
Napamaang ang kaniyang kausap sa kaniyang tinuran. Bakas ang pagkabigla sa kaniyang naging tanong rito. Tila nanigas ang mukha nitong nakatingin ng diretso sa kaniya. Hindi naman niya iniwas ang mata rito. Magkaharap silang matamang nakatingin sa isa't- isa.
"Officer Manansala, if you are trying to accuse me of anything you are definitely wrong." bigkas nito. "Ms. Guzman have a boyfriend while Ms. Enriquez is married. I would not do such a thing…"
Tinangka niyang ngumiti sa harap ng kausap. Tila ba napikon ito sa kaniyang hindi direktang pag-aakusa. Sa pagkakatitig nito sa kaniya habang nagsasalita ay para bang nilalayon nitong ganap siyang makumbinsi na totoo ang sinasabi nito. Isa itong uri ng concealment, alam niya iyon bilang isang imbestigador. Sa pagkakataong ito, isa ang kaniyang napag-pasyahan, he will conduct a thorough investigation with this man.
"Bakit naman parang napaka-defensive mo." sagot niya rito. "Pasensya na bigla lang pumasok sa isip ko na itanong yun. Anyway, thanks for your time Mr. dela Cruz. I need to go."
Ipinasya na niyang tapusin ang pakikipag- usap rito. Alam niyang kinakailangan pa niyang mangalap ng iba pang impormasyon upang mapatunayan ang kaniyang hinala rito. Tumayo siya gayundin ang lalaking nakausap.
"Salamat din officer Manansala. Sana ay ma-solve ninyo ang kasong hinahawakan ninyo." sabi nito.
Ngumiti si Francis ng bahagya bago tuluyang tumalikod at umalis. Lingid sa kaniya ay hinatid siya ng tingin ni Benjie. Matalim na mga tingin ng mga naniningkit nitong mga mata.
"Catch me if you can, asshole…" usal nito sa sarili.