[Fan's POV]
Nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ko ba si Chand o hindi dahil baka mas kulitin niya ako 'pag nagpakita pa ulit ako sa kanya... pero kailangan ko munang malaman kung sino siya, at kung bakit ba gustong gusto niya akong magsulat ulit ng tula...
Wala kaming teacher sa last subject kaya pwede na kaming umuwi kaya matagal akong tumambay sa library.
Wala akong ibang mapuntahan dahil ayoko sa maiingay.
Wala akong interes sa pagbabasa ng libro.
Ayoko din sa library dahil nakakaantok ang lamig.
Kaya inikot ko nalang ang library at nagbasa ng mga title ng mga libro sa fiction section.
Nagkainteres ako sa mga titles at covers pero hindi sa mga nilalaman nito.
Ako yung taong gustong gumawa ng isang bagay na sisimulan ko pero hindi ko kaya tapusin...
Tatlo lang ang rason ko kung bakit,
Una, tinatamad ako.
Pangalawa, wala akong oras o kulang ako sa gamit.
Pangatlo at huli, hindi makaisip ang puso ko.
Weirdo man pakinggan yung huli pero nag-iisip ang puso ko.
Para sakin kasi magagawa at matatapos mo ang isang bagay kung ramdam mo na worth it at may mapagaalayan ka dito.
Alam mo kung saan at kanino nababagay ang gawa mo, alam mo kung magugustuhan ba nila ito at alam mo kung magugustuhan mo ang kalalabasan nito.
Tulad nalang sa pag-ibig, kailangan mo munang mahalin ang sarili mo para mahalin ka din ng iba.
Iba't iba kasi ang paningin natin sa mga bagay, nag-iisa lang ito kapag naramdaman mo ang pagmamahal na nandun sa bagay na yun.
Kaya siguro nagustuhan ni Chand yung mga tula ko dahil naramdaman niya yung nararamdaman ko nung sinusulat ko ang mga iyon.
"Oo nga pala" Aniya ko sa sarili ko ng maalala kong maghihintay siya.
Sumilip muna ako sa bintana ng library dahil kita ang Mini People's Park dun. Andun na siya at kumukuha ng mga litrato.
Napaisip na naman ako na baka dahil nagustuhan ni Chand ang mga tula ko ay dahil malalim siyang tao.
Kita ko kasi sa mga kuha niyang litrato na nakapost sa Facebook na may feelings ito at base na din sa mga caption niya dito ay malalim siyang tao. Kaya siguro ay naiintindihan niya ang mga tula ko at napupunto niya ang lalim ng mensahe ng mga 'to.
Nagdesisyon na akong lumabas ng library at puntahan si Chand.
Nang makarating ako sa Mini People's Park ay naabutan ko siyang matagal na nakatingin sa taas gamit ang camera niya.
Kaya sa pagtataka ay napatingin na din ako.
Pinagmamasdan niya ang mga inakay na nasa pugad ng puno.
Mga ilang minuto kong tinignan ang mga inakay at ilang minuto ko din siyang pinagmasdan.
Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan, mabait at mapagmahal. Sino ba naman kasing lalaki ang matagal na pagmamasdan ang mga ibon sa puno? Karamihan kasi ng mga lalaki ngayon ay mas pipiliing pagmasdan ang dibdib ng mga babae kaysa pagmasdan ang kapaligiran.
Nilapitan ko na siya habang pinagmamasdan ang mga inakay.
"Buti pa yung ibon no? Malaya" Saad ko na medyo ikinagulat niya ng makitang katabi na niya ako.
"Malaya nga silang makalipad kahit saan nila gustong pumunta pero hindi sila malayang gawin ang gusto nila...tulad ng nanay ng mga ibon, kailangan niyang humanap ng pagkain para sa mga anak niya" Sagot naman niya sakin.
Hindi nga ako nagkamali na malalim siyang tao.
"Pwede naman niyang iwanan nalang yung mga anak niya ganun naman lahat diba?" Tanong ko sa kanya na nagpakunot ng noo niya.
Nang magkatinginan kami...
"Tulad ng isa sa mga tula mo?" Pagkasabi niya noon ay lumapit siya sa akin dahilan naman para makaramdam ako ng init sa pisngi at tenga ko.
"Akala ko hindi ka na darating" Pagkasabi niya noon ay lumayo ako at ibinaling tingin ko sa iba wag lang sa mga mata niya.
"Dahil nandito ka...ibig sabihin...tuturuan mo na ako magsulat ng tula?" Tanong niya sakin.
Tungkol nga pala dun...
"Ahh...kaya ako pumunta" Binuklat ko muna ang bag ko para ilabas ang notebook.
"Thank you...pormal kong ibibigay sayo ang notebook na 'to at sana wag mo nang ibalik dahil ayaw kong binabalewala ang mga binibigay ko" Pagkasabi ko noon ay ibinigay ko sa kanya ang notebook at akma na sana akong aalis nang pigilan niya ako.
Tumayo siya at iniharap niya ako sa kanya.
"Ayaw ko din na binabalewala ang efforts ko" Asik niya na at inirapan ko nalang siya.
"Nag thank you na ako diba? Naappreciate ko ang effort kaya sana maappreciate mo din ang effort ko na pumunta dito" Nakangiti kong sabi at akma na naman akong aalis pero mas hinigpitan niya ang paghawak sa braso ko.
"Bakit ba ayaw mo..." Hindi ko na hinayaang ituloy pa niya ang paulit ulit niyang tanong sakin at kalmado kong inalis ang pagkakahawak niya sakin.
