Chereads / Tila Tula / Chapter 3 - Sa Likod Ng Argumento

Chapter 3 - Sa Likod Ng Argumento

[Chand's POV]

(Nakaraang linggo ; ika-3 ng Hunyo, 2019)

Habang nagpipicture ako sa Mini People's Park ay nakita kong may nakaupong babae sa isang bench. Tanging likod lang niya ang nakikita ko. Pinucturan ko siya.

Lumapit ako ng konti para makita ang mukha niya.

Nang pipindutin ko na sana ang camera ko ay bigla naman siyang tumayo kaya sinundan ko nalang siya gamit ang camera ko.

Pumunta siya sa may basurahan habang hawak ang isang notebook. Pagkatapos niya itong tignan ay itinapon niya yun atsaka umalis.

Nang makaalis na siya ay pinuntahan ko naman ang basurahan para tignan kung ano bang meron sa notebook at itinapon niya.

Buti nalang at sa non-biodegradable na basurahan niya itinapon ang notebook kaya puro tuyong dahon lang ang kasama nito.

Kinuha ko ang notebook at pinagpag.

Mukhang normal lang naman siya na notebook, medyo luma nga lang.

Inusisa ko muna ang labas ng notebook at tsaka ito binuksan.

Blanko ang unang pahina pati ang likod nito.

May mga nakasulat na sa mga sumunod na pahina at mga tula ang nakasulat. Ang iba ay hindi tapos at ang iba ay may mga punit na. Matagal na siguro ang notebook na 'to.

Binasa ang isa sa mga tula.

"Minulat sa kasarinlan ng buhay,

Di ninais ang kapangyarihang taglay.

Nangarap na maging malaya,

Gusto din kumain ng ampalaya.

Nasanay na kutsara't tinidor ang pangkain,

Sasakyang de apat na gulong ang siyang naghahatid sundo sakin.

Pambahay ay pang porma ng normal na dalaga't binata,

Ako ang di madapuang lamok na bata.

Mga kaibigan ko'y mumunting santan,

Ako ang mapulang rosas sa bulaklakan.

Pamilya ay mga antigo sa bahay,

Gusto kong tumawid sa malayang tulay.

Pera't kalayaan ay nasa akin na,

Oras nila ang gusto kong mamana.

Kahit si kamatayan ako'y inaaya,

Ako'y isang malaya na gustong lumaya.

"Gustong Lumaya ng Malaya Na"

Sa panunulat ni Fantasia Makata" Agad akong tumingin sa direksyon ng babae kanina. At tumakbo, baka sakaling maabutan ko pa siya.

Paglabas ko ng Mini People's Park ay madami ng tao kaya imposible ko ng makita yung babae kanina.

Habang nasa orientation ako ay hinahanap ko siya. Pero hanggang sa pagtapos ng orientation ay hindi ko siya makita. Inuwi ko nalang ang notebook niya.

Next week pa ang pasukan namin kaya next week ko nalang siya hahanapin.

Habang nasa akin ang notebook niya ay binasa ko ang mga tula niya. Sa sobrang dami ng tula niya ay inabot na ako ng madaling araw para tapusin yun lahat pero hindi pa yun ang lahat dahil ang ibang pahina ng notebook na ito ay mga tula na hindi pa tapos.

Sobra na akong inaantok pero hindi ko alam kung bakit hindi maalis ang mata ko sa pagbabasa ng mga tulang sinulat niya. Napakalalim ng mga tula niya pero tagos sa puso.

Yung tipong hindi naman ito tungkol sakin pero parang ako ang nakakaranas kung gaano kasakit, kalungkot, kasaya at tagos sa puso ang mga tula niya.

Isa lang ang masasabi ko, mapagmahal siyang tao.

Masasabing mapagmahal siya dahil kahit malungkot at masakit ang ibang tula niya ay ramdam mo ang pagmamahal niya dito.

(Kasalukuyan ; ika-10 ng Hunyo, 2019) /uwian/

Tuwang tuwa ako ng makita ko na ang nagsulat ng mga tula sa notebook na 'to. Nagdesisyon kaming magkita ulit ngayong uwian at kasama ko na nga siya.

