Chereads / Tila Tula / Chapter 7 - Kwentong Pag-Ibig

Chapter 7 - Kwentong Pag-Ibig

"Hello Eros" Sagot ko kay Eros wrong timing naman tumawag 'tong lalaking 'to.

"Nasan ka ba?" Tanong niya sakin.

"School, bakit ba?" Asik ko sa kanya.

Sumenyas ako ng saglit lang kay Chand dahil kanina pa siya sakin nakatigin.

"Maaga uwian niyo ah bakit anjan ka pa?" Tanong sakin ni Eros at napairap nalang ako.

"Bakit ba?'' Inis kong asik sa kanya sa kabilang linya./

"Kasama mo na naman ba yung Grade 10?" Tanong niya sakin.

"Wala ka atang mahalagang sasabihin. Bye" Di ko na hinintay pa ang sasabihin niya sakin at binaba ko na ang tawag niya.

Uminom muna ako ng tubig bago muling kausapin si Chand.

"Hinahanap ka na ata ng boyfriend mo" Napasamid naman ako ng sabihin yun ni Chand.

Napatawa naman ako ng mapait.

"Hind ko boyfriend yun. Si Eros yun, yung kumausap sayo kaninang umaga" Pagkaklaro ko sa kanya.

"I know" Sagot niya sakin.

"Kilala mo siya?" Tanong ko sa kanya.

"Sino ba naman ang di makakakilala sa kanya eh halos kada setion ata ng taga bulding niyo ay may gusto sa kanya" Sagot ni Chand.

"Ahh" Nalungkot naman ako bigla, dapat nga masanay na ako pero sa tuwing mariring ko nalang yung ganyang balita tungkol kay Eros ay nanghihina ako bigla.

"Tara na pagabi na" Pag-aya niya sakin at nauuna nang maglakad.

"Hoy di mo pa nakukwento sakin yung babae sa album mo" Sigaw ko sa kanya pero parang wala naman atang narinig si Chand.

Kaya hinabol ko siya.

"Ikwento mo na sakin" Umiling naman siya kaya inunahan ko siya at huminto sa harap niya.

"Ngayon ako naman ang mangungulit sayo" Pagkasabi ko noon ay ngumiti naman siya.

Ano bang problema ng lalaking 'to?

Unti-unti naman siyang lumapit sakin na ikinataka ko naman.

"Ikukwento ko sayo...kung papayag kang ihatid kita sa inyo" Pagkasabi niya noon ay nilayuan ko siya.

"Lahat nalang ba ng pabor ko sayo ay may kondisyon?" Pagsusungit ko sa kanya.

"Lahat nalang ba ng effort ko babalewalain mo nalang talaga?" tanong nya sakin pabalik.

"Oo na basta maglalakad lang tayo para makwento mo sakin ng maayos ok?" Sagot ko sa kanya.

Tumango nalang siya at sumenyas na magsimula na kami maglakad.

Hindi naman malayo ang bahay namin kaya ayos lang sakin maglakad kahit sumasakay pa ako ng tricycle dahil madalas wala akong kasabay umuwi.

Palabas na kami ng school gate ng makasalubong naman namin si Cassadee.

"Ngayon ka lang uuwi Fan?" Tanong niya sakin at tumango nalang ako.

Nang magkatinginan naman sila ni Chand ay biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nila.

'Uhmm Cas siya si Chand, Chand siya si Cassadee kaibigan ko" Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

Hindi naman maalis ang mata ni Cassadee kay Chand na nakayuko lang.

"Ahh sige bye na Fan...Chand" Pagpapaalam ni Cassadee samin.

Nang makaalis naman si Cassadee ay tiaka palag tinignan ni Chand si Cassadee.

"Ang ganda niya no?" Tanong ko kay Chand na tumingnin lang sakin.

"So sino nga siya?" Panimula ko sa kanya.

At ng magtama naman ang mga mata namin ay ngumiti siya.

"Kaibgan mo siya pero hindi mo kilala ang ngiti niya?" Saad niya sakin.

"Ang sinasabi ko yng babae sa album mo" Sagot ko sa kanya.

"Siya nga yun...si Cassadee ang babaeng nasa album ko" Napahinto naman ako ng sinabi niya yun.

"Ehh?" Imposible...

"Paanong..." Di niya na ako pinatapos at nagsimula ng magkwento.

[Chand's POV]

(ika-12 ng Disyembre, 2011)

Grade 2 ako noon at madalas akong umuwi ng basa, mabaho at madungis dahil sa mga nambubully sakin.

Hindi ko ba alam kung bakit nila ako binubully.

Wala din akong kaibigan.

Ang lungkot lang ng pagkabata ko.

Wala na nga akong mga kaibigan, wala pa lagi ang mga magulang ko.

Mayaman naman kami at kilala ang pamilya namin pero bakit walang gusttong makipagkaibigan sakin?

Akala ko pa naman ay mas magkakaroon ako ng mga kaibigan dahil mayaman kami yun pala hindi.

