Chapter 7 - -06-

KABANATA 6

SA BUONG buhay ni Pilgrim ay ngayon pa lang siya makakapunta at tutuntong sa kompanyang pag-aari ng kanyang ama.

Sa tuwing sinasama siya nito noon ay madalas na tumanggi si Pilgrim. Mas gusto niya pang matulog na lamang sa unit niya o di kaya ay mag bar hopping kasama ang barkada.

Ganoon pa man ay hindi nagalit ang kanyang ama, bagkus ay sinabi pa nitong naiintindihan siya sa kanyang nais. 'Ayos lang daw sapagkat napagdaanan din nito ang mga kalokohang kanyang ginagawa.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi na siya kailanman pinilit o sinabihan pa ng kanyang ama ng kahit na ano tungkol sa opisina. Kung kaya't ngayon ay nagtataka si Pilgrim kung bakit pinapapunta siya nito.

Baka ngayon niya na ko pipilitin na mag-trabaho? sa isip-isip niya habang binabaybay ang daan papasok sa loob ng malaking gusali.

Dalawang lalaki ang kaagad na sumalubong kay Pilgrim. Kapwa nakasuot ang mga ito ng kulay itim na American suit. They both escort him to the elevator. Karamihan ng empleyadong nandoon sa may lobby pati na rin sa hallway na nadaanan nila ay nakatingin sa kanya.

Hindi naman pinansin ni Pilgrim ang mga 'yon at nagpatuloy lang sila hanggang sa makarating sa pinaka huling palapag kung saan ang opisina ng kanyang ama.

Pagdating doon ay kaagad siyang pumasok sa loob. Naabutan niya ang kanyang ama na kasalukuyang nakaupo sa office table nito habang mayroong kung anong ginagawa sa laptop na nasa harapan.

"'Pa." pagpukaw ni Pilgrim sa atensyon ng kanyang ama. Kaagad naman itong bumaling sa kanya, saka ngumiti.

"Glad you are here." anito, inutusan ang dalawang lalaki na nag escort sa kanya at sinabing iwan muna silang dalawang mag-ama.

"Anong mayroon 'pa, at bakit mo ako pinatawag at pinapunta dito?" tanong ni Pilgrim. Tumungo siya sa bakanteng upuan sa harapan ng kanyang ama upang maayos silang makapag usap.

"Pilgrim, anak. I just want you to handle my bar." diretsong sabi ng kanyang ama.

"Seriously?" sagot niya.

"Yeah. I can't handle it anymore. Masyado na kong madaming inaasikaso dito sa kompanya. At saka ayoko din naman iyong ibenta, that's why I'm asking you to manage the bar."

"Is that what you want?" muling tanong ni Pilgrim.

"Is that okay with you?" pabalik na tanong naman sa kanya nito.

Tumango naman si Pilgrim. Sumang-ayon sa gusto ng ama. "Yes. It's fine. After all, JaKen bar is one of the best and famous bar here in Makati."

"Yeah. And I want you to be responsible, anak. Kahit na hindi dito sa kompanya. So I guess it's a deal?" nakangiting sabi sa kanya ng ama.

"Deal." aniya.

Matapos ang pag-uusap na iyon ay sandaling nagkuwentuhan lang sina Pilgrim pati na rin ang kanyang ama. Ikinamusta niya dito ang kanyang ina na halos isang linggo niya ng hindi nakikita.

"Minsan ay pumasyal ka sa bahay anak, hindi 'yong palagi ka lang nasa unit na ibinigay namin sa 'yo." sumang-ayon naman siya bago nagpaalam sa kanyang ama na aalis na.

Habang nasa biyahe pauwi ay nakatanggap ng tawag si Pilgrim mula sa isa niyang pinsan. Isinuot lang niya ang bluetooth ear phone, saka sinagot ang tawag.

"Ranch Javid Song." nakangiting sabi ni Pilgrim. "Anong sa atin ngayon?" dagdag niya pa.

"What's with you? Hobby mo na talagang tumawag ng buong pangalan, huh?" hindi man nakikita ay bakas sa tono ng pinsan na si Ranch ang iritasyon. He knew that his cousin didn't want to be called by his full name.

"Alam mo, Ranch. You don't need to hate your name." pang-aasar niya pa dito.

"I don't!" mabilis na sagot naman ni Ranch sa kabilang linya. "Kasing guwapo ko ang pangalan ko. It's just that, I'm not used to it." dagdag pa nito.

Bahagya siyang natawa. "Why are you suddenly called?"

"I am planning to open a branch there. In Manila. Tumawag ako para magtanong sa 'yo kung mayroon ka bang alam na puwesto para pagtayuan ng business ko." wika nito.

Ranch owned a bakery shop na kilala sa buong Vigan. Minsan na rin itong na i-feature sa isang television magazine ng isang kilalang television network sa bansa. Nang dahil na din sa masasarap at kakaibang lasa ng mga tinapay at cake.

"Ah, yes I have. I know a place somewhere in Pasay. You can check it later, I will send the exact location to you via email." sagot naman ni Pilgrim sa kanyang pinsan.

Inihinto niya ang sasakyan noong nasa tapat na siya ng isang condominium. Bumaba na siya sa kanyang kotse matapos na i-park nang maayos ang sasakyan.

