Chereads / Tila Tula / Chapter 10 - Ayaw Pero Gusto Din pt.2

Chapter 10 - Ayaw Pero Gusto Din pt.2

"Anong ginagawa mo dito? Sa kabila yung building ng mga Grade 10 ah" Asik ko sa lalaking kausap kanina ni Fan.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Dun sa dulo yung classroom ng last section ah" Asik niya pabalik sakin.

"Hindi ka ba talaga marunong gumalang sa mga senior mo?" Tanong ko sa kanya.

He's getting in my nerves.

"1 year lang naman ang agwat natin anong gusto mong itawag ko sayo? Kuya?" Pamimilosopo nioyang asik sakin, akma ko na sana siyang susuntukin ng may dumaan na teacher.

Nang makalagpas yung teacher ay umayos nalang ako ng tayo at medyo lumapit sa kanya.

"Sige kung ayaw mo akong galangin, sagutin mo nalang yung tanong ko, bakit ka nandito?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Fan" Nakangiti niyang banggit sa pangalan ni Fan kaya napatingin ako sa likod ko..

Humarap lang siya samin at ngumiti.

Yung ngiting pilit na namimilipit.

"Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ko kay Fan.

Umayos siya ng tayo at umiling.

Lumapit naman 'tong asungot na baatang 'to kay Fan.

"Masakit ba tiyan mo? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Tanong niya na nagpa-asiwa ng mukha ko.

"Hindi na ayos lang ako" Sagot ni Fan.

Wala kayo sa kdrama. Tss.

Lumapit ako kay Fan.

"Oh" Inabot ko sa kanya ang binili kong donut at napkin.

Alam ko kasing yun lang makakapagpakalma at saya sa kanya.

Matagal niya na akong kinukulit na ilibre ko siya ng donut pero ayaw ko kasi ng ganun.

Gusto ko ibibigay ko yung mga gusto niya na di niya sinasabi sakin.

Para kasi kaming magjowa 'pag ganun.

"Ano 'to?" Tanong niya sakin.

"Gutom lang yan bata wag kang mag-alala jan malakas pa yan para pumunta sa clinic" Kalmado kong saad sa batang 'to pero nakatingin ako kay Fan na tumaas na naman ang makapal niyang kilay.

"Eros!" Asik niya sakin at tumawa lang ako habang naglakad na ako pabalik sa room.

"Ayos ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong nung bata.

"Oo...bakit ka pala nandito? tapos na breaktime niyo ah" Sabi na eh umaarte lang siya kasi nahihiya siya sakin. Dahil sa ginawa niya sakin kanina.

"Napadaan lang ako" Sagot nung bata.

"Dahilan mo bulok" bulong ko sa sarili ko.

"Kung sa baba kita nakasalubong maniniwala pa ako pero sa tapat pa talaga ng room ko?" Sarkastikong tanong sa kanya ni Fan.

Akala mo maloloko mo yang si Fantasia.

"Alam mo na palang nandito ako pero bakit parang tatakas ka pa sana kanina? Iniiwasan mo ako no?" Tanong niya kay Fan at medyo binagalan ako ang lakad ko.

"Sorry talaga hindi maganda pakiramdam ko ngayon" Aniya ni Fan. At napahinto ako.

"Sabi mo kanina ayos ka lang" Napangsi ako ng marinig ko yun sa batang yun.

Galing naman manghuli ng batang 'to.

"Haystt... totoong ayos lang ako pero hindi kasi oras ngayon" Sagot ni Fan.

Papasok na ako sa room namin ng marinig ko ulit sila.

"Oo na...tuturuan na kita. Basta--" Naputol ang sasabihin ni Fan.

"Sige kita nalang tayo mamaya sa dating lugar hihintayin kita" Nagmamadaling sabi nung bata kaya nung lumingon ako sa kanila ay nagmamadali siyang umalis.

Sinundan nalang siya ni Fan ng tingin.

Pumasok na ako sa room pero nanatili akong nakasilip.

Nagtatakang binuklat ni Fan ang binigay ko.

Natawa ako ng buksan niya yung papel na may napkin at nagmamadaling itago yun.

"Hayop ka talaga Eros. Bakit may napkin na kasama?!" Inis niyang asik na rinig na rinig ko.

Tawa lang ako ng tawa sa itsura niya.

Pero agad akong natahimik ng maalala ko na magkikita na naman sila mamaya.

Umisip ako ng paraan para hindi yun matuloy.

Habang nag-iisip ako ay nakaramdam ako ng antok kaya tinuon ko muna ang ulo ko sa desk ko.

AHHH!!! ALAM KO NA!!!

[Fan's POV]

Uwian na at medyo sumasakit pa din yung puson ko.

Kahit masama ang lagay ng katawan ko pinilit ko nalang magkipagkita kay Chand.

Ayoko naman siya paasahin dahil sa kinwento niya at sinabi sakin.

Habang papunta na ako sa Mini People's Park ay saktong labasan na din ng mga junior high.

Palinga linga ako habang naglalakad baka kasi gulatin ako ni Chand, bubulwak na naman 'to.

Bigla naman nagvibrate ang phone ko.

Si Eros tumatawag.

Agad kong sinagot.

"Hoy bwiset ka" Bungad ko sa kanya.

"Ha?" Sagot niya sa kabilang linya.

"Anong ha ha ka jan?!" Inis kong asik sa kanya.

"Ahhhh AHAHAHHAHAHAAHAHA" Inilayo ko bigla ang phone ko dahil sa lakas ng tawa niya.

"Okay na sana yung donut eh pero--"

"Non wings yun wala na daw kase yung may wings eh" Asar niya ulit sakin sabay tawa na naman ng malakas.

"Hayp ka! Kaya ka ba tumawag para mang asar?!" Inis kong asik sabay irap.

"Sabay tayo uwi. Andito ako ngayon sa lounge" Sagot niya sakin at tumingin ako sa direksyon kung saan ang lounge.

"Ka...kanina pa ako nakauwi bye na" Sagot ko sa kanya at nagmadaling pumunta sa kitaan namin ni Chand.

Nakikisabay naman kasi 'tong lalaking 'to.

Pagkadating ko ay napahinto ako.

Nakareceive ako ng message mula kay Eros.

"Sabi mo ayaw mo sa grade 10 pero gusto mo din pala" Yan ang message ni Eros sakin at tumingin ako sa kanya.

Kasama niya si Chand at nakatinging tumayo si Eros.

Bago siya umalis ay tumingin muna siya kay Chand.

At nang dumaan siya sakin ay ramdam kong nakatingin siya sakin, na hindi ko magawa sa kanya.

"Eros" Pag tawag ko sa kanya at huminto lang siya.

"Enjoy your date" Saad niya atsaka umalis.

Hanggang sa pag-alis niya ay sinundan ko siya ng tingin.

Kahit nakatalikod siya ay ramdam kong malungkot siya.

Hahabulin ko sana siya...

"Bumili ako ng bagong notebook. Ang sabi sakin ng nagtinda maganda daw 'to sulatan ng mga bagong alaala" Saad ni Chand at tumingin ako sa kanya.

"Practice lang" Pagpapatawa niyang saad.

Pero hindi ako natawa.

Paano na si Eros?...