Chapter 9 - -08-

KABANATA 8

"TOTOO ba 'yan, Angge?" pasigaw na sabi ng Ate Veronica niya. Kasalukuyan silang magka-video call na dalawa. Gusto daw kasi siyang makita ng kapatid para malaman ang kalagayan. Nanaginip daw ito na mayroong nangyaring masama at nasa bingit na ng kamatayan ang kanyang buhay.

Nang aminin at sabihin niya na single na siya tatlong buwan na ang nakakaraan ay halos magimbal ang kanyang Ate Veronica. Tinanong siya nito kung birhen pa siya at nang sabihin na, Oo ay ganoon na nga ka-OA ang naging reaksyon nito.

"Jusmiyo ka! Mapapaanak ako ng maaga nang dahil sa 'yo!" mula sa screen ay nakita niya ang kapatid na marahang hinihimas ang medyo malaki na nitong tiyan. Nag-enhale at exhale din ito na parang nagle-labor na.

"Kumalma ka nga! Ang OA mo, huh?" salubong ang dalawang kilay na sabi niya. Ginawa niyang number three ang electiric fan kung saan nakatutok ang mahaba niyang buhok na kasalukuyang pinapatuyo.

"Paanong kakalma? Limang buwan, Angge! Limang buwan na lang at beinte singko ka na!" tumikhim ito. "Ang tagal niyo ni Calvin, pero hindi niyo nagawa iyon?"

"Eh, sa hindi pa nga ko ready that time. Saka malay ko ba na hihiwalayan ako na sira ulong 'yon?!" parang gusto niyang manampal ngayon at ang ate niyang madaming tanong ang uunahin.

"Isang linggo bago ako mag-25 noon ay talagang nakipag chukchakan na ko. Tamo, sa dinami-dami ng mga lalaking nagkakandarapa sa ate mo ay kay Polo lang ako napunta. Hindi na ko naging choosy."

"Mabait naman si Kuya Polo!" Pag-alma ni Angel dito. Kilala niya ang nakatuluyan ng kapatid. Isa itong kagawad sa barangay nila doon sa Antique. Mabait ito at matulungin sa mga nangangailangan. May itsura din si Polo at matipuno. Magpapa-buntis ba ang ate niya kung hindi nito natipuhan?

"Pakayabang kaya no'n!" nakita niya pang ngumuso ang Ate Veronica niya. Feeling cute, eh, mukha naman na itong baboy dahil sa taba. Malaki at namamaga ang ilong.

"Ang pangit mo! Huwag ka ngang ngumunguso." saway ni Angel. Natapos na siyang magpatuyo ng buhok at inihagis na lang ang tuwalyang ginamit sa kung saan.

"Heh! Ganito talaga, nakakapangit kapag buntis. Pero kapag nanganak ako maganda na ulit ako! Palibhasa ikaw ang chaka! Chaka mo!"

"Okay. Bye!" inirapan niya pa ang kapatid.

"Angge, sinasabi ko sa 'yo, ha? Limang buwan. Hindi sa tinatakot kita, pero natatandaan mo si Tiya Magdalena? Namatay siya sa edad na twenty five."

"Namatay si Tiya Magdalena kasi nagkaroon ng komplikasyon sa baga. Second hand smoke. Paano ang tatay natin na kapatid niya ay sige sa sigarilyo!"

'Ayon naman talaga ang totoo. Ang sabi ng doktor, namatay ang kanyang tiyahin dahil sa komplikasyon sa baga. Mahina din daw kasi ang resistensya nito at nasa lahi din nila ang asthma.

"Siyempre, hindi naman naniniwala ang mga doktor sa mga sumpa-sumpa. Puro aral lang sila ng medesina. Sige, ikaw? Paano mo ipapaliwanag na sa mismong birthday ni Tiya Magdalena, mismong araw na ika-25 niya namatay."

Hindi naman na umimik pa si Angel. Ano pang sasabihin niya? Eh, maski siya ay hindi rin alam kung anong isasagot.

"Wag ka na lang muna maingay kala nanay at kuya."

