Chereads / Our bet is Love / Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 11 - Chapter 10

"Dito nalang, malapit na dito yung sa'min" sabi ko kay Renzo. Pero parang wala naman siyang narinig at dire diretso pa din sa pag mamaneho.

Totoo ngang hinatid niya ako sa'min. Medyo kinakabahan nga ako dahil baka makita kami nila Momsy at Popsy, madaling araw na naman kaya sana tulog na sila.

Weekend na nga pala kaya sa bahay ako umuwi ngayon at hindi sa dorm.

"Renzo dito nalang" biglaan kong sabi dahil muntik na kaming lumagpas. Bigla din siyang nag preno buti naka seatbelt ako. Hayy

"That is your house?" Tanong niya na parang gulat na gulat na tinitignan yung bahay namin. Hindi ito kalakihan pero wala namang nakakagulat diyan.

Tumango lang ako bilang sagot at lumabas na ng sasakyan. Sumunod naman si yabang na ikinagulat ko. Makita pa siya nila Popsy diyan, tsk.

"Kasya kayo diyan?" sinamaan ko naman siya ng tingin sa tanong niyang 'yon.

"Malamang. Apat lang kami sa pamilya at sakto lang yan sa'min" Inis kong sagot. Anong problema niya sa bahay namin?

"Chill, I'm just asking" he said habang patuloy pa ring sinusuri yung bahay namin. Ang weird ng lalaking 'to.

"Sige na, umalis ka na. Salamat sa pag hatid" papasok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at lumabas si Popsy.

Patay, huhuhu.

"Elize anak, ikaw na ba yan?" Tanong niya, sabay tingin kay Renzo. What to do?

"Popsy! Opo, halika na po sa loob" sabi ko matapos mag mano sakanya. Tinutulak ko pa siya papasok para di na siya mag tanong pero ayaw niyang umalis.

"At sino ka naman iho?" Tanong ni Popsy kay Renzo. Huhuhu

Nilahad ni Renzo yung kamay niya sabay sabing,

"Good evening sir, I'm Renz De Leon. Lexi's boyfriend" Kalmadong sagot ni yabang. WHAT?

Bakit niya sinabing boyfriend ko siya? Wala naman 'to sa usapan. Lagot ako nito kay Popsy huhuhu.

Matagal siyang tinitigan ni Popsy na parang sinusuri.

"Pumasok ka na Elize. Ikaw naman iho, Renz diba? Umuwi ka na. Bukas pumunta ka dito ng bandang tanghalian, mag-uusap tayo" Yun ang huling sinabi ni Popsy at hinila na ako papasok.

"Popsy mag eexplain-"

"Matulog ka na Elize, bukas na tayo mag usap" Sagot ni Popsy sabay pasok na sa kwarto nila ni Momsy.

Huhuhu paano po ako makakatulog? Pumasok na ako sa kwarto namin ng kapatid ko. Kumuha ng pantulog at dumiretso sa banyo para mag halfbath at toothbrush, amoy alak ako. Siguradong mapapagalitan ako nito bukas.

Natapos ko na ang ginagawa ko at dumiretso na ulit sa kwarto. Matutulog na sana ako ng narinig kong tumunog ang cellphone ko.

"So I guess I'll see you tomorrow." si yabang. Argh! Pupunta nga talaga siya.

"Aren't you going to say goodnight?" text niya pa ulit. Wala akong load bahala ka diyan!

"Okay I got it, wala kang load." What? Mind reader ba siya? Tss.

Iniisip ko pa din kung paano na bukas, pero antok na din ako. Bahala na.

Makakatulog na sana ako ng mag vibrate ulit yung phone ko.

"Good night Lexi :)" I don't know but it made me smile.

-

"Ate gumising ka na dyan" bakit ba ang ingay ni Ichan. Ang aga aga pa. Hindi ko lang siya pinansin pero patuloy pa din siya sa pag yugyog sakin. Argh!!!

"Ate gumising ka na! Yung boyfriend mo nandito na" ano ba antok pa ako. Sino bang boyfriend?

