Chereads / Tila Tula / Chapter 5 - Kasinungalingan ni Chand

Chapter 5 - Kasinungalingan ni Chand

[Chand's POV]

5:52 na at wala pa din si Fan.

Kanina pa ako naghihintay sa kanya. Dumidilim na din at paunti na ng paunti ang mga estudyante dito sa Mini People's Park.

Habang hinihintay ko siya ay kumuha muna ako ng pictures ng mga ibon sa mga puno.

Nakita ko ang isang pugad na may mga nag-iingayan na inakay. Wala ang nanay nila at paniguradong naghahanap ito ng makakain ng mga inakay niya.

Gamit ang camera ko ay pinanood ko ang paghihintay nila sa nanay nila.

Maya maya pa ay dumating na ang nanay nila at may dala nga itong bulate. Wala pang ilang segundo ay ubos agad ng mga inakay ang pasalubong ng nanay nila. Umalis na ulit ang nanay nila at nagsimula na namang mag-ingay ang mga inakay na ibon.

"Buti pa yung ibon no? Malaya" Medyo nagulat naman ako ng may nagsalita sa tabi ko.

Pagkaalis ko ng camera ay bumungad sakin si Fan na nakatingin din sa pugad na tinitignan ko.

"Malaya nga silang makalipad kahit saan nila gustong pumunta pero hindi sila malayang gawin ang gusto nila...tulad ng nanay ng mga ibon, kailangan niyang humanap ng pagkain para sa mga anak niya" Sagot ko sa kanya.

"Pwede naman niyang iwanan nalang yung mga anak niya ganun naman lahat diba?" Tanong niya sakin at napakunot naman ako.

Nang magtama ang mata namin...

"Tulad ng isa sa mga tula mo?" Pagkasabi ko noon ay lumapit ako sa kanya dahilan naman para mamula siya.

Napangiti naman ako ng tignan ko ang relo ko, saktong 6 na.

"Akala ko hindi ka na darating" Pagkasabi ko noon ay lumayo naman siya at tumingin sa iba.

"Dahil nandito ka...ibig sabihin...tuturuan mo na ako magsulat ng tula?" Tanong ko sa kanya at napatingin na siya sakin.

"Ahh...kaya ako pumunta" Naputol ang pagsasalita niya dahil binuklat niya ang bag niya.

Inilabas niya ang notebook niya.

"Thank you...pormal kong ibibigay sayo ang notebook na 'to at sana wag mo nang ibalik dahil ayaw kong binabalewala ang mga binibigay ko" Pagkasabi niya noon ay ibinigay niya sakin ang notebook niya at akma na sanang aalis.

Pinigilan ko siya.

Tumayo ako at iniharap siya sakin.

"Ayaw ko din na binabalewala ang efforts ko" Asik ko sa kanya at napairap siya.

"Nag thank you na ako diba? Naappreciate ko ang effort kaya sana maappreciate mo din ang effort ko na pumunta dito" Nakangiti niyang sabi sakin at akma na namang aalis pero hindi ko siya binitawan.

"Bakit ba ayaw mo..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang kalmado niyang ialis ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Pag sinabi kong ayaw ko...ayaw ko" Emosyonal niyang sabi.

"Paano pag gusto..."

"Ayaw ko pa din" Pagpuputol niya muli sa sasabihin ko.

"Gusto kita" Agad siyang napakunot...KAHIT AKO.

"Chand hindi magandang biro yung mga ginagawa mo" Walang emosyon niyang asik sakin.

Paano ba 'to? Hindi ko alam ang gagawin ko... baka lalo siyang mainis kapag sinabi kong aksidente lang ang nasabi ko.

Pangangatawanan ko nalang 'to...

"Nirereject mo ba ako?" Ginawa kong maamo ang itsura ko.

"Hindi nakakatuwa" Sagot niya sakin.

Wala akong nagawa kundi tignan lang siya na maglakad paalis.

Wrong move Chand...

"Alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan...dahil sa itsura ko..." Totoo naman eh seryosong gusto ko man siya o hindi, hindi niya ako magugustuhan...

Walang magkakagusto sakin.

(ika-14 ng Pebrero, 2017)

Ngayon ang araw na pinakahinhintay ko.

Nalate ako dahil sa pag aayos ng buhok ko.

Halos maubos din ang isang bote kong pabango dahil gusto kong mabango ako ngayon.

Hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil sobra akong excited at kinakabahan.

Ngayon kasi ako magtatapat sa matagal ko ng crush.

Tapos na ang klase ng lahat pero mas napaaga ang paglabas ko ng room dahil hindi ako pumasok sa last subject namin.

Kanina pa ako naghihintay dito sa hagdan paakyat sa 2nd floor para abangan ang crush ko mula pa nung grade 1.

Chinat ko muna siya.

Chand Suarez

Kita tayo mamaya aabangan kita :))

Habang hinhintay ko siya ay pinagmamasdan ko muna ang maliit na scrapbook na ibibigay ko sa kanya, puro litrato niya at love quotes ang laman ng scrapbook na halos dalawang buwan kong ginawa dahil gusto ko maging maganda ito.

Nang marinig ko na ang mga estudyante pababa ay tumayo agad ako at inayos ko ang sarili ko.

Wrong timing naman at may maliit na duming humarang sa salamin ko. Agad agad kong hinubad at pinunasan iyon.

Narinig ko ang mga estudyante na nagbababaan na kinikilig at habang pababa sila ay nadali nila ako dahilan para mabitawan ko ang scrapbook at salamin ko.

Agad kong hinanap ang mga ito kahit natatapakan na nila ako.

"Wag niyong tapakan yung gamit ko" Sigaw ko sa kanila pero hindi nila ako marinig dahil sa ingay nila.

