[Fan's POV]
"Good morning Fantasia" Nagulat ako ng biglang sumulpot so Chand sa harap ko habang naglalakad ako papunta sa building namin.
Tinanggal ko ang earphones ko sa tenga ko.
"Ano na naman ba?" blanko kong tanong sa kanya.
Iniabot niya sakin ang isang notebook at ballpen.
"Aanhin ko naman yan? madami akong notebook at ballpen" Aniya ko sa kanya at bumusangot naman ang mukha niya.
"Nangako ka na tuturuan mo ako magsulat ng tula diba?" Tanong niya sakin na parang maamong pusa.
"Sa pagkakaalam ko hindi ko sinabing pangako" Sagot ko sa kanya at mas bumusangot siya.
"Hindi ka man nangako pero sinabi mo, tuparin mo pa din" Sagot niya sakin na parang maiiyak na.
"Busy ako. Uuna na ako" Akma na sana akong aalis ng may sabihin siya pero hindi ko klarong narinig.
"Anong sabi mo?" Tanong ko at humarap ulit sa kanya.
"Pare pareho lang kayo. Pagkatapos niyo makuha yung gusto niyo bigla nalang kayong iiwas na parang wala kayong pinangako" Asik niya sakin na ikinabigla ko naman.
Lumapit akong muli sa kanya dahil nakatingin samin ang mga kasabay naming estudyante maglakad.
"Chand, ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi ko nga kayang magsulat ulit ng tula" Marahan kong pagpapaliwanag sa kanya.
"Kaya nga ako nandito para tulungan ka magsulat ulit ng tula, kaya nga ako nagpapaturo, hindi mo maintindihan?" Asik niya sakin at nagpantig lang ang tenga ko sa narinig ko.
"Sige para matapos na 'to. Maghahanap ako ng magtuturo sayo. Malelate na ako" Saad ko sa kanya at umalis na.
"Pero ikaw nga ang gusto ko" Sigaw niya sakin at napatingin sakin ang mga kasabay ko maglakad.
Napapikit naman ako at tsaka nagmadaling maglakad.
Habang nagmamadali akong umakyat ng building namin ay bigla naman akong hinila ni Eros.
"Madaling madali? Anong oras palang oh" Pagpigil niya sakin at napabuntong hininga nalang ako.
"Oh ang aga aga nakasimangot ka" Inalis ko nalang ang kamay niya sa braso ko.
"Hinarang ka na naman ba ng Grade 10 na yun?" Tanong niya sakin at mas napabuntong ako ng malalim.
"Ano bang meron kayo? At lagi ka niyang sinusundan?" Tanong niya sakin at nagpahangin muna ako.
Sumunod siya at tumabi sakin habang hinihintay ang sagot ko.
"Gusto niyang turuan ko siya magsulat ng tula" Sagot ko sa kanya.
"Ha?" Bigla siyang napaharap sakin kaya tinignan ko siya.
"Hindi ka ba nakapaglinis ng tenga mo? o binge ka na?" Masungit kong asik sa kanya.
"Ahh kaya ka high blood kasi kinukulit ka niya na makipag date no?" Ako naman ang nabigla sa sinabi niya.
"Tula sinabi ko diba? Ang layo ng tula sa date" Asik ko sa kanya.
"Malayo talaga yun kase yung date, petsa diba?" Tumingin lang ako sa kanya ng masama.
"Ang korni mo hindi ka nakakatulong" Asik ko sabay irap at alis.
"Hoy wag ka muna umalis minsan na nga lang tayo magkita dahil jan sa manliligaw mong grade 10" Hinila niya ako pabalik pero nakasimangot pa din ako.
"Hindi ko nga siya manliligaw!" Inis kong asik sa kanya at tumawa lang siya.
Hinahigh blood ako lalo dahil sumasabay pa sila sa sakit ng puson ko.
"Eh bakit ka nga niya kinukulit?" Seryoso niyang tanong sakin.
"Eh ayaw ko" Naiinis kong sagot sa kanya.
"Sabagay di ka naman mahilig dun diba? Ang boring ng tula eh" Natatawa niyang sabi.
Ako naman ay hindi natutuwa.
Sinamaan ko nalang siya ng tingin at umalis.
Kahit siya na inaalayan ko ng mga tula ko ay hindi alam na mahilig ako sa tula...
Umaasa pa naman ako na kahit kaibigan niya lang ako ay alam niya na mahalaga sakin ang mga tula...
Boring?
Kapag nalaman niya pala na nagsulat ako ng mga tula at para sa kanya yun ay boring na ba ako?
Sabi na nga ba, kung binigay ko ang mga tula ko sa kanya ay baka nasa Smokey Mountain na ang mga iyon.
(breaktime)
Nandito ako ngayon sa CR at iniinda ko ang sakit ng puson ko dagdag pa ang kahihiyang nararamdaman ko after kong mahimasmasan.
