KABANATA 10
BAHAGYANG inayos ni Angel ang suot na salamin sa mata, saka mataman na tinignan ang binata. Hindi niya talaga mapigilan ang makaramdam ng pag hanga habang pinagmamasdan ang lalaki sa kanyang harapan ngayon.
His dark brown hair was messy, mukhang sinabunutan ng ilang babae, ganoon pa man ay bumagay ito sa makinis na mukha. Ang kilay nito ay tama lang ang kapal habang ang pares ng mata naman ay mayroong pagka singkit. Ang ilong nito ay matangos, habang ang labi naman ay natural na mapula.
Tumikhim muna si Angel bago nag-umpisa sa kanyang sasabihin. Bahagya kasi siyang alinlangan. Dapat 'ata ay sa bar na lang niya kinita si Pilgrim. Tipong nakainom na siya ng marami at lasing para may lakas siya ng loob.
"Actually, I have a favor. Kailangan ko kasi ng tulong mo." pinilit niyang huwag mautal. Hindi 'ata nakatulong ang chamomile tea na iniinom para kumalma si Angel at hindi kabahan noong mga oras na iyon.
"Oo nga. Sabi mo nga no'ng nag-usap tayo sa cell phone. Ano nga 'yon?" muling kinuha ni Pilgrim ang baso na naglalaman ng kape, saka uminom. Since the tee he wore was tight, Angel saw his bulging biceps. Pasimpleng na kagat niya ang ibabang labi. Those guns finds her attractive. Ang tigas niyon at mukhang masarap himas-himasin. Ano kayang pakiramdam na mahagkan ng mga braso na iyon?
I guess, it makes me feel safe and comfortable. She thought.
"Pilgrim, gusto ko muna na malaman kung willing ka talaga? I mean, puwedeng mangako ka na papayag ka? Na oo ang isasagot mo sa akin?" seryosong sabi ni Angel.
"Sabihin mo muna kaya kung ano 'yon?"
"Hindi ba no'ng nasa grade school, saka hanggang college tayo, kapag may request naman ako ay ginagawa mo?"
"Oo naman!" nakita niya na napangiti pa ang binata. Mukhang may pumasok na alaala dito hindi nga lang niya alam kung ano.
"'Ayon! Kaya mangako ka na, please? Please, Pilgrim?" pagmamakaawa niya pa sa binata. Kailangan niyang gawin iyon dahil ito na lang ang naiisip niyang huling paraan.
"Hindi naman ako puwedeng magsabi na oo hangga't hindi ko alam. Wala akong ideya. Mamaya hindi pala kita kayang tulungan, di ba?" tugon nito.
"Kaya mo, nasisiguro ko! Kaya nga ikaw ang naisip ko na lapitan, eh. Kasi alam ko na ikaw talaga ang pinaka makakatulong sa sitwasyon ko ngayon. Alam ko na maiintindihan mo ko, kasi, 'di ba? Mag best friend tayo!"
"Oo naman! Mag best friend tayo! Saka, kailan ba kita iniwan sa ere o pinabayaan, 'di ba? Pero kailangan mo munang sabihin sa akin kung ano bang tulong ang kailangan mo?"
Saglit na nag-hari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Pilgrim."
"Angel."
Huminga siya ng malalim. "Makipag-one night stand ka sa akin." diretsong sabi ni Angel kay Pilgrim.
Tawa naman nang tawa ang pangalawa nang dahil sa sinabing iyon ng una. Tuluyang nawala ang chinitong mga mata nito at halos kapusin na ng sariling hininga.
Ilang minuto ang lumipas noong mapansin ng binata na hindi siya tumatawa. Pokerface lang si Angel doon.
Kaagad na tumigil ito at sumeryoso ang mukha. "Wait, don't tell me—"
She cut him off. "Hindi ako nagbibiro!" nakita ni Angel ang biglang pag-iiba ng awra ni Pilgrim. Nagsalubong ang dalawa kilay, namula ang mga tainga at ilang ugat sa sentido at leeg ang lumabas. Galit ito!
