KABANATA 9
IT WAS 6 in the morning, pero hindi agad nakapag-out si Angel dahil mayroon pa silang End of day meeting. Kasalukuyan silang lahat na nasa board room habang ang team leader nilang si Matthew ay nandoon sa unahan. Kuda nang kuda at pinagagalitan sila nang dahil sa mababang stats ng attendance. Absentism at late to be exact.
"Si bekla, akala mo talaga concern. Eh, sa kanya lang naman nagmana 'yong iba dito sa team." bulong sa kanya ng katabing si Ariel. 'Yong nag-iisang beki sa team nila. Ito din ang nagsisilbing clown at nagpapagising sa team tuwing inaantok na sa shift.
Natawa naman si Angel at ilan pang kapwa agent na malapit dito noong narinig iyon. Tama naman kasi si Ariel dahil number one na pala-absent ang TL nila. Kaya minsan ay sinasabayan ito ng ibang ka-team kapag nararamdaman na mawawala ito.
"Paano, nabira na naman kasi siya ng operation manager." mahinang sabi ni Angel.
Nakita niya kasi ang TL nila habang nasa coaching room pagbalik niya galing comfort room. Kausap ito ng OM nila at mukhang hindi maganda ang sinasabi dahil mukhang iniipit at pinainom ng suka ang itsura nito. Hindi maipaliwanag.
"Kaya naman pala." sabi naman ni Jojo na bahagyang sinampal ang sarili para magising. Kagabi pa ang kanilang duty kaya naman wala na sila sa wisyo.
"Are you guys listening?" sigaw ng team leader na si Matthew sa kanilang lahat matapos ang mahabang litanya. Kinalampag pa nito ang lamesa na akala mo, eh, kinagaling nito ang pag talak doon sa harapan.
"Yes, TL." all of them are in unison. Muling nagpaalala ang team leader na huwag silang mahuhuli mamaya dahil mayroon ulit silang meeting. Matapos niyon ay kaagad na silang nag-unahan para lumabas.
"Tapos, mamayang gabi absent na naman 'yan for sure!" eksaheradang pahabol pa ni Ariel noong nasa biometrics na sila. Nagtawanan na naman tuloy silang lahat.
"Bes, breakfast muna kaya tayo sa Jollibee bago umuwi. G ka?" yakag ni Francince noong nasa locker area na sila at kinukuha na ang mga gamit.
Tinignan niya ang orasan na nasa kaliwang bisig. Pasado alas otso na. "Bes, hindi puwede, eh. May pupuntahan pa ako. Saka, kaka-fast food lang natin."
"Sabagay! Saan ka naman pupunta?" tanong ni Francine habang kinakalkal ang shoulder bag at kinuha ang cell phone. Sinabi pa na magbo-book na lang daw ito ng UBER dahil inaantok na at tinatamad na mag commute pa.
"Di ba, nga? Magkikita kami ni Pilgrim ngayon." pagpapaalala niya. Mukhang nakalimutan na nito agad ang pag-uusap nila noong lunch.
Napagsalikop ng kaibigan ang dalawang palad. "Oo nga pala, may date ka! Bakit ba nawala agad iyon sa isipan ko?"
"Hindi 'yon date, baliw ka!" mataray na sabi ni Angel. Bumukas ang elevator at sumakay na sila kasabay ang ilang agent doon.
Muling tinignan ni Angel ang orasan sa kanyang bisig. Nine thirty pa naman ang usapan nila ni Pilgrim at magkikita sila sa isang coffee shop doon sa may Pasay.
Malapit ng mag-alas nuwebe. Mayroon pa siyang thirty minutes. Sa isipan ay inisa-isa niya ang mga istasyon ng MRT mula Ortigas papunta sa EDSA kung saan ang dulo nito. Tinantiya at nalaman na aabot naman siya.
Nang makasakay sa MRT at nasa biyahe ay nag-facebook lang muna si Angel. Medyo kinakabahan siya na makita ang lalaki dahil sa matagal na panahon. Iniisip niya kung paano kaya ang magiging flow ng pag-uusap nila?
Para siyang script writer na gumawa ng conversation sa isipan. Pero agad ding iwinaksi. Ang OA naman na parang scripted. At saka, wala naman siguro siyang dapat na ipag-alala pa dahil base na din conversation nila thru phone ay 'ayos naman.
"Angel, I'm here. Nasaan ka na? Anyway, ingat!" basa niya sa text message na iyon ni Pilgrim. Agad siyang nag reply ng saglit lang bago ibalik ang cell phone sa loob ng bag.
Noong makarating sa EDSA ay mabilis na lumabas si Angel. Para siyang isang atleta na nakikipag-unahan sa ibang pasahero na tila mayroon ding hinahabol. Balyahan kung balyahan na. Wala nga lang siyang masyadong lakas dahil sa antok.