Ang OA ko.
Hindi ko alam kung paano ko papansinin si Eros.
At si Chand.
Ang drama ko kanina!!
Sa bawat pag-aalala ng mga nangyari kanina ay sabay naman ng pagbulwak.
Nakakinis!
Naiinis ako sa sarili ko!
Matapos kong mahimasmasan ng konti ay lumabas na ako sa CR at didiretso na sana ako sa canteen pero naalala ko na nandun si Eros.
Hindi ko alam kung paano ko siya iaapproach.
Habang naglalakad ako dahan dahan ay nakahawak ako sa puson ko dahil sumasakit pa din.
Butis nalang at konti lang ang mga naglalakad ngayon sa hallway.
Minsan kasi aakalain mong building ito ng mga elementary dahil may mga grade 11 pa din na nagtatakbuhan.
Napapayuko na ako sa sakit.
Tinatawag ako ng clinic pero ayaw ko naman dun dahil lalaki ang doctor at masungit naman yung nurse.
Baka sabihan pa akong nagiinarte lang para di pumasok sa klase.
Nang iangat ko ang ulo ko dahil isang room nalang ay room na namin ang kasunod ay nabigla naman ako.
Si Eros nasa tapat ng pinto ng room namin.
Tatawagin ko na sana siya pero napahinto ako ng makita ko si Chand.
Magkausap sila.
Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa nangyari kanina.
Hindi ko alam kung paano ko sila iaapproach at kung sino unang kakausapin ko.
Mukhang no choice ata ako.
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad para pumunta sa clinic.
"Fan" Napatigil naman ako ng marinig ko ang pangalan ko.
Wala akong nagawa kundi humarap sa kanila.
Nginitian ko lang sila.
"Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Eros sakin.
Umayos ako ng tayo at umiling.
Lumapit naman sakin si Chand.
"Masakit ba tiyan mo? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Tanong sakin ni Chand.
"Hindi na ayos lang ako" Pagtanggi ko kay Chand.
Lumapit na din si Eros.
"Oh" Inabot niya sakin ang isang plastic bag.
"Ano 'to?" Awkward kong tanong sa kanya.
"Gutom lang yan bata wag kang mag-alala jan malakas pa yan para pumunta sa clinic" Pa cool na aniya ni Eros kay Chand.
"Eros!" Asik ko sa kanya at tumawa lang siya bago bumalik sa room niya.
"Ayos ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong ni Chand.
"Oo...bakit ka pala nandito? tapos na breaktime niyo ah" Pagchechange topic ko.
Ayoko naman malaman pa niyang dinadalaw ako ngayon.
"Napadaan lang ako" Sagot niya.
"Kung sa baba kita nakasalubong maniniwala pa ako pero sa tapat pa talaga ng room ko?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.
"Alam mo na palang nandito ako pero bakit parang tatakas ka pa sana kanina? Iniiwasan mo ako no?" Tanong niya sakin.
Hindi ko na alam gagawin ko dito sa batang 'to.
"Sorry talaga hindi maganda pakiramdam ko ngayon" Aniya ko sa kanya.
"Sabi mo kanina ayos ka lang" Tinignan niya ako na parang nanghuhuli siya ng sinungaling.
"Haystt... totoong ayos lang ako pero hindi kasi oras ngayon" Sagot ko sa kanya.
Konti nalang talaga masasabi ko ng nireregla ako ngayon.
Hindi talaga ako komportable.
Nakita ko namang sumimangot siya.
"Oo na...tuturuan na kita. Basta--"
"Sige kita nalang tayo mamaya sa dating lugar hihintayin kita" Nagmamadali niyang sabi kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil umalis na agad siya.
Sigurista talaga 'tong batang 'to.
Bago ako pumasok sa room ay binuklat ko naman ang inabot sakin ni Eros.
Dalawa ang laman nito.
May isang maliit na balot at dalawang piraso ng favorite kong donut.
Agad ko namang binuklat ang isang balot.
Pasquare siya at nakabalot sa papel.
Nang buksan ko iyon ay agad akong napatingin sa paligid bago itinago ang laman ng balot na yun.
"Hayop ka talaga Eros. Bakit may napkin na kasama?!" Inis kong asik.
Kasabay nun ay bumulwak na naman at sumakit na naman ang puson ko.
Pumasok naman na ako sa room bago pa may makakita sakin at sa hawak ko.
Nakakahiya!
Alam ni Eros na meron ako ngayon!
Pero...
Ngayon niya lang 'to ginawa sakin.
Madalas ko siyang kulitin para ilibre ako ng favorite kong donut pero hindi niya ako nililibre. Ngayon lang at saktong nagcecrave ako ngayon sa donut.
Kinain ko nalang yung donut at tinago ko yung pisting napkin ni Eros.