"Oo! Dahil baka sumugod ang dalawang iyon diyan sa Maynila kapag nagkataon. Saka baka mapaaga pa si nanay sa pag-aalala sa 'yo."

"Papasok na ko. Alagaan mo sarili mo pati 'yang baby mo. Matulog ka na." pagpapaalam ni Angel sa kanyang Ate Veronica.

Nakita niya naman na tumango ito. "Basta, Angge, ha? Gawan mo agad 'yan ng paraan. Prevention is better than cure ika nga nila."

****

"ENLIGHTEN me, bes. Sino itong Pilgrim na 'to at paano mo siyang nakilala at naging best friend?" tanong ni Francine sa kanya. Break time at wala silang baon pareho kaya sa isang fast food na lang sila nagpunta sa baba lang ng building ng pinapasukan.

Naikuwento ni Angel na mayroon ng pupuwedeng makatulong sa kanya. Sinabi niya kay Francine na nakausap niya na ang binata kanina at pumayag na magkita sila bukas ng para makapag kumustahan.

"Ah, si Pilgrim?" patanong na sabi ni Angel. "Kaklase ko siya noong grade school hanggang college. Sa totoo lang hindi ko na matandaan kung paano kaming naging mag best friend dalawa. Ang tagal na panahon na kasi."

"May picture ka ba? Patingin nga ako." inilahad pa ni Francine ang kamay nito sa harapan niya. As if, sinasabing iabot ang cell phone niya dito at ipakita ang binata.

"Wala akong latest picture niya. Tagal na nga naming hindi nagkikita, di ba? Pero ang alam ko sa album ko sa facebook, meron kaming picture noong graduation. Teka! Sandali at hahapin ko." kaagad na kinuha ni Angel ang cell phone sa kanyang bulsa. Binuksan ang data at pumunta sa social media account na Facebook.

Tahimik lang niyang hinanap ang album kung saan mayroon silang litratong dalawa ni Pilgrim. Habang ang kaibigan naman ay nagpatuloy sa pagkain at tahimik na naghintay.

Hindi kalaunan ay nakita na nga ni Angel ang sinasabing larawan. "Ito, nakita ko na!"

Inabot niya kay Francine ang cell phone at kaagad naman nitong tinignan. "Best friend mo 'to? Siya talaga si Pilgrim?"

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Bes, ang pogi! Pota ka! Bakit hindi mo 'to ginawang jowa? Kung nakilala ko 'to noon pa, jojowain ko 'to at hindi totropahin!" halos ilapit pa sa sariling mukha at pinagkatitigan ni Francine ang larawan. She also overheared her friend na sinabing ang sarap daw nito ang mukhang malaki.

Hindi naman masisisi ni Angel ang babae. Talaga namang guwapo si Pilgrim. Ganoon pa man ay hindi niya ito nagustuhan.

Una, masyado pa silang mga bata noong grade school. Nang mag-high school naman ay puro lang aral ang ginawa niya habang si Pilgrim ay nagsimula ng mabarkada. Major turn-off din para kay Angel ang ugali ng binata noong nasa kolehiyo na.

"Sa tingin mo ba papayag 'to sa ideya mo na bigyan ka niya ng experience?" tanong ni Francine na hindi pa din binabalik sa kanya ang cell phone na pag-aari.

"Hindi ko alam. Pero tinaguriang womanizer 'yan noong college. Halos kalahati nga 'ata ng populasyon sa eskuwelahan ay naka-one night stand niya o hindi kaya ay no'ng mga naging tropa niya."

Ibinalik na ni Francine ang kanyang cell phone. "So may tendency nga. Pero feeling ko din naman ay papayag talaga 'yang kaibigan mo na 'yan."

"Sana." mahinang sabi ni Angel. Medyo nababahala na din siya at nagdudulot na ng stressed at pressure sa kanya ang tungkol sa sumpa ng kanilang angkan. Totoo man 'yon o hindi.

Nang matapos silang kumain ay mabilis silang umakyat sa floor ni Francine. Mayroon pa silang thirty minutes bago matapos ang break, kaya itinambay na lang nila ito. Nanuod lang sila ng mga vines at kung anu-anong mga parody sa Youtube.