Nakaupo siya ngayon sa tabi ko at pinagmamasdan ang notebook niya.

"Pano mo ako nakilala?" Tanong niya sakin at napangiti naman ako sa kanya.

"Naisip ko kasi na malabong makita kita andaming estudyante dito eh" Sagot ko sa kanya at tumango lang siya.

"Atsaka malabo mata ko" Dagdag ko at napatawa naman siya.

"Paano mo nga nalaman na ako si Fantasia Makata? Kung likod ko lang ang nakita mo?" Tanong niya sakin.

"Habang nasa orientation ako ay pinipicturan ko ang buong paligid tapos nung tinrasfer ko sa laptop ko yung mga pictures nahagip ka sa isa sa mga pinicturan ko naalala ko na pinicturan kita nung nakatalikod ka kaya hinalintulad ko at tama nga ako ikaw nga yun kaya tinignan ko maigi yung mukha mo para hanapin ka ngayong pasukan at nahanap nga kita" Pagkukwento ko sa kanya at tumango lang siya.

Madami pa siyang tanong at sinagot ko naman. Pero may mali ata akong nasabi sa kanya dahil nag-iba ang tingin niya sakin ng banggitin niya ang mga salitang ito.

"Ayoko na magsulat ng tula. Nagsasawa na ako sa mga tula. Walang kwenta lahat ng mga tulang nagagawa ko" Seryoso niyang asik sakin.

"Alam kong gusto mo magsulat ng tula, gusto mong sumulat ulit ng tula" Asik ko sa kanya.

"Akin na ang kamay mo" utos niya sakin at ginawa ko kahit nagaalangan ako.

Ipinatong niya sa kamay ko ang notebook.

"Hindi ko na kailangan niyan, kung sa tingin mo mahalaga yan sayo nalang. Pagsasawaan mo din yan at sa basurahan din ang punta ng mga tulang yan" Pagkasabi niya non ay umalis na siya pero pinigilan ko siya.

At tanging eto lang ang huli niyang binanggit.

"Kung nagandahan ka sa tula ng iba kaya mo ding gumawa ng mas maganda pa. Ikaw nalang ang tumapos baka sakaling magkakwenta pa yang mga tulang yan." At tuluyan na siyang umalis.

Hindi ko maintindihan kung bakit ba ganun ang mga sinasabi niya. Magaganda naman ang mga tula niya at sigurado akong magagandahan din ang ibang makakabasa nito.

Napaisip ako ng dahilan kung bakit niya tinawag na walang kwenta ang mga tula niya.

Napaka-imposible na ayaw niya ng magsulat ng tula. Mahal niya ang mga tula at naniniwala akong may kulang sa kanya para magsulat ulit ng tula.

At gagawa ako ng paraan para muli siyang bumalik sa pagsusulat ng tula.

[Fan's POV]

Habang naglalakad ako pauwi ay hindi maalis sa isip ko si Chand. Hindi ko inakalang may makakabasa ng mga tula ko at hindi ko inakala na may magagandahan sa mga iyon.

Nahihiya din ako sa inasal ko kay Chand, hindi naman kami lubusang magkakilala para iwan lang siya basta. Pero tama na siguro ang desisyon ko na iwan nalang sa kanya yung notebook kong 'yon. Wala na din naman yun magandang dulot sakin.

Pero yung effort ni Chand para lang sa mga tula ko...

Nang usisain ko ang notebook ko napansin kong may plastic cover na ito at ang mga punit ay may mga tapal ng scotch tape. Pati ang mga nakatiklop na dulo ng mga pahina ay unat na.

Ang effort niya din para lang makita ako...

Ngayon lang ako nakakilala ng taong pinahalagahan ang mga gawa ko.

Pero yung hiling niya na ituloy ko ang mga tulang hindi ko natapos...

"Ano ba kasing nangyayari sayo Fan?" Tangi kong sambit sa hangin at bago ako makapasok sa bahay ay may natanggap akong notification.

Chand Suarez sent a friend request.

CONFIRM | DELETE