Madami nga kaming pera pero hindi ko naman mapapangbili ng kaibigan o kahit isang taong makakasama man lang.

"Chand' panggugulat sakin ng hindi ko alam kung kaibigan ko bang matatawag.

"Hi Ate Cassadee" nanumbalik ang ngiti sakin dahil sa lahat kasi ng mga nakakakita sa pambubully sakin ay siya lang ang kumausap sakin ng maayos.

"Binubully ka na naman ba nila?" Nag-aalala nyang tanong sakin.

"Hindi po...Ate...?" Curious lang ako kung kaibigan ba ang turing niya sakin.

"Bakit?" Tanong niya sakin.

"Kaibigan mo ba ako?" Tanong ko sa kanya at ineexpect kong hindi siya iimik pero ngumiti lang siya sakin.

"Oo naman. Kaya kapag may nang away sayo isumbong mo sakin ako bahala dun" Saad niya sakin.

Ang cool niya talaga.

Mula noon ay isang beses sa isang linggo kung maglaro kami sa arcade malapt sa school namin.

Hanggang sa grumaduate si Ate Cassadee ng elementary ay magkaibigan pa din kami.

Dahil nga graduated na siya ay naiwan ako sa school namin, mag-isa ulit. At hindi na kami madalas magkita ni Ate Cassadee natuto na din ako magfaebook kaya chinachat ko siya minsan.

One year nalang din naman ay gagrdauate na ako at nagsabi na din ako sa parents ko na mag-aaral ako sa school kung saan nag-aaral si Ate Cassadee.

At nung nalaman ni Ate Cassadee na dun na din ako mag-aaral ay nagpromise siya na itu-tour niya ako sa school.

Kaya nung makagraduate ako ay nag-paenroll agad ako sa school niya.

Chinat ko agad ka Ate Cassadee na nagpa-enroll nako at hihintayin ko siya para i-tour niya ako sa school pero busy daw siya.

Nung first day ay nagkaroon ng campus tour and mga grade 7 pero tumakas ako dahil gusto ko si Ate Cassadee ang mag-tour sakin tsaka matagal ko na yun hinintay.

Pero lumipas na ang isang buwan ay hindi pa kami nagkikita ni Ate Cassadee. Minsanan nalang kami mag-chat.

Pero kahit isang taon pa akong maghintay at maligaw sa school ay ok lang basta makasama ko si Ate Cassadee tulad ng dati.

(kasalukuyan ; ika-11 ng Hunyo, 2019)

Ikinuwento ko din kay Fan ang nangyari kung bakit ganon nalang ang reakson ko ng magkita ulit kami ni Cassadee.

"Bakit hindi mo na siya ina-ate ngayon?" Tanong ni Fan sakin.

"Ayokong mag-ate sa taong mahal ko ng sobra pa sa pagkakaibigan" Sagot ko sa kanya.

"Pero sign yun ng respeto" Asik naman niya sakin/.

"Nirerespeto ko pa din siya, hindi nga lang through words but through my actions" Sagot ko sa kanya.

"So sinundan mo siya ulit sa school natin?" Tanong niya sakin.

"Sa tingin mo magiging ganun ang reaksyon ko kung matagal ko ng alam na dun din siya nag-aaral?" Agad naman siyang napa-isip at umiling.

"Hindi ko alam na dito din pala siya nag-aaral...ngayon lang din ako lumipat dito eh" Dagdag ko at tumago nalang siya.

"Kasi nga kakalipat lang din namin" Saad niya.

"Dun ka din ba nag-aral sa pinasukan niya mula grade 7 siya?" Tanong ko sa kanya.

"Oo at magkakilala na kami since grade 7 siya" Sagot niya sakin.

"Wow eh bakit hindi kita nakikita noon?" Naeexcite kong tanong sa kanya.

"Aba ewan ko diba ikaw na din ang nagsabi na hindi mo inikot yung school namin dati kasi nga gusto mo si Cassadee ang magtour sayo?" Asik niya sakin.

Oo nga pala sa buong taon na 'yon ay hindi ko naikot ang school na yun kakahintay kay Cassadee.

At pagkatpos nga nung araw ng Valentine's Day ay pinatapos ko lang ang school year na yun at lumipat na agad ako.

Pero sa nakalipas na dalawang taon ay hindi ako tumagal sa dalawang school na pinasukan ko.

"Dito na ako..." Saad ni Fan nang tumigil na kami sa gate ng subdivison.

"Sige bye" Pagpapaalam ko sa kanya.

Akma na sana siyang maglalakad...

"Yung usapan natin ah...'wag mo sanang gawin yung ginawa ni Cassadee sakin" Nag-isip muna siya at tumango.

"Sige na...bye" Tumalikod na ako at akma na sanang aalis ng tawagin niya ko.

"See you tomorrow. Ingat" Pagkasabi niya noon ay nginitian niya ako kaya ngumiti ako pabalik.

Ang ganda ng ngiti niya...