Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 19 - Shadows #2

Chapter 19 - Shadows #2

Unknown Character's POV

"F*cking hell!" napamura ako at binilisan ang pagpapatakbo sa kotse ko.

It's my new Lamborghini Gallardo! My new baby! Pero magagasgasan pa yata ang kotseng 'to na bagong labas sa casa. Or worst, baka bumulusok pa pababa sa bangin na nasa kanan ko. And it will also mean my death!

Nilingon ko ang dalawang motorbike na gumigitgit sa 'kin sa gilid ng kalsada. Ang isang motorsiklo ay nasa kaliwa ko at ang isa naman ay nasa bandang likuran. Hindi man nila 'ko mapatay, hindi rin ako mabubuhay kung maaaksidente ako sa madilim at madulas na kalsada sa magubat na parteng 'to ng bayan ng Flaviejo. Paliko-liko ang daan at matarik, madaming bangin.

Buti na lang at wala masyadong dumadaang sasakyan sa ganitong oras ng gabi. Ang kailangan ko lang ay matakasan ang dalawang humahabol sa 'kin. And that's next to impossible! Hah! Vigilantes! Predators madalas ang tawag sa kanila ng grupo namin. But whatever! They are f*cking pieces of sh*t to me!

Sigurado akong taga-rito din sila sa Flaviejo dahil gamay na gamay nila ang pagpapatakbo sa ganito kadelikadong daan. Limitado ang nalalaman ko sa kanila. Only their codenames; Yaguara, Shrapnel and Cherub. Mga simpleng alyas na naghahatid ng takot sa mga kapwa ko sindikato kapag naririnig nila 'yon. Tinatawanan ko lang dati 'yon pero inaamin kong tumataas ngayon ang mga buhok ko sa batok sa nakikinita ko ng kamatayan.

Dalawa sila ngayon, pero ang balita ko ay nagtatrabaho sila minsan ng magkakasama. Pero kahit lumakad sila nang mag-isa, nasisiguro kong hindi pa din ako makakaligtas. Bastards! I know how lethal they can be!

Patunay ang tumataas na bilang ng mga taong nalalagas sa grupo ko. At ngayon, ako naman ang target nila! These vigilantes must be doing their jobs very well. Dahil nalaman nila ang kaugnayan ko sa drug cartel. I'm a respected lawyer in this city for crying out loud! Kung sinira na lang sana ang reputasyon ko, madali ko lang mare-remedyuhan iyon. Tamang koneksyon at pera lang ang kailangan. But the bastards want me cold and pale!

Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ko pinasama ang mga bodyguards ko ngayon. Pero ilang miyembro na ba namin ang napatay din kahit may mga kasamang bodyguards? O sa kasikatan ng araw? Wala silang pinipili!

Lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo at nakita ko sa side view mirror nang paputukan ng nasa hulihan ang likurang gulong ko.

"Dammit!"

Naramdaman kong gumewang ako. I may be dying tonight but I will not die without fighting! Nilabas ko ang baril na nasa gilid ko.

Isang putok pa at tuluyang sumadsad at huminto ang kotse.

Hindi pa 'ko nakakabawi sa lakas ng impact nang paglingon ko sa bintana sa gilid ko ay dulo ng baril ang nakita ko. Naaninag ko sa labas ang matangkad na lalakeng naka-helmet.

The devil is in black leather jackets and jeans. Ganoon din ang kasama niya na ngayon ay prenteng nakasandal sa motor niya ilang dipa ang layo sa kinaroroonan ko.

Alam kong hindi nila agad ako papatayin dahil sa impormasyong hawak ko bilang isa sa mga importanteng pangalan sa cartel. And I will use that to buy time! Kahit imposible!

Gitil-gitil na pawis na ang tumutulo sa noo ko. Parang nakalimutan ko na din ang baril ko. Nanlaki ang mata ko nnag hinila ng daliri niya ang gatilyo ng baril at mahinang putok ang narinig ko. Pero sa halip na sa mukha ko tumama ang bala, lumagpas lang iyon sa gilid ko at bumutas sa bintana ng passenger seat. Tinakot lang ako ng p*ta!

Sa labas ay nakita ko ang isa pa na tinutok ang baril sa direksyon namin at walang habas na pinaulanan ng bala ang unahan at likuran ng kotse ko, iniiwasan lang ang kasama niya at ako!

Humihingal na 'ko sa takot. Bakit hindi pa madaliin ng mga hayop na 'to ang kamatayan ko!

Pero nagkaroon ako ng pag-asa nang may makita akong parating na sasakyan. Kilala ko ang sasakyan na 'yon. Sila ang bagong grupo na binuo ng cartel para tumapos sa mga vigilantes! Well-trained assassins! Makakahanap ngayon ng katapat ang mga vigilante na 'to!

Nakipagpalitan ng putok ang dalawa sa bagong dating. At nakalimutan na yata ako ng nasa bintana. Pero ilang minuto na ang lumilipas at hindi ko na makita masyado kung ano ang nangyayari sa labas.

I should know better! Damn!

Hindi talaga ako ililigtas ng grupo! Ginamit lang nila ako at hinayaang lumabas ng nag-iisa para sundan ako ng mga vigilante at nang sa gayon ay magawa nila ang trabaho nila! Those cold-blooded pieces of sh*t!!!!

Pero kailangan kong iligtas ang sarili ko! Lalabas sana 'ko sa kabilang pintuan ng kotse nang maramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko.

Not now! F*cking hell!'

Parang nararamdaman ko ang pagkaubos ng hangin sa baga ko. At lalo kong dinaklot ang dibdib ko. Tumulo na ang dugo sa baba ko dahil sa mariing pagkagat ko sa labi ko. Parang puputok ang mga ugat ko sa sentido at leeg ko. At bago ko hugutin ang huling hininga ko, tunog ng mga putok ng baril at ingay ng mga nagmumurang gulong ng sasakyan sa galit ang narinig ko...