Bigla akong napabalikwas ng marinig ko yung boyfriend. What? Nandito na siya? Anong oras na ba?

"Ate kanina pa siya nandito, tara na!" Tumango na lang ako kay Ichan ng di makapaniwala. Dali dali akong nagpalit ng damit at nagsuklay.

Lumabas ako at nakita siyang nakaupo sa sofa kausap sila Momsy at Popsy. Napatingin siya sa'kin sabay ngiti. What?!

Dali dali akong pumasok sa banyo para mag toothbrush at maligo na din. Lord! Anong sinsabi niya sa magulang ko? Huhuhu

Pag labas ko galing banyo nakita kong naghahanda na si Momsy ng pananghalian namin. Grabe tanghali na ako nagising. Ang sakit pa ng ulo ko sa ininom ko kagabi! Di na talaga ako uulit.

"Oh anak, mabuti at gising ka na. Kanina pa nandyan si Renz nakakahiya, puntahan mo na" sabi sakin ni Momsy na ikinagulat ko.

"Hindi po kayo galit?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Bakit naman ako magagalit? Sige na puntahan mo na siya" napatango nalang ako at pumunta na kay yabang na kausap ngayon si Popsy.

"Minsan ho manuod kayo ng game namin, ipapasundo ko po kayo" dinig kong sabi niya kay Popsy.

"Sige iho, makaka asa kang manunuod kami." Wow, so close na sila agad?

"Ehem" sadya kong sabi dahilan para mapatingin sila sa'kin.

"Anak, mabuti at gising ka na. Kanina pa nandito ang nobyo mo" ngumiti lang ako ng pilit kay Popsy. Bakit close sila agad?

"Good afternoon Lexi" ngiting ngiting sabi sakin ng ungas na 'to. Nakita ko naman si Popsy na parang kilig na kilig. Popsy kala ko ba mag uusap, bakit close kayo agad??!!!!

"Sige mga anak, tutulungan ko lang ang Momsy niyo maghanda ng tanghalian natin" sabay alis ni Popsy papuntang kusina. Mga anak? Momsy niyo?

Pag alis na pag alis ni Popsy hinampas ko agad si yabang!

"Ouch! What is your problem?"

"Anong sinabi mo sa magulang ko ha? Bakit close ka agad sakanila?" pabulong kong tanong kasi baka marinig kami. Ngumiti lang sya.

"Well, maybe they find me too handsome" sinabi niya yun na parang wala lang. Lalong sumama yung tingin ko sakanya na ikinatuwa niya naman. Baliw.

"I just told them that we love each other. Hindi naman sila nagalit sakin" sagot niyang parang wala lang.

"Bakit mo 'yon sinabi? Wala naman 'to sa usapan ah. Paano kapag tapos na ang deal ano ng sasabihin ko sakanila?" napaisip naman siya sa sinabi ko. Kahit kelan talaga di gumagamit ng utak to. Hay!

"Sorry. Natuwa lang din ako kausap ang parents mo. Ang dami nilang kwento, so nung tinanong na nila ako about us yun nalang ang sinabi ko. I didn't think of what you said" sinabi niya yun na parang super guilty.

"Hayaan mo na, nangyari na eh. Bakit hindi mo man lang ako tinawagan na papunta ka na pala?"

"What's the sense? Hindi ka naman lagi sumasagot"

"Wala kasi akong load"

"I know. So here" sabay abot sakin ng paper bag.

"Ano to?" nagtataka kong tanong sakanya.

"Buksan mo kaya para di ka nagtatanong" masungit niyang sabi sakin. Kahit kelan talaga.

Pagbukas ko ng paper bag isang box na may logo ng apple amg nakita ko. WHAT?

"Ano 'to? Iphone? Anong gagawin ko dito?!" Tanong ko sakanya.

"You are always loud! Para may pang reply ka na sa'kin. That phone has a line so you can call and text me anytime" seryoso ba siya? Ang mahal kaya ng phone na 'to.

