Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 17 - The Best Buddies

Chapter 17 - The Best Buddies

Al's POV

"Rum? Brod?" tanong ko sa bagong upong customer sa bar counter. Tumingin siya sa 'kin at ngumiti.

"Hindi ka pa din nagbabago, Alvaro. Alam mo pa din ang inumin ko."

Napatawa ako nang mahina. "Kapapasok mo pa lang sa entrance kanina, nakilala na agad kita." Inilapag ko ang mug ng Carribean rum sa harap niya.

Daniel Agustin. A comrade. A self-made millionaire. Kinatatakutan bilang isang magaling na miyembro ng isang special ops ng militar noon, at hinahangaan naman bilang isang magaling na negosyante ngayon.

"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito, Dan?" tanong ko at umupo paharap sa kanya. Tinawag ko ang isa sa mga bartender upang palitan muna ako sa pag-eestima ng ibang customer.

"Gusto ko lang kamustahin ka."

"Don't give me that crap. After two decades? Ngayon mo pa naisip na kamustahin ako?" napatawa ulit ako.

Samantalang ngumiti lang siya. "Am I that bad as a friend?"

"Medyo."

Katahimikan.

Parang nahuhulaan ko na kung ano ang pinunta niya dito. "Kung kakamustahin mo ang anak mo, ok lang siya. Isa na ring kilabot ng mga kolehiyala ngayon, tulad mo dati."

Daniel just smiled at nakipagtitigan na sa baso.

"Kailan ka nga pala magpapakita sa kanya." Matagal ko ng gustong itanong 'to sa kanya, ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon.

"No need. Alam kong nasa mabuti siyang kalagayan."

"Ilang taon ka na ring nagsusubaybay sa kanya ng palihim. Why don't you reveal yourself to him and patch things up?"

"May dahilan ako kung bakit ko 'to ginagawa, Alvaro. Ayokong madamay siya sa gulo ng buhay ko."

"Funny, Daniel. Ayaw mong madamay siya sa gulo mo pero kaparehong mundo mo ang tinatahak ng anak mo ngayon."

"Yeah, I know. And that's bullshit! Bakit kailangan niyang sumali sa grupo?!"

Nararamdaman ko ang galit sa boses niya. Mahina lang iyon pero madiin.

"Relax, pare, ayokong mag-alisan ang mga customer ko ngayong gabi." Nakita kong lumipat sa ibang upuan ang mga katabi niya.

Naramdaman 'ata nila ang madilim na aura ni Daniel. "How 'bout Don Marionello? Alam ba niyang nandito ka sa Flaviejo?"

"No. I made sure of that. Walang dahilan para malaman niyang nandito ako."

Tama siya. Alam kong hanggat maaari ay ayaw makipagkita ni Daniel sa matanda. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa personal na dahilan. At wala ring nakakaalam kung anong pwedeng gawin ni Don Marionello kapag nalaman niyang umapak sa bayang 'to ang lalakeng nang-iwan sa nag-iisa niyang anak na babae.

Two rich men.

Dating mag-ama ang turingan sa isa't isa. But because of one's stupid principles, they ended up as rivals. Lalo na pagdating sa negosyo. Kung tutuusin ay alikabok lang sa yaman ni Don Marionello ang narating ni Daniel. Pero kung si Don Marionello ay talagang galing sa mayamang angkan, sipag, talino, determinasyon at madilim na buhay naman ang ginawang puhunan ni Daniel para umasenso pagkatapos iwan ang serbisyo.

Lucky Rion!

Dahil sa laban ng ama at lolo, sa kanya rin mauuwi lahat ng yamang 'yon. Bukod pa sa mga sariling naipundar at mga sinisimulang negosyo galing sa sariling pagsisikap sa edad na 19.

Pero napatunayan kong wala ring halaga ang kayamanan kung mas pipiliin mong ipaglaban ang prinsipyo mo at paghihiganti. Iyon ay sa kaso ng dating buhay ni Daniel at ngayon... kay Rion.

"Mas maganda pa rin kung magpapakilala ka sa anak mo, Dan. Give him a family he deserves and your name. Huwag mong kalimutang apelyido ng matanda ang ginagamit niya?"

Ayokong makialam! Pero hindi iba sa 'kin si Daniel na kapatid na ang turing sa 'kin at ganoon din ako sa kanya.

At lalong hindi iba ang tatlong batang nasa pangangalaga ko. Si Rion at kasama ang dalawa pa na sina Moi at Zilv. Mga batang kinasawaan na yata ang buhay para pasukin ang madahas na mundo. Ang pagkakamali ko ay nang tanggapin ko sila sa grupo. Pero kung hindi ko sila tinanggap malamang wala pa din silang direksyon sa buhay hanggang ngayon.

"Are you asking me na basta na lang sumulpot sa buhay niya and say, 'hey son, I'm your father and from now on we'll start a new happy life!', ganoon ba, Alvaro?" Daniel can't help the sarcasm.

"No. Alam kong hindi ganoon kadali. Pero bakit hindi mo simulan sa pagpapaliwanag sa totoong dahilan kung bakit sinilang siya sa mundong 'to? Ang tungkol sa inyo ni Marinella?"

