Chereads / Tila Tula / Chapter 2 - Walang Kwentang Tula

Chapter 2 - Walang Kwentang Tula

"Ikaw si Fantasia Makata?" Tanong ng di pamilyar na lalaking tumawag sakin ng makalapit na siya sakin.

"Oo, bakit?" Pagaalinlangan kong tanong sa kanya.

"I'm Chand meaning light in Hindi language" Maligayang pagpapakilala niya sa sarili niya, sinuklian ko naman siya ng ngiti.

Tinignan ko muna siya ng maigi dahil baka dati ko siyang kakilala na di ko lang talaga matandaan, nakakahiya.

Sakto lang ang pangangatawan at kulay ng balat niya, nakababa naman ang bangs niya at nakasalamin siya. May dimple siya sa kanang bahagi ng pisngi at medyo makapal ang kilay niya.

"Bakit mo ako kilala?" Tanong ko sa kanya na may pagaalinlangan pa din dahil di ko siya lubos na kilala.

Mas lalo naman akong nagtaka ng umayos siya ng tayo at boses.

Tumingin siya sakin at nagsimulang bumuka ang bunganga niya.

"Minulat sa kasarinlan ng buhay

Di ninais ang kapangyarihang taglay

Nangarap na maging malaya

Gusto din kumain ng ampalaya" Ang mga katagang ito...

"Mula sa unang taludtod ng malayang tula na pinamagatang 'Gustong Lumaya Ng Malaya' na isinulat ni Fantasia Makata" Dagdag pa niya na nagpakunot ng noo ko.

"Kwento ng isang pinagpalang tao na gustong matikman ang pait ng buhay na kailanman ay hindi niya naranasan" Dagdag pa ulit niya na nagpangiti naman sakin.

"Paano...mo nalaman yan?" Tanong ko sa kanya at ngumiti siya.

"Nabasa ko ang lahat ng tulang sinulat mo" Sagot niya.

"Ha?" Pilit kong inaalala kung saan ko ba nasulat ang tulang iyon.

"Sa notebook mo" Agad akong napatikwas ng maalala ko ang notebook na sinasabi niya.

"Pero..." Napatigil ako ng maalala kong muli kung bakit kaya napunta sa lalaking ito ang notebook ko.

[Nakaraang linggo ; ika-3 ng Hunyo, 2019]

Orientation day ng school namin, next week ang simula ng klase namin at kinakabahan ako dahil bagong school na naman 'to at bagong buhay ko bilang estudyante dahil hindi na ako basta lang high school, senior high na ako at madami ang nagsasabing hindi basta basta ang senior high dahil mas kakailanganin ang oras, atensyon at energy. Kailangan kong ihanda ang sarili sa pagbabagong 'to.

Medyo napaaga ako sa pagpunta kaya nilibot ko muna ang school. Tahimik at payapa dahil wala pang gaanong tao. Nang mainitan ako ay pumunta ako sa mini people's park sa gitna ng school, napapalibutan ito ng puno at mga bench. Umupo ako sa pinakamalilim.

Binuklat ko ang bag ko para kunin ang tubigan ko par uminom, nakapa ko din ang notebook ko.

Ang notebook na sinusulatan ko ng mga tula ko.

Inilabas ko yon at uminom ng tubig.

Binuklat ko iyon at binasa ang ilan sa mga maiikling tulang nasulat ko.

Nang makarating ako sa gitnang parte ng notebook ko ay huminga ako ng malalim dahil kakailanganin ko para basahin ang tulang napakalalim ng ibig sabihin.

Nang matapos kong basahin iyon ay pinagmasdan ko ang paligid ko.

Kumuha ako ng ballpen at nagsimulang magsulat ng tula.

Pero isang taludtod lang ang nasa isip ko...

Tumagal pa ng ilang minuto at hindi ko talaga kayang madagdagan ang tulang naisip ko.

Muli kong tinignan ang mga pahina ng notebook ko karamihan ng tula ay hindi ko natapos o kaya ay hindi ko mabigyan ng pamagat.

Tatlong taon na mula ng huminto ako sa pagsusulat ng tula.

Makapagsulat man ako ay hindi ko naman matapos.

Hindi ko alam kung bakit ba nawalan na ako ng gana sa tula.

Gusto kong makapagsulat muli ng tula pero hindi ko alam kung paano.

Dahil sa pagkabagot at inis ko sa sarili ko ay itinapon ko nalang ang notebook ko at umalis.

[Kasalukuyan ; ika-10 ng Hunyo, 2019] /uwian/

Uwian na at nagkita kami ni Chad sa Mini People's Park. Dahil gusto daw niyang ibalik ang notebook ko.

Nakaupo kami at pinagmamasdan ko ngayon ang notebook ko.

"Bakit mo pa 'to kinuha?" Tanong ko sa kanya at nakatingin pa din ako sa notebook.

"Uhmmm...gusto kong mabasa yung sinulat mong tula nung araw na yun" Sagot niya sakin at napatawa nalang ako.

"Kung nabasa mo yung ibang tula nabasa mo na din yung tula na sinulat ko nung araw na yun" Asik ko sa kanya at di ko pa din siya magawang tignan sa mata.

"Gusto kong mabasa yung buo at tapos na tulang yon" Sagot niya sakin at napatingin ako sa kanya.

Kita sa mga mata niya ang sineridad.

"So?" Umupo ako ng ayos para tignan siya.

"Gusto kong tapusin mo yung di mo natapos na tula" Napatawa nalang ako ng sabihin niya yun.

"Alam mo ba kung bakit ko tinapon 'tong notebook na puno naman ng walang kwentang tula?" Sarkastiko kong tamong sa kanya. Hindi ko naman na hinintay ang sagot niya.

"Ayoko na magsulat ng tula. Nagsasawa na ako sa mga tula. Walang kwenta lahat ng mga tulang nagagawa ko" Seryoso kong anya sa kanya.

"Tinatawag mo bang walang kwenta yung mga tulang nagpapamulat sa mata ng iba?" Tanong niya sakin at napakunot ang noo ko.

Bago pa man ako makapagsalita...

"Lahat ng mga tulang sinulat mo ay niligtas ako. Nagsilbing musika ang mga tula mo sa isip at puso ko" Asik niya sakin.

"Alam kong gusto mo magsulat ng tula, gusto mong sumulat ulit ng tula" Dagdag pa niya.

"Akin na ang kamay mo" utos ko sa kanya at ginawa niya.

Ipinatong ko sa kamay niya ang notebook ko.

"Hindi ko na kailangan niyan, kung sa tingin mo mahalaga yan sayo nalang. Pagsasawaan mo din yan at sa basurahan din ang punta ng mga tulang yan" Pagkasabi ko non ay umalis na ako.

"Fan!" Pagtawag niya sakin pero hindi ko na siya nilingon pa.

"Lahat ng tula mo ay maganda! Kailangan mong tapusin ang lahat ng mga tulang di mo pa tapos!" Sigaw niya at huminto ako.

"Kung nagandahan ka sa tula ng iba kaya mo ding gumawa ng mas maganda pa. Ikaw nalang ang tumapos baka sakaling magkakwenta pa yang mga tulang yan." At tuluyan na akong umalis dahil ayaw ko na makipag-argumento pa sa kanya.