Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 21 - Set Fire to the Rain

Chapter 21 - Set Fire to the Rain

Dollar's POV

"Hahahahahaha!"

Sa wakas nailabas ko na din ang pinipigil kong tawa. Wala akong pakelam kung pinagtitinginan ako ng ibang estudyante sa corridor. Sa gusto kong tumawa eh! Walang basagan ng trip! Binasa ko ulit ang f-in-orward na joke ni Euna sa phone ko at tumawa ng malakas.

Ang corny talaga ng baliw na Eunang yun o, at sino ba naman ako? Isa lang naman akong ordinaryong babae na may mababaw na kaligayahan.

"Pstt...!"

Tiningala ko kung sino ang nag-pat sa ulo ko. Si Moi pala.

"Nong ginagawa mo dito sa labas? May klase kayo sa loob tas nandito ka, mag-isang tumatawa? Tsk, tsk, tsk, malala ka na talaga."

Siniko ko siya sa sikmura. Panira talaga 'to ng moment kahit kelan.

"Ah! Sakit non ah, umamin ka Dolyares, lalake ka talaga dati no?"

Binatukan ko naman siya. Dami talagang hirit ng lalakeng 'to kahit kelan.

"Paano kasi si Euna nagpasa ng joke na nakakatawa. Bwahahaha!"

"Bakit? May joke bang nakakatakot?"

"Oo nga no. Akalian mo yun Moi naisip mo yun. Talino mo a. You got me there." Tumingkayad ako at ginulo ko buhok niya.

"I know. I know. Pwede ka ng magpa-autograph. Hehehe! Teka, bakit ka nga pala nagpo-phone sa oras ng klase? Eh kung isumbong kaya kita sa Prof. mo ha?"

"Pwede ba Moises. Tadyak gusto mo? Ikaw nga eh, kahit may major exams nakikipagligawan!"

"Oo nga pala no."

"Sige na nga, humayo ka na at ako'y papasok na. Kita na lang tayo sa Al's mamya." taboy ko sa kanya.

"Okie!"

Pero malapit na 'ko sa pinto nang may maalala ako. "Moi!"tawag ko sa kanya pero lumingon lang siya, ngumiti at kumaripas na ng takbo.

Sabi ko na nga ba! Naalala nya din ang naaalala ko.

"Moi!" hinabol ko siya sa corridor at hinablot sa kwelyo. Buti na lang medyo maraming estudyante kaya hindi siya nakalayo.

"May nakakalimutan ka atang ibigay sa 'kin, Moises!"

"B-Bukod sa matamis kong smile ano pa nga ba?"

Binatukan ko ulit siya.

"Nasaan ang mga pictures ni Unsmiling Prince!"

"Unsmiling Prince who?" (?_?)

"Si Rion."

"Ugh! That man! Nasaan nga ba ang mga pictures niya? Oi, oi ,oi hindi ako bakla ah, malay ko kung nasan pictures non!"

"Isa Moi! Eh di ba may deal tayo? Kukunan mo ng pictures si Unsmiling Prince!"

"Deal-deal ka dyan, b-in-lackmail mo kaya ako."

"Basta Moi, akina dapat yun bukas ha! Kung gusto mo alamin mo na din ang address, phone number, email-ad, facebook at twitter account niya ha?!"

"Hoy Tisay! Ikaw lang ang stalker dito no, wag mo kong idamay sa kabaliwan mo. Sumbong kita kay Uncle Al para mapalo ka!"

"Tadyak! Basta ha!"

"Oo na,oo na, bitawan mo na ko. Tss!"

Binitawan ko nga siya pero kinurot ko muna siya sa magkabilang pisngi bago ako tumakbo. Sinadya ko talaga yun para makita ng girlfriend niya na papunta sa way namin. Balita ko selosa daw iyon. A little trouble for Moi.

"Moi!" narinig kong tawag ng girl.

"Hey Angela err-------- Alice pala, hehehe! Watcha doin' here honey?" si Moi habang pakamot-kamot sa ulo.

"Sino yun?"

"Ah wala, isa sa mga fans kong alien. Wala yun, babe."

^^^^^^^^

I'm back! I'm back to the real world !!!!!!!