"You want me to fuck you? Tang ina! Anong kalokohan 'to?" wika ng binata sa malamig na tono. "Seryoso ka ba diyan, Angel? Kung anu-anong naiisip mo!"
"Ayaw mo? Ayaw mo dahil hindi ako maganda? Hindi ako sexy? Hindi ako pasok sa standard mo pagdating sa mga babae?" hindi maiwasan ni Angel ang makaramdam ng sakit ang isipin na iyon. Naiyukom niya ng kanyang dalawang kamay at pasimpleng kinagat ang ibabang labi.
"Pinagsasabi mo? Hindi sa ganoon, Angel. Wala akong sinabing ganoon." medyo tumaas ang tono ng pananalita ni Pilgrim. Pero ganoon pa man ay nanatili itong kalmado.
"Kung gano'n, bakit ayaw mo, Pilgrim?"
"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Hindi naman 'to katulad noong mga bata tayo. Na kung may request ka at kaya ko ay magagawa ko na. Hindi naman na simpleng pag-akyat sa puno at pagkuha ng mangga ang hinihiling mo." pagpapaliwanag ni Pilgrim.
"Pero madali lang sa 'yo na makipag-one night stand, di ba? Sexpert ka. Diyan ka nga sikat."
"Yes, it was easy for me. But hard, if I do it with you. With my best friend!" tumikhim si Pilgrim. "I'm sorry, Angel. Pero hindi ko iyon kayang gawin."
"Hindi ko alam kung maniniwala ka o hindi. Pero may sumpa sa angkan namin." napansin niya ang pagkunot ng noo ni Pilgrim. Hindi niya alam kung makukumbinsi niya ang binata o hindi. Pero itutuloy pa din niya ang pag kuwento. "Lahat ng babaeng birhen pa hanggang sa pag sapit ng ika-25 anyos ay mamatay. Isa na ako doon, Pilgrim."
"Isang malaking kalokohan!" usal ni Pilgrim. Hindi na talaga ito ngumiti simula noong mabuksan ang ideya na magtalik sila. Mukhang ubos na ang pasensya.
"Hindi naman ako lalapit sa 'yo kung natuloy kami ni Calvin—ex-boyfriend ko. Kung hindi siya nakipag hiwalay sa akin at natuloy kami sa Siargao."
"Then, why don't you find someone else?"
"Ginawa ko. Kay Joaquin, katrabaho ko, pero namatay siya noong araw na magkikita kami para mag-date. Isang buwan mahigit akong na depressed. Iniwan ako ni Calvin, namatay pa si Joaquin. Ilang buwan na lang ang mayroon ako."
"Tigilan mo na 'yong kalokohan na 'to, Angel."
"Sana nga. Sana nga kalokohan na lang 'to lahat." malungkot na sabi ni Angel sa binata. "Kaya nga ako lumapit sa 'yo, kasi ang buong akala ko ay mapagbibigyan mo ako."
"Bakit ako?" hindi mapigilan na itanong ni Pilgrim sa kanya. "Bakit hindi ka makipag-one night stand sa ibang tao?"
Umiling-iling si Angel. "I don't want to. Paano kung may sakit pala ang mga iyon?"
"Paano kung may HIV din ako o AIDS?" First blood.
Saglit siyang hindi nakaimik. Nang makabawi ay muling nagsalita.
"I trust you! Alam ko na malinis ka, dati pa maingat ka na. At hindi lang naman 'yong sakit ang dahilan ko. Natatakot ako. Natatakot ako sa hindi ko kilala." pag-amin niya.
"Paano kung sabihin ko sa 'yo na may girlfriend ako ngayon?" Double kill.
Hindi niya naisip iyon. Nakaligtaan niya ang bagay na iyon!
"Sorry, Angel. I can't help you."