"Ahhh!! Nakakakilig yung confession ni Tristan kay Cassadee!"

"Oo nga sana all Cassadee"

"Ang sweet nila sa picture omaygah!"

"Nakakakilig Cassadee and Tristan our newly wed!!"

Napahinto ako ng marinig ko ang mga iyon...

Parang tinapakan yung puso ko...

Di ko alam ang gagawin ko...

Nang umalis na ang mga maiingay na estudyante, napatingin ako sa hagdan at nakita ko si Cassadee.

Kahit malabo ang mata ko alam kong nakangiti siya.

"Chand?" Nang banggitin niya ang pangalan ko ay nagmadali akong kunin ang salamin at scrapbook ko tsaka tumakbo paalis.

Naramdaman ko namang tumulo ang luha ko.

Lalaki ako kaya dapat na hindi ako umiyak.

Pero ang sakit...

Bukod sa nasira ang pinaghirapan kong scrapbook ay huli na ako...

May nauna na sakin...

At sobra akong nagsisisi dahil dapat pala ay matagal na akong nagtapat sa kanya.

Tumambay muna ako sa lounge para sana ayusin ang lahat ng nasira...

Napunit at nadumihan ang scrapbook na pwede pang maayos gamit ang tape at bagong papel, pati ang salamin kong nabali at nagasgasan ay pwede pang maayos pero ang damdami ko walang ibang bagay ang makakaayos...

"Uy nabalitaan mo ba? Nagconfess daw si Tristan kay Cassadee" Narinig ko naman iyon sa mga babaeng nakaupo sa likod ko.

"Yeah for sure kaya lang naman niya sinagot si Tristan dahil gwapo, matalino, sporty, mayaman at boyfriend material siya" Sagot ng isang babae.

"Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa kanya? kung ako din naman si Cassadee grab the opportunity talaga ako" Asik ng isa pa nilang kasama.

"For sure ngayong araw lang sila at di magtatagal dahil isang gabi lang naman ang gusto ni Tristan kay Cassadee" Kasabay ng sinabi niya ay nag-init ang ulo ko lalo na ng magtawanan sila.

"Malandi talaga yang si Cassadee kahapon nakita ko siya may kasama siyang grade 7 at napakalapit nila sa isa't isa" Ng marinig ko yun ay sinimula ko ng pakalmahin ang sarili ko.

"Ahy oo nga! Tapos si Cassadee nakacling sa braso nung bata pedo si Cassadee" Asik ng isa nilang kasama kaya hindi ko talaga kayang mapakalma ang sarili ko sa mga naririnig ko sa kanila.

"Pogi ba?" Tanong ng isa nilang kasama.

"Nah totally messed up at tutoy pa talaga siya" Nagtawanan sila ng sagutin iyon ng kasama nila.

"For sure sugar mommy niya si Cassadee" Nang magtawanan sila ay hinarap ko na sila.

Halata ang gulat nila ng lapitan ko sila.

"Mga nanay na ba kayo at kung magchismisan kayo dito ay parang nasa palengke kayo?!" Asik ko sa kanila.

"Wag na wag niyong dudungisan ang taong wala namang gimagawang masama" Dagdag ko atsaka umalis.

"Sa itsura mong yan as if naman na magustuhan ka ni Cassadee!" Sigaw ng isa sa kanila.

Oo, ako ang tinutukoy nilang grade 7 na kasama ni Cassadee pero lahat ng sinabi nilang kulang nalang ay sabihin nilang nang aakit si Cassadee ay hindi totoo.

(Kasalukuyan ; ika-11 ng Hunyo, 2019)

"Hindi basehan ang itsura sa pagmamahalan" Napatingin ako kay Fan ng sabihin niya iyon.

"Sinasabi mo lang yan para di ako masaktan" Sagot ko sa kanya.

Muli siyang humarap sakin.

"Hindi sa hindi kita gusto dahil sa itsura mo..." Pambibitin niya.

"Saan? Dahil sa pangungulit ko?" Tanong ko at napabuntong hininga muna siya bago niya ako sagutin.

"Ayaw kong isang araw bago ako makauwi ay may nag-aabang na sakin para mag-iskandalo na inaagaw kita sa kanya" Sagot niya sakin na ikinataka ko naman.

"Ha?" Agad kong tanong sa kanya.

"Diba may girlfriend ka? Ayaw kong maging kabit kaya tigil tigilan mo na ako" Seryoso niyang sagot at napatawa nalang ako sa mga sinabi niya.

"Oh? bat ka tumatawa? Ahh masaya ka kase napaglaruan mo ako? nauto mo ako?" Ramdam ko ang inis niya kaya pinakalma ko ang sarili ko sa pagtawa.

"Seryoso ka ba? Wala akong girlfriend" Sagot ko sa kanya na ikinunot na naman ng noo niya.

"Wala nga akong girlfriend. Sa itsura kong 'to magkakagirlfriend ako?" Sarkastiko kong asik sa kanya.

"Pero...sino yung babae na nasa album mo sa Facebook?" Pagtataka niyang tanong na nagpatigil saming pareho.

"Inistalk mo ako no?" Nakangisi ko sa kanyang tanong at napatingin siya sa iba, meaning inistalk nga niya ako.

"Di ko naman alam na interisado ka pala sakin" Dagdag ko sa kanya.

"Naniguro lang ako na estudyante ka nga dito pero di ko nakita kung may kamutual ka ba na friends ko eh wala so...senior high school ka ba talaga?" Naramdaman ko ang pagtataka niya at alam kong may nalalaman na siya tungkol sakin.

Napalunok naman ako ng bigla siyang lumapit sakin.

Patay ka Chand.