Nakarating din naman agad si Angel sa coffee shop. Pero bago pumasok ay inayos muna niya ang kanyang sarili. Dahil walang suklay at kay Francine lang nanghihiram ay ginamit na lang niya ang sariling kamay at mga daliri ang pinanghawi.
Naglagay din siya ng powder sa mukha at nag-spray ng pabango. Ayaw naman niyang mamukhang ewan at amoy mandirigma sa muli nilang pagkikita ni Pilgrim.
Noong masiguradong ayos na siya ay pumasok na sa loob. Iba't-ibang klase ang nandoon. Mga estudyante, normal at mukhang napadaan lang at hindi nawawala siyempre ang mga taong ginawang opisina ang coffee shop.
Nagpalinga-linga pa si Angel hanggang sa nakita ang nag-iisang lalaki doon sa may bandang dulo. Nakatalikod ito sa may gawi niya pero alam niya na si Pilgrim iyon. She seemed to know by instinct.
Habang naglalakad siya papalapit ay huminga pa siya nang malalim. Bigla na naman siyang na-tense. Ipinaalala sa sarili na hindi kape ang bibilhin niya dahil baka bumulagta siya ng wala sa oras.
"H-hi!" halos pumiyok siya noong sabihin iyon. Nakakahiya!
Kaagad naman na lumingon ang lalaki. Swear to God, Angel was too amazed when she saw Pilgrim right in front of her. Kung guwapo na ito noon, mas lalo pang naging guwapo ang binata ngayon!
"Hey!" cool na sabi nito. Nakita niya pang kinagat ng binata ang ibabang labi na lalo pang nagpalakas sa appeal ng loko.
"Ayaw mong maupo?" muling sabi nito at tumawa ng mahina. Napaka-manly, hindi ganoong malalim pero talagang may dating ang boses nito. Sobrang ganda ng speaking voice ni Pilgrim na sinamahan pa ng pagtawa. Tila kiniliti ng kung ano ang kanyang sinapupunan sa tawang iyon ng lalaki.
Hindi naman umimik si Angel. Agad siyang tumalima at pumuwesto doon sa may bakanteng silya sa harapan ng lalaki. "Hi, again, Pilgrim. Sorry, medyo na-late."
"No problem. Kumusta ka na? Ang tagal na panahon na din simula noong magkita tayo." pag-uumpisa ni Pilgrim. Hindi mawala-wala sa mukha nito ang saya na makita siya. Well, the feeling is mutual. Iba naman talaga ang pakiramdam na makita mo 'yong best friend mo makalipas ang mahabang panahon.
"Okay naman ako, Pilgrim. I'm glad to see you, again."
"Me, as well." saglit itong huminto sa pagsasalita. Mabilis na pinasadahan siya nito ng tingin. "You still look the same. I mean, don't get me wrong, huh?"
"Oo naman! Baliw ka! Order muna tayo? Naka order ka na ba?" tanong niya sa lalaki. She want something to eat. Nagugutom na siya at wala na din siyang masyadong lakas.
"Ako nang bahala."
"Sige, pero huwag mo kong i-order ng coffee based, huh? Medyo sinisikmura kasi ako ngayon." pagdadahilan naman ni Angel sa binata. Tumango naman ito senyales na naintidihan siya.
Pinagmasdan lang niya ang matipunong likuran ng lalaki papalayo sa kanya. Napabuga si Angel ng marahas sa hangin. Nawala na 'yong kaba niya dahil naging 'ayos naman ang usapan nila ni Pilgrim ngayong muli silang nagkita.
Ilang minuto lang din ay bumalik na ang binata bitbit nito ang tray na naglalaman ng mga binile. "I bought chamomile tea and bagels for you." rinig niyang sabi ni Pilgrim.
"Thank you!" masayang sabi naman ni Angel. Nakita niyang inilagay din ni Pilgrim ang binile nitong cold brewed at croissant.
"So, ano naman ang pinagkakaabalahan mo ngayon?" pag-uumpisa ni Pilgrim ng pag-uusapan. Marahan nitong hinahalo ang kape na nilagyan ng sugar syrup.
"I'm working in a call center. Actually, kakagaling ko lang sa work. Tapos may meeting pa before shift kaya medyo nahuli ko ng dating."
Uminom muna ng kape si Pilgrim at no'ng matapos ay saka nagsalitang muli. "Kaya naman pala."
"Anong kaya naman pala? Kaya mukha akong bangag?" aniya, sinabayan pa ng pagtawa.
"Hindi. Kaya ka pala nahuli. It's unusual for you. Palagi ka kasing maaga sa pagkakatanda ko. Anyway, ano nga pala 'yong sasabihin mo sa akin?"