Haaay... 'Kala ko hindi na 'ko makakaalis sa Chem Lab dahil sa wet lab analysis na 'yon ! Inabot na tuloy ako ng gabi. And worst, ang lakas pa ng ulan sa labas! Paano 'ko nyan uuwi?

Nagsisi tuloy ako kung bakit ko sinabi kay Uncle na wag na 'kong sunduin dahil sasabay ako kay Moi. Kakainis kasi ang tisoy na iyon,kanina ko pa tine-text pero hindi nagrereply. Si Zilv naman nasa out of town seminar. Hanapin ko na nga lang sa Building nila si Moi.

Ilang minuto na akong naglalakad nang matigilan ako. Wala akong makita kahit mga estudyante sa building nilang 'to. Nalibot ko na ang buong first floor hanggang fifth floor pero wala pa din. Inakyat ko ang hagdan papuntang sixth floor at baka naligaw doon si Moi at syempre, ayokong gumamit ng elevator dahil... Umuulan... Gabi na... Malamig... At walang tao...

At wala din akong balak na patayin ang sarili ko sa takot sa multo. Una kong pinuntahan ang SSC office pero naka-lock na ang pinto. Ibig sabihin wala na din si Unsmiling Prince. Pero ok lang, wala pa 'ko sa mood na magpa-cute. Masyado pang fresh ang 'powerpuff girl undies thingy'. Ugh! Erase. Erase.Erase.

Ang gusto ko lang ngayon ay makita si Moi at umuwi na. Pero bwiset naman o! Ni bumbunan ni Moi hindi ko matanaw! Lalakeng yun talaga ! Lage na lang MIA.

Nagsisimula na talagang tumindig ang balahibo ko dahil sa lamig at sa takot.

Lalo pang lumakas ang ulan! Mas dumilim! Chicken Puttanesca! Baka magbrown-out pa! Tatakbo na sana 'ko pababa pero may nakita ang gilid ng mata ko sa isang nakabukas na pinto ng classroom.

I can see a pair of black leather shoes... Hmn... Tinulak ko nang marahan ang pinto para pumasok. And in the middle of the room is a sleeping man! Mas lumapit pa 'ko. Lalake nga! At hindi lang basta lalake ! Si Unsmiling Prince! Na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng pinagdikit-dikit na armchairs. Nakaunan siya sa mga braso niya at medyo nakakiling ang ulo. Good heavens! Biglang nawala ang takot ko. This guy's really impossible! Ang sama-sama ng panahon sa labas tapos nandito siya at mahimbing na natutulog? 'Nong naisip neto?

But I'm soooooooo thankful he did that dahil may makakasama ako ngayong tag-ulan.

Ehem! How romantic naman is the place and the circumstance! Tinitigan ko nang maigi ang gwapong mukha niya. Wala talagang masamang anggulo. Makalaglag panga! How could a man be this deadly handsome even in sleep? Haay.. My Unsmiling Prince is sleeping. My sleeping unsmiling Prince.

Halikan ko kaya siya? Wala namang masama di ba? Kung makahiga siya 'kala mo pinagsisigawan ng katawan niya na 'I am all yours for the taking, baby'. I suddenly feel naughty.

Tumabi lalo ako sa kanya at nilapit ko ang mukha ko sa kanya nang dahan-dahan... Pero wag kayong malisyoso dahil gusto ko lang makita ng malapitan ang mga best assets niya.

The dark lashes of his eyes... Arrogant nose... And sensual lips...

I must move inches away bago pa automatic na bumagsak ang mukha ko sa kanya. Wala akong kasalanan pag nangyari 'yon, malay ko bang me pagka-magnet pala ang mga labi niya? Pero 'no nga kaya ? Halikan ko nga kaya siya? Mabilis lang naman. Tapos pwede na 'kong sumugod sa ulanan at patakbong tumitili pauwi sa bahay.

Medyo nangangalay na 'ko sa pagyuko sa kanya pero ok lang. Minsan lang 'to mangyari, kailangang sulitin. Isang minuto pa. And a minute more...

Ok, iuunat ko muna ang likod k--

"Ay kabayo!"

Sabi ko iuunat ko muna ang likod ko pero bakit mas lumapit pa yata ang mga mukha namin kesa kanina?

"Powerpuff." Mahinang sabi niya at diretsong tumingin sa mga mata ko.

Kailangan bang iyon pa talaga ang ipangtawag niya sakin?