"Pag sinabi kong ayaw ko...ayaw ko" Emosyonal kong sabi.
"Paano pag gusto..." Di ko na ulit siya pinatapos.
"Ayaw ko pa din"
"Gusto kita" Agad akong napakunot ng sabihin niya yun.
No. Ayoko ulit ng ganito.
"Chand hindi magandang biro yung mga ginagawa mo" Walang emosyon kong asik sa kanya.
"Nirereject mo ba ako?" Pagpapaamo niyang mukha.
Alam kong nanloloko ka lang Chand.
"Hindi nakakatuwa" Sagot ko sa kanya at naglakad ako paalis.
"Alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan...dahil sa itsura ko..." Napahinto ako ng marinig yun sa kanya.
"Hindi basehan ang itsura sa pagmamahalan" Aniya ko sa kanya.
"Sinasabi mo lang yan para di ako masaktan" Sagot niya sakin.
Ganyan ba siya kaseryoso?
Muli akong humarap sa kanya.
"Hindi sa hindi kita gusto dahil sa itsura mo..." Pambibitin ko.
"Saan? Dahil sa pangungulit ko?" Tanong niya at napabuntong hininga muna ako bago ko siya sagutin.
"Ayaw kong isang araw bago ako makauwi ay may nag-aabang na sakin para mag-iskandalo na inaagaw kita sa kanya" Sagot ko na ikinataka naman niya.
"Ha?" Agad niyang tanong sakin na parang hindi ako narinig.
"Diba may girlfriend ka? Ayaw kong maging kabit kaya tigil tigilan mo na ako" Seryoso kong sagot at napatawa nalang siya sa mga sinabi ko.
Loko loko ba 'tong lalaking 'to?
Nagkamali nga ata ako ng basa sa kanya.
"Oh? bat ka tumatawa? Ahh masaya ka kase napaglaruan mo ako? nauto mo ako?" Inis at sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Seryoso ka ba? Wala akong girlfriend" Sagot niya na ikinakunot naman ng noo ko.
"Wala nga akong girlfriend. Sa itsura kong 'to magkakagirlfriend ako?" Sarkastiko niyang asik sakin.
May itsura naman siya at mukhang mayaman...
"Pero...sino yung babae na nasa album mo sa Facebook?" Agad kong asik sa kanya na nagpatigil saming pareho.
Nadulas na nga ako...
"Inistalk mo ako no?" Nakangisi niyang tanong sakin at napatingin ako sa iba.
Ang daldal ko talaga. Bakit pag sikreto ng iba hindi ko nababanggit pero pag sarili kong sikreto nababanggit ko bigla?
"Di ko naman alam na interisado ka pala sakin" Dagdag niya.
"Naniguro lang ako na estudyante ka nga dito pero di ko nakita kung may kamutual ka ba na friends ko eh wala so...senior high school ka ba talaga?" Pagpapalusot ko sa kanya...
Pero teka totoo naman eh.
"Ahh...okay ganito. Magpapakilala ako sayo" Saad niya sakin.
"Pero" Napataas ang kilay ko dahil alam kong may kondisyon siya.
"Tuturuan mo akong magsulat ng tula" Napairap nalang ako sa kanya.
"Magpakilala ka muna. Hindi ako pumapayag basta kapag hindi ko pa kilala ang gagawan ko ng pabor" Aniya ko sa kanya.
Akala mo mauuto mo ako?
"Okay" Nakangisi niyang sagot sakin.
"Go. Start" Umupo ako at umupo din siya.
"Hi, My name is Chand Klier Suarez" Agad akong napatingin sa kanya ng masama.
"Yun lang?" Asik ko sa kanya at tumango naman siya b
habang nilalabas ang ballpen at notebook niya.
"Turuan mo na ako" Nakangiti niyang saad sakin.
Napakatalino ha?
"Yung matinong pagpapakilala. Name, Age, Grade, Section, Building--" Napahinto naman ako ng ipakagat niya sakin ang ballpen niya.
"Chand Klier Suarez, 16, Grade 10, Section I, Building II, 3rd Floor, I was born in California, Moved in Delhi when I was 5 and raised here in the Philippines, No girlfriend since birth and a fan of Fantasia Makata, nice to meet you" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang lahat ng iyon sa kanya.
Napakayaman at talino naman niya...
Pero...
"Grade 10 ka?!" Asik ko sa kanya ng ibuga ko ang ballpen.
"Yeah di mo narinig?" Tanong niya sakin.
"Kung Grade 10 ka at Grade 11 ako...bakit di ka nag-aAte sakin?" Asik ko sa kanya at akmang papaluin.
"We're just around the same year and age and ayaw ko na tumawag ng ate" Napataas na naman ang kilay ko ng marinig sa kanya yun.
"Kase the last time I call someone 'Ate' broke my heart and ayoko na maulit uli yun" Pagpapaliwanag niya.
Napakabata naman niya para maging malalim ang isip at magmahal.
[Not included in the story just a side comment(A/N: Parang hindi ka nainlove nung grade 7 ka palang Fantasia ah :3)]
"Siya ba yung babae sa album mo sa Facebook?" Tanong ko at tumango naman siya.
"Kwentuhan mo nga ako tungkol sa kanya" Saad ko sa kanya at nag-aalangan ang itsura niya.
Bigla naman may tumawag sakin...
Eros is calling...
DECLINE | ANSWER