"Magpapaload nalang ako no. Hindi ko yan kailangan. Ayoko niyan"

"Sayo na yan Lexi. Para couple phone tayo" sabay pakita niya ng phone niya habang nakangiti sakin. He's too cute for me to resist.

Erase Erase! Ano ba yan Elize!

"Kailangan ba talaga to sa pag papanggap natin ha?"

"Yup, so please, tanggapin mo na yan. Nandiyan na din number ko" sabay kindat sa'kin. Inirapan ko naman siya at nilapag ang phone.

"Please, last na 'to ha? Hindi mo ako kailangan bilhan ng kung ano ano, hindi mo naman ako girlfriend. Okay na sa'kin na makapag aral sa DLU" seryoso kong sabi habang nakatingin sa mata niya. Umiwas naman siya ng tingin sabay tango. Mabuti ng malinaw.

"Mga anak kakain na!" sigaw ni Momsy sa amin. Tumayo na ako sabay aya rin kay Renzo.

Nakaupo na kami ngayon sa hapag kainan. Ulam namin ay gulay at pritong isda. Agad kong inalala si Renzo kasi baka di siya kumakain nun.

"Pasensya na iho sa ulam ha? Kumakain ka ba nito?" tanong ni Popsy.

"Wala pong problema, opo kumakain po ako nito. Thank you po for the food" nakangiti siya habang sinasabi yun.

"Ichan mag dasal ka na" sabi ko sa kapatid ko. Nagpray kami at kumain na din.

Natatawa ako kasi parang hirap na hirap si Renzo kainin yung isda. Kumakain pala ha! Hahaha

Nakita niya naman akong nakatingin sakanya habang natatawa at sinamaan niya lang ako ng tingin at nagpatuloy na sa pagkain.

"Kumakain pala ha?" bulong ko sakanya na hindi niya naman pinansin.

Infairness kay yabang ang dami niyang nakain. Siguro nasarapan talaga siya sa luto ni Momsy.

"Salamat po sa masarap na pagkain" Sabi niya sa magulang ko.

"Walang anuman iho, sa susunod ipagluluto ulit kita ng iba pang putahe." sagot sakanya ni Momsy.

Si Ichan ang naghugas ng pinagkainan samantalang kaming dalawa ay nanunuod lang ng tv sa sala. Sila Momsy at Popsy ay magpapahinga na daw muna sa kwarto.

Di kalauna'y sumama na din sa'min si Ichan manuod ng TV. Himala di siya nag babasa ngayon.

"Hi!" bati ni Renzo sa kapatid ko.

"Hello po" nahihiyang sabi ng kapatid ko. Ang cute.

"Do you want to play basketball?" tanong ni Renzo sakanya.

"Uhm, I don't know how to play po. All I do is read books lang po" tinignan naman ako ni Renzo, na parang nagpapa alam. Sabay tingin ulit kay Ichan.

"I can teach you. Kung gusto mo" parang naexcite naman si Ichan sa sinabi ni Renzo. Hindi kasi siya pala labas so wala rin siya gaanong friends, at hindi rin siya nakaka laro ng sports.

"Okay po" Tanging sagot ng kapatid ko.

Nandito na kami ngayon sa court malapit sa bahay namin at mabuti nalang wala pang naglalaro. Dala rin pala ni Renzo sa kotse niya yung bola niya kaya may gagamitin sila.

Pinapanuod ko lang sila yabang at Ichan mag laro, tinuturuan niya ngayon yung kapatid ko kung paano tamang mag shoot ng bola.

Kahit papa ano mabait din pala itong mayabang na 'to.

"Ate, sali ka po" aya sakin ni Ichan. Umiling lang ako bilang pagtanggi. Hindi naman kasi ako marunong.

"Lexi come on! Sumali ka na" aya ni Renzo.

"Ate please?" Lumapit na ako dahil sa pangungulit nila sa akin.

Binato sakin ni Renzo ang bola at tinry kong idribble at ishoot. Pero hindi man lang tumama sa ring yung bola.

