Chapter 4 - -03-

KABANATA 3

SUNOD-SUNOD ang ginawang pagkatok ni Angel sa pintuan ng bahay ni Francine. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng malakas na pagkalabog doon sa may loob.

"Sino ba 'yan? Hapon na hapon istorbo." rinig niyang sabi ng kaibigan kasunod ng pag bukas nito sa pintuan.

"Francine!" kaagad niyang niyakap ang kaibigan. Nakatapis lang ito ng tuwalya at nakapusod ang buhok. Habang si Angel naman ay iyak nang iyak.

Naramdaman niya na marahang hinimas ng kaibigan ang kanyang likuran.

"Angel, why are you crying? What happened?" nag-aalalang tanong ni Francine sa kanya.

"S-si Calvin." nauutal na sabi niya. "Nakipag break na siya sa akin." dagdag pa ni Angel.

"Gosh!" usal ni Francine noong marinig iyon. "Halika, tara dito sa loob." kaagad siyang iginaya ng kaibigan at pinaupo sa may kama.

"Sandali lang. Tumahan ka nga! Kukuha lang ako ng tubig at babalikan kita." mabilis na umalis si Francine at iniwan siya doon.

Nagtungo ang kaibigan doon sa gawi ng kusina habang siya naman ay napahalukipkip at pinigilan ang kanyang paghikbi, ngunit ganoon pa man ay tuloy-tuloy pa din na umagos ang mga luha sa kanyang mga mata.

Pinahid niya iyon gamit ang kanyang isang kamay.

Hindi pa din ma-digest ng kanyang utak ang mga pinagsasabi ni Calvin kanina. Hindi na nga niya alam kung paano siyang nakaalis sa lugar na iyon at nakarating dito sa bahay ng kaibigan. Lutang na lutang ang kanyang isipan.

Napabaling si Angel sa kanyang kanan noong bumukas ang pintuan doon na siyang kuwarto ni Francine. Iniluwa niyon ang isang lalaki na kasalukuyang walang pang itaas na damit at tanging boxers lang na kulay pula ang suot.

"Franz, bakit ang tagal mong bumalik." kamot ulong sabi nito. Napabaling sa gawi niya ang binata, bahagya itong napahinto sa paglalakad nang makita siya. "Oh! Angel, bakit ka nandito?"

Halos manlaki ang mga mata nito. Gulat na gulat. Kunsabagay ay maski naman si Francine ay hindi din inaasahan ang bigla niyang pagdating.

"Geoff. May problema kasi ako." tanging nasabi niya naman sa lalaki. Tumango-tango naman ito.

"Ganoon ba?" usal ni Geoff sa kanya.

"Hoy lalaki, pumasok ka nga doon sa loob. My gosh! For my eyes only lang 'yang katawan mo! Hala, sige, gumora ka doon at magbihis." biglang sabi naman ni Francine na kadarating lang at mayroong dala-dalang isang baso ng tubig.

Ngumisi naman ang nobyo nitong si Geoff. "Yes, Franz," bumaling ito kay Angel. "Bihis lang ako saglit, Gel." sabay pasok nitong muli sa loob.

Kaagad naman na tumabi si Francine kay Angel. Inilapag nito ang baso na naglalaman ng tubig. "Bes, uminom ka muna."

"Salamat." aniya sa kaibigan saka uminom.

"Naistorbo ko pa 'ata ang session niyong dalawa ni Geoff, pasensya ka na."

Napatawa naman si Francine nang dahil sa sinabi niya. "Kaya nga, bes. Wrong timing ka naman. Hindi pa nga tapos ang round one, eh." sabay mahinang hampas nito sa kanyang braso. "So tell me, anong nangyari?"

Nagsimulang magkuwento si Angel sa kaibigan. Pinilit niya na kumalma at huwag munang umiyak upang maintindihan siya nito nang maayos.

Sinabi niya na nakipaghiwalay na sa kanya si Calvin at magpapakasal na nga ito sa isang babaeng nabuntis. Kaagad naman siyang dinaluhan ni Francine. Hinayaan lang siya ng kaibigan na ilabas lahat ng sakit na kanyang nararamdaman.

****

ANGEL cancelled the hotel booking and flight papunta sa Siargao. Dahil dalawang linggo pa bago ang confirmation ay wala siyang binayaran na kahit anong fee liban na lang sa airline. Mabuti na din iyon dahil baka masampal lang niya ulit si Calvin. Tama na ang sakit at stressed na ibinigay nito sa kanya at wag ng dagdagan pa ng sakit sa bulsa!

Naaalala pa din ni Angel ang dating nobyo na si Calvin at bumabalik pa din ang sakit. Well, hindi naman ganoon kadali iyon lalo't noong nakaraan lang iyon. Sa katunayan, sa tuwing pumipikit nga ay paulit-ulit niyang naaalala ang mga eksena sa restaurant.

Sinubukan na lang niya na i-divert ang kanyang atensyon kagaya na din ng payo ng kaibigang si Francine. Sa dalawang araw na lumipas ay trabaho, bahay at panunuod lang ng mga movie na pinasa ng ilan sa mga katrabaho ang kanyang ginawa.

Pinilit niyang bumalik sa normal. Iyong siya lang mag-isa. Buhay single.

Hapon at kasalukuyan ng nagluluto si Angel ng makakain at para na din mayroon maibaon sa trabaho noong makatanggap ng tawag galing sa kanyang ina na nasa probinsya.

Pinatay niya muna ang kalan at pinunas ang mamantikang kamay sa kanyang bulsa bago sinagot ang tawag na iyon.

