Naglalakad ako ngayon papuntang classroom. Hindi ko maintindihan yung sinabi ni yabang kanina. Be his girlfriend daw? Nababaliw na ba siya?
Pag ka sabi niya nun eh iniwan niya na ako sa locker room nila. Hindi ako nakasagot eh.
"Aray!" Bigla nalang akong binunggo nung lalaking nakasalubong ko sa daan. Binunggo kasi sinadya niya talaga.
"Sorry" sabi niya pero nakangiti naman siya. Sinadya niya talaga yun.
Maya maya pa napansin kong halos lahat ng estudyante na madadaanan ko eh tinitignan ako. May problema ba sa mukha ko?
Nagulat nalang ako ng may bumato sakin ng crumpled paper. Nakatalikod ako dun sa bumato sakin at pag harap ko parang walang nangyari at may kanya kanyang ginagawa yung mga estudyante. Hindi ko nalang pinansin kasi baka di naman sinasadya.
Pagpasok ko palang sa classroom ay nadapa na ako dahil sinadyang iharang ng kaklase ko yung paa niya sa daan.
"Elize okay ka lang ba?" Tinutulungan ako ni Hannah makatayo habang tinitignan ng masama yung lalaking pumatid sa akin.
"Sorry" sabi nung lalaki habang nakangiti ng nakakaloko. Argh!
"Okay ka lang ba Elize?" pag uulit ni Hannah. Nginitian ko naman siya.
Hindi pa ako nakakasagot ay pinagbabato na ako ng mga kaklase namin ng crumpled paper.
Ngayon, sabay sabay na nila akong binabato at hindi sila tumitigil.
"Stop it!" Sigaw ni Hannah sa mga kaklase namin pero hindi sila tumitigil.
"Ano bang ginawa ko sa inyo ha?! Bakit niyo 'ko ginaganito?" sigaw ko sa mga kaklase ko.
Lumapit sakin yung isang babae at biglang hinatak yung buhok ko. Lalapit sana si Hannah kaso biglang hinawakan yung dalawang braso niya ng iba pa naming kaklase.
"Aray nasasaktan ako, bitawan mo'ko!" pinag papalo ko yung kamay ng kaklase ko na nakasabunot sakin.
"Alam mo ikaw, akala mo kung sino ka. Ang lakas ng loob mo gawin yon kay Renz. Sabi niya diba hindi ka na pwede tumapak dito sa DLU ulit. Bakit nandito ka pa?" tinitigan ko lang siya ng masama kasi wala naman akong kailangang iexplain sakanya.
"Tigilan niyo na si Elize pls. Bitawan niyo na din ako" pagmamakaawa ni Hannah sakanila.
Hindi ko din naman talaga alam kung na kick-out na ako kasi wala pa namang pinapadalang notice of dismissal sa akin ang administration ng DLU.
Binitawan lang ako at si Hannah nung mga kaklase ko nung pumasok yung prof namin.
Tinignan lang ako ng Prof namin ng parang nakaka awang tingin sabay iling.
Umupo na kami ni Hannah sa kanya kanya naming upuan. Habang nag didiscuss yung professor namin panaka naka pa din akong binibigyan ng mga kaklase ko ng matatalim na tingin.
"okay ka lang ba Elize?" text ni Hannah sa akin. Napatingin naman ako sakanya dahil nagtataka ako bakit siya nakakatext eh sa harapan siya nakaupo.
Nakita ko naman agad yung nag aalala niyang mukha kaya ngumti lang ako at nag thumbs up sakanya. Ngumiti naman siya pabalik sakin.
Pahamak talaga yang Lorenzo na yan. Dahil sakanya pinag iinitan na ako ng mga kaklase ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng pakikinig ng biglang mag vibrate ulit ang phone ko. Hayyy Hannah talaga mahuli ka pa niyan eh.
"Meet me at the parking lot. 5pm sharp. Pag di ka sumipot, kick-out ka na!" WHAT?? Si yabang ba 'to paano niya nakuha yung number ko?
