Chereads / Our bet is Love / Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 10 - Chapter 9

"Elize dali, sukatin mo ito" sabi ni Hannah

"Ito din Elize, bagay 'to sayo" sabay abot nung white fitted crop top sakin ni Kendra.

Nandito kami ngayon sa mall para mamili daw ng damit na susuotin namin mamaya sa party. Ayoko naman kasi talaga sumama kaso itong dalawang 'to sabi hindi daw pwede mawala.

Hindi rin naman kasi yun party, more of clubbing dahil sa bar ni Ray kami pupunta.

"Elize, what's with the face? Kailangan nating magpaganda kasi madaming babaeng pupunta dun, baka maagaw boyfriends natin" ani Kendra, wait, sila ni Ray?

"Kayo pala ni Ray?" tumawa naman siya na parang kinikilig. Hala, nabaliw na.

"Hindi pa. Pero malapit na" she giggled as she said that to me. Napailing nalang ako sa sagot niya.

"Hindi naman kasi ako nag pupunta sa ganong lugar, at itong mga damit na 'to, hindi ako to eh. Isa pa, ang mamahal oh" angal ko sa kanilang dalawa.

"Elize naman, girlfriend ka na ngayon ni Renz, mas madami ng tao yung pupuna sayo. Isa pa, hindi naman siguro masama magtry ng bago diba?" Hannah said while smiling at me. I just sighed at her response.

"Who says you need to pay? This is our family's business so I got this" tinignan ko naman si Kendra ng nanguguluhang tingin. She just rolled her eyes at me.

"Duh Elize? I'm Marco's couzin" napa 'oh' nalang ako, kasi di ko naman ineexpect 'yon. Kaya pala malapit din siya sa F5. Pinsan niya pala si Marco.

I just smiled at the thought of him. Okay fine, I think may crush ako sakanya. Crush lang naman diba? Hehe

Nagpatuloy kami sa pamimili ng susuotin, medyo naiinip na ako kasi ang tagal na namin dito sa mall.

Matapos ng damit, sapatos naman ang binili namin. May binibigay lang si Kendra na card then hinahayaan na kami sa mga kinukuha naming items. Well, sila lang naman ang kumukuha, sumasama lang ako sakanila.

Tumagal pa kami ng ilang oras sa mall dahil kung ano ano pang bagay yung binili nila Kendra at Hannah. Habang naglalakad sa mall, nakita ko na naman yung babae sa poster na tinititigan noon ni Renzo.

Grabe super ganda niya talaga.

"She's pretty right?" sabi ni Kendra na tinititigan na din ngayon yung babaeng tinitignan ko. Katabi ko na pala siya ngayon, habang si Hannah busy pa din sa pagtingin ng mga bags.

Napa tango nalang ako sa sinabi niya.

"Sino siya?" hindi ko napigilang itanong.

"Cassandra Ford. Beauty and brains, plus sobrang bait. No wonder-" bigla siyang napahinto sa sasabihin niya. Tinitigan ko naman siya ng nagtataka.

Umiling lang siya at ngumiti.

"Let's go?" I smiled back and nod.

Cassandra Ford huh?

-

Nandito na kami ngayon sa bahay nila Kendra para mag prepare sa party mamaya. Ang weird lang na party yung tawag kahit sa club gagawin.

Sabi nila madami daw pupunta from different schools. Every month may ganitong happening sa bar ni Ray, alam ko namang pumupunta si Hannah dito pero never naman ako sumama.

"Elize pumili ka na ng susuotin mo dito, sayo na 'yan lahat" sabi sakin ni Kendra sabay abot ng mga paperbags. May mga sapatos, damit, alahas at make up pa. Aanhin ko 'to?

"Uy hindi na. Pipili nalang ako ng isa tapos ayun lang. Hindi ko naman yan kailangan" sabi ko.

"Aww sayang naman. That's not my size pa naman. Hindi ko din yan magagamit" she said while giving me those puppy eyes. I sighed. Petite kasi si Kendra habang ako ay matangkad, so iba talaga kami ng size.

"Alright, yung damit at sapatos lang, yung make up and alahas hindi ko kukunin. Final 'yon" she laughed at what I said, pero pumayag din naman siya.

"And here pa pala Elize, I just noticed na ang laki laki lagi ng uniform na suot mo, kaya sayo nalang to. Hindi ko pa yan nagagamit kasi not my size eh" sabay abot pa ng isang paper bag na may lamag school uniform namin.

Hindi na ako nakipagtalo at tinanggap nalang at nagpasalamat. Grabe, galit ba sila sa pera parang bumili ng di nila size? Ang mahal kaya ng uniform sa DLU. Tsk.

Narealize ko din na ang laki ng kwarto ni Kendra, parang buong bahay na namin 'to ah? May walk in closet siya, may sariling banyo at may mini ref pa. Iba talaga yung yaman nila.

