Chereads / Tila Tula / Chapter 9 - Ayaw Pero Gusto Din

Chapter 9 - Ayaw Pero Gusto Din

A/N: BIGYAN NAMAN NATIN NG POV SI EROS KAWAWA NAMAN EH AHAHAHAAHAHAH

[Eros' POV]

(ika-10 ng Hunyo, 2019)

Maaga palang ay pumasok na ako sa school. Hindi ko naman talaga balak pero dahil kay Fan ay inagahan ko.

Nagpromise kasi siya sakin na sabay kaming papasok kaso nagsecond period na wala pa din siya.

Hindi din muna ako pumasok sa room dahil first day palang din naman.

Pabalik balik ako sa canteen dahil baka nandun lang si Fan lumalamon lang pero wala.

Sinilip ko din kung nasa room ba nila sya, pero wala.

Hindi din siya nagchachat.

"Niloko na naman ako ng babaeng yun" asik ko sa hangin.

Nagulat naman ako ng biglang may humampas sa ulo ko.

"Ako? loko loko?" Pinandidilatan ako ni Fan ng mata.

"Kanina pa kase kita hinihintay sabi mo sabay tayo papasok eh third period na oh, mga babae talaga ang kukupad kumilos, tignan mo, mag-aaral ka ba o makikipagdate? ang pula pula ng labi mo amoy na amoy din yang spray net sa buhok mo, wala ka sa kdrama para mag ganyan" Sermon ko sa kanya habang nakabusangot lang siya.

"Tapos ka na? daig mo pa nanay ko manermon. Tsaka problema mo ba kung nag-ayos ako? masama ba maging presentable? tsaka isang layer nga lang ng liptint nilagay ko " Masungit niyang asik sakin.

"Alam mo daig mo pa tatay ko kung magdahilan, tara na kanina pa ako late" Tumayo na ako.

"Ikaw lang ba late? Tsaka kakaupo ko lang eh" Nakabusangot niyang saad.

"Tara na" Hinila ko siya papunta sa building namin.

"Ano ba yung buhok ko!" Inis niya akong tinulak at inayos ang buhok at uniform niya.

"Nagsenior high ka lang gumaganyan ka na" Inunahan ko siya sa paglalakad at bigla naman niya akong inalambitinan sa leeg dahilan para masakal ako.

Ganyan kami lagi ni Fan.

Parang aso't pusang nagbabangayan.

Walang araw na di niya ako nasasaktan.

Pero okay lang, immune naman na ako sa kanya.

Sa tuwing uuwi nga ako dati na may kalmot o kaya pasa ay tinatawanan ko nalang.

Kahit tanungin ako ni Mama sinasabi ko nalang na nadali lang ako ng upuan o kaya may nakita akong pusa tapos kinalmot ako.

Kaya nga one time nung sinabi ko yun ay dinala agad ako ni Mama sa hospital para paturukan ng anti-rabies. Magsasabi na sana ako ng totoo para lang di ako maturukan pero ayoko naman mapatawag kami ni Fan sa office.

Kasalanan ko din naman kasi kung bat niya ako inaaway.

Pero hindi ko lang alam kung nakokonsensya ba siya pagginagawa niya yun sakin. Kababae niyang tao ang lakas niya mambugbog.

(fast forward)

Recess na at sobrang dami ng tao sa canteen kaya sa lounge kami kakain ni Fan.

Ako na nga yung nauna samin pumasok ako pa yung bibili ng pagkain.

Habang nakapila ako ay narinig ko ang pinag-uusapan ng mga estudyante na nakapila din.

"Balita ko marami daw club dito san ka sasali?" Tanong g isang babae.

"Di ko alam pero gusto ko sumayaw" Ha? hindi alam tapos may gusto?

"Ano bang mga club meron dito?" Tanong ng isa pa nilang kasama.

"Dance Troupe, Chorale, English Club, MathSciTech, Panitikan Club, Youth Club tsaka Poetry Club" Ng marinig ko ang mga pangalan ng club ay naisipan ko agad na sumali sa isa sa mga yun.

"Next" Agad akong naglakad palapit para mag-order.

"Isang order po ng tocin at pork giniling na madaming green peas tapos 2 order po ng rice" Habang hinihintay ko ang order ko ay tinanong ko ang isa sa mga nag-uusap tungkol sa mga club.

"Uhmm...excuse me" Nakangiti kong saad at napangiti naman sila.

"Alexa Quisumbing" Napakunot naman ang noo ko sa isa sa kanila na napakapula ng pisngi na akala mo sinampal.

"San pwede pumunta para sa mga club?" Pambabalewala ko sa kanya.

"Sha pusho ko ahe" Pabebe niyang sagot. Napakaharot naman nito.