"U-Uy, hello,he-he-he-he." I felt uneasy.

Hinila niya nang marahan ang necktie ko para laong magkalapit ang mga mukha namin. Napahawak tuloy ako sa chest niya para hindi ako mawalan ng balance.

Gah! Help me naman po. So intimate naman ng tayo namin! Patnubay ng magulang ang kailangan!

Lalo lang lumakas ang tibok ng puso ko hindi lang dahil sa gulat kundi dahil... Hindi ko alam... But having him this near is like...finally coming home? Ano ba talagang ibig sabihin ng feeling na 'yun? Eto na ba? And having his dark lethal eyes fixed on me gave me an unexplainable feeling. Parang nakakalunod. Pero baka naman nananaginip pa 'tong lalakeng 'to? Halikan ko na nga kaya para tuluyang magising?

"Don't look at me like that." He whispered.

"L-Look at you like what?"

"Na parang gusto mo kong... halikan."

"O-of c-course not!"

May pagka-mind-reader pa 'ata ang lalakeng 'to. O masyado lang akong obvious?

He twitched his lips for a playful smile. Huwag ka namang ganyan Unsmiling Prince! I'm a very willing victim baka 'kala mo!

"Don't try to give me a smack on the lips, honey, I don't settle for that little thing. I want, the real thing."

Binitawan niya ang necktie ko at mabilis na tumayo.

Pwede bang i-replay? Hindi ko narinig ang mga sinabi niya. Ang lakas ng mga kulog. Am I missing something? Anong binulong niya? Clue naman sana.

"Bakit nandito ka pa?" tanong niya sa 'kin habang sinusuklay ng mga daliri niya ang buhok niya.

What a cute view! A tall guy combing his hair through his fingers. Para siyang batang lalake na bago pa lang nagbibinata at kailangang gumugol ng maraming oras sa harap ng salamin para masigurong cute na siya.

"H-ha? Ano nga palang tinatanong mo?"

"I'm asking you why you are still here.''

"Hinahanap ko si Moi."

Napatigil siya sa ginagawa at humarap sakin. "Hindi mo siya makikita dito."

"Eeeh? Bakit naman? Building nila 'to di ba?"

"Yeah but night classes are suspended dahil may parating na bagyo. And... malamang tayo na lang ang nandito."

What?! Paano 'ko uuwi neto? Low battery pa naman phone ko. Makakauwi siguro ako kung hahanapin ako ni Uncle at magpapagawa siya ng isang rescue operation. Pero mamaya pa 'yon. Paano yan?

"C'mon." Rion cocked his head to the direction of the door.

"S-saan?"

"Sa bahay nyo."

"Ha? T-teka, I think hindi ito ang tamang oras para isama kita sa bahay. Masyado pang nag-aalala si Uncle baka mas magalit lang siya kung uuwi akong may kasamang lalake at hihingin mo ang kamay ko sa kanya."

"Silly. What are you saying?"

Ano nga bang sinabi ko? Bakit ? Hindi ba niya papanagutan ang nangyari samin ?

"C'mon, baka lalo pang lumakas ang ulan."

"Talaga, ihahatid mo 'ko sa 'min ?"

"Do I have a choice?"

"Talaga nga? As in?"

"Tsk! You're always losing my patience, Dollar, bakit ba ang kulit mo. Bahala ka dyan." at lumabas na siya ng room.

"Oy, teka lang, Unsmiling Prince." Habol ko sa kanya.

Sa tapat na ng elevator ko siya naabutan. Bumukas ang elevator at pumasok kami. I can't help but grin. Second time na namin 'to sa elevator. Ng kami lang! Iyong unang beses ay noong nakita ko siya with a girl, and thinking about that...

"Unsmiling Prince, may dine-date ka ba ngayon?" tanong ko.

"Nakikita mo bang may ka-date ako ngayon?"

"Ahmm..." Maliban sakin? "Wala."

"Eh di wala akong dine-date." He said and tuck his hands in his pockets at sumandal sa wall ng elevator.

Oo nga namn no. I just love him being pilosopo!

"I'm talking about the other girls."

"Other girls who?"

Eto na naman po tayo sa question and question portion!

"Sabi kasi nung iba... player ka."

"And you believed them?" he challenged.