Everything in the room has a touch of color pink. Baby pink to be exact, very Kendra. Girl na girl talaga siya, kilos at salita.

Tinignan ko naman si Hannah ngayon na busy sa pag tetext. Nakangiti pa siya na parang kinikilig. Napailing nalang ako. Wag lang talaga siyang sasaktan ng Alec na 'yon kundi makakatikim siya ng suntok sakin.

Naupo nalang ako sa couch at sinimulang ilabas yung mga binigay sakin ni Kendra.

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano pero sobrang iikli ng lahat! Kung susuotin ko yan para akong nag suot ng kulang sa tela. Sinubukan kong ilabas isa isa at nagbabakasakaling may makitang pwede.

Nakita kong nag punta na sa banyo si Kendra para mag bihis. Si Hannah naman, nagsisimula na ding mamili ng susuotin.

Napanganga ako ng lumabas si Kendra galing banyo na suot lang ay black lacy bralette at fitted red mini skirt.

"Hannah your turn" she said.

"Super bagay sa'yo Kendra, sexy!" sagot ni Hannah. Kinindatan lang siya ni Kendra at nagpatuloy na papasok sa banyo.

"Kendra di ka ba kakabagin don? Labas yang tiyan mo oh" tumawa lang si Kendra na parang may sinabi akong nakakatawa.

"Don't worry Elize, hindi. I'll also bring my cardigan so no worries" tumango nalang ako. Bahala siya kabagin diyan. Pero infairness bagay nga talaga sakanya.

Bahala na nga tong isusuot ko.

Ilang minuto pa lumabas na din si Hannah suot suot ang isang shiney red off shoulder dress partnered with black heels. Yung sleeves nun ay hindi gaanong mahaba pero di rin maikli. Grabe mas lalong nakita kung gaano kaputi si Hannah sa suot niya. Super bagay!

"Elize, bihis ka na din" she said to me and I comply. Dala dala ko ngayon ang isang silver sequins spaghetti strap na fitted sakin at isang black leather slimfit pants. May belt na din siyang naka kabit.

Sinuot ko na yung top at tinuck-in sa leather pants. I partnered it also with black boots galing din sa bigay ni Kendra.

Lumabas ako na si Hannah na ang nag lalagay ng kolorete sa mukha.

"Wow" Sabay nilang sabi sakin.

"Mas lalong maiinlove sa'yo si Renz hihi" sabi ni Kendra. In love? Kung alam niyo lang.

"Ang ganda ganda mo Elize. Dapat lagi kang mag aayos ng ganyan. Bagay sayo" sabi pa ni Hannah.

What? No way! Ngumiti nalang ako at nagsimulang suklayin ang buhok ko.

Si Hannah ay nag hahalf bun na sa ngayon habang si Kendra naman ay nakalugay lang. Natural na may pag ka wavy yung buhok niya so wala ng problema.

Ako naman, I chose to put a high bun para sa buhok ko. Ayoko sanang mag make up but they insist. Nilagyan nila ako ng kung ano ano sa mukha pero nung natapos nakita kong bagay din naman.

Pinipilit pa nila akong mag contacts pero tumanggi na talaga ako. I can't live without my eyeglass. Huhuhu

Pumunta na kami sa bar ni Ray at gamit pa din naming sasakyan ay yung kay Kendra. Napag usapan nilang isang kotse nalang ang dalhin para safe na rin in case malasing sila mamaya.

"Revamp" basa ko ng malakas ng makarating kami sa bar. Weird name.

Pagpasok na pagpasok namin rinig na rinig ko ang ingay ng club music at parang nahihilo ako sa dami ng tao. Gusto ko na agad umuwi.

"Kendra! Here" tawag samin nung mga babae. Ang sesexy ng suot nila. Mga kaklase pala sila ni Kendra.

Naupo na kami dun sa parang couch at narinig kong hinanap ni Hannah ang F5. May tinuro yung isa sa mga babae at nang sundan ko ng tingin nakita ko si Alec na nakasandal sa railing sa parang balcony nitong bar habang tinitignan si Renzo na nakikipag landian sa isang babae.

Ewan ko kung bakit pero nakaramdam ako ng inis. Kasi, pagkatapos niyang ipangalandakan na girlfriend niya ako makikipaglandian lang siya kung kanino. Bwiset na yabang talaga 'yan.

Hinahaplos pa siya nung babae sa braso at binibigyan niya naman ng malanding ngiti yung babae! Bwiset. Magsama kayo!

"Elize si Renz oh" turo sakin ni Hannah na parang tinutukoy din yung ginagawa ng ungas na 'yon. Hindi ko lang siya pinansin.

"Shot muna Elize" inabutan ako ni Kendra ng shotglass at tinungga ko 'to agad. Binigyan pa ako ng isa, at isa pa at isa pa tuloy tuloy lang ako sa pag inom dahil sa inis ko.