"Wag mo intindihin yan, btw, punta ka nalang sa tabi ng gymnassium sa likod nun dun yung room na pwede mo pagtanungan" Sagot ng isa nilang kasama. Buti pa 'to maayos kausap.

"Oh kung gusto mo sa room ko...Room 453 Building 1 3rd floor" Dagdag niya sabay kindat sakin. Akala ko pa naman matino 'to.

"Hay nako wag ka" di ko na pinatapos yung isa nilang kasama dahil kung hindi matino ang isa damay na mga kasama niya.

"Sige thank you nalang" Agad ko silang tinalikuran para kunin yung order ko at umalis.

"Hoy Kuya! anong pangalan mo?" Sigaw nung Alexa kaya mas binilisan ko yung paglalakad.

Feeling ko tuloy binabakla ako.

Speaking of bakla, yung mga baklang nasa isang table na madadaanan ko ay nakatingin sakin.

Iniwasan ko nalang sila ng tingin.

Ganto lagi ang eksena ko saan man ako magpunta.

Oo, aaminin ko gwapo nga kasi ako.

Bukod sa kagwapuhan ko ay madaming nagsasabing malakas daw ang karsima ko kaya andaming naaattract sakin.

Na halos lahat ng babae at kahit lalaki ay nagkaka-crush sakin.

Pwera lang siguro dito kay Fan.

"Tagal naman" Masungit niyang asik sakin.

"Sorry naman po Madam para kasing kokonti lang ang nakapila eh" Asik ko pabalik sa kanya.

"Hehe thank you na nga" Pasweet niyang sabi habang kinukuha ang pagkain niya.

"Hala oy! ayaw ko ng pork giniling!" Grabe siya mandiri ah.

"Ano vegetarian ka na ngayon?" Pambabara kong tanong sa kanya.

"Ayoko ng green peas!" Nakabusangot niyang sabi kaya nag-isip nalang ako ng paraan.

"Sino ba kasing may sabi na sayo yan? Yang tocino sayo" Aniya ko at pinagpalit ang ulam namin.

"Pero favorite ko yan eh" Asik niya sakin.

"Eh ayaw mo ng green peas diba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo...sige na nga tocino nalang sakin" Bago pa man siya magsimula ay tinanggal ko lahat ng green peas at nilagay sa tocino.

"Hoy! bakit mo dito nilagay?" Inis niyang tanong at pinipigilan ako. Pero nilagay ko pa din. Ang huling piraso ng green peas ay kinain ko naman.

"Sabi mo ayaw mo tapos gusto mo din. Ang gulo mo" Asik ko sa kanya.

Pagkatapos ay pinagpalit ko ang ulam namin tsaka nagsimulang kumain.

"Alin ba talaga ulam mo ha?" Tanong niya sakin.

Pasubo na sana ako pero para matigil na ang bunganga niya sa kanya ko nalang sinubo ang pagkain ko.

Pagkatapos non ay namula siya bigla.

"Kumain ka na kasi" Sabay iwas ko ng tingin at kumain.

(kinabukasan)

Magkasunod lang kami ni Fan pumasok pero dahil nakapila kami pumasok para icheck ang bag ay di ko siya nahabol pero nakita kong may humila sa kanyang lalaki.

Nang makapasok na ako ay napansin kong parang napipilitan lang siya sa lalaki kaya nilapitan ko na sila.

Hinila ko si Fan na ikinagulat naman nilang dalawa.

"Hindi kita kilala, hindi ka din kaklase ni Fan, hindi din kita nakikita sa building namin at hindi ka senior high pero bakit ang higpit ng hawak mo kay Fan?" Asik ko sa kasama niya.

"Excuse me bro kilala ako ni Fan" Sagot niya.

Hinintay kong umimik si Fan pero hindi siya nagsasalita kaya tinitigan ko nalang 'tong Grade 10 na'to.

"Hindi ka pa pinapakilala at nakukwento sakin ni Fan kaya alam kong hindi kayo magkakilala" Asik ko.

"Teka boyfriend mo ba siya Fan?" Tanong niya kay Fan at tumingin sakin.

"Nanliligaw ka ba sa kanya?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin parin sa kanya.

"Shut up si Fan ang tinatanong ko" Sagot niya sakin at binitawan si Fan na agad naman niya akong pinigilan.

"Hindi ko siya boyfriend" Napatahimik kami ng sabihin 'yon ni Fan.

Oo, hindi.

"Tara na malelate na tayo" Aniya ko habang nakatingin pa din ng masama sa lalaking 'to.

"Matuto kang rumespeto sa mga senior mo 10th grader" Asik ko bago umalis.

Yan ang unang araw na nakita ko ang estudyanteng yon.

(Kasalukuyan ; ika-13 ng Hunyo, 2019)

A/N: WALANG PASOK PAG JUNE 12 KASE

Hindi ko naman inakala na makikita ko na naman siya at dito pa sa tapat ng room ni Fan.