"Hindi. Hindi naman ako masyado selosa, sakto lang. And it's part of growing up, hehehe!"

Napailing siya and gave me a bored look.

"Playboy is an overrated word for me. I'm only going out with them when they ask me."

Ah, ok. Hindi lang pala ako ang baliw sa lalakeng 'to. Yeah. That's it. Naririnig ko nga kina Moi at Zilv, na kapag ang palay na ang lumalapit, walang gagawin ang manok kundi tukain na lang iyon. That was a common motto for men. Tss!

"Eh di kapag niyaya kitang makipag-date sakin... papayag ka?"

"No." mabilis niyang sagot.

Ok, isang tumataginting at mabilis pa sa kidlat na NO! Rejection number 1.

"Baket naman?" gusto kong mag-pout a. Pero di bale na lang, baka sabihin na naman niya mukha akong magpapahalik. Kanina naman, pinagbintangan niya 'kong hahalikan ko daw siya. Pero totoo nga pala yun.

"I have my reasons... and may be... you're not my type."

That was rejection number 2. Pangalawang bombang binagsak sa 'kin! Buti nakatayo pa 'ko.

"Di mo 'ko type? Bakit? Ano bang mga type mo sa babae?"

Matagal siya bago nagsalita, kala ko nga hindi na niya sasagutin ang tanong ko.

"Mahinhin... Morena... Tahimik... Masunurin... Hindi lumalabag sa anumang rules. She must be about my height. And more... matured."

Got them!They were like nuclear bombs.

"Bakit hindi mo na lang sinabi na exact opposite ko ang type mo, pinahirapan mo pa sarili mo."

Nakakailang rejection na 'ko ah. It's a miracle I was still breathing! Kainis!

"Ibig sabihin hindi maganda ang type mo." Bulong ko.

"'Atta girl. Why? Aminado kang maganda ka?" he mocked.

"Of course!"

"Bakit? H-hindi ba?" tanong ko sa kanya.

Parang gusto kong pagdudahan ang kagandahan ko ah.Hindi ba 'ko maganda? Masyado na ba kong nalulong sa pag-aaral at napanis na ang kagandahan ko? Pero bakit maraming nag-aalok saking mag-artista? Bakit insecure sa 'kin si Stacy?

Nakita ko siyang seryosong nakatitig sa'kin. Parang pinag-aaralan ang mukha ko.

"Uy, hindi nga ba?" kulit ko sa kanya.

He crossed his arms over his chest and continue looking at me intently.

"No." he answered at dire-diretsong lumabas ng saktong bumukas ang elevator.

T_T

^^^^^^^^

Hay naku! Paano kaya ako uuwi ngayon?

Tiningnan ko ang wristwatch ko. Alas-otso na pala. Psh! Nandito pa din ako sa lobby ng BusEd Bldg. Sinisipa ang isang kaawa-awang crumpled paper habang palakad-lakad. Si Rion? Ewan!

Hindi na 'ko sumunod sa kanya matapos niyang itanggi ang kagandahan ko? I-reject ang alok kong date? At sabihin niya ang type niya sa mga babae? Kainis lang ha! Marunong din akong mayamot at magtampo kahit malaki ang pagkabaliw ko sa kanya. Tsk!

Sinipa ko nang malakas ang ginusot na papel at naglakad na ulit papalapit doon para sipain ulit. Nilingon ko muna ang paligid at nalaman kong nasa covered parking na ako sa labas sa gilid ng building. Tsk! At nasaan naman kaya yung papel na yun? Ah yun pala... Nasa ilalim ng sapatos ng...

Nasa ilalim ng sapatos ng kabukod-tanging lalaking dahilan ng pagkayamot ko! As usual, diretso siyang nakatingin sa 'kin at nakapamulsa habang nakasandal sa kotse niya. At bakit ba lagi siyang nakapamulsa? I always found that sexy on him! Kainis! Baka mag-evaporate ang inis ko!

"Akina yan!"

"What?"

"Yang papel." I snapped on him.

Hindi siya sumagot at sinipa sa malayo ang papel.

"Tara na." at lumigid siya sa passenger seat at binuksan iyon.

"'Yoko. Pa-text na lang ako kay Uncle." I still have pride.

"Don't be childish Dollar. Anong oras pa darating ang Uncle mo at paano kung mabalaho pa siya sa kalsada?"