"And then he'll hate me even more?"

"Accept that. At least it will lessen his burden. Kailan ka ulit susulpot Dan? Kung kailan sirang-sira na ang buhay ng anak mo? At uulitin ko, ayaw mong madamay siya sa magulong mundo mo pero sa mundo mo rin siya pupunta? He will be like you, an old man with his millions living in a dark palace... alone?"

Sinalubong ko ang titig niya. Hindi ko malaman ang iniisip niya. He's infamous for having a poker face and serious eyes.

Mga matang madalas kong nakikita kapag kinakausap ko si Rion. Nakita kong humigpit ang pagkakahawak niya sa baso. Now, his mask is down. I know him so well para isiping tinamaan siya sa sinabi ko.

"Enemies gave the word demons a new meaning. Dumadami sila. At lalong kumakalat. Huwag mong hintayin na tapusin ng mga ulol na 'yon ang anak mo. I know Rion's ability pero hindi mo masasabi ang buhay, Dan. You of all, must know that."

Ang nangyaring biglang pagpatay kay Marinella ang tinutukoy ko at mabilis namang nakuha 'yon ni Daniel base na rin sa pagtiim ng bagang niya.

"At hindi ko rin siya masasabihang tumiwalag sa grupo di ba? Wala akong karapatan." Daniel said helplessly.

It's new for me to see a fearless comrade saying those words weakly. A man in his late forties, all muscled and dignified looking. Pero parang tumanda siya ng ilang taon pagkasabi niyon.

Tinapik ko siya sa balikat. "All you could do is show up. Alam kong may mga pagkakataon na sinusubaybayan mo si Rion para tiyaking ligtas siya, but he is now a grown man, a very responsible man like his father. At hindi kabawasan ang makilala man lang niya ang ama niya di ba? Take the outcome, buddy."

"Ginawa ko ng maayos ang serbisyo natin sa bayan, Daniel and join Don Marionello's group nang mamulat ako sa bulok na sistema ng gobyerno. I killed lots of bad-asses criminals! But it seems like I don't have the balls to face my son."

"Add the miseries when Marinella got killed. Yet you face it with dignity and stand on your feet. Kaya kakayanin mo yan. Huwag mong kalimutan na pinatay din ang asawa ko kailan lang, but the thing that keep me going? I have two wonderful daughters and of course the team na pamilya na din ang turing ko. Think the joy you'll feel when you finally reveal the truth, whatever reaction you will get from him. You can take it all, alam kong mas matapang ka sa 'kin." And I laugh to light up the conversation.

Damn! Pero naaalala ko ang mga pinagdaanan naming dalawa. At kung paano kami binago niyon!

"Am I now?" Daniel smiled that didn't reach his eyes.

I see a broken man in him. At ang pagkasabik sa nag-iisang anak.

Marami na 'kong mga naging customer na nakaringgan ko ng iba't ibang kwento ng buhay. I saw their miseries habang nilulunod ang sarili sa alak. But it's not everyday you will see your best buddy walk in your bar and spill his emotion to you. A true emotion of a tough man like Daniel.

Kung ibang tao siguro ang nakaranas ng mga pinagdaanan ni Daniel, malamang matagal ng sumuko. And I know he does not open that easily to anyone. Kahit sa 'kin na kaibigan niya. Well, it is the second time; the first was when he decided to left Marinella.

"Thanks pal, I'm sorry you waste your time hearing this crybaby." At binuntutan niya yun ng tawa.

"Not a problem, buddy." and we both laughed.

"Uncle, uuwi na po ako."

Napalingon kami pareho sa nagsalita.

Si Dollar.

"Sige mag-ingat ka. Matulog ka nang maaga."

"Okie!" at napatingin siya kay Daniel. "Ahmn, hello po!"

"Hello din sayo, hija." Magiliw niyang sagot.

At lumabas na si Dollar sa backdoor ng restaurant.

"Ivan and Teresa's daughter I guess?" si Daniel mayamaya.

"Yeah. Ang batang niligtas mo sa nasusunog nilang bahay twelve years ago."

"She got Teresa's lovely face."

"At namana naman niya ang katigasan ng ulo kay Ivan."

Napatawa siya. "I wouldn't be surprise."

Nahalata ko ang lungkot sa tawa niyang iyon. Marahil ay naiisip rin niya ang mga masasaya naming pinagsamahan. Kaming tatlo nila Ivan ang matatalik na magkaibigan noon.

Gusto ko sanang sabihin ang kaugnayan ni Dollar sa anak niyang si Rion pero nagbago ang isip ko. Umaasa pa din akong lilipas kung anong nararamdaman ng pamangkin ko sa isa sa mga pinaka-magaling naming asset sa grupo. Dahil hindi ko hahayaang maulit ang nakaraan nila Daniel at Marinella...sa kaso nila Dollar at Rion...

"Kailangan ko ng umalis, Al."

Tumayo na din ako at pinigilan ko ang pagbabayad niya.

"Huwag ka ng mag-abala. It's in the house."

Tumango lang siya at matapos akong tapikin sa balikat ay lumabas na ng restaurant.