Hassle, wala pa naman akong load. Bahala siya dyan!
Mabilis na natapos yung subject namin. Dali dali akong nilapitan ni Hannah at niyakap. Nagmadali na din kaming lumabas dahil baka pag initan na naman ako ng mga kaklase namin. Bumili lang din kami ni Hannah ng lunch at nagdecide na sa kotse niya nalang kami kumain sa takot na may gawin na naman silang masama sa akin.
And yes, isa si Hannah sa estudyante na may kotse. Rich kid sila diba?
Habang kumakain ay naisip ko yung ginawang pag reject ni yabang sa kaibigan ko.
"Hannah, ayos ka na ba?" nakita ko siyang natigilan sabay ngiti habang nakatingin pa din sa kinakain niya.
"Oo okay na ako. Alam mo ba kung bakit nagustuhan ko si Renz?" umiling naman ako.
"Nung elementary palang kasi ako, my classmates also bully me. Masyado kasi akong mahiyain nun at wala akong friends. Tapos, si Renz yung nagtanggol sakin nun." napatango tango naman ako. Pero di pa din ako makapaniwala na magagawa yun ni yabang. Puro hangin utak nun e.
"Alam ko namang ang petty, pero since then naging crush ko na siya." ngumiti ulit siya ng malungkot.
"Pero all good na ngayon. I'm with Alec na so-"
"Wait. What?? Alec? as in Alec Mendoza? Yung member ng F5?" ngumiti naman siya at tumango tango.
"Paano?" Ang bilis naman! Hindi ako makapaniwala.
"Hahaha you're really cute Elize. Well, he's been courting me ever since I can remember and I finally gave him a chance"
"Nililigawan ka niya ng hindi ko alam?! Anong klase akong kaibigan?!" napapalakas na yung boses ko kasi di talaga ako makapaniwala.
"Chill. Sorry di ko sinabi hehe wala naman kasi akong balak bigyan talaga siya ng chance kaso nung nireject ako ni Renz naisip ko maybe I'm just focusing on the wrong one. And isa pa pumupunta siya lagi sa bahay to bring me stuffs and all kaya kilala na siya ng parents ko." napa pout ako bigla. Ako nga di pa nakakapunta kila Hannah eh.
"Ang daya ako nga di pa nakakapunta sainyo." reklamo ko sakanya.
"Well lagi kita niyayaya pero ikaw ang may ayaw. Hmp" napa peace sign nalang ako sakanya.
She seemed happy sa decision niya and I'm happy also for her. Whatever makes her happy I'll support her.
Bumalik na din kami ni Hannah sa klase at salamat naman dahil wala ng ginawa sakin yung mga kaklase ko aside sa pagtingin ng masama. Well, kaya ko namang mabuhay sa mga tinging yon, kala niyo weak to?
Natapos na yung last class namin at malapit na yung pagkikita namin ni yabang. Ano ba yan kinakabahan na naman ako. Baka may gawing masama yun sakin.
Erase erase Elize! Wag ka mag isip ng kung ano ano. Renzo lang yun.
"Elize, halika na ihahatid na kita sa dorm niyo." natigil ako sa pag iisip ng magsalita si Hannah.
Hala, patay! Di niya alam na magkikita kami nung mayabang na lalaking yon. Di ko alam paano ko sasabihin. Baka magalit siya sakin kasi gusto niya si Renzo huhuhu. Pero she's with Alec na diba? Aish bahala na nga.
"Uhh may dadaanan pa ako sa library Hannah. Mauna ka na. Okay lang ako, dun lang naman yung dorm oh." binigyan niya naman ako ng nag aalalang tingin.
"Elize baka may gawin na naman sila sayo"
"Wala na yan. Diba nga buong araw na silang walang ginawa sakin. Okay lang ako. Promise. Sige na. Uwi ka na. Ingat." Sabay takbo ko palayo kay Hannah pagkasabi ko nyan.
"Elize!!!" wala na siyang nagawa kasi nakalayo na ako. Wohhh napagod ako dun ah.