Tama nga naman siya. Ipapahamak ko pa si Uncle. At wala ding makakasama si Cheiaki sa bahay kung magpapasundo pa 'ko.

"C'mon." hinila niya ko sa kamay pero hindi para paupuin sa passenger seat kundi para isandal sa gilid ng Viper. Itinukod niya ang dalawang kamay niya sa nakataas na roof ng sasakyan kaya nakulong ako sa pagitan.

Uh-oh !

"W-What?" Bakit ako nag-s-stammer? This uneasiness is eating me again.

He bends his knees until he was eye level with me.

"Listen. Maganda ka na, ok? Shall we go?"

"Sus. Sinabi mo lang 'yan para umuwi na tayo."

"Wala naman akong sinabing hindi ka maganda kanina di ba ?"

"Pero tumanggi ka kanina."

"I just said no."

"Ganon na rin yun. Tss! Pero totoo nga? Maganda nga ako?" Parang gusto ko ng ngumiti.

"Kulit mo."

"Totoo nga?"

Napailing na lang siya sa kakulitan ko at pinatong ang kamay niya sa ulo ko papasok ng sasakyan. Lumigid naman siya sa gilid ng driver's seat. Ang bango dito ah. Kaamoy ng may-ari. Very manly! Tinitigan ko siya habang nagda-drive. Grabe ang suave niyang gumalaw.

"Hindi kita pinagbabawalang tumingin sa labas. Don't look at me like that while I'm driving."

"Sus, sigurado ka bang ikaw ang tinitingnan ko?" I pout.

"I can feel it. At tayo lang dalawa dito, sino pang tinitingnan mo?"

"Bakit bawal ba?"

Sinulyapan lang niya 'ko at binalik na ang tingin sa kalsada. Nakalabas na pala kami ng school, medyo malayo na din kami.

"T-Teka bakit mo tinigil?"

Anong nasa isip niya at tinigil niya ang Viper sa gilid ng kalsada?

"Masyado ng matarik ang kalsada at delikado na kung tutuloy tayo.

Oo nga naman. Tumingin ako sa labas at sobrang lakas na talaga ng ulan. Masyado ng makapal ang fog kaya hindi na matanaw ang makakasalubong. Nandito na kami sa part na ang gilid ay bangin. Pero ok lang yan. Umaayon sa akin ang panahon.

"A-anong gagawin natin ngayon nyan?"

"Hintaying humina ang ulan. I can still drive in this slippy terrain but not when I'm with someone."

"Aaaah. Kung ganoon inaala mo 'ko?" *Kilig

"Don't flatter yourself too much. Kahit sino pa ang kasama ko ngayon hindi pa din ako makikipagsapalaran sa ganito kasamang panahon.

'Kay. Pero ok lang naman na tumuloy kami at least sabay kaming kukunin ni Lord, but on second thought, wag po muna. Mas gusto kong ma-stuck kami dito ng... kami lang!

"Eh paano kung bukas pa tumigil ang ulan?" tanong ko.

"Ang sabi ko, kapag humina ang ulan saka tayo tutuloy."

"Ah, ok."

"You don't sound worried." He said dryly while gently drumming his fingers to the steering wheel.

"Bakit naman ako mag-wo-worry? Ok lang kahit hindi mo muna 'ko iuwi. Ok lang talaga, wag kang mahihiya, hehehe!!"

"Crazy."

"So anong gagawin natin ngayon?"

"You could sleep."

"H-Ha? Ayoko nga... Mamaya niyan..."

He looked at me with mixed amusement.

"Ugh! Dream on, honey. I don't ravish unconscious little kid."

"Oy, hindi na 'ko bata no! Bakit ba lagi mo na lang akong tinuturing na bata?"

"You're still a child to me."

"Hindi na kaya!"

"Yes you are."

" 'Am not!"

"You're only sixteen and that's two years before eighteen. Childish in age and in behavior." At umiling-iling pa.

Hmp! I pout. Bakit ba hindi na 'ko nanalo sa kanya sa kahit anong argumento? Sinandal ko ang ulo ko sa headrest ng upuan habang nakatingin pa din sa kanya.