"Ang hirap naman" reklamo ko sa dalawa. Sabay naman nila akong tinawanan.

Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si Renzo at hinawakan yung dalawang kamay ko mula sa likod at pinosisyon na parang mag shushoot ng bola.

"Ganito dapat yung kamay mo. Relax lang tapos nasa wrist yung force. Then, shoot" Wala akong naintindihan sa sinabi niya kasi kinakabahan ako sa lapit naming dalawa. Narinig ko nalang na pumapalakpak na si Ichan dahil nashoot pala namin ang bola.

Napatingin ako kay Renzo na nakangiti rin sa akin ngayon. Ang gwapo niya huhuhu nakakainis.

Umuwi na rin kami matapos nun dahil may mga dumating na din na maglalaro na ng basketball.

"Thank you po Kuya Renz for teaching me basketball" sabi ng kapatid ko. Ginulo lang ni Renzo yung buhok niya at ngumiti.

Uuwi na rin si yabang ngayon at nakapag paalam na siya kila Momsy at Popsy.

"Welcome ka anytime dito iho. Punta ka lang" sabi ni Popsy kay Renzo.

"Thank you po Tito and Tita" sagot niya naman sa magulang ko.

"Ano ka ba iho, Momsy at Popsy nalang. Wag na Tito at Tita" nagulat naman ako sa sinabi ni Momsy. Maging si Renzo ay mukhang nagulat din pero di kalauna'y ngumiti na din.

"Okay po Momsy and Popsy" nahihiya niya pang sabi. Ayoko ng ganito, nagagwapuhan ako sa lahat ng ginagawa ni yabang. Huhuhu. Ayoko din siyang maging super close sa magulang ko.

Nagpaalam na sila at hinatid ko na si yabang sa kotse niya.

"Thanks for today Lexi. I enjoyed it" sabi niya sakin habang nakangiti.

"Hindi ako sanay na ang bait mo. May multiple personality ka ba?" sumimangot naman siya agad at tinignan ako ng masama.

"Joke lang Renzo! Joke lang" sabi ko na tumatawa. Umiling na lang siya at pumasok na sa sasakyan niya.

"I'll go ahead" sasagot pa sana ako ng Ingat pero umandar na agad siya.

Bastos pa rin talaga!

Pumasok na ako sa loob ng bahay at hindi na rin naman ako tinanong pa nila Momsy at Popsy.

Nag-advance study nalang ako ng lessons. Nung gabi na ay naghapunan at naghugas naman ng pinggan.

Nang matutulog na ay naisipan kong i-check yung iphone na bigay sakin ni Renzo.

Nakita kong may message pala siya sakin dun.

From: My Handsome Boyfriend <3

Just got home Lexi :)

My handsome boyfriend? What the heck?! Kanina pa pala yung message na 'yon.

Papalitan ko sana ng yabang yung pangalan pero naisip kong mabait naman siya sa'kin today so hahayaan ko nalang.

I typed "My handsome boyfriend your ass. Hindi ka handsome!"

He replied back immediately, "Okay, then change it to 'My Boyfriend' atleast that's true" Bigla namang nag init yung pisngi ko nung nabasa ko yun. Nakakainis na yabang to!

Nag message pa siya ulit ng 'Naks! May pang reply na, thanks to me" Bwiset talaga tong lalaki na 'to. Pang asar ang kayabangan!

Pinalitan ko na ng 'Yabang' yung pangalan niya sa inis!

"Whatever Renzo yabang! Tulog na ako! Night!"

Hinintay ko siyang sumagot pero wala na akong natanggap. Naiinis ako sa sarili ko kasi naghihintay ako ng sagot mula sakanya.

Maya maya pa ay nakareceive ulit ako ng message.

"Goodnight grumpy girlfriend. See you on Monday" Grumpy? Tss. Pero imbis mainis eh natawa pa ako sa message niyang 'yon. Ano ba nangyayari sayo self?

Lord, may crush na po ba ako sa mayabang na 'yon?

HINDI PWEDE!!! :(

--