Naglalakad na ako papunta sa parking lot ng F5, may sarili kasi silang parking lot na iba sa mga estudyante dito kasi ganon sila ka priveledge.
Bago pa ako makapuntang parking lot eh hinarang na ako ng limang babae. Ito yung mga T-girls na patay na patay kay yabang eh. Agad naman akong napa atras kasi alam ko na agad yung gagawin nila sa akin.
Biglang nag ring yung phone ko at nakita ko yung number na nagtext sakin kanina. Agad agad ko namang sinagot.
"Hoy pangit, ilang oras mo ako balak pag hintayin? 5:05 na. Sabi ko 5pm sharp diba?" Ang OA. Limang minuto lang e.
Sasagot sana ako ng makaramdam ako ng masakit na sampal mula dun sa isang babae. Nakalimutan kong nandito nga pala sila.
"Aray masakit yon ha?" Narinig kong nagsasalita pa si yabang sa phone pero nabitawan ko na yung telepono ko ng hawakan ako sa magkabilang braso nung dalawa sa T-girls. Sinipa nila palayo yung telepono ko.
Hoy! Wala akong pampalit dyan huhuhu
"Ang kapal pa rin talaga ng mukha mo ano? Bakit di ka pa din umaalis dito? Pinaalis ka na ni Renz diba? Hindi ka bagay dito." sinabunutan niya na din ako.
"Bitawan mo'ko masakit na ha? Ang daya naman nito. Lima kayo isa lang ako. Ano one on one oh!" sinampal niya na naman ako. Nakakadami na 'to ah.
"Ibang klase ka talaga" sinipa niya ako sa tyan kaya hindi ako nakasalita. Super sakit.
Hindi pa din siya tumitigil kaka sipa sakin. Paulit ulit din nilang sinasabi na ang lakas daw ng loob ko lumaban sa F5. Mahirap lang naman daw ako, at kung ano ano pa!
Napahiga na ako sa sahig sa sakit ng ginagawa nila sakin.
Tinanggal pa nila yung salamin ko at tinapakan. Sht. Wala akong pampalit diyan.
"Tama na tama na" umiiyak na ako habang sinasabi yon. I hate it. I feel helpless.
"Hoy bitawan niyo nga siya!" nagulat ako kasi nasa harap na namin si Renzo ngayon. Tinignan niya ng masama yung mga babaeng nang aaway sakin.
"Pero Renz pinahiya ka niya. Deserve niya lang yan."
Nakatitig ako sakanya, umurong lahat ng luha sa mata ko. Tinitigan niya rin ako. Sa unang pag kakataon pakiramdam ko mabuti talaga siyang tao. Muka siyang concern sakin.
Ang sakit ng katawan ko. Grabe ang mga estudyanteng to. Ayoko na talaga dito.
"Pasalamat kayo hindi ako pumapatol sa babae. Pero isang beses pang saktan niyo ulit yang babaeng yan, ako na ang makakalaban niyo" Lumapit si Renzo sakin at chineck yung mga sugat ko.
Mukang takot na takot yung mga babae sa sama ng titig ni Renz.
"ALIS!" sigaw niya sa mga babaeng takot na takot na ngayon. Ultimo nga ako nagulat sa sigaw niya.
Nagsitakbuhan naman sila sa takot.
Napaupo ako ng dahan dahan ng maka alis na yung mga T-girls at sinubukang kunin yung salamin kong barag na barag na. Naiiyak na naman ako. Nakakainis to. Hindi ako pwede umiyak sa harap ni yabang.
Hindi ko alam kung ano ng nangyari pero nakita ko nalang yung sarili kong yakap yakap ni yabang.
Niyakap ako ng taong hindi ko inakalang yayakapin ako. Yung huling taong naiisip kong tutulong sakin sa panahong ganito. Ewan ko pero bigla nalang tumulo ulit yung kanina ko pa pinipigilang luha.
"Tumahan ka na Lexia. Nandito na ako, wala ng mananakit sa'yo."
And with those words pakiramdam ko, ayos na ako.
--