Twenty minutes na kaming na-stuck dito pero ok lang, nage-enjoy naman ako. Nagkasya na lang ako sa pagtitig sa kanya habang may kausap siya sa phone. Hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan nila. Monosyllabic lang ang sinasabi niya sa kausap niya kung sino man 'yon. Tumingin ako sa labas at may nakita akong malalabong images ng mga sasakyan na medyo malayo sa kinaroroonan namin. I knot my forehead nang may bumabang lalake sa isa pang sasakyan and pointed something to the other's car. At kahit malakas ang ulan, sigurado akong putok ng baril ang narinig ko. I know that sound dahil tinuruan nga ako ni Uncle na bumaril.

"Sh*t." Rion silently cursed.

Napatingin ako sa kanya.

"Listen, Dollar. Huwag kang bababa kahit anong mangyari. Yumuko ka lang diyan and stay still." He instructed.

Nag-panic ako nang buksan niya ang driver's seat at aktong bababa.

"T-Teka saan ka pupunta?" Hinila ko ang laylayan ng polo niya.

"Do what I say." Mariin niyang sabi.

Iimik pa sana 'ko pero sinarado na niya ang pintuan. What the--?! Anong nangyayari? Nakayuko pa din ako sa pagitan ng mga tuhod ko. Gusto kong sumilip sa labas pero baka magalit siya. At nasaan na ba siya? Limang minuto na ang lumilipas pero hindi pa din siya bumabalik. Nag-aalala na 'ko. Saan ba siya pumunta?

I can't take this! Bahala na! Binuksan ko ang pintuan sa gilid ko at dahan-dahang lumabas. Nagulat ako sa lamig ng mga patak ng ulan.

"Rion!" tawag ko pero parang nilunod lang ng lakas ng ulan ang sigaw ko. Hindi ako lumayo sa Viper pero tinatanaw ko siya sa gitna ng malabong paligid. "Rion !" Basang-basa na 'ko. Pero bukod sa nararamdamang lamig, mas nagingibabaw ang pag-aalala para sa kanya. "Rion! Rion!"

"Ri--" naramdaman kong may humawak sa braso ko at giniya ako papasok ng sasakyan.

"Dammit, Dollar! Hindi ka ba talaga marunong sumunod sa sinasabi ko!" Galit na galit si Rion.

"N-Nag-alala lang naman ako."

I coughed. Nangangatal na din ako sa lamig. Pareho kaming basa. He silently cursed. Anger is very visible on his handsome face.

Kumuha siya ng isang malaking towel sa isang travelling bag na nasa likod ng sasakyan at inabot sa 'kin. Pinunasan ko ang sarili ko. Pero nilalamig pa din ako dahil sa mga basa kong damit. Pagkatapos ko ay inabot ko naman sa kanya ang towel at mabilis niyang pinunasan ang braso at buhok niya. At pagkatapos ay pinaandar na niya ang sasakyan. Buti na lang at medyo humina na ang ulan.

Sinusulyap-sulyapan ko lang siya. Hindi ko maitanong kung saan siya pumunta at anong nangyari, halata pa din kasing galit siya kahit hindi siya nagsasalita. Hindi ko na din makita ang dalawang sasakyan na naaninag ko kanina.

He was back to his usual poker face. Hindi ko malaman kung ano ang iniisip niya. But his emanating aura speaks of danger. Pero kahit ganoon, maingat pa din siyang magmaneho. Napalingon ako sa labas at nagulat pa 'ko nang makita kong nasa tapat na kami ng Al's.

Teka? Paano niya nalaman ang way papunta sa 'min? Tinigil niya ang sasakyan at siya na ang nag-alis ng seatbelt ko.

"Salamat sa paghatid." Mahina kong sabi.

Tumango lang siya at tumingin na sa unahan, hinihintay na niyang bumaba ako.

"Gusto mo bang pumasok na muna?" tanong ko.

"No."

"Dollar." Tawag niya sa 'kin nang bababa na sana ako. Napabalik tuloy ako sa pagkaka-upo.

"Baket ?"

"Do me a favor. Pwede bang huwag ka ng lumapit sa'kin kahit kelan." seryoso niyang sabi, hindi pa din tumitingin sa 'kin.

"W-Why?"

"I have my reasons."

"Will you do that?" he asked tiredly.

"No."

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya sa sagot ko.

"Not now, Rion. Kahit ilang beses mo pa 'kong pigilan." I said and get out of the car.