"Hello, Nanay Delia?" masayang sabi ni Angel sa kabilang linya. Hindi niya hinayaan na magmukhang malungkot ang kanyang tinig at paniguradong mag-aalala lang ito. Wala pa namang ideya ang ina na naghiwalay na sila ni Calvin dahil ngayon niya palang ito muling nakausap.

"Angel, anak? Kumusta ka? Nagising ba kita?" mabagal ang pagsasalita ng ina dahil sa matanda na ito.

Kahit alam ni Angel na hindi siya nakikita ay naging sunod-sunod ang pag-iling niya. "Hindi po, 'nay. Maaga kong nagising dahil mayroon kaming meeting bago ang shift. Nagluluto na ko ngayon."

"Ah, ganoon ba?"

"Opo, Nanay Delia. Okay naman po ako, 'nay."

"Mabuti naman kung ganoon, hija. Nanaginip kasi ako kagabi na may nangyari daw masama sa iyo. Kaya inutusan ko si Kuya Bentong mo na tawagan ka agad."

"Okay naman na po ako, 'nay. Huwag kayong mag-alala. Hindi ko naman po pinapabayaan ang sarili ko dito sa Manila."

"Ayan nga din ang sabi ko kay nanay. Pero ang kulit nito, Angge!" rinig niya ang boses na iyon ng kapatid na. Naka-loud speaker pala ang kabilang linya.

"Oo nga nay, makinig ka na lang kay Kuya Bentong."

"Paano, iniisip kasi ni nanay ang sumpa! Eh, di ba? May boyfriend ka naman na. Si Calvin. Siguro nagawa niyo naman na 'yong—"

"Kuya Bentong!" pigil niya sa sinasabi nito.

"Bakit naman? Malaki ka na! Hindi ka na teenager, Angge. Natural na lang sa edad mo 'yong ganitong usapin. 'Yong tungkol sa sex."

"Ewan! Basta, okay naman ako." sabi niya. "'Nay, ayos po ako, wag na po kayong mag-alala, okay?"

"Oo, anak. Hindi lang talaga mapalagay ang nanay. Sa ganyang edad mo. Hinabol na din ako ng mga panganib noong birhen pa ako at hindi pa nag-aasawa."

"Nay, anong taon na. Nasa modernong panahon na tayo. Si Ate Veronica nga din dalaga pa."

"Buntis na ang Ate Veronica mo, anak."

****

MABILIS na dumaan ang mga araw. Isang buwan na ang nakalipas. Isang buwan mula noong maghiwalay sila ni Calvin pero hindi pa din siya nakaka-move on dito. Ang huli niyang balita ay umalis ito papuntang abroad at hindi na nag-abala pang alamin kung ano ang dahilan.

Patuloy pa din ang buhay para kay Angel. Pero mukhang ang buhay ay ayaw ng magpatuloy para sa kanya. Paano ba naman? Ilang linggo na ang nakakaraan noong maging lapitin siya ng mga disgrasya. Mula sa simpleng pangyayari hanggang sa medyo malala na.

Sa ganyang edad mo. Hinabol na din ako ng mga panganib noong birhen pa ako at hindi pa nag-aasawa.

May insedenteng nabangga ng bus ang sinasakyan nilang pamasaherong jeep habang papasok siya sa trabaho. Mabuti na lang at kaagad na naka-preno ang driver ng bus dahil kundi ay siya ang pinakanapuruhan.

Sumunod ay mayroong nangyaring sunog sa dorm na tinutuluyan. Lahat ay nasa labas na, habang siya ay mahimbing na natutulog sa kuwarto. Mabuti na lang ay mayroong fireman ang pumasok at nailigtas siya.

Madami pang nangyari sa kanya at itong ngang huli ay nakaranas siya ng sleep paralysis. Her mind is conscious but she can't move her body.

Tila may kung anong nilalang ang nakahawak sa kanyang magkabilang kamay at mga paa. Sinubukan niyang gumalaw, pero walang nangyari. Sinubukan din ni Angel na sumigaw, pero walang lumalabas na kahit anong tinig sa kanyang bibig!

Pinilit na lang niyang ikalma ang kanyang sarili at isipan. She just pray and pray and pray. Ilang sandali lang ay nakagalaw na siya kung kaya't dali-dali siyang tumalima.

Nang pumasok kinagabihan ay kinuwento niya kay Francine ang nangyari. Kasalukuyan silang nasa may lobby no'n at hinihintay na mag-shift.

Umiling-iling ang kaibigan at malakas na pumalatak sabay sabing, "Nako! Hindi na 'yan maganda! Ang Kuya Ben mo ligtas dahil lalaki. Ang Ate Veronica mo naman ay buntis na. Ikaw na lang ang hindi pa ligtas sa inyong magkakapatid."

"Anong gagawin ko?" tanong ni Angel. Nababahala.

"Ano pa? Eh, di maghanap ka na ng prospect mo, bes!" suhestiyon nito.

"Prospect na?"

"Jusko naman, inday!" nasapo ni Francine ang kanyang noo. "Bes naman! Makipag-date ka. Kailangan mo ng gumawa ng himala."

"Wala akong nagugustuhan. Saka hindi pa ko nakaka-move on kay Calvin, 'no!" gusot ang ilong na sabi ni Angel.

"Kahit crush dito sa opisina wala?"

Inulit nito ang sinabi ni Francine sa kanyang isipan. Crush sa opisina? "Meron."

"Good. Teka! Saglit lang." mabilis na umalis si Francine at pumunta sa locker area. Mayamaya pa'y bumalik ito na may dalang notepad at ballpen.

"You should make a list. Lahat ng lalaki na crush o tipo mo ay dito mo isulat ang pangalan. Tapos iisa-isahin natin sila. Kikilalanin mo, makikipag-date ka, tapos boom boom pow, okay?"