"Sige pre, I need to go." rinig niyang pagpapaalam ni Ranch.

Ibinaba naman na ni Pilgrim ang tawag. Tinanggal ang bluetooth ear phone sa kanyang tainga, at saka nagsimulang maglakad. Awtomatikong bumukas naman ang salamin na siyang nagsisilbing pinto papasok sa loob ng condominium.

Dire-diretso siyang pumunta sa elevator at sumakay papanhik sa kanyang unit. Mula sa relo na nasa kaliwang bisig ay tinignan ni Pilgrim ang oras.

"Nine thirty." mahinang sabi niya sa kanyang sarili.

Noong bumukas ang elevator sa floor kung saan ang kanyang unit ay lumabas na siya at nagtungo doon. Pinindot lang niya ang apat na pin upang bumukas ito.

Akmang papasok na siya sa loob no'ng mayroong tumawag sa kanyang pangalan. Nang balingan ng tingin ay nakita niya ang dalawang lalaki na papalapit at huminto sa kanyang gilid.

"Sir, Pilgrim?" patanong na sabi ng isang lalaki. Nakasuot ang mga ito ng kulay itim na jacket at maong pants na mukhang uniporme ng mga ito. Sa tabi ng dalawa ay mayroong isang malaking kahon.

"Oo ako nga." sagot ni Pilgrim dito. "Bakit?" dagdag niya pa.

"Package po para sa 'yo." inabutan siya ng isang lalaki ng form at sinabing i-fill up niya ang mga importanteng nandoon.

Noong matapos ay nagpasalamat siya sa dalawang lalaki. Binigyan niya din ang mga ito ng pera para pang meryenda.

Ipinasok na ni Pilgrim ang malaking kahon sa loob ng kanyang unit.

***

NAGISING si Pilgrim sa malakas na tunog ng kanyang cell phone na nasa may gilid ng kama. Nakapikit na kinapa niya iyon at noong makuha ay pinindot ang answer button bago ito itinapat sa may tainga.

"Hello? Sino 'to?" naghihikab na sabi niya mula sa kabilang linya.

"Bakit ang tagal mong sagutin?" rinig niyang sabi nito. Kahit na hindi nakita kung sino ang tumawag ay alam niyang ang kaibigan na si Alvin ito base na rin sa boses.

"Natutulog pa ko. Ba't ba napatawag ka? Ang aga-aga pa, eh!" asar na sabi ni Pilgrim. Tumagilid siya ng higa at saka nagtalukbong ng kumot.

"I woke up in bed—" halos pasigaw na sabi ni Alvin sa kanya.

"Natural. Saan mo gustong magising? Sa may kalsada?" tanong ni Pilgrim.

Seriously tumawag lang ba siya sa akin para sabihing nagising siya sa kama?

"Pero bakit ako nakahubad?!" sabi ni Alvin. "Ano bang ginawa niyo sa akin?" bigla ay napadilat si Pilgrim nang maalala ang ginawa nila ng kaibigang si Jethro kay Alvin kagabi.

Hindi man nakikita ay alam niyang inis na inis na si Alvin ngayon. Natatawang bumangon si Pilgrim mula sa pagkakahiga, at saka tuluyang naupo sa may kama.

"Bakit? Anong nangyari sa 'yo? Nag-enjoy ka ba?" tumatawang sabi niya sa kaibigan.

Pilgrim is one hundred percent sure that Alvin's face is now turning red! Knowing his friend, baka parang bulkan na ito ngayon na nais sumabog nang dahil sa ginawa nilang tatlong kaibigan sa kanya—No, silang dalawa lang pala ni Jethro. Wala naman kasing pakialam ang isa pa na si Giacamo dahil may sariling mundo ang isang iyon!

"You planned all of this, don't you?" sabi ni Alvin. Hindi na napigilan ni Pilgrim ang malakas na pagtawa.

Siguro ay kung puwede lamang na pumasok si Alvin sa loob ng telepono para lamang masapak siya ay kanina pa nito ginawa!

"Relax ka lang. Hindi mo ba nagustuhan ang treat namin sa 'yo? You just had your first sex with the hottest girl in town."

Tuluyan nang tumayo si Pilgrim. Dumiretso siya sa comfort room at naghilamos ng kanyang mukha.

"First sex?" hindi makapaniwalang sabi ng kaibigan na nasa kabila pa ring linya.

"Huwag mong sabihin na sa sobrang sarap ay nakalimutan mo na! Ang suwerte mo nga at nakipag cooperate sa amin si Vineka, eh!"

Pinunasan ni Pilgrim ang basang mukha gamit ang sando na suot. Bahagya niyang sinipat ang mukha sa salamin.

"Vineka?" pag-uulit pa ni Alvin sa sinabi niyang pangalan.

Tumango-tango naman si Pilgrim kahit na alam niyang hindi naman siya nito nakikita. "Vineka Mateo. Still remember her? The famous hot chick back when we were college? She's still so damn hot like she used to be."

Lumabas na ng comfort room si Pilgrim at muling bumalik sa kama niya. Naghintay siya ng sagot ng kaibigan. Tinignan niya ang cell phone at nasa linya pa din naman si Alvin.

"Hey nerd! Are you there?" pagtawag ni Pilgrim.

"Sige, Pil. Ibababa ko na." rinig niyang sabi nito.