Hindi naman talaga ako pala inom at ang sama ng lasa nung pinainom sakin ni Kendra, humahagod sa lalamunan amp.

"Elize tama na 'yan puntahan na natin sila Alec" hila sakin ni Hannah. Iniwan namin si Kendra na nag shot pa kasama yung mga kaklase niya.

Pag tayo ko palang nakaramdam na agad ako ng hilo, tinamaan na agad ako dun? Aish.

Hinila ako ni Hannah pero nabitawan niya ako sa dami ng mga taong sumasayaw.

Biglang may sumayaw sa tabi ko, ang galing niyang sumayaw kaya natawa ako.

"Let's dance!" aya niya sakin. Nagpaunlak naman ako kahit di ako marunong sumayaw. Napaka upbeat nung tunog kaya nakakadala ding sumayaw.

Maya maya pa naramdaman kong pinulupot na nung lalaki yung kamay niya sa bewang ko at nilapit yung katawan niya sa katawan ko.

Bago pa ako makareklamo ay may humila na sakin sabay tulak dun sa lalaki.

"Hey what's your problem?" tanong nung lalaki kay Renzo. Oo si yabang na naman. Mukhang nagulat naman yung lalaki sabay taas ng dalawang kamay.

Nakatingin lang sakanya ng masama si Renzo. Mukhang natakot naman yung lalaki kaya dali daling umalis.

Hinawakan ni Renzo yung palapulsuhan ko sabay hila sakin palabas sa bar.

Argh! Nahihilo ako dahan dahan lang!

"Renzo wait!" angal ko sakanya pero parang wala siyang narinig at hila hila pa din ako palabas.

Nang makalabas na kami bigla niya akong binitawan sabay hawak sa bewang niya.

"What is your problem?" I ask him. Super nahihilo na ako ngayon dahil sa pag hila niya. Nakatitig lang siya sakin ng masama ngayon. What did I do? Saknya nga dapat ako mainis sa pakikipag harutan niya dun sa babaeng 'yon. Tss

"You have the nerve to ask? Baka nakakalimutan mong girlfriend kita pero kung makipag sayaw ka kung kani kanino parang wala lang" he answered. Wow ha? Napa nganga ako sa sinabi niya. Ibang klase!

"May pahawak hawak pa siya sa bewang mo, gustong gusto mo naman!" dagdag pa niya.

"Hoy!" sabay turo sa mukha niya. Parang biglang nawala yung pagkahilo ko sa mga sinasabi ng lalaking 'to.

"Hindi ko gusto yon no, kung di ka dumating baka sinuntok ko na yung lalaking 'yon. Ikaw nga diyan kung makipag landian kala mo walang girlfriend huh, may pahaplos pa sa'yo." sagot ko sakanya.

Mukhang gulat naman siya pero di kalauna'y napalitan ng nakakalokong ngiti yung nasa labi niya.

"So you're jealous just because I flirt with another girl?" at aminado pa talaga! Kakaiba ka talaga Lorenzo!

"Me? jealous? Asa ka! Ang akin lang, paano natin mapapaniwala yang mga kaibigan mo na totoo tong atin kung lumalandi ka lang kung kani kanino?" parang natauhan naman siya sa sinabi ko. Ang bobo naman!

"Alright, so from now on, no flirting with others habang nasa deal, okay?" He said.

"No problem with me, sa'ting dalawa naman ikaw lang ang malandi" inirapan ko pa siya sabay halukipkip. Natawa naman siya ng bahagya.

Nakita ko na naman na nilalaro niya yung mga labi niya habang nakangiti. Ang hilig niya gawin yan! Aish ang gwapo niya kapag ganyan nakakainis.

Erase erase!

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa na parang sinusuri. Ang weird talaga.

"Okay din pala kapag nag ayos ka 'no? You should wear something like that more often." sabay smirk sa'kin.

"Bat pag sa'yo galing ang manyak ng dating?" tanong ko pabalik. Parang hindi naman siya makapaniwalang sinabi ko 'yon.

"Manyak? Me? Sa gwapo 'kong to?" he ask in disbelief. Pft! Gwapo? San banda?

"Whatever you say, Renzo. Babalik na ako sa loob" pagkasabi ko nun ay lumakad na ako papasok ng Revamp, hindi pa ako nakakalayo ay hinila na agad ako ni yabang.

"Anong babalik? Uuwi na tayo!" he said. Sasagot pa sana ako ng nagsalita siya ulit.

"Ayokong makita yung girlfriend kong nakikipagsayaw sa ibang lalaki, kaya ihahatid na kita" He said with finality sabay hila sakin papasok sa kotse niya.

Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon, bakit ba ang hilig niya magbitaw ng mga ganong salita?

--