(kinabukasan)
Pagpasok ko palang sa school gate ay sumalubong agad sakin si Chand. Kaya napairap nalang ako.
"Good morning" Bati niya sakin, bakit pagkatapos ng nangyari kahapon ay nagawa pa niya akong batiin at ngitian?
"Ano na naman bang kailangan mo sakin?" Asik ko sa kanya.
"Excuse me pwedeng tumabi kayo? Ang aga aga dito pa kayo sa tapat ng school gate nagsusuyuan" Masungit na sabi ng isang baklang estudyante kaya hinila ako ni Chand papunta sa gilid.
"Thank you" Nakangiti niyang sagot na ikinataka ko.
"Para saan?" Pagtataka kong tanong sa kanya.
"Inaccept mo yung friend request ko" Nakangiti pa din niyang sagot. Ang weirdo naman nitong lalaking ito.
"I never thank anyone who accepted my friend request so why thanking me?" Tanong ko sa kanya at napadilat ng malaki ang medyo may kasingkitan niyang mata.
"Nag-ienglish ka pala eh" Masyado naman ata siyang nabigla?
"Second language natin ang English at more on English language ang subjects namin" Pagdadahilan ko sa kanya.
"Anong strand mo ba?" Tanong niya sakin at napataas naman ang kilay ko.
"Hindi tayo close para sabihin ko ang lahat ng detalye sa sarili ko" Sagot ko sa kanya. Bigla naman niya akong hinila palapit sa kanya kaya nagulat ako. Sino ba namang hindi?
"Ayan close na tayo so anong strand mo nga?" Tanong niya sakin. Hindi naman ako makagalaw dahil ang lapit namin.
Nagulat naman ako ng biglang may humila sakin.
Ang kamay na 'to...
Tumingin ako sa may ari ng kamay na humila sakin...
Tama nga ako...
"Hindi kita kilala, hindi ka din kaklase ni Fan, hindi din kita nakikita sa building namin at hindi ka senior high pero bakit ang higpit ng hawak mo kay Fan?" Asik ni Eros kay Chand. Naguluhan naman ako sa mga sinabi ni Eros.
"Excuse me bro kilala ako ni Fan" Sagot ni Chand.
Hinihintay kong tumingin sakin si Eros para alamin kung totoo nga pero hindi niya ginawa.
Nakatitig lang siya kay Chand at nakahawak pa din siya sa pala pulsuhan ko.
"Hindi ka pa pinapakilala at nakukwento sakin ni Fan kaya alam kong hindi kayo magkakilala" Asik ni Eros.
Medyo kinilig naman ako knowing Eros cares to who's around me.
"Teka boyfriend mo ba siya Fan?" Tanong sakin ni Chand at tumingin sakin si Eros.
Magsasalita na sana ako ng unahan naman ako ni Eros.
"Nanliligaw ka ba sa kanya?" Tanong niya kay Chand at tumingin ako kay Chand.
"Shut up si Fan ang tinatanong ko" Sagot naman ni Chand at napabitaw na sakin si Eros. Agad ko naman siyang hinawakan senyales na 'wag niya ituloy yung binabalak niya.
"Hindi ko siya boyfriend" Sagot ko na nagpatahimik sa kanilang dalawa.
"Tara na malelate na tayo" Aniya ni Eros na nakatuon pa din ang tingin kay Chand.
"Matuto kang rumespeto sa mga senior mo 10th grader" Asik ni Eros kay Chand atsaka umalis.
Wala na akong sinabi kay Chand at tanging tingin nalang ang naibigay ko bago ko sundan si Eros.
Habang paakyat kami sa building namin ay walang umiimik saming dalawa.
Nauuna si Eros sakin, kahit nakatalikod siya alam kong nakabusangot na naman siya.
Malapit na kami sa homeroom ko kaya kinausap ko na siya.
"Eros" Pagtawag ko sa kanya.
"Hmm?" Sagot niya sakin.
"Pano mo nasabing Grade 10 lang si Chand?" Tanong ko sa kanya atsaka siya huminto at humarap sakin.
"Pedo" Asik niya sakin na ikinataas naman ng kilay ko.
"Anong sinabi mo?" Naiinis ako sa sinabi niya.
"Grade 10 pala ang gusto mo ah" Ngumisi siya, yung ngising pang asar.
"What the... Hindi ko siya gusto at hindi siya Grade 10" Asik ko sa kanya at tumuloy na ako sa paglalakad. Narinig ko naman na tumawa siya at sinundan ako.
