Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 15 - (°_°)

Chapter 15 - (°_°)

Dollar's POV

"Dollar?" tawag sa 'kin ni Uncle na nagpupunas ng mga baso sa bar counter.

"Bakit Uncle?"

"Malapit na ang birthday mo, anong gusto mong regalo?"

Napaangat ang ulo ko mula sa pagkaka-subsob sa counter. Aba! Oo nga pala no! Malapit na akong mag-17 sa December. Mga dalawang buwan na lang.

"Sigurado kayo Uncle na gusto nyong malaman?" I grinned.

"Yeah. But I was thinking to give you a car para hindi ka na maglalakad pagpasok at pag-uwi galing sa school."

Ito ang gusto ko kay Uncle, napapagsama niya ang pagiging galante at practical.

"Saka na lang ang kotse, Uncle. Kung bibigyan ninyo 'ko ng kotse... eh di hindi na ko mahahatid ni Rion?"

Napatigil naman si Uncle sa pagpupunas at nakakunot-noong tumingin sa 'kin.

Yeah, that usual stare and knot of forehead na natatanggap ko kapag binabanggit ko si Unsmiling Prince kina Moi at Zilv.

"Rion who?"

"Ah... siya 'yong crush ko sa school, Uncle. Hayaan ninyo papakilala ko siya sa inyo, soon...Hehehe!"

"Rion Flaviejo..." Uncle Al whispered in recognition. Parang mas sinabi niya 'yon para sa sarili niya kesa sa 'kin. "Sigurado ka na ba?"

"Sigurado saan, Uncle? Yap, huwag munang kotse."

"Hindi...Sigurado ka na ba sa Rion na 'to?"

"Oo naman Uncle! You should meet him Uncle, tara sa bahay nila?" I joked, hindi pa rin kasi maalis ang kunot-noo ni Uncle.

"Tsk,tsk,tsk, dalaga na nga ang pamangkin ko. May kras na!" Napailing-iling pa siya. "Siya ba eh sigurado sa 'yo?"

"'Yon pa nga ang tinatrabaho ko Uncle, pero siguro hindi pa lang niya nare-realize na meant for each other kami, masyado kasi siyang aloof."

"Ikaw talagang bata ka, baka naman masyado mong hina-harass si Rion?"

"Hindi naman po masyado."

Odd. Bakit parang kung magsalita si Uncle ay parang matagal na niyang kilala si Unsmiling Prince?

"Gusto ko sanang ipayo sa'yo na maghinay-hinay ka muna sa nararamdaman mo, hija pero mukhang lulong ka na sa kanya at saka kahit pigilan kita, alam kong walang makakatalo sa katigasan ng ulo mo. Si Rion na lang ang pagsasabihan ko..."

Pero hindi ko na narinig ang huling sinabi niya dahil may mga nagsigawang manlalaro sa billiard pool na malapit sa 'min. Tapos na siguro ang laro nila at may nanalo na.

"Ano 'yon, Uncle? 'Yong huling sinabi mo?"

"Wala. O anong gusto mong regalo kung ayaw mo pala ng sasakyan?"

Si Rion!!! Kung pwede nga lang i-gift wrap si Unsmiling Prince at ibigay sa 'kin, 'yon na siguro ang pinakamagandang regalo. *Dreamy eyes

"Kahit ano na lang, Uncle."

"Sige."

^^^^^^^^

Nandito 'ko sa likod ng Al's Billiards.

Walang tao dito, may makipot na daan sa gubat ang magkabilang gilid na kasya ang isang sasakyan at tumutumbok ito sa highway. At ang isa pang daan ay papunta naman sa bahay.

Noong bata pa kami ni Moi, dito lagi kami dumadaan para magliwaliw sa gitna ng gubat. Napangiti ako nang maalala ko kung paano namin nakilala si Zilv. Those memories of our childhood always brought warm feelings for me.

Natabunan niyon ang pangungulila ko sa mga namatay kong magulang noong apat na taon pa lang ako. Walang naitagong picture si Uncle ng Mama at Papa ko. Nagkasya na lang ako sa mga sinabi niya tungkol sa kanila.

That my father was his colleague during their days in the army. At may lahi siyang West Eurasian. Sa kanya ko daw namana ang pagka-mestisa ko at kulay ng buhok ko na deep brown to almost black. Ang mama ko naman ay isang ordinaryong probinsyana na nakilala ni Papa nang madestino siya dito sa Pilipinas. My mother dreamt of going to foreign countries, gaya din ng maraming Pilipino. And while fulfilling her dreams, there she met my father. They fell in love and married.

Dollar ang binigay na pangalan sa 'kin dahil isa ang America na pinangarap na puntahan ni Mama. Parang napi-picture ko na na makulit din si Mama. Iyon lang alam ko sa kanila.

Hindi pa din malinaw sa 'kin kung bakit sila sabay na namatay. Laging iniiba ni Uncle ang topic pag iyon na ang pag-uusapan. At lagi kong nakikita ang pagkalungkot sa mukha niya para sa pagkawala ng dalawang matalik na kaibigan...

Naka-upo ako dito sa baitang ng hagdanan ng back door ng restaurant. Nilalaro ko ang golden lighter ko. Nag-aabang ng bulalakaw. Nakikinig sa mga kuliglig. Pero ang totoo, pinag-iisipan ko ang mga sinabi ni Uncle kanina.

'Gusto ko sanang ipayo sa'yo na maghinay-hinay ka muna sa nararamdaman mo, hija pero mukhang lulong ka na sa kanya...

Nararamdaman? Sigurado na nga ba 'ko? Ilang linggo ko pa lang nakikilala si Unsmiling Prince. Pero ngayon ko lang 'to naramdaman... sa kanya lang... Marami na 'kong nakitang mga lalakeng gwapo rin naman, pero...Ah basta! Ewan!

Ang alam ko lang, masaya ako kapag nakikita ko siya, nakaka-usap at...Naaamoy... Ahahaha! Kontento na 'ko doon, hindi ko ine-expect na magiging mutual ang feeling namin sa isa't isa. Syempre, suntok sa buwan iyon.

Paano ka aasa ng pagmamahal sa isang taong nilayo sa mundo ang sarili niya. Rion is detached from people. Na parang kahit nandyan siya, parang...wala pa din.

Hmn... Bakit nga kaya? Broken-hearted ba siya?

Hindi naman siguro, I'm sure he's not the type who would dwell over a break-up. Sabi nga ni Moi, playboy din si Rion. He always shows no emotion. Kaya hindi lagi mape-predict kung ano ang iniisip niya. Siguro iyon ang nakapag-pa-trigger sa 'kin para magkagusto sa kanya.

To bring him to life, kahit hindi ko alam ang dahilan ng pagkakaganoon niya. And to see him happy, even if he won't let me...