"Sure ka hindi yun Grade 10?" Tanong niya sakin na nang aasar talaga.
"Wala akong pake kung Grade 10 siya o hindi basta ang gusto ko maging payapa na ang buhay ko" Inis kong sabi sa kanya at bigla naman niya akong in-armlock.
Tinapakan ko ang paa niya para makawala ako.
"Taena papatayin mo ba ako?!" Asik ko sa kanya habang inaayos ang uniform ko.
"Sabi mo gusto mo na maging payapa buhay mo kaya papatayin nalang kita para wala ka ng problema" Natatawa niyang pagdadahilan sakin.
Akma ko na sana siyang susugudin pero pinaglihi ata siya kabayo at ang bilis niyang tumakbo.
Hindi ko na siya hinabol dahil medyo malayo ang homeroom niya sa homeroom ko pero iisang building at floor lang kami.
Napaisip naman ako bigla sa nalaman ko. Grade 10 lang ba talaga si Chand?
Pag dating ko sa room ay wala pang teacher at konti palang ang nasa room.
Binuksan ko ang Facebook ko at inistalk ang account ni Chand.
Ni isa ay wala kaming mutual. Ni isa din sa mga friends niya ay wala din akong mutual.
Napansin ko ding mahilig nga siya kumuha ng litrato lalo na ng mga arts.
Mahilig din siya sa mga hayop.
Pansin ko din na hindi siya mahilig kumuha ng litrato ng mga tao at ng sarili niya.
Medyo misteryoso siyang tao.
Kakastalk ko sa account niya ay may nakita akong album na may title na "Un Bel Viso" at meron itong tatlong picture.
Pictures siya ng iba't ibang anggulo ng pag-ngiti ng iisang babae.
Girlfriend niya siguro ang babaeng ito.
Tinignan ko kung sino siya pero walang naka-tag sa pictures na yun kahit comment at like ay puro mga lalaki lang ang nandun ni isang babae ay wala.
Sumagi naman sa isip ko na baka bakla ang nasa picture...
Bigla namang nagchat sakin si Chand.
Actually, kagabi pa siya sakin chat ng chat. Panay ang kulit niya sakin na sumulat nga ulit ng tula pero siniseen ko nalang ang mga messages niya.
Ngayon naman ay iba ang minessage niya.
Chand Suarez:
Tingin ka sa bintana
Agad naman akong tumingin pero wala akong nakitang iba.
Chand Suarez:
Hindi jan
Napakunot naman ako baka pinagloloko lang ako ng lalaking ito.
"Fan may nagpapabigay" Nagulat naman ako ng biglang sumulpot sa harap ko ang isa kong kaklase at iniabot sakin ang notebook ko na binigay ko na kay Chand.
"Pinaabot sakin nung lalaki dun sa labas" Dagdag pa niya.
"Ahh thank you" Pagkasabi ko noon ay lumabas agad ako pero wala akong Chand na nakita.
Chand Suarez:
Basahin mo lahat ng sticky notes sa bawat page ng notebook mo :>
Fan Tasia:
Ano na naman ba 'to??
Chand Suarez:
Basahin mo muna lahat ng nasa sticky notes
Fan Tasia:
Ano bang trip 'to??
Lumipas na ang limang (subjects) period namin ay hindi pa din ako nirereplyan ni Chand. Wala kami masyadong ginawa ngayon dahil first week palang ng pasukan namin at second day palang kaya binasa ko nalang ang mga pinapabasa sakin ni Chand.
Hindi ko magets ang mga nasa sticky note dahil mga letter lang ito.
Nang matapos ko na makita ang mga nasa sticky notes ay binasa ko ang pinaka nasa huling page ng notebook na sentence naman na ang nakalagay.
"Alam kong kaya mong magsulat ulit ng tula, may nawala lang sayo kaya hindi mo magawa. Tutulungan kitang mahanap ulit ang nawala mo"
Napaisip naman ako kung ano ang nawala sakin para huminto sa pagsulat ng tula.
Bigla namang nagchat si Chand
Chand Suarez:
Maghihintay ako sa Mini People's Park hanggang 6 :>
Binalikan at binuo ko ang mga letra sa sticky notes ng kada page ng notebook ko at eto ang nabuo ko...
KUNG AYAW MONG MAGSULAT NG TULA TURUAN MO AKO